Ang trafficking of minors papuntang middle east gamit ang fake identity (fake name and age) ay hindi matitigil-tigil.
Ang trafficking of domestic workers papuntang UAE gamit ang visit visa ay helpless din ang gobyerno natin na matigil ito.
Ang mga admin and staff ng mga regional offices ng DFA na gumagawa ng passport ng minors ay di naparusahan at baka napromote na.
Ang mga immigration at LAC officers sa airport ay patuloy pa rin nagpalusot kahit obvious na human trafficking ang nangyari, isang minor papuntang middle east o isang gamit ang visit visa.
Ang mga recruiters naman nila ay patuloy sa kanilang raket sa pang-engganyo ng kanilang mga mabibiktima…
at dahil illegally hired, ang mga minors o yong gumamit ng visit visa ay ay malaki ang posibilidad na magkaroon problema pagdating sa abroad.
Ang embassy at polo natin sa abroad ay hirap na hirap magrescue ng human trafficking victims.. Kung marescue man ay hirap din silang magpapauwi sa mga ito.
Kaya may mga nagbigti na. may tumalon sa building, may nagsaksak ng sarili at may nakapatay pa ng amo…
at ang mga recruiters naman kung magpupumilit ang victim na uuwi ay pagbabantaan pa ito na ipapatay pagdating sa Pilipinas.
Kaya maraming human trafficking victims, minors man or yong gumamit ng visit visa ay nagtatago kung makauwi sa Pilipinas dahil sa takot nila sa kanilang mga recruiters.
Samantala may madaling nakauwi naman at napakasmooth pa ng proseso na pinagdaanan… yong hindi human trafficking victim, kundi isang HSW na naglandi sa social media.. nagpatulfo ang asawa…aksyon kaagad ang gobyerno, at nagpapabalita na NAPAUWI NA NAMIN SYA!
Drafted by Tasio Espiritu
First posted in Patnubay Online FB Page
https://www.facebook.com/PatnubayOnline