You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Tag Archives: rome

NAKALINGKAWAS (Kalayaan para sa isang Surigawnon)

NAKALINGKAWAS
Ni: Minda Teves

Nakalingkawas matud ako sa kalisod
Kalisod mag isip kon unhon pagtabang
Pagtabang sa kinahanglanon nan KATAWHAN

Katawhan na dili manginlabot sa Iban
Iban na tawo ak isab tagtabangan
Nakay an Iban pagkatapos tabangan
Dili na mahibayo molingi kon diin gikan

Nakalingkawas ako sa ak lugar na tag gikanan
Nokadto sa lajo na lugar
Kadugajan ak hindomduman, hain na an IBAN?

Italia: Karera ng mga recycled boats sa Recyclable Regatta

Source: www.akoaypilipino.eu

Rome, Mayo 12, 2012 – Isang dosenang mga bangka gawa sa mga recycled plastic bottles, mga lata at iba pang materyales ang nagkarera sa Subic bay noong nakaraang linggo para sa garbage boat race.

Italia: Stop ang direct hire. Paano na ang kasunduan ng Italya sa ibang bansa?

Source: www.akoaypilipino.eu

Roma – Mayo 21, 2012 – Ang stop sa entry quotas para sa trabaho na desisyon ng pamahalaan ay isang “hindi magandang ideya”. Dahil ito ay magpapahintulot sa maraming irregularities, bukod dito ay apektado ang non-EU countries na mayroong kasunduan sa Italya sa immigration.

Italia: Isang FB profile, nireport sa Embahada

Source: www.akoaypilipino.eu

Hindi magandang biro, buhay ng tao at reputasyon ang nakataya.

Rome, Mayo 16, 2012 – Dumulog at nag-apila kamakailan sa Embahada ng Pilipinas sa Roma ang tunay na may account sa social networking site na Facebook upang linawin ang diumano’y paggamit sa kanyang pangalan at larawan na nagtataglay ng masasamang komento laban sa mga Igorot sa Baguio City. Inggit o selos ang diumanong hinihinalang

Italya: Permesso di soggiorno per attesa occupazione, maaari bang i-renew?

Source: akoaypilipino.eu

Roma, Mayo 7, 2012 – Ang permesso di soggiorno per attesa occupazione o permit to stay para sa nawalan ng trabaho ay hindi maaaring i-renew at sa deadline nito, kung ang imigrante ay hindi makakakuha ng panibagong trabaho at hindi rin mare-renew ang permit to stay para sa subordinate job, ay dapat lisanin ang Italya. Ito ang nilalaman ng kasalukuyang batas at kinumpirma ng ilang beses ng Regional Administrative Court.

Italya: Paglilinaw ukol sa self-certification para sa mga imigrante

Source: akoaypilipino.eu

Roma – Abril 26, 2012 – Mula noong Enero 1, 2012 ay nagpalabas ng mahahalagang pamamaraan ukol sa self-certification sa mga public offices, mga patakaran na ipinatutupad rin sa mga non-EU nationals na naninirahan sa Italya.

Italya: Aplikasyon sa direct hire, umabot na sa 40,000

Source: akoaypilipino.eu

Roma, Abril 30, 2012 – Ang mga aplikasyong ipinadala online ng Direct hire 2012 para sa mga seasonal workers, ay higit na sa 40,000.

Ang pinakahuling bilang na inilabas ng Viminale sa pamamagitan ng website www.interno.it site, ay ang kabuuang bilang ng 40,202 ang mga aplikasyon na ipinadala on line. Sa mga ito, 17,717 ang natanggap mula sa mga asosasyon at mga patronage, 999 naman ang mula sa mga job consultants at 21,486

Italya: Human Philippine Flag Formation, kayang-kaya kung sama-sama

Source:  akoaypilipino.eu

Rome,  Abril 26, 2012 – Ito ang pinatunayan ng ilunsad ng Sentro Pilipino Chaplaincy dito sa Roma ang proyektong pagbuo ng ating Bandila sa pamamagitan ng mga Kabataang Pinoy ( Human Philippine Flag Formation). Ginanap ito noong April 22, 2012 sa mainit na Pagtanggap ng Pag-ibig kay Hesus Community, Sts. Peter and Paul Basilica, Eur.

Italya: Ano ang mga minimum na pamantayang itinakda ng Kumbensiyon Blg. 189 para sa mga kasambahay?

Source:  www.akoaypilipino.eu

Batayang karapatan ng mga kasambahay

–  Pagpapalaganap at pangangalaga sa mga karapatang pantao ng lahat ng kasambahay (Pambungad:Artikulo 3)

–  Paggalang at proteksiyon ng mga batayang prinsipyo at karapatan habang nagtatrabaho: a) karapatang sumapi at ang mahusay na pagkilala sa kolektibong pakikipagsundo: b) pagtanggal sa lahat ng anyo ng sapilitang pagtatrabaho: c) pagtanggal ng lahat ng lakas-

Italya: Disenteng trabaho para sa mga kasambahay o Kumbensyon Bilang 189 – Ano ito?

Source: www.akoaypilipino.eu

Trabaho ang gawaing pambahay. Ang mga kasambahay, gaya ng ibang manggagawa, ay may karapatan sa disenteng trabaho.

Noong 16 Hunyo 2011, ang International Labour Conference ng International Labour Organization ay nagpatibay ng Kumbensiyon

Italya: Bilang ng mga seasonal workers sa bawat rehiyon

Source: www.akoaypilipino.eu

Roma – Abril 6, 2012 – Ang direct hire na nagpapahintulot ng mga bagong entries ng 35,000 na mga seasonal workers sa Italya ay hindi pa nailalathala sa Official Gazzette. Matapos itong mailathala ay saka pa lamang maipapadala ang mga aplikasyon ng hiring on line, pansamantalang maaaring i-fill up ang mga aplkikasyon at i-save lamang ang mga ito sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior.

Ang mga manggagawa ay magta-trabaho sa agrikultura at turismo , at magmumula sa mga sumusunod na mga bansa: Albania, Algeria,

Italya: Aplikasyon maaari nang sagutan on line

Source:  akoaypilipino.eu

Roma – Marso 22, 2012 – Ang direct hire na pinirmahan ilang araw na ang nakaraan ng pamahalaan ay magpapahintulot sa pagpasok ng 35,000 seasonal workers at 4,000 workers na sumailalim sa mga programa ng pagsasanay sa sariling bansa. Ang mga employer ay kailangang maghintay ng publikasyon ng

Pangunahing katanungan ng mga naulila ng isang ofw sa Italya

Source:  akoaypilipino.eu

Roma, Marso 20, 2012 – Narito ang mga pangunahing katanungan na maaaring makatulong sa pamilya o kamag-anak ng naulila, mula sa kasalukuyang Welfare Officer at OIC POLO-OWWA na si Ruth Roselynn C. Vibar.

Rome: Pinay, nagnakaw ng limang Rolex sa employer

Source: akoaypilipino.eu

Roma, 23 Marso 2012 – Hindi naitago ang ginawang pagnanakaw at agad ay inamin ito sa kanyang employer, ang pagnanakaw ng limang Rolex na nagkakahalaga ng halos 50,000 euro. Ang Filipina, isang colf at may edad na 46, ay kinumpirma maging sa mga pulis ang krimen. Kinasuhan ng pagnanakaw

Italya: Mga dapat gawin sa pagpapauwi ng bangkay sa sariling bansa

Source: akoaypilipino.eu

Roma – Marso 20, 2012 – Kapag nagpasyang ipauwi sa sariling bansa ang bangkay, ay mahaharap sa isang prosesong hindi madali at simple.

Sangguniang mga Batas at alituntunin

Sa kasalukuyan, ay walang batas sa pagpapabalik ng bangkay sa sariling bansa. Sa Italya ay maaaring sumangguni sa regulasyon ng National Mortuary Police, sa circular ng Ministry of Health n. 24 ng 1993, at

Italya: Nanay Doring, di pa rin natatagpuan

Source: akoaypilipino.eu

Roma, Marso 23, 2012 – Ika- 29 ng Pebrero ng huling makita si Nanay Teodora Dinglasan, kilala sa tawag na ‘Doring’, 74 anyos at may taas na 158 cm., residente sa Via Francesco Soave 15, zona ng Monte Mario.

Araw-araw sinusundo ni Nanay Doring ang kanyang apo mula sa paaralan na di kalayuan ang