You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Tag Archives: Tula

HAGIT Tula: Ang Bag Ni Inday

juvelynAng Bag Ni Inday
Ni Jovelyn Bayubay Revilla

Namulat kami sa kahirapan
Buhay na minsan pag-asa ay sinukuan
Mga katanungan na minsan sagot ay hirap matugunan
Kailan ba aasenso ang tulad namin nangangarap ng kaginhawaan?

Sa eroplanong aming sinakyan
Sa alapaap na sarap hawakan
Luhang pumatak sa huling sandaling pamilyang sinulyapan sa paliparan
Tibay ng dibdib ito ang katurapan
Bansang aming pupuntahan isang sugal
na walang kasiguraduhan
50-50 ang laban
Salitang bahala ito’y para sa kinabukasan

Sigaw…Sigaw..Sigaw musika sa aming tainga
Pagod…Gutom..Puyat sahod ay di kasya
Diskarte kaya basura ay kakampi sa mga gamit na tinatapon nila

Featured Tula: “ROSAS KA SA AKING PANINGIN”

“ROSAS KA SA AKING PANINGIN”

Ikaw ay rosas sa aking paningin
dahon mo’t ugat aking ng naangkin
yakap mo’y mariin sa puso ko’y damhin
yan ang patunay sa pag-ibig kong wagas
kahit na kapos ngunit hindi kukupas…

bango mo’y humahalimuyak sa ganda
na kapag pinitas sa puso ko’y humahaplos
sa yakap mong mahigpit na mahigpit
at damdamin ko’y nabusog sa pag-ibig
mong lubos…

isip ko’y sumasariwa sa’yong mga paalala
tuwing litrato mo’y aking nakikita lagi
akong naka-alala at magilas ng mag-isip
sa puso kong makisig…

Bangon Inang Bayan

Bangon Inang Bayan
Huwag kang sumuko
Ikaw ang Perlas ng Silangan
Bansang aming iningat-ingatan

Dilubyo ma’y lumipas
Ika’y hindi nawalan ng pag-asa
Sa ano mang mga sakuna
Sa tatag mo’y hindi nanghina

Mahal kong Inang Bayan
Sisikapin gawin ang nararapat
Kami ay magsama-sama
Magtulongan makaraos ka lamang

Walang ibang hinangad kundi
Ang ipamalas sariling katatagan
H’wag makalimot sa POONG MAYKAPAL
Panatilihin magagandang asal

Featured Tula: Ang Tula Ni Kabayan

Ang Tula Ni Kabayan
ni Jovelyn Bayubay Revilla

Sa payak na pamumuhay sa bayan
Pagsasaka, pangingisda, pamamasada
Pagtitinda, pananahi, at paglalabada
Tahanan puno ng tawanan
Butil ng luha ni Bunso’y inagawan ng laruan
Pag-aaral ng aking mga anak dapat matustusan
Sa bawat hakbang paa ko’y naputikan
Tinik sa dibdib nakabaon sa kaibuturan
Paalam pamilya, paalam inang bayan

Sa mabuhanging bansa
Abot tanaw ang kalbong disyerto
Kuyom na kamao dito ako magbabanat buto
Bagong pag-asa ito ang kabanata ng buhay na malayo
Talinong taglay dayuhayang bansa ang makinabang ng aking serbisyo
Kapilit ng riyal,dinar,dirham at dolyar pamilya para sa inyo ito
Sumang-ayon ang kapalaran sa pangarap ko

Noong ako’y bata pa (Tanging Ala-ala)

Noong ako’y bata pa (Tanging Ala-ala)

Noong ako’y bata pa, halos lahat ng mga punong kahoy na may bunga ay pilit kong inaakyat kahit ito’y imposibleng akyatin. Walang kinakatakutan saan mang lugar basta’t maaakayatan. Ngayon sa panahon na ito hindi ko na alam kung kakayanin ko pa at halos lahat ng aking mga buto-buto ay mukhang malubay na, kumpara noong bata pa ako. Sa isipan ko pilit kung susubukan, ngunit ang tanong, meron pa kayang punong maaakyatan tulad noon? Halos lahat ng mga puno ay meron ng may-ari at imposibleng papayag silang ibang taong mamimitas ng kanilang bunga.

Featured Tula: Sobrang pasakit sa bayan

Kumukulog umuulan dumadagundum ang kalangitan. Nagngingitngit, lumuluha, nagagalit ang damdamin ng taong bayan. Tinampalasan dinungisan at iniwan sa kadiliman, tulad ng punit punit na basahan. Inalipusta na parang Batang walang nalalaman napabayaan na nga ang ating Inang Bayan. Ito nga ba ang ating kapalaran?

Featured Tula: Linangin ang Kaisipan kabayan and Buhay Gitnang Silangan

Otiga Boyz

“linangin ang kaisipan kabayan”
By: Florante Dag-on (with Otiga Boyz)

sa buhay kailangang masaktan,
para matutong lumaban,madapa ka man
kailangang bumangon,mga bagay na
kailangang matutunan lalo na dito sa
gitnang silangan, lahat ng bagay dapat
isa alang 2x,di biro ang pagkaitan ng karapatan
lalo’t wala kang sasandalan kung sino lalapitan

dapat kang makialam,linangin ang kaisipan
wag hayaang lamunin ng nakaugalian,
sapagkat hindi tayu sunud sunuran,
ng ibang dayuhan,tumindig ka kabayan

HAGIT: “BANGON PILIPINAS”

“BANGON PILIPINAS”

Malapit na naman ang botohan

Ang sa akin lang po…

kapagka ang tao’y sadyang may pag-ibig,
sa kanyang salita’y kaloob ang langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit,
Katulad ng ibong nasa himpapawid,…

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,

at ang isang tao’y katulad, kabagay
ng alin mang likha noong kalayaan…
Bayan kong PILIPINAS na minamahal
dapat pinapahalagahan, isinasa-isip at
isinasa-puso, bilang isang mamayan…

Featured Story: Kuwento Ng Isang Inday

Kuwento Ng Isang Inday
by Jovelyn Bayubay Revilla

Minsan akong napatingin sa paglubog ng araw sa gitna ng sakahan. Habang ang mga ibon ay nagsiliparan na makahanap ng punong kahoy na madapuan. Ingay ng mga palaka, ang nagsilbing musika sa aking tainga, habang nagmuni-muni sa isang pangarap. Pangrap na sana balang araw, makaahon din kami sa kahirapan. Sa bawat hapyod ko sa sakit ng aking likod at kamay na naninigas ang putik sa balat. Damit na basahan; punit at may butas, araw-araw ito ang sout kong uniform, sa kada lublub ko sa putikan sa palayan. Minsan akong mapatingala sa kalangitan, sabay pahid sa nag-uunahang pawis sa mukha. At ang linyang namutawi sa aking labi at isipan:

“Balang araw matutupad din ang pangarap ko!”

Featured Tula: Construction Worker

Construction Worker
by Jovelyn Bayubay Revilla

Dito sa mainit na disyerto
Bitbit namin ay bigating kargamento
Akyat baba sa mga establisento
Sukat doon, dagdag dito
Kapalit ng libong sweldo
Sa pamilyang mahal ko

Buhay namin ay walang pinag-iba
Sa mga inday na kadama
Parehong nangungulila
Sa bayang maralita
Buhay natin ay nagdusa
Kayo man ay bilanggo at nag-iisa
Kami naman ay malaya pero ubos ang pera
Sa padala at lakwatsa
Para maibsan ang kalungkutang nadarama

Featured Tula: ‎Pangarap sana’y matupad

Pangarap mo’y muli mong
naramdaman, sa matagal
ng hiling tila’y paparating
sa matagal ng pagkabinbin
ay muling lalasapin kung
ito sana’y darating…

Pangarap sana’y matuloy
na sa habang panahon,
na pagka-antala at ngayo’y
nangungulila. pangarap sana
maging masaya tulad ng iba.

Featured Tula: Ikaw at Ako

Sana nakatulog at nakapagpahinga ka
ng maayos, hindi tulad ko tuwing naalala
kita kung napapaano ka aking sinta.
Hindi mo mawawala sa akin ang anong
gumugulo sa isipan at puro A E I O U at
numero ang lumalabas sa mga panaginip ko …

Hindi ko alam kung ano ito, lalo na’t kung
ikaw ang laman lagi ng isip ko, ano nga ba
ang totoo sino ka nga ba sa piling ko, bakit
nga ba ikaw ang lagi nakaregistro tuwing
nag-iisip ako, at ito nga ba ay kasama sa mga

Featured Tula: PANALANGIN NG OFW

Panginoon naming makapangyarihan
tulungan ninyo kaming mga OFW,
ngayon at halos tinatampalasan
kami ng nga taong walang magawa
kundi kami pahihirapan…

PANGINOON parusahan ninyo
ang mga taong Ganid sa kanilang
kapangyarihan na walang naisip
na ibang paraan upang kami
ay suportahan at tulongan,
bagkus kami ay lalo lang tinapakan
at pinagsamantalahan…

Featured Tula: OVERSEAS FILIPINO WORKERS

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

Matagal nagtiis na mawalay sa pamilya upang kumita ng kakaunting salapi para sa mga naiwanan sa Pilipinas, Sa pagka-akala’y paghahanap buhay sa labas ng bansa ay maganda’t mahusay, ngunit ang kalalabasan ay pagdurusa…

Init at pait ang nararamdaman dagdag pa dito ang paghihinagpis, pagtitiis, lumbay at lungkot ang dinanas. Sarili’y tinitiis Dugo’t pawis ang ibinuwis…

Featured Tula: BUHAY NAMIN AY OFW

Buhay namin ay OFW ito kami, nagsasabing
Kami ay PILIPINO taas noo kahit kanino
hindi natatakot sa kahit anong pagsubok sa buhay,
BAGONG BAYANI ng ating LIPUNAN
Kami ang bukas, inilaan ng DIYOS para
magsumikap at mangarap sa magandang hinaharap…

Nilikha nya mga OFW maging masipag para
sa inyo’y katuwang sa mga pangarap umasenso,
kabilang kami sa URING MANGGAGAWA, na
nagbigay sigla sa ating bansa nagpaparamdam na
hindi kami ka iba sa inyo, at taliwas sa iniisip n’yo…

Featured Tula: Pang-unawa

Pang-unawa

Ang puso ko ay parang isang makata na
gusto lagi itong tumutula upang sumariwa
at sumaya. lahat ng kanyang mga nagawa
ay lagi nyang pinaparaya na galing sa loob
ng dibdib nagmula at nagpipilit na agad
kumawala…
.
Habang ako’y nagsasalita lahat nang yan ay
may puso’t diwa at sa iyo iaalay damdamin
ko’y tuwang-tuwa at ito’y nakahinga sa mga
pasakit at nang ito’y tunay na nga nakakalaya…