Example Letter for Non-Renewal of Contract

Share this:

Example Letter for Non-Renewal of Contract
Drafted by Tasio Espiritu
First Posted in Facebook.com
Last July 5, 2014

Noong Disyembre 2013 nagsulat tayo ng tips para sa mga OFW sa Saudi na patapos na ang contract. Ang tips na yon ay nakasulat sa link na ito Link:  End of Contract Duration Tips for OFWs in KSA

Isa sa ating mga tips noon ay kung papano gagawa ng non renewal of contract letter.

Malaki ang tiwala ng Patnubay sa kakayahan ng OFW na kaya nilang gumawa ng letter based doon sa ating ibinigay na tip. Subalit, may nagpakalat ng example na “end of contract” letter na ginawa nang pattern ng maraming OFW at naging dependent na sila sa pattern na yon. 

Dahil na rin siguro sa isinulat nating tips ay naghanap sila ng example letter sa halip na intindihin ang ating tip kung papano sila makapagsulat ng kanilang sariling letter. Kaya, nasearch nila ang pattern na yon at dahil gusto rin nilang makakatulong ay pinakalat nila.

Pero, kailangan nating baguhin ang letter pattern na kumakalat dahil sa mga sumusunod.

Una, galing din sa Patnubay ang pattern na yan. Sa katunayan, Nasa learning materials yan sa seminar ni Ka Alex Asuncion noong 2009. ( Katibayan: Pls check pages 10 and 11 sa link na ito https://drive.google.com/file/d/0B__Nx54o3zwaWTh5LTY3VDBjTUk/edit?usp=sharing )

Pangalawa, Maaring hindi na po epektibo ang pattern na yan sa ngayon.

Katulad nito, ang opening ng letter sa patterm na yan ay

“In accordance with my employment contract and Articles 55.1 and 74. 2 (or Article 75 for unspecified contract) of the new Saudi Labor Law.”

Noon epektibo ang ganitong opening ng letter dahil bagong revised pa lamang ang Saudi Labor Law at pinag-aralan pa ito pareho ng worker at ng employer.

Pero sa ngayon kung gagamitin naitn ang pattern na yan, ang kadalasang isasagot ng employer/manager sa pagtanggap at pagbasa ay “I know the law” tapos sabay pagsuli ng letter sa worker. Hindi naintindihan o nakahanap ng lusot ang employer/manager na hindi tatanggpin ang iyong letter.

Kailangan nating baguhin ito. Since sa atin din nanggaling ang pattern na yan, obligasyon natin itong aayusin. Gagawa tayo ngayon ng non-renewal of contract letter based doon sa ating tips na binigay noong December 2013.

  1. Malaki ang tiwala ng Patnubay sa kakayahan ng mga OFW
  2. Kumuha kayo ng ballpen or iready ang iyong keyboard
  3. Heto ang tip at sundan natin End of Contract Duration Tips for OFWs in KSA
  4. Gagawa na tayo ng non-renewal of contract letter.
  5. Heto ang resulta.

——————-

To: [name of manager/owner]
[position in the company]
[name of company]

cc: Philippine Embassy in Riyadh
Philippine Overseas Labor Office (POLO) – [which City]
[Name of Recruitment Agency]

Date: [date]

Subject: Non Renewal of Contract

Dear [name of the owner, HR manager, direct manager of the company],

Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh!

Sir, please be informed that my contract will end on [what date] and I don’t want to renew it.

I am sending this letter as advanced notice, as per Saudi labor law and so you will have enough time to prepare the following before my contract ends on [what date]:

1. End-of-Service Benefits
2. Vacation Pay
3. Unpaid salary and Overtime
4. Exit visa
5. Plane ticket to the Philippines

This 2-month advanced notice will also provide you time to look for my replacement before the expiration of my contract.

Please be informed that I will stop working upon the expiration of my contract to avoid its automatic renewal.

Lastly, I appreciate the opportunities that you gave me during my time with [name company]. May Allah Subhannahu Wa Ta’ala reward you with goodness.

Respectfully yours

[name of worker]
[position / profession]

——————-

6. Di ba, halos pareho lang sa sinulat mo na letter dyan?
7. By the way, send your letter via registered mail para hindi maitanggi ng inyong employer/manager na natanggap nila.
8. Kung sakaling di kayo napauwi dahil matigas ang inyong employer/manager at kung hahantong ito sa Labor Office, may proof kayo na nakapadala kayo ng advanced notice.

Drafted by TAsio Espiritu for Patnubay Online

Share this: