Ang mensaheng ito ay para lamang sa mga may malayang isipan.
Malayo ang mararating kung magkakasama ang mga may malayang isipan.
Hindi nasusukat ang kabayanihan sa paramihan ng kakilala o tagahanga. Napakadali lamang magyabang at gumawa ng kwento para ikaw ay kahangaan.
Hindi rin ito nasusukat sa mga tropeo o plake kung saan ang kabayanihan ay ginawa nang paligsahan.
Hindi natin kailangan ng tagahanga. Ang kailangan natin ay mga tagasunod sa ating mga aral.
Hindi natin kailangan ng tropeo o plake dahil ang importante sa atin ay ang nakaukit sa mga puso at isipan ng mga taong ating nadamayan o naturoan.
Kailanman hindi tayo magbubuhat ng bangko sa ating mga nagawa. Huwag gumaya sa karamihan na mas higit pa ang pagyayabang keysa naitulong. Kadalasan ay wala namang naitulong. Layoan nyo ang mga ito dahil nakakahawa ang taong alipin ng sariling isipan.
Ang mahalaga lamang sa atin ay maibabahagi at maipagpatuloy ang mga ginawa at pinaglaban ng mga tunay na bayani noon at maging sa kasalukuyan.
Wala tayong tatanggapin na kapalit kundi ang biyaya mula sa ating Tagpaglikha lamang. Mga biyaya na mawawala kung ang ating mga nagawang kabutihan ay ipagpapalit lamang sa pagka-uhaw ng kayamanan, kasikatan at kapangyarihan.
Pakiclick at basahin lang po ang link sa baba. Yan ang palagi nating patnubay saan man tayo naroroon.
Link: http://patnubay.org/?p=5388
Alam natin na napakaliit lamang natin kumpara sa nakakaraming magpakunwari at mapag-ako sa mundo. Maaring hindi man tayo magkakilala ng personal, sa mata ng ating Tagapaglikha; tayo ay magkakapatid sa prinsipyo at adhikain.
Mabuhay po ang lahat na may malayang isipan!
Drafted by: Tasio Espiritu
For Patnubay Online / Patnubay.org
First Posted in https://www.facebook.com/notes/patnubay-online