Hindi Basic Salary ang basehan sa Calculation ng End of Service Benefits (ESB) sa Saudi Labor Law

Share this:

Maraming ganitong tanong sa inbox ng Patnubay;

Sir, maam, ano po ba talaga ang basehan sa calculation ng ESB? Ang sabi kasi ng HR namin, ay BASIC SALARY lang daw dahil wala naman daw nakasulat sa Saudi Labor Law na GROSS SALARY or TOTAL SALARY .

Ang sagot ng Patnubay ay laging ganito;

Ito ang Article 84 ng Saudi Labor Law (English Translation)

Totoo na ang nakasulat dito ay WAGE (o SALARY) lang at walang nakasulat na BASIC, o TOTAL, o GROSS , o ACTUAL kundi WAGE lang talaga.

Para magkaroon ng linaw dyan, basahin natin ang Definition ng WAGE sa Article 2 ng Saudi Labor Law.

Sa definition sa taas, may idea na tayo ngayon kung ano ang Basic Wage at ano ang Actual Wage

Ang Basic Wage ay yong basic salary ng worker na nakasulat sa contract. Hindi pa kasama ang mga allowances (housing, transportation, etc) .

Ang Actual Wage ay ang buong salary na natatanggap ng worker sa bawat buwan; na pinagsamang basic salary at mga allowances.

Paano yong Article 84 na WAGE lang ang nakasulat?

Heto ang definition ng Saudi Labor Law kung sakali WAGE lang ang nakasulat.

So malinaw na,

WAGE = ACTUAL WAGE.

Kaya, kung ang nakasulat sa Article 84 ay WAGE lang, ang ibig sabihin nyan ay ACTUAL WAGE ang gagamitin sa calculation ng ESB. Kaya, dapat kasama sa calculation ng ESB ang mga allowances (housing, transportation, etc).

Ituro nyo yan sa inyong HR Department na hindi BASIC WAGE o BASIC SALARY ang basehan sa ESB.

Kung ayaw pa rin nila maniwala, Ipabasa nyo sa kanila itong Saudi Labor Law in Arabic. Sabihin nyo sa kanila na tingnan sa page 13 ang definition ng WAGE.

Related Links

Share this: