You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Tag Archives: Tasio Espiritu

OFW- Mga Bayaning Inaapi at Kinukotongan ng Gobyernong Naligaw sa Tuwid na Daan

Bayaning OFWOFW- Mga Bayaning Inaapi at Kinukotongan ng Gobyernong Naligaw sa Tuwid na Daan

BAYANING OFW

Naghihirap sa abroad, homesick minsan, depression ang inabot, may naabuso ng employer, naghihirap pero nagtitiis alang-alang sa pamilya na naiwan sa inang bayan.

Ang perang padala ng mga OFW, after exports, ang ating mga remittance ay pangalawa sa pinakamalaking tulong sa ekonomiya ng ating bansa. Maliban pa doon, dahil sa ating mga

Ang Pinakamainam na Kamatayan

Tunay na tuwid na daanNagkukumpetensyahan, naglalamangan, nagpapaligsahan sa makamundong kapangyarihan, kasikatan at kayamanan na nakikita ng mga mata ng mga tao lamang.

Mga alipin ng mundo. .mapapatigil lang kayo sa inyong kahibangan sa pinakahuli nyong pagdalaw sa  libingan. Saka nyo lang mapagtanto na sinayang nyo lang ang sandali na pinahiram ng Tagapaglikha sa inyo,

Samantalang ang mga alipin ng Tagapaglikha, ang mga tunay na may malawak ang pag-uunawa. ang mga tunay na malaya, ang mga tunay na mananampalataya. sa kanilang mga sarili lamang sila nakipagkumpetensyahan; ang kabutihan at pananampalataya na ginawa nila kahapon ay lalamangan nila ngayon, at hihigitan pa nila bukas.

Ang Pinakamainam na Kamatayan

1. Mamatay habang nagdarasal sa masjid – kaya damihan mo ang iyong mga dasal at pagpunta sa masjid.
2. Mamatay habang gumagawa ng kabutihan at kawanggawa – kaya damihan mo ang oras para sa paglingkod sa kapwa at paggawa ng kabutihan.
3. Mamatay habang namumuhay at nakipaglaban para sa katotohanan, katarungan at

Paano ang tamang computation sa End of Service Benefits (ESB) ng isang manggagawa sa Saudi Arabia?

Paano ang tamang computation sa End of Service Benefits (ESB) ng isang manggagawa sa Saudi Arabia?

Kung tutuusin, napakadaling unawain ang provision ng Saudi Labor law tungkol sa (ESB). Napakasimple lamang ang computation kaya hindi na tayo sumulat pa ng paliwanag tungkol dito noon. Pero nitong mga nakaraang araw ay may kumakalat na maling interpretasyon sa pag-calculate ng ESB na nailathala sa isang OFW website.

Kaya tayo ay naalarma dahil imbes na makatulong sa mga OFW, mas kalituhan ang itinuro ng computation ng ESB, dahil mali. Posible pang magkaroon ng basehan ang mga abusadong employer na bigyan ng maliit na halaga ng ESB ang worker kung sakaling mabasa nila (ng mga employer) ang maling computation na nalathala.

Bangsamoro Then and Now

Image source: wikipedia.org

“Iisa lang ang Pilipinas, na binubuo ng Luzon Visayas at Mindanao! Lipulin ang mga Moro sa Mindanao!”.

Mula pa noong 1565, yan na ang sigaw ng mga mananakop at ng kanilang mga alipin
—————————

1565 – 1898
 – Spanish invaders and the “esclavos Indios” said: “Sólo hay un país la islas Filipinas, Luzón, Visayas, Mindanao. Invade Mindanao y matar a todos los moros!”

Results:

The Spanish failed and the Moros maintained their independence from Spain, battling them constantly until 1898 when the Spanish sold the Philippines to the Americans for 20 Million USD (Treaty of Paris).

Another conflict sparked in southern Philippines between the revolutionary Muslims in the Philippines and the United States Military that took place between 1899 and 1913.
—————————

1899 – 1941 – American invaders and their “slaves” said: “There is only one country the Philippine Islands, luzon, visayas, mindanao. Invade Mindanao and kill all the moros!”

Results:

In 1906, More than 600 mostly unarmed Muslim Moro villagers (including many women and children) were killed by the Americans, of whom fifteen soldiers were killed and thirty-two were

OFW Speak “No To 550 Pesos Airport Terminal Fee, No To Corruption”

OFW Speak “No To 550 Pesos Airport Terminal Fee, No To Corruption”
First posted in Facebook.com/PatnubayOnline

Please read, share and change your profile picture.

Nagpadala na ng memo ang MIAA na may pirma ni Honrado, na nag-uutos sa mga airline companies at airport stakeholders na itutuloy na nila ang pagsingil ng 550 Pesos terminal fee sa NAIA ngayong darating na February 1, 2015.

Lahat na lamang na gusto ng gobyerno pababayaran sa ating mga OFW ay sapilitang ipinatupad na walang konsultasyon mula sa ating hanay. Kahit napakavalid pa ng ating mga rason ay hindi tayo pakikinggan. Ito na ang gobyerno na sobrang nagbalewala sa ating mga

Pinay na Mananahi Natagpuang Patay sa Kwarto

Pinay na Mananahi Natagpuang Patay sa Kwarto
January 4, 2015, Qatif, KSA

Pumunta kaagad ang awtoridad pagkatapos makatanggap ng tip na may isang Filipina na hindi nagbukas ng kwarto at hindi sumagot ng mga tawag sa kanyang phone. Nang mabuksan ang pintuan ay natagpuan na wala ng buhay ang ating kababayan. Dinala kaagad ang katawan ni kabayan hospital para sa medical examination at lumabas sa initial findings na natural cause of death

Arabic News Source: http://www.qatifnews.com/index.php?show=news&action=article&id=66095

Isang OFW nagsuicide sa Al Baha, KSA

Isang OFW nagsuicide sa Al Baha, KSA
Enero 4, 2015, Al Baha, KSA –

Isang kababayan ay natagpuang patay noong Enero 4, 2015 ng gabi; sa Baha, Saudi Arabia. Ang kababayan ay bagong dating umano sa kaharian at nasa 30s ang edad.

Nawala umano si kabayan pagkatapos ng trabaho, bandang alas kwatro ng hapon. Hinanap sya ng mga kasamahan at nang matagpuan sa loob ng kanyang room ay wala na itong buhay na nakabitin sa kisame gamit ang lubid na ipinantali nito sa leeg.

Si kabayan ay may problema umano sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

Dumating din kaagad ang awtoridad na nag-imbestiga sa kaso

Arabic News Source: http://sabq.org/gRugde

Patnubay Advocacy Group Going Ten

Patnubay Advocacy Group Going Ten
First Posted in Facebook.com/PatnubayOnline

Kapayapaan!.. Papuri sa Nag-iisang Tagapaglikha, sa Kanya lang tayo nananalangin at humihingi ng awa.

Maligayang bagong taon sa lahat! Sana sa 2015 ay mas dadami pa ang mga servant at principle-centered leaders na ating mahahanap at makakasama saan mang panig ng mundo. Alam natin na marami pa sa paligid ang tumutulong ng walang hinininging kapalit na hindi pa natin nakilala. Alam natin na marami din sa paligid ang hindi ipinag-palit ang prinsipyo sa sariling mga interes.

Alam din natin na marami na rin ang sumusunod sa halimbawa na ating pinapakita.

Balang-araw ay magpang-abot din tayo lahat dahil iisa lang ang ating hangarin at adhikain.. iisa lang ang ating direksyon.

Hindi natin kailangan ng taga-hanga, taga-puri at kahit pasasalamat. Ang kailangan natin ay

Patnubay Leaks: Our Victory, Ate Marife’s Anzano’s Fight for OFWs !


First Leaked in 
https://www.facebook.com/PatnubayOnline

Subject:Our Victory : Ate Marife’s Anzano’s Fight for OFWs .. A Must Read.. A Shame on PNOY’s Government!

To:  Philippine Government Agencies, NGO Partners, Fellow Advocates and Media Friends

This is a must read.. if you are a person who upholds the principles of truth, fairness and justice.

Noong December 26, 2014. naka-uwi si ate Marife Anzano sa Pilipinas, pagkatapos ng isang taon at kalahating pagtiiis sa kamay ng POLO. Nakauwi si ate na hindi alam ng amo nyang babae, di alam ng taga polo at di alam ng agency. So, walang sapilitan na quitclaim na

Carlito Khalid Lana

Ang execution kay Carlito Lana ay nangyari kahapon, Biyenes, Disyembre 12, 2014. sa bandang alas tres ng hapon, sa Riyadh.

Arabic na Balita sa pagbitay – http://www.spa.gov.sa/details.php?id=1305214

Si Carlito ay nahatulan ng bitay dahil sa pagpatay sa kanyang matandang amo, sa pamagitan ng pagbaril at pagsagasa ng sasakyan noong 2011 sa Azizia, Riyadh. Nagkaroon umano ng pagtatalo si Carlito sa kanyang amo bago nangyari ang insidente

Arabic na Balita sa insidente – http://www.alriyadh.com/591549

Success Story – Case Closure: Aslamia – Maltreated HSW

Success Story – Case Closure: Aslamia – Maltreated HSW
First posted in Facebook.com/PatnubayOnline 

Ang pasasalamat at papuri ay ukol lamang sa Nag-iisang Tagapaglikha sa pagbibigay sa atin ng tulong, gabay at tamang mga tao para makamit ang hustisya at katarungan para sa isang naapi.

Tagumpay na naipaglaban ng ating embahada ang karapatan ni Aslamia, isang kasambahay sa Saudi. na minaltrato ng kanyang amo (anak ng kanyang sponsor) sa loob ng apat na taon. Nagpatong-patong na scars at at napatungan pa ng mga mga sugat ng una

Tagumpay na nakamit ang Karapatan ng Pamilya ni OFW I.L. (Road Traffic Accident Victim – Jubail – KSA 2012)

Tagumpay na nakamit ang Karapatan ng Pamilya ni OFW I.L. (Road Traffic Accident Victim – Jubail – KSA 2012)
First Posted in  
facebook.com/patnubay-online

2014-10-19 1:01 GMT+03:00 R. L.:

yes sir gagawin ko po yan

On Saturday, October 18, 2014 3:23 PM, Joseph Henry Espiritu wrote:

walang anuman R.L.. hindi namin kailangan yan . ang hilingin naming sayo ay kung sakali may time na may lalapit sa inyo na need ng help. kahit sino basta alam nyo na dapat tulongan ay tulongan nyo na walang hihinging kapalit. ingat kayo lagi.

please stay sa patnubay. and if mayroong dapat mga ishare. i share nyo. Wala tayong ibang hangad kundi maipasatama ang maling Sistema at maipagbago ang dapat baguhin.

yan lang ang naman ang pinagtatampo ko sa napakaraming tulongan, ilang libo yan.. Noong kailangan pa nila ng tulong, aba ang daming pangako kailangang maging patnubay din. At dapat ipaglaban ang karapatan ng mga ofws. Pero ngayon di na sila makikita.. kahit

Case Closure Report: Wilfredo Perigrino Roblica (OFW in KSA with cancer)

Case Closure Report: Wilfredo Perigrino Roblica (OFW in KSA with cancer)
First posted in
https://www.facebook.com/notes/patnubay-online

2014-09-09 9:26 GMT+03:00 Joseph Henry Espiritu wrote : Our Sincere thanks to USEC Rafael Seguis, DFA-OUMWA, Ambassador Ezzedin Tago, Assistance to Nationals Section of the Philippine Embassy in Riyadh, ANCOP-CFC (Thursday Group), Alias LorenzLoius, and Mr &Mrs FAQ.. Maraming maraming salamat at Mabuhay po kayo! – Patnubay.org

Updates: Messaage from Manong Wilfredo (translated to Tagalog)

Dong pumunta kami ni ranjib kahapon sa jawasat at magandang balita dahil wala nang babayaran na penalty nang na-icheck ulit ng officer sa computer. Hindi na katulad dati na ang sabi ay may mokalfa daw ako.

Halimbawa Lamang (Ang Pilipinas ang Palestine)


Halimbawa Lamang
by Abu Bakr Espiritu
First Posted in Facebook.com/PatnubayOnline
July 21, 2014

Halimbawa kung noong 1948, ay Pilipinas ang pinili na lugar para magmigrate ang milyon na Jews mula europe na biktima ng persecution at holocaust.. papayag ba kayo?

Katulad ng mga Palestinians papayag siguro tayo, dahil maawin din tayo.

Halimbawa dahil nakaplano pala silang mang-agaw at sa dami na ng jews na pumasok ay dahan-dahan na nila tayong tinataboy, at inaangkin ang ating lupain at ari-arian. at ang ayaw aalis ay papatayin, bata, matanda at mga babae katulad ng ginawa nila sa deir yassin massacre?

Halimbawa dahil hindi natin napaghandaan (dahil hindi natin alam na ang pagiging refugee pala ay balatkayo lamang pero ang totoong plano ng mga Jews ay agawin ang bansa natin) natalo tayo sa civil war at buong Pilpinas ay inangkin nila. 

Example Letter for Non-Renewal of Contract

Example Letter for Non-Renewal of Contract
Drafted by Tasio Espiritu
First Posted in Facebook.com
Last July 5, 2014

Noong Disyembre 2013 nagsulat tayo ng tips para sa mga OFW sa Saudi na patapos na ang contract. Ang tips na yon ay nakasulat sa link na ito Link:  End of Contract Duration Tips for OFWs in KSA

Isa sa ating mga tips noon ay kung papano gagawa ng non renewal of contract letter.

Malaki ang tiwala ng Patnubay sa kakayahan ng OFW na kaya nilang gumawa ng letter based doon sa ating ibinigay na tip. Subalit, may nagpakalat ng example na “end of contract” letter na ginawa nang pattern ng maraming OFW at naging dependent na sila sa pattern na yon. 

Petisyon ng mga OFW: NAIA Terminal Fee kasama nang babayaran sa Pagbili ng Ticket sa Eroplano.

Petisyon ng mga OFW: NAIA Terminal Fee kasama nang babayaran sa Pagbili ng Ticket sa Eroplano.
First posted in Facebook.com/Patnubayonline
Last July 8, 2014

Pagpaliwanag ng MIAA:

A. Unang-una, ang terminal fee ay kukulektahin na kasama sa pagbili ng airline ticket para sa mga pasaherong paalis ng bansa mula sa NAIA.

Kung ang ticket ay binili sa isang ticketing office sa Pilipinas, walang babayaran na terminal fee ang mga OFW, mga Muslim Pilgrims at mga National Athletes dahil sila ay nakasaad sa batas na exempted sa pagbabayad ng terminal fee. Wala silang babayaran basta lamang mayroon silang hawak na mga katibayan na maipapakita sa ticketing office na kanilang pagbibilhan ng ticket.