End of Service Benefits (ESB) for Household Service Workers (HSWs)

Share this:

Para sa mga HSWs (housemaids, family drivers, house nurses, family gardeners family cooks and other domestic workers) na mga nagtatanong sa Patnubay kung may ESB (End of
Service Benefits) ba sila. Heto, ang aming paliwanag na dapat nyong basahin ng buo.

  1. Saudi Labor Law
  • Hindi sakop ang HSWs sa provisions ng Saudi Labor Law.
  • Nakasulat sa article 7.2 ng Saudi Labor Law, na hindi kasama sa naturang batas paggawa ang mga domestic workers
  • kaya hindi applicable sa kanila ang ESB na naipaliwanag namin sa article na nakasulat sa link na ito http://patnubay.org/?p=11133
  1. Bagong Batas Para HSW
  • Noong 2014, nagpalabas ang Saudi Government ng bagong batas para sa mga HSW at ito ang mga yon
  • Ito ang link ng batas na Tagalog translation para inyong maintindihan

Link: https://drive.google.com/file/d/0B__Nx54o3zwaTW9SbWFWY1M5R28/view?usp=sharing

  • Ito naman ang link ng batas na Arabic version para inyong maipakita sa iyong employer

Link: https://drive.google.com/file/d/0B__Nx54o3zwaS2JLZ2YzYkI2cDg/view?usp=sharing

  • At ito rin ang link ng batas na English version para pwede nyong mapagbasehan pareho

Link: https://drive.google.com/file/d/0B__Nx54o3zwaRmNlTWVXdW9BQWs/view?usp=sharing

note: ang mga brochures na yan ay wala na sa musaned website. Since free to download and share, kaya tayo nakasecure ng copy.

  1. May nakasulat ba sa nasabing batas tungkol sa ESB (End of Service Benefits) para sa mga HSW?
  • Meron at ito yon: Ang HSW ay dapat mabigyan ng end-of-service reward, na katumbas ng isang (1) buwan na sahod kung siya naka-apat (4) na magkasunod na taon na nagtrabaho sa parehong amo.
  • kung kailangan nyo ng patunay mula sa KSA government website mismo, ito yong link ng English FAQ nila

https://visa.musaned.com.sa/#/faq

hanapin nyo yong nakasulat na: When is the domestic laborer given their end-of-service reward? at i-click nyo

at lalabas ito: The domestic laborer is given their end-of-service reward, which is equal to a month’s salary if they had spent four consecutive years at their employer’s.

  • kung kailangan nyo ng link sa Arabic para mabasa ng inyong mga amo, ito yong link

https://visa.musaned.com.sa/#/faq

ipahanap sa kanya ang nakasulat na:

متى يستحق عامل الخدمة المنزلية مكآفأة نهاية الخدمة؟

at kung iclick nya yon ay lalabas ito:

يستحق عامل الخدمة المنزلية مكافأة نهاية الخدمة وقيمتها أجرة شهر، إن أمضى في خدمة صاحب العمل أربع سنوات متتالية.

  1. Sa ngayon lahat ng mga HSW ay na magfinal-exit ay ni-require ng Ministry of Labor ang kanilang mga employer na magsubmit ng final settlement. Mayroong form sa Ministry of Labor na fill-upan ng amo at pirmahan nila pareho ng HSW. SOP yan bago makapag-apply ng final exit visa. So, far ang form na yon ay para lamang sa monthly na sahod ng worker na naibigay ng amo.
  2. Kaya hihiling tayo, sa ating gobyerno (DOLE, DFA, Embassy or POLO) na humingi ng paglilinaw sa gobyerno ng KSA (MOL, MOFA or sa Saudi Embassy sa Manila) tungkol sa ESB;
  • kailan ba dapat magumpisa ang pagbilang ng taon?
  • sa 2014 ba kung kailan nailunsad ang batas?
  • or kasama ba sa pagbilang ang mga taon before nailunsad ang batas?
  • kung mangyayari na sa 2014 ang umpisa ng counting ng taon. then ang unang makatanggap ng isang buwan na ESB ay yong nagtrabaho sa parehong employer simula 2104 hanggang 2018. Bale, sa 2018 pa natin malalaman kung masusunod ba ang batas na ito.
  • kung mangyayari naman na ang bilangan ay mag-umpisa sa taon kung kailan talaga nagsimula ang HSW sa parehong amo, then dapat may makakatanggap na ng ESB ngayon. halimbawa, ang HSW na nagtrabaho sa parehong amo noong 2009 hanggang 2017 ay dapat may dalawang buwan na syang ESB para sa walong (8) taon na pagserbisyo nya..
  • hindi ba makaapekto sa counting ng taon ang palaging pagkaroon ng panibagong contract sa bawat pagbakasyon ng HSW sa Pilipinas?
  • dapat maging malinaw din kung ang 1 month salary na esb ay sa BAWAT apat (4) na taon. Halimbawa, kung makawalong (8) taon ay may dalawang (2) buwan sahod na esb, kung maka-labindalawang (12) taon ay may tatlong (3) buwan.
  • note marami sa mga kasambahay na nagmessage sa patnubay ay lagpas ng sampung (10) taon na nanilbihan sa parehong amo.
  1. Aasahan din natin ang tulong nga ating mga NGO Partners (Center for Migrant Advocacy at ACTS OFW Partylist) sa Manila para mapush ang mga ahensya ng ating gobyerno para mabigyang linaw ito. Marami pong mga HSW na matagal na sa kanilang mga employer, na nagprivate message sa Patnubay tungkol sa ESB.
  2. Isinulat namin ito para sa mga HSW na nagtatanong sa amin kung may makukuha ba sila na ESB pagkatapos ng ilang taon na nanilbihan sa parehong amo. (Hindi ito para pagpabor o pagsalungat sa pagpapatuloy sa pagpapadala ng mga HSW sa Saudi Arabia or Middle East.). Kaya ang komento na aming inaasahan mula sa ating mga followers and likers ay tungkol lamang sa ESB para sa mga HSW.

Maraming Salamat.
Drafted by Abu Bakr Espiritu
also posted in : facebook.com/PatnubayOnline

Share this: