Patnubay Leaks: Case Closure Report – Lumaino, Magsacay, Berdera – 2018

Share this:

Case Closure Report  – Lumaino, Magsacay, Berdera 

Ryan Lumaino
View Profile

JAN 28TH, 9:30AM

Ryan Lumaino

as-salaam alaeiku gud morning po sir Joseph salamat po   sa tulong ninyo at kay ka arvee ..galing po sila dito kagabie na sipag at ngiti sa pag tulong sa amin nag bigay po sila nang pera po para sa pag owe namin sa province  at lebring pang gasto dito po, maraming salamat po sainyo lahat patnubay group

JAN 29TH, 2:52PM

Ryan Lumaino

sir kumsta po..nan dito po kami sa tarhil..kasopo wlapo dito c captain hndpo pumasok

FEB 5TH, 8:24PM

Ryan Lumaino

Alhamdulillah. sir gud evning po bukas balik kami sa suadi labor para dalhin kami sa tarhil pagkatapos po sa tarhil dirtcho nang airport in Sha Allah  po

FEB 6TH, 8:32AM

Ryan Lumaino

yan lngpo pinakita sa saudi labor po sir.dahil yan ang binigay ni captain  sa tarhil

FEB 6TH, 5:59PM

Ryan Lumaino

sir galing po kami saudi labor dahil sabi nila maka owena kami ngyun at tapos sabi nang head nang  saudi labor punta muna kayu sa tarhil peperma lang ung general dun tapos airport na kayu.e pag punta namin dun sa tarhil sinabihan kami na balik kayu dito within 5 days ..nagulat po kami hnd lang kami pati din ung ibang lahi kasabay namin ..tapos po tiwagan namin c mohammad amaya sa sumishi dahil nasa labas na kami sa kulongan paramag deport at magpa huli e ayaw naman kami hulihin sa polis .at c mr mohamman amaya  .tinawagan kusha may work sya.

FEB 7TH, 8:41PM

Ryan Lumaino

balik nanamn kami dun sa tarhil within 5 days

FEB 11TH, 6:43PM

Ryan Lumaino

FEB 20TH, 5:41PM

Ryan Lumaino

hai sir kumsta ?Alhamdulillah my visa napo kami sir .at ung teket nalngpo ang kulang

Ryan Lumaino

in Sha Allah

Patnubay Online

Ryan pakisulat ng details kung papano kayo nakakuha ng exit visa at ticket para kayo ay makauwi para isampal natin sa polo  office at agency ninyo na di lang mga inutil, pinahamak pa kayo kaya kayo nagkaproblema, tapos pinabayaan pa kayo, at gusto pa nilang gawin ay magtagal kayo dito katuld ng mga huroob na ofw sa shelter nila. Samantalang napakdali lang naman magpauwi ng huroob. 

FEB 25TH, 9:41AM

Ryan Lumaino

 sir noong January 29, 2017 monday nag punta kami sa tarhil sa jawwasat. Sinunod namin ang payo ninyo.  hina hanap namin c captian , inabut kami nang hapon wala sha dun. my nag sabi sa amin balik nalang kayu bukas absent talaga un..

at kinabukasan bumalik kami  january 30. at nakita po namin c captin  at binigyan kami nang papel naka lagay dun huroob case at sabi nia punta kayu sa maktab Amal (saudi labor) dahil kukuha kami nang muka lasa. tumb daw yun at pumunta kami

sir ung january 30 pinalayas po kami sa amo namin .at c albert pinalipat sa kwrto nang mga indano at wlana kaming matulogan…kaya tumawag  kami ni sir arvee humingi kami nang tulong sa kanya po..at tinagap po kami ina ampon kami

january 31 bumalik kami sa saudi labor sir kac kaylangan namin kumoha ung stamp daw sabini captian ..e walaparin hangat umabot nang febraury 4 wlaparin

noong feb 5..lumapit ung head nang motawa sa amin tapos sabinia dalhin nio ung gamit nio dahil maka owena kayu  e dalala namin binigay ung papel sa amin at sabay sabi punta kayu nang tarhil hingi kayu nang stamp dun kay general at maka owena  kayu..at pumunta po kami dun

at pumunta po kami sir ..binigay namin sa genral sabay sabi nang genral balik nalang kayu witihin 7 days…e omuwe po kami

ung po bumalik kami feb 11 wlaparin result…owe kami tapos bumalik nanamn kami sa feb 15… walaparin dahil lagi nila sina sabi wlapang result dahil tinitagnan nila kung my ibang case paba kami

at last po bumalik kami sa feb 18 at benigyan kami nang exit vesa ..at sabi nila sa amin ung teket..hehe omowe kami at nag massge kami ni sir arvee

FEB 25TH, 1:05PM

Ryan Lumaino

sir noong feb 18 nabigayn kami nang exit vesa…

Ryan Lumaino

sir maraming salamat posa mga payu ninyo .mula una ung sinabimo sino noon namin  na wlang polo wlang agency ang maki alalam sa lakad namin

at ung pumanta kami sa tarhil hinanap namin c captain  at nakita namin okay po lahat hangat nakoha namin ung exit vesa . kami lang ang nag lagad wlang polo at agency  tumulong sa amin kundi sino nood namin ung mga payo ninyo maraming salamat po sir .at ngayun makaka owe napo kami sa pinas ngyun mondy po nang 7 at night ..salamat po sainyong buhay sir.
Maraming salamat talaga sa patnubay sir. sir,  at pati sa teket . Si ka arvee wan po ang bumili para makauwi kami sa pinas.  God bless po sainyong lahat sir at sa mga pamilya ninyo

FEB 28TH, 2:30PM

Ryan Lumaino

Naka owe napo kami sir..maraming salamt po.. nadto ako sa cebu

kami po ay  nag papasalamat sa inyo sir joseph at sa groupong patnubay . dahil po  kung wala kayu hnd kami maka uwe nang maaga sa pilipinas dahil sa case namin like  horoob ( runnwy) kahit finnish contrac kami pero hinorob kami sa imployer namin ….

At muli salamat sir sa inyo dahil nong time na natinga kami sa saudi riyadh mga ilang buwan  at hnd nio po kami pinabayan 3 time kayo nag bigay nang mga pagkain

 At nag papasalamat kami kay ka arvee wan ng patnubay dahil hindi lang sa pinanshal ( pera) na ibigay nia at philipine money at plane teket saudi to manila naming tatlo…sir maraming maraming salamat po  .and god bless po sainyo

Patnubay Online

 Ryan, sinikap ni ka Arvee wan and friends na magprovide ng ticket para sa inyo, mula saudi, manila hanggang sa inyong probinsya. Dahil if sa polo natin hihingin ang ticket, maaring magpapirma sila ng quit claim sa inyo por pabor sa agency. Ganyan ang lagi nilang ginagawa kahit wala silang naitulong sa pagresolba ng kaso ninyo.  Maging sa paguwi nyo sa probinsya at pocket money ninyo sa pinas ay si ka arvee na rin ang nagbigay dahil ayaw namin magstay kayo sa OWWA shelter dahil ang mga staff na nandon ay pipilitin na naman kayo na pumirma ng quitclaim or makipagayos sa agency sa maliit na halaga.  

Ayaw ni admin hans at ni labatt nasser ng ganyang gawain pero sadyang makakapal ang mukha ng iilang staff nila sa polo at sa owwa manila at gagawin lahat papirmahin kayo ng papel na sila tumapos sa kaso ninyo.. At para iligtas ang agency na di kayo makapagkaso.

Ngayon, hiniling namin sa inyo. Na bigyan nyo ng hustisya ang nangyari sa inyo dito. Ang paghihirap ninyo. Ang paghihirap ng pamilya nyo. Wag nyo nang intindihin ang mga tulong namin.. Ang hiling lang namin ay makakuha kayo ng hustisya. Ito ang mga hahabulin nyo sa agency ninyo.

1. Sahod sa mga buwan na pinagtrabahoan ninyo na di ibinigay
2. Sahod sa mga buwan na nastandby kayo na huroob
3. End of service benefits ninyo na one month salary
4. Refund sa ticket ninyo. 1500SAR ang bili ni ka arvee sa bawat ticket
5. Kabayaran sa moral damages na pinagdaanan ninyo dito nang inyong pamilya sa pilipinas.

Nagawa nyong maipanalo ang inyong karapatan dito sa SAudi. Dapat mas madali na sa inyo kung ang laban ay nasa pinas.

Lee Nard
View Profile
FEB 26TH, 7:26PM

Lee Nard

Assalamu Alaikum
Unang una sir maraming maraming salamat po sa ating Panginoon , sa bumubuo ng  Grupong Patnubay , sa iyo po sir Joseph at lalo na po kay sir arvee wan at friends naway pag palain kayo ng maykapal , gabay sa pang araw araw at good health ..
maraming maraming salamat sa walang sawang  tulong at moral simulat sapol ..walang polo at agency na tumulong sa pag uwi namin ngayon ..muli sir maraming  maraming Salamat God bless

FEB 28TH, 6:07AM

Lee Nard

Assalamu Alaikum
Sir unang una ako at ang pamilya ko taos pusong nag papasalamat sa ating Panginoon , sa Grupong Panubay , sa iyo sir Joseph at kay sir Arvee wan at friends .. na kami nka uwi safe at nakasama namin pamilya namin ..
Sir pumunta po kami ng OWWA ang proseso nila ay yung ticket daw papauwi papuntang Province ang Agency daw ang sasagot ..kaya dumiritso nalang kami sa probinsya namin di na kami tumuloy pa ..

Eudes Bodeth M Berdera
View Profile

FEB 26TH, 1:24PM

Eudes Bodeth M Berdera

God day sa lahat..Sallam  sa lahat ng bumobuo ng PATNUBAY  kay sir joseph Abu Bakhar Spirito at ka ARVEE WAN  at sa lahat ng ADMIN.po sa lahat ng tumolong samin na kame ay sinagip at pinatira sa kanilang bahay at nagbigay po samin ng pagkain…Sa simulat una kame po ay tinulongan nyo lalo na po sa kaso namin  at paggabay doon patungo sa TARHILL hanggang natapos po ay full support parin cla.dahil pinabayan po kame ng AGENCY at Polo kame po ay sinagip ng PATNUBAY at tinulongan po.
        Ka ARVEE WAN at  sa kanyang kasamahan po na sumosuporta  sa amin ng pagkain at pinansyal maging ang ticket namin pauwi sa pilipinas at sa pabaon  walang sawang pasasalamat sa nyo .dahil ngaun araw nato ay uuwe na kame marami maraming salamat po na way pagpapalain po kayo ng poong may kapal at patoloy parin tumolong sa katolad smin na desstres Ofw God bless po….

Maraming Salamat kay Bro Mohammad Amaya, kay Ka DAnte Layosa at kay Ka Arvee Wan and Friends

January 20, 2017 –   Free Cargo from Ka Dante Layosa of Laguna Lakers

Link: https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/1789801647736768

December 12, 2017  – Food Assistance From KA Arvee Wan and Friends

Link: https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/1746212528762347

November 30, 2017 – Food Assistance From Ka Arvee Wan and Friends

Link: https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/1734379406612326

Call to Action for POLO Riyadh and POEA

From: “Joseph Henry Espiritu”
Date: Mar 14, 2018 22:24
Subject: Re: Inquiry POLO Riyadh and POEA: SOS of Three (3) OFWs na tapos pero nireport ng amo as huroob (runaway)

CASE CLOSED!  

ISANG KASO NA HINDI KAYA O BINALEWALA NG POLO at POEA,
HINDI KAYA O BINALEWALA NG AGENCY.. 

SARILING TINAPOS NG MGA WORKERS… ALAMIN KUNG PAPANO NILA GINAWA!

Dear POLO Ryadh, OWWA, POEA and All,

Nakauwi na po sina OFWs Lumaino, Berdera at Magsacay. Katulad ng ipinagako namin sa inyo sa previous emails sa baba, na kami na sa patnubay na ang tatapos sa kasong ito ng tatlong workers..  

Hindi namin kailangan ang pasasalamat sa paglilinis na naman namin sa inyong mga kalat,  ang hiling lang namin ay ang mga sumusunod

  1. Mabigyan ng leksyon ang pabaya at inutil na  welfare officer ng POLO Riyadh na may hawak sa kanilang kaso
  2. Suportahan ang mga workers sa kanilang laban sa pinas kontra sa pabaya at inutil na agency.

Pakibasa na lamang ng nakaattached na case closure report para malaman ninyo kung papano madaling magpauwi ng huroob na lalaki at para di magtambak ang mga huroob dyan sa shelter. sa Riyadh dahil di nyo kayang pauwiin kaagad. 

(Nasa baba rin ang aming mga emails na ganito dapat ang inyong ginawa, at hindi yong nasanayan ninyong,  na magkaso sa saudi labor office na maliban sa aabutin ng ilang buwan or taon, ay hindi naman mananalo ang isang huroob na. o di kaya yong lagi nyong payo sa mga workers na kailangan ng No Objection Letter mula sa amo na alam nyo naman na di ito magbibigay. 

Samantalang, kung gagamitan nyo lamang ng simple logic kung nagmanman kayo sa paligid, alam nyo sana na ang mga huroob or undocumented na walang police case ay hinuhuli, at madeport kaagad sa loob ng isang linggo. Or sa ibang probinsya na walang polo, mas madali naman madeport ang huroob o undocumented na walang police case, mahuli man or magwalk-in sa jawasat.)

Maraming salamat 

joseph

KPaul Roa
View Profile

MAR 14TH, 4:40PM

KPaul Roa

Salam Sir Joseph, at sa boong Groupong ng Patnubay, Sir salamat sa ating taga pagligtas na may gawa ng langit at lupa, 

Sir Ina amin ko talagang hindi ko ma padala ang mga message ko sa iyo dahil hirap ako ng signal sa aming area, pero thank you sa Panginoon Allah, at sa iyo Sir Joseph, at sa groupo, dahil kayo parin ang papa salamatan ko sa lahat nang tulong na ginawa ninyo say aking at sa aking kasa mahan, dahil sa into Hindi ako or kami nagutom dyan sa Saudi, natatak Kona kayo sa puso ko at kasamako kayo sa aking dasal pasasalamat sa Panginoon Allah, at Kong kayo ay may katanungan sa akin dito, thanks God, midyo okey Lang kasa ko na ang pamilya ko, 

at taos puso akong hihingi ng paumanhin, nag pile ako ng sumbong sa POEA Laban sa aking Agency, at Hindi ako makahingi ng tulong sa inyo ayuda, dahil hirap ako ng signal ng internet dito sa aming area, Sir April 27,2018 ang resulta say aking reclamo, at isang bulan Lang ng sahod ko at benefit ang pinayagan ni atty sa POEA na ma claim Kay Ito Lang and nasaloob nang contrata 2 years, Yoon ibang Sahud ang November,December at January  Hindi na sinama dahil lampas nasa petsa ng Contract

Ito ang Picture natin Sir Joseph sa flight natin noong january 27,  Madilim ng Kaunti, sorry pero okey Lang tatak nakayo sa puso ko at Family ko

Thanks God Regards sa Inyong Lahat, at Kay Ka Rey, sa lahat Boong Patnubay

MAR 14TH, 8:56PM

Patnubay Online

maraming salamat paul nasa pinas na rin ang tatlo. Alhamdulillah, nakauwi sila sa gabay ni Allah na ginawa tayong instrumento,  

hindi dahil sa polo or agency na una at matagal na may hawak sa kanilang kaso, pinalala pa ang problema.

Hindi katulad sayo, mahirap man ng kunti ang problema pero mas magaan dahil walang tauhan ng POLO na nagpayo ng mali. 

MAR 15TH, 2:31AM

KPaul Roa

Sir, Napaka buti ng ating taga pag likha, si Allah, at sa Iyo, at Buong groupo ng Patnubay, naway maraming biyaya pa ang mapa sa inyo, thanks God

Sir si Albert nasa polo, hangat sa ngayon nag chat siya sa akin kagabi, sana Pag palain din siya ni Allah, at maka uwi na

Okey Sir Joseph, hangtud sa sonud, God,Allah always with you and to your Family,group and Friends Thanks

Patnubay Online

Do not worry about Albert, if di sya kaya ng POLO pauwiin, kukunin natin yong case nya. Pahinga muna ako ng ilang araw pa . kararating ko lang noong March 10.

LATEST GOOD NEWS

From: Joseph Henry Espiritu
Date: 2018-04-18 22:15 GMT+03:00
Subject: Re: Patnubay Case Closure Report: Three (3) OFWs na tapos na 

Salam to all,

Magandang balita!  Paradigma ulit! 

Nagkausap kami ni Labatt Nasser Mustafa last week bago siya umuwi ng Pilipinas kasama si Fahima Alagasi. At sinabi nya sa akin na noong sinamahan nya si Fahima sa Jawasat para sa kanyang exit visa ay nakausap nya ang moder doon at kinompirma ng moder na pwedeng magendorse ang POLO ng huroob (runaway) basta wala itong police case.

Nangako si labatt Nasser na umpisahan nya next week ang pagendorso sa Jawasat; mula sa mga shelters ng mga lalaki na tambak ang mga huroob dahil ang laing proceso ng POLO ay magkaso sa Saudi Labor Office na tatakbo ng ialng buwan o taon bago matapos. or ang paghingi ng NOC sa employer na imposible mangyayari., 

Natutuwa naman kami, at lalo kaming humahanga kay labatt nasser, Iba sya sa mga naunang labat.. Sa halip na ma-offend or maging defensive sa pagpuna namin sa nasanayang hindi tama na pamamaraan ng kanyang mga tauhan; ay inalam nya muna kung tama ang  puna at suhestyon ng Patnubay; katulad sa email namin sa baba kung paano pinauwi ng Patnubay tatlong tatlong OFW na huroob.

Jazak Allah khair labatt, marami pang mga vicious cycle sa POLO sir na kailangan bi-akin. 

Maraming salamat and May Allah bless you more,

Tasio Espiritu
patnubay.org

Share this: