SA PANAHON NG KAGIPITAN

Share this:

Sa panahon ng kagipitan doon masusukat ang ating pagkatao.

Mas lalong lalabas ang kabutihan ng bawat isa.Kung tayo ay mapagpasensya lalo tayong maging mapasensya. Kung tayo ay laging handang tumulong ay lalo tayong maging matulungin. Kung tayo ay mapagdasal lalo tayong maging madasalin.

Habang ang may mga maitim na hangarin ay lalong umiitim ang budhi. Ang may kabastusan ay lalong nagiging bastos. Ang mga mainitin ang ulo mas madaling magalit. Dahil hindi sila nagdarasal at dahil wala silang tiwala sa kapangyarihan ng dasal.

Sa bawat pagsubok ay may tagumpay at walang hihigit pang tagumpay kung makikilala natin ang ating mga sarili. Magpapasalamat tayo sa ating Tagapaglikha na ginawa nya tayong may mabuting loob at busilak na puso.

Paulit-ulit ang pagsubok ng Lumikha at yun ay para lalo tayong malapit sa Kanya, para ang mga nakalimot ay makaalala, at mga may mga maitim na budhi ay mabigyan ng mga pagkakataong magbago.. At sa Araw ng Paghuhukom, wala tayong ibang sisisihin kundi ang ating mga sarili.

Tasio Espiritu
First posted in Patnubay Online Facebook page
https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/2167046040012325

Share this: