You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Tag Archives: Tula

Featured Tula: PILIPINAS-Inang Bayan

Pilipinas lugar kung saan tayo’y isinilang,
minahal mula pa ng ating kalolo-lolohan
at ating mga angkan. Pilipinas ating
Inang Bayan pilit ng agawin ng bansang
gahaman at makapangyarihan na sa
pagka- akala’y hindi tayo lalaban sa
kahit anong mangyayari at anong paraan
huwag lang makuha ng mga kawatan…

Huwag silang pakakumpyansa kahit
wala tayong kagamitan tulad ng mga
kagamitan panlaban sa pandaigdigan

Featured Tula: PANAGINIP

Ako’y naglalakad sa mahabang daan,
sa bandang kanan ng aking nilalakaran
dalawang ibon ang nagtutukaan,
para silang isang taong nagmamahalan

sa bandang kaliwa naman ay dalawang pusa’y
naglalaro tila may isang maliit na bagay na
pinag-aagawan.

napahinto ako sa aking nakita ,
dahil kung ihahambing mo sila isang tao’y
hindi malayo ang kanilang pagsasamahan.
bawat galaw nila’y pinag-iisipan.

NASAAN KA GINOO (Philhealth)

Nasaan ka GINOO, anong KONSENSYA ang meron kayo? hindi mo ba naramdaman ang paghihirap ng iyong mga kababayan na itinuring nyong makabagong bayani sa lipunan?

Ano ang pakiramdam nyo kung ang isang OFW na umaalis sa sariling bayan upang magtrabaho sa ibang bansa at ang sariling Pamilya’y pilit lang iwanan kumita lang ng kakarampot, may maipadala lang sa mahal sa buhay.

Featured Tula: Ngiti sa iyong Labi, Panaginip

 Ngiti sa iyong Labi

Pagmasdan mo ang iyong labi
na parang laging nakangiti
ngiti na nagbibigay ng kulay sa
iyong buhay at kapag nakita ng
iba ay sobra ang kaligayahan na
ibinibigay…

kapag ika’y nakatawa ang puso ko’y
tuwang-tuwa, humahalina parang
bulaklak sa harden na humahalimuyak
sa ganda,at walang katumbas na halaga
ang taglay na kaligayahan…

Ang PATNUBAY ayon kay Ka Romy Carbonell

PATNUBAY
by: Romeo S. Carbonell

Ang buhay ng tao’y sadyang may unos at di maiiwasan ang gusot at takot.
Na ang akala mo ay wala ng patutunguhan sa mga landasin at takbo ng ating buhay
Kapag ikaw ay nag-iisa isip mo ay napapagal na, at hinahanap mo yaring pag asa.
Darating ang panahon na bigla ka lang sasaya na may gumabay sa iyo’y pumatnubay

wag kang susuko sa lahat ng panahon pagkat ang buhay ay puno ng kulay
Isipin mong di ka nagiisa sa laban ng ating buhay, pagkat ang patnubay lagi mong karamay
May pag-asa may patnubay may gabay sa paghusay ng ating buhay…
Wag sayangin ang lakas ng bisig kung sa ibay walang higpit sa patnubay tayo’y kumapit.

Poetry: TUNAY NA PAG -IBIG

Isip ko’y gulong–gulo,
lilipad-lipad na walang
patutunguhan,
Paligid ko’y tila isang ulap
na pagkalinaw-linaw…

Tubig ng dagat sumasalamin
Sa kalawakan at na uma-aninag
sa buong kapaligiran…

Bulaklak na humahalimuyak
sa bango, at malakas na hangin
na dumadapo sa lumalangitngit
na kawayan…

Featured Poetry: Ikaw Ang Buhay Ko

Francis Morilao - Qatar

by: Francis Morilao – Qatar

Ikaw Ang Buhay Ko

ang sabi nila

Mula nang makilala ka aking sinta,
Buhay ko’y nag-iba, naging masigla;
Binigyan mo ng kulay ang pisngi kong matamlay,
Muling nagkaroon ng pag-asa itong paglalakbay.

Bihag, Pilipino Ako (Mga Tulang Pangkalayaan ni Ka Kiko Morilao)

Francis Morilao - Qatar

“Bihag”
by Francis Morilao

‘sang libong taon na ang lumipas
kasarinlang binanggit ng mga pantas
nabago na ang saligang batas
marami pa ring nakikitang butas

isinulat ng mga kulumnista
sa mga kuha ng letratista
ang isinisigaw ng mga aktibista
hinahanap nila ay iisa

Kalayaan para sa Tambay ng Bat’ha Ayon kay Pink Floyd

Kalayaan para sa Tambay ng Bat’ha
Ayon kay Pink Floyd

Ako si Pink Floyd, tambay ng Bat’ha
Nagmamasid, naghihintay
Padala sa pamilya, ala eh, bahala na
Konting baryang hawak, wag sana madamay

Nakakainip ang gawi ng tambay
Ang bagal dumating ng mga kalaro
Mga kapwa-tambay, pasaway
Umaasa sa barya, dodoble, lalago

Pilipino, Saan Ka Patutungo? (Ang Kalayaan para sa isang OFW)


Pilipino, Saan Ka Patutungo?
ni Marizcelle Puertellano
aka Reina Emotera

Isang hibla ng buhay, kabanatang natapos,
Tila ang ba ang hininga, unti unting nauupos,
Ang pag asa at bukas, inaasahang lubos,
Sa paglipas ng sandali, unti unting nauubos.

Ang Kalayaan para kay Timeong at Tasyo

Timothy Cortez Ignacio

 

KALAYAAN
By: Timothy Cortez Ignacio

KALAYAAN
Simbulo ng katapangan
Tatak ng kabayanihan
Karapatan ng sino man

KALAYAAN
Dugo ang namag-itan
upang ating makamtan
ang tunay na KALAYAAN

KALAYAAN ng Mahirap
KALAYAAN ng Mayaman
Patuloy na ipinaglalaban
Kahit na sa maling paraan

Featured Poem and Video: Mabuti ka aking ina.

Francis Morilao - Qatar

mula sa sinapupunan’y iyong inaruga
iningatan ako hanggang sa um-uha

sa paglaki ko naging mahigpit ka
inilayo ako sa maling barkada

pagkakamali ko’y iyong pinupuna
pangaral at palo ang sa akin’y tatama

mabubura pa ba ang mga ala-ala
ng pagmamalupit mo noong ako’y bata pa?

Tagalog Poetry: Salamat sa iyong Respeto

Francis Morilao - Qatar

First posted in kwentonikiko.com

Mahirap magbalatkayong masaya,
Lalo na’t hindi ka kapiling sinta;
Sa tuwing gabing nag-iisa,
Mga yakap mo’t paglalambing ang nasa isip sa tuwina.

Pilitin ko mang ipikit itong aking mga mata,
Sa diwa ko’y laging nariyan ka;
Alam mo bang miss na miss na kita?
At palaging laman ng panaginip sa tuwina.

Poetry: Mabuhay ka Aking Guro

Francis Morilao - Qatar

First posted in kwentonikiko.com

OFW ka man o nanatili sa bansa
pagmamahal mo at pagkalinga
hindi mababayaran ng kahit sinong bata

ang aking mga natutunan
hinding hindi ko malilimutan
ikaw na guro ng paaralan
huwaran ka ng lipunan

Poetry: Sa IYONG Muling Pagdalaw – Tulang Pasasalamat sa Diyos

Francis Morilao - Qatar

First posted in kwentonikiko.com

Pikit at salop ng hikbing pigil,
Nais kumawala ng damdaming lingid;
Inaasam na Ikaw ay nais makapiling,
Kailan Ka muling dadalaw sa akin?

Awit at paruri’y pumailanglang,
Sa tunog ng trumpeta mula sa kawalan;
Mistulang senyales ng Iyong pagdating,
Patak ng luha’y hinuhugot sa dilim.

Featured Poem and Video: “Babad” by Francis Morilao

Francis Morilao - Qatar

tulang ito’y aking ginawa
alay sa bawat pamilya
bagong taon, bagong pag-asa
dalangin sa Diyos, na ating Ama

Babad ni Francis Morilao

Nais kong magpakalunod sa Iyong presensya,
Nais kong palakasin itong aking kaluluwa;
Ipagsigawan ang aking nadarama,
Ang pangungulila’t pagkabalisa.