Noong taon 2010, lumapit sa atin si Mrs. M, isang OFW sa Dubai dahil dalawang taon na silang walang passport ng kanyang asawa.
Ang kanilang passport ay nasa pangangalaga ng korte. Ang passport ni Mrs. M. ay nasa Sharjah Court at ang sa kanyang mister ay nasa Dubai Court.
Ang kapatid ni Mrs. M ay nakakulong sa Sharjah dahil sinampahan ng Money Case ng manager ng kanyang company.
Naniwala si Mrs. M na walang kasalanan ang kanyang kapatid at ginawa lang itong sacrificial lamb ng pabagsak na company. May lawyer daw ang kanyang kapatid.
Ang ginawa ng lawyer ay inapply for temporary release (kafala) ang kapatid ni Mrs. M na nakakulong. Sina Mrs M at kanyang asawa ang magarantiya kaya sinurrender ng mag-asawa ang kanilang passport sa court para makalabas ang kapatid ni Mrs. M.
(Note: Ang kailangan lamang sa pag-apply ng kafala ay magfill-up ng Arabic form then isuko ang passport. Ang kailangan ay translator na tutulong sa pagfill-up ng Arabic sa Application for Kafala. Kahit hindi lawyer ang translator, pwede taga-embassy at pwede kahit sino basta marunong magsulat ng Arabic)
Nakalabas ang kapatid ni Mrs. M pero hinuli at kinulong ito ulit pagkatapos ng tatlong buwan. At dahil kinulong ulit ang kanyang kapatid, nais sana kunin nina Mrs. M. ang kanilang passport.
Wala na silang pambayad pa sa lawyer. Kaya, lumapit sila sa ating konsulada sa Dubai. Kaso, sa loob ng dalawang (2) taon ay wala daw ibang sinasabi ang mga tauhan ng konsulada kundi sisihin at takutin ang mag-asawa. Katulad ng, “kayo kasi pirma kayo ng pirma” at “makuha nyo lang ang passport ninyo kung magbayad kayo sa kinaso sa kapatid mo”.
(Note: ang tinutukoy nila na pinirmahan ng mag-asawa ayong kafala application form at naging malinaw sa atin na hindi nila ito naintindihan)
Alam ng mag-asawa ang kanilang karapatan na dapat maisuli sa kanila ang kanilang passport. Simple logic lang naman, sinuko nila ang kanilang passport para sa temporary release at dahil kinulong ulit ang kapatid ni Mrs. M. ay dapat lamang maisuli ang mga passport sa kanila.
Ang problema, maging ang mga tauhan ng ating konsulada sa Dubai ay hindi naman sila matulongan. Kaya, hindi alam ng mag-asawa kung saan pa sila lalapit pa.
Noong 2010, nahanap ni Mrs. M ang ating mga website noon na patnubay.com at anginyonglingkod.com. Nag-iwan si Mrs. M ng mensahe tungkol sa problema. Nang mabasa natin ang kanyang mensahe, nakita natin na hindi naman dapat naging problema kung alam lamang ng taga-konsulada ang gagawin.
Kasama ang Center for Migrant Advocacy Manila at si dating Usec Rafael Seguis, nagpadala tayo ng pasiunang email sa konsulada para mag-inquire, magfollow-up at para na rin malaman natin ang kanilang panig.
Tumugon naman kaagad ang konsulada at pinatawag ang mag-asawa. Pero wala pa rin pagbabago sa kanilang mga statements. “Bakit pa kayo lumapit kani-kanino, di ba sinabi na namin sa inyo na makukuha lang ninyo ang inyong mga passport kung makapagbayad na ang kapatid mo? Kayo kasi, kung hindi sana kayo pumirma ng ano-ano hindi sana kayo magkakaproblema”.
Dito na tayo nag-intervene dahil kung hahayaan natin na hindi maresolve ang problema ay aabutin pa ito ng maraming taon. At maaring marami pang mga kaso na ganun lang ang ginawa ng konsulada. Kaya sa sunod na email natin ay nagpaliwanag tayo kung ano ang dapat gagawin ng konsulada.
Kaya bumalik si Mrs. M ulit sa konsulada na umaasa na subukan ng ating konsulada ang ating suhestiyon. Pero walang nangyari at paulit pa rin ang paninisi kung bakit pumirma at pananakot na di makuha ang passport ng mag-asawa kung hindi makakabayad ang kapatid ni Mrs. M.
Kaya, sa sumunod natin na email, ang ating suhestiyon ay humingi na lang tayo ng sulat mula konsulada na makiusap sa court na dapat isuli ang passport ng mag-asawa. Ang sulat ay dadalhin ng mag-asawa sa korte. Nag-intervene na rin si Usec Seguis na sundin ng konsulada ang ating suhestiyon.
Kaya bumalik ulit ang mag-asawa sa konsulada. Pero isang beses pa at umuwi sila na walang nangyari. Alam naman natin na naalarma ang konsulada dahil kung sakali ay magbibigay sila ng sulat at sa sulat na yon ay makukuha ng mag-asawa ang kanilang passport. Mas lalong mapatunayan ang kapalpakan ng konsulada sa paghawak ng kaso ng mag-asawa sa loob ng dalawang taon.
Kaya nagsulat ulit tayo sa kanila na kung ayaw nilang gumawa ng sulat sa korte ay sagutin na lang ng konsulada ang ating email na wala silang magagawa para masolusyonan ang problema at hayaan nila na ang patnubay ang tatapos sa problema. At nangako tayo na tapusin natin kaagad ang problema kung ipagkatiwala nila sa atin.
Sa pagpressure natin at ni Usec Seguis, gumawa ng sulat ang konsulada para sa korte. Hindi nila ito binigay sa mag-asawa kundi sumama sila mismo sa korte para taga-konsulada ang mag-abot ng sulat.
Nang binigay nila sa korte ang sulat. Sinabihan sila na bumaba sa ground floor at kumuha ng application form para ma-waive ang kafala at maibalik ang passport ng mag-asawa.
Pagkatapos mafill-upan ang form, sinabi ng taga-konsulada sa mag-asawa na “Ganun lang pala yon no?”
Naibalik sa mag-asawa ang kanilang mga passport pagkatapos maapprove ang application nila na ma-waive ang kafala. CASE CLOSED! MISSION ACCOMPLISHED!
Noong 2011, napardon ang kapatid ni Mrs M at nakauwi sa Pilipinas na walang binayaran sa nag-akusa sa kanya.
Nasa baba po palitang ng email noong 2010 at ang pasasalamat ni Mrs. M sa lahat ng tumulong na malutas ang kanilang problema.
From: M.
Subject: Re: Discreet : UAE Case M. and L.Case
To: “Joseph Henry B. Espiritu”
Cc: “USec Seguis” , “Consul General Valeriano”
Date: Tuesday, April 20, 2010, 4:35 AM 20/04/2010
First and foremost, nagpapasalamat po ako sa Panginoon sa pagdinig ng aking panalangin, at itinakda po na makontak ko po ang pinaka-epektibong NGO officer na si Sir Joseph.
Hanggang ngayon po ay di po ako makapaniwala na dahil sa youtube ko lang mahahanap ang makakatulong sa aming problema na magasawa – yun po ay ang makuha ang website at contact email ng Patnubay kung saan agad agad naman na sumagot sa aking hinaing.
Kulang kulang dalawang taon din po na kami ay nagmamakaawa sa Korte at sa Dubai Police Station para i-release ang passport namin, ngunit ang mga sagot sa amin ay hindi maaari dahil kasama kami sa tutulong sa magbayad.
Nagpapasalamat din po ako at this time inassist po kami ng representative ng Consulate natin at alam kong malaking tulong eto at mas epektibo po na paraan gaya nga ng advise po ni Sir Joseph.
At tama nga din po ang recommendation ni sir Joseph na kung pumayag ang korte at Dubai Police na tanggapin ang aming pag-guarantee, dapat din lang na tanggapin nila ang aming pagkansela sa guarantee namin sa ate namin sa kadahilanang nasa loob na po sya ng Sharjah Jail at hindi naman nya kami tinakasan sa kanyang obligasyon.
With respect sa aking ate, HINDING HINDI PO NANGANGAHULUGAN na ang pagbawi namin sa guarantee sakanya ay ang pag-abandona namin sakanya.
Mahal na mahal po namin sya ngunit kami po talaga ay nahihirapan na sa sitwasyon na ginigipit po nila kami sa passport namin at mabuti na lang po ay mababait ang aming kumpanya at hindi itinutuloy ang pinapanakot sa amin na hindi ire-release ang buwanang sahod namin hanggat hindi namin naibabalik ang passport namin.
Maraming Maraming Salamat po at alam ninyo po kung sino kayo.Kayo na totoong tumutok sa kaso namin.
Salamat ng marami, May God bless you all! Thank you & Regards
M. & L.
Sharjah – United Arab Emirates +97
From: Joseph Henry B. Espiritu
To: rafael seguis ; Amb. Nitoy Valeriano
Cc: M. Sent: Tue, April 20, 2010 2:27:44 PM
Subject: RE: Attention USEC: Re: Re: Discreet : UAE Case M. and L.Case
Note- this case is considered closed.. at maraming salamat sa ating consulate sa pagtitiwala sa ating adbokasya at sa pagtulong sa mag-asawang L.at M. .
Maraming salamat kay USEC Seguis na walang sawa ang pagtulong at pagtiwala sa ating adbokasya, at higit sa lahat sa mag-asawa na pinaglaban ang kanilang karapatan.
This email may serve as proof of the closure of the case and for the assistance rendered by the dubai consulate to the couple.
Mabuhay ang Filipino!
Joseph…
April 18, Tinawagan si M. ni Lilet at pinapapunta sa Consulate para sa letter to cancel the kafala (bail) at ng endorsement letter ni Congen Valeriano para sa mag- asawa.
Pumunta sina M. doon sa consulate at ginawa ang letter to cancel the kafala. Nagset silang schedule para pagpunta doon sa sharjah court kasama si Mr. Badjunaid.
April 19, Sinamahan ni Mr. Badjunaid si M. at L.doon sa Judge para ipacancel ang bail. Dala-dala nila yong sulat ni M. at ng endorsement letter ni Congen Valeriano.
Ang sabi ng judge ay “hindi na kailangan ng letter from consulate dahil may application form naman dito para ma-cancel ang bail at ipatype lang sa baba yong letter.”
April 20, Nakuha na ni M. ang kanyang passport at pumunta din si L.sa dubai police kasama si Mr. Badjunaid. at positive na daw na makukuha ang kanyang passport, ang kailangan lang is ang document na patunay na nasa Sharjah Jail si Ms. O nakakulong.
From: M.
Sent: Saturday, April 17, 2010 2:51 PM
To: Joseph Espiritu
Cc: Rafael Seguis;
Subject: Re: Discreet : UAE Case M. ‘s sister 17/04/2010
Dear Sir Joseph, Good Day to you. May God always
Bless you po kuya.
Thank you po at hindi nyo po kami pinapabayaan kahit negative na po ang mga answers na dumarating po samin with regards po sa pagwithdraw ng passports naming magasawa sa Sharjah court at Dubai Police Station.
This morning po kasi, nakareceive po ako ng phone call from Ms. Lilet (Philippine Consulate), nadiscuss po nya ang matter sa amin na hindi po puwede na ma- withdraw ang aming passports at nakausap ko din po ang isang officer duon, sorry kasi po hindi ko na po matandaan ang name ng lady officer ng konsulada na nakausap ko sa sobrang disappointed ko po sa balita nila na ganun nga po.
According to them, dahil daw po civil case ang kaso ng ate ko ay kasama kami sa tutulong na magbayad po dun, dahil na din po sa pinirmahan ko na pumapayag ako sa installment, yun po ay sa Sharjah Court po na ang kaso ni ate ay 100 thousand dirhams po ay sinagest nila na baka puede nila ipa-reduce into 30 thousand dirhams na lang ang aking babayaran, at sa Mashreq Bank naman daw po sa kaso sa Dubai ay baka madali na lang daw po pakiusapan an i-reduce ang bayad. Ang sa akin lang naman po sir Joseph, kung kaya ko po bang bayaran yan bakit pa ako lalapit sa inyo sir?
Pasensya na po sir Joseph sa paulit ulit ulit kong paglapit at pangungulit sanyo. Sana po naiinitindihan nyo po ako. Nahihirapan na po ako sa buhay ko dito sa UAE.
Pati po trabaho ko sobrang naapektuhan na po at lagi po akong may memo sa boss ko sa hindi pagfocus sa trabaho. Sana po sir Joseph makauwe na po kami at para mapanatag na din po loob ng aking mga magulang sa pinas. Sana nga hindi naman po kami madamay sa kaso ng ate ko. Tulungan mo po kami kuya.
Maraming Maraming salamat po.
M.
Sharjah – United Arab Emirates
From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject: : Re: Discreet : UAE Case M. ‘sister
To: “Amb. Nitoy Valeriano” , Rafael Seguis Date: Thursday, April 15, 2010, 3:06 PM
Dear usec,
Thank you so much for the quick response. I was really expecting that the consulate would do the following.
1. Accompany the couple in court and file for cancellation of bail
2. if the bail could not be cancelled, then the consulate would write to the UAE government kung bakit naihold yong passport ng kafil samantalang nakakulong naman yong akusado na ginarantiya nila.
Pero, sa ngayon, to be honest, im really frustrated at hiniling ko na lang sa ating consulate na gagawa sila ng sagot sa sulat namin, at isusulat nila na wala silang ginawa, dahil alam nila na walang mangyayari. (yan na rin based sa sinabi ng mga taga-consulate of Dubai sa mag-asawa)
May I ask Congen Valeriano to please send us a formal letter na wala kayong gagawin para matulongan ang couple dahil alam nyo na wala namang mangyayari sa kanilang kaso, dahil iba ang systema dyan? Para kami na ang magpapatuloy.
Yan na lang po ang hiniling ko at siguro hindi na mahirap gawin yan..
Maraming Salamat,
Joseph
From: rafael seguis
Subject: Re: Discreet : UAE Case M.’s sister
To: “Amb. Nitoy Valeriano”
Cc: “Joseph Henry B. Espiritu”
Date: Wednesday, April 14, 2010, 7:15 AM
Nitoy,
Can you please look into this? I will follow up Bajunaid’s extension with Asec Dilem. RES Rafael Seguis
From: Joseph Espiritu
Date: Wed, 14 Apr 2010 16:16:21 +0300
To: raf seguis ; Amb. Nitoy Valeriano
Subject: Re: Discreet : UAE Case M. ‘s sister
Dear Usec and Congen Valeriano,
Noong Linggo, nag-absent sa trabaho ang mag-asawang L.at M. at excited na pumunta sa ating Consulate sa Dubai. Pagdating nila doon ay inasikaso naman sila ng maayos. Hindi nila nakausap si Congen Valeriano pero isang officer named lilet ang nag- accomodate sa kanila.
Hinintay nila ang translator para masamahan sila doon sa court at sa police station para makuha ang kanilang Iqama.
Pero ng makausap nila ang translator na tawag ng mag-asawa sa umpisa ay badyo, ang sagot daw ni badyo ay walang kaibahan sa sagot noong una nila itong nakausap.
“NO” na daw kaagad ang sagot ng naturang translator dahil umano sa isang sulat na pinirmahan ni M.
Take note na may tatlo tayong documents (Please find the attached docs)
1. isang galing sa makama (Sharjah Court)
2. isang galing sa Dubai Muraqabat police.
3 at yong arabic na sulat na naging dahilan kung bakit ayaw samahan ng translator ang mag-asawang L.at M. .
Ano ba ang nakalagay sa Arabic sulat?
1. at sya ang magguarantor sa kanyang kapatid (Ms. O)
2. Ang pagbigay ng halagang 10,000DH as required by judge as initial payment
3. at ang pangakong magbigay ng installment bawat buwan.
4. Sila ang magturn-over kay Ms. O kung sakali hahanapin ito ng korte
5. at ang pagsurrender ng kanyang passport.
Usec and Congen, the letter is an application for Kafala kung saan ang guarantor ay magsulat sa court. Ang mga nakalagay na conditions sa taas ay normal na conditions for kafala.
Nakalabas si Ms. O ng isang buwan lang at kinulong ulit. Sinubukan ng mag-asawa na kunin ang kanilang passports nakasurrender sa court at sa Dubai police. Pero hindi daw sila pinayagan makuha ang kanilang passports.
The couple knows that their rights were violated at wala rin silang pangbayad ulit sa lawyer na gumawa ng sulat sa pag-apply ng kafala. (note ang lawyer na yon ay lawyer ni Ms. O at hindi ng couple)
So, saan sila lalapit? Siyempre sa consulate natin.. Kung maabuso ang karapatan ng OFWs ay sa consulate or embahada yan lalapit. Pero always pag-tanggi lang at hindi maayos na pagtanggap sa distress couple.
Pero yong last time, ay naaccomodate naman sila ng maayos sa consulate pero as usual ang pagtanggi pa rin ang sagot.
Ang request namin na sasamahan ang mag- asawa sa korte para malaman kung ano ba talaga ang nangyari at bakit nahold ang passport ay hindi man lang binigyan ng kunting pansin.
Hindi pwede yang sagot ng staff ng consulate na kesyo daw ganito ang batas ng UAE, kesyo pumirma kayo..
Kafala letter po yan mga sir, bail letter po yan. pwede yan macancel mga sir.. Maniwala naman kayo.
Tapatin nyo ako kung wala na ba talagang pag-asa ang mag-asawa na makuha ang kanilang passports? Talaga bang dapat kasama sila sa pananagutan kung may kasalanan mang nagawa ang kanilang kapatid?
Ano ba ang sa palagay ko ang solution nito ?
1. Apply CANCELLATION of bail / guarantorship/ kafala .. part ito ng proseso at magawa sa pamagitan sa pagsulat pag-apply sa korte na binawi na ng mag-asawa ang kanilang pagkafala. Very basic naman eh, kung nag-sulat sila sa pag-apply ng kafala then magsulat din sila for cancellation of kafala.
2. Or REPLACEMENT of kafil.. this can be done after cancellation. then we may ask the dubai consulate to be the kafil.
I know Ahmed Badjunaid, noong nandito pa sya sa Riyadh, we had together worked on many cases, one is that of Aiza Udasan, kung saan ilang araw kaming walang tulog dahil sa babaeng nakidnap umano.
I was installed to talk and trace the whereabouts of the lady.. Wala kaming tulog ni tom at ni badju para sa kaso na yon.. which we later found out na hindi pala totoo na kidnapping.
Noong paalis na si Badju sa Riyadh, sumulat pa ako sa DFA para kung pwede ay magstay muna si Manong Badju dito. At kahit noong wala na sya at kung may mga kaso, na hindi natapos ay dinepensa ko pa rin si Manong Badju.
Itong kaso ng mag-asawa gawin ko na lang personal na paghiling. Sana kahit sa daming trabaho ni Manong badju, at least man lang sana ay hindi “NO” kaagad ang sagot o maraming pasikot- sikot pero “NO” pa rin ang sagot. at least susubukan man lang lakarin para makita ng mag-asawa kung tama ba yong haka-haka ng ating consulate o ito bang sugestion ko.
Sorry for using the word haka-haka, Since hindi nyo naman sinubukang magtanong sa korte, or samahan ang couple doon, then ang lahat ng sagot nyo ay puro haka-haka lamang.
Inisip nyo naman sana na nag-absent at nagtravel ang mag-asawa para maka- punta sa ating consulate. Sir, Kafala letter is kafala letter and that is intended only for BAILING OUT AN ACCUSED.
Once the accused returns to jail, then the kafala letter has no bearing anymore..
Kung kinulong ulit si Ms. O, ang ibig sabihin hindi nirespeto ng korte ang kafala letter. Kung ang letter na yon ay kasundoan na ang couple ang magbayad, para kay Ms. O. Bakit hindi nasunod yong isang kasundoan na dapat nasa labas si Ms. O at si M. ang magguarantor?
If ever hindi pwede ma-icancel ang kafala, then malinaw na may deception na nangyari, at ginamit lang yong temporary release na parang pa-in para maisali sa kaso ang couple.. That is a clear violation of human rights.
Ngayon sino dapat ang didepensa sa mag-asawa ? di ba ang ating posts ?
At least naman po Congen, Magtry lang naman po ang mga tauhan mo po, hindi naman tanggi lang kaagad.. Please remember Sec. 2 of RA8042..
Depensa ba yong pagsabi na “Kayo kasi pirma kayo ng pirma kahit hindi nyo alam..” Di ba mas maganda na pagdepensa sa couple; na tanungin yong court kung bakit yong pinirmahang document ay walang translation to a language that the couple could understand?
Ano ang mga technicalities na dapat din tutukan dito?
1.They are resident visa holders – kaya pwede silang magkafil.
2. Hindi pwede babae ang magkafil maliban lang kung direct family nya ito. – dito pasok pa rin si M. dahil kapatid nya si Ms. O.
3. If financial case, di ba dapat ang magguarantor should be capable of meeting the financial obligations ?
Magkano ang utang ni Ms. O? 100,000 plus dirhams.. pwede nyo rin namang matanong ang court kung bakit pinayagan na magkafala si Ms. O since hindi naman capable ang couple to pay that amount.
Congen, I will be specific in my request po .. please assist the couple by helping them to draft a letter to cancel the bail that they had applied. and that their passports be returned to them.
yan lang po ang hiniling ko.. and if ever mag-fail.. We may ask the Philippine Consulate in Dubai to please answer the request for assistance letter sent by CMA.. be specific kung nagtry kayo, or wala talaga kayong magawa.
Then we can use that letter to escalate this case to the international human rights group where I belong.
Maraming salamat at Mabuhay po kayo. please send my regards to manong badju.
Joseph
http://www.patnubay.com
From: rafael seguis
Sent: Monday, April 05, 2010 11:23 AM
To: Amb. Nitoy Valeriano
Cc: Joseph Espiritu
Subject: Fw: Re: Discreet : UAE Case M. ‘s sister
Nitoy, I would appreciate it if you could look into the matter and provide assistance.
Thank you.
Rafael Seguis
From: “Joseph Henry B. Espiritu”
Date: Mon, 5 Apr 2010 01:16:13 -0700 (PDT)
To: rafael seguis
Cc: M.
Subject: Attention USEC: Re: Re: Discreet : UAE Case M. ‘s sister
Dear Usec,
Mayroon na naman akong pakisuyo na ma-assist ang ating kababayang (mag-asawa) sa dubai..
Nasa baba po yong details ng kanilang requests.
Maraming salamat po ulit ng marami Sir..
Best Regards,
Joseph
From: M.
Subject: Re: Discreet : UAE Case M. ‘s sister
To: “Joseph Henry B. Espiritu”
Date: Tuesday, March 30, 2010, 10:01 PM 31/03/2010
Sir Joseph,
Good am
Please find attachments regarding sa pinirmahan namin na mag-asawa for what we thought was for temporary release lang ng sister ko.
I hope maipaglaban namin ang rights namin to withdraw back our passports. I agree po sa mga statements ninyo for questioning sa pag-hold nila ng passport namin dahil nai-surrender naman na sa jail ang accused.
Dahil po sa pagrespond nyo sa akin ay nabibigyan ako ng pagasa. Mabuhay po ang mga katulad ninyo sir joseph. S
ana po ay ang mga concerned kababayan na lang natin na katulad ninyo ang nasa posisyon ng consulate/embassy para naman marami po ang matulungan pa ninyong mga kababayan natin na nagdurusa sa bansang ito.
Ang hiling po namin talaga ay makuha ang aming passport sir at higt sa lahat sa aking asawa na expired na ang kanyang passport mahigit 1 taon na.
Kung may iba po sanang option sir joseph ay ayaw ko na po sanang lumapit pa sa consulate dahil masasayang lang ang aking pamasahe, oras at pag-asa.
Pag-aantayin po kami ng 2 o 3 oras tapos po ganun lang po pala maririnig namin na mga sagot nila, na hindi nila kami matutulungan sa bagay na yan.
Sabagay, wala naman pong nakapagtataka duon, mga malalaking kaso nga di nila inaaksyonan, eto pa kayang minor case lang aaksyunan nila? kaya po nagpapasalamat po ako na nakontak ko po kayo sir Joseph. Maraming Maraming salamt po.
Dahil po sa dalawang taon na po na pabalik balik kami sa consulate at sa POLO OWWA, wala po silang naibigay na magandang advice kundi ang sisihin pa po kami sa ginawa naming kamalian, which is we admit naman po, pero sa kagustuhan lang po namin na makalaya agad ang aking ate kaya po di na kami nag-atubiling pumirma.
Hindi po naman namin sukat akalain na kami na po pala ang inoobliga na magbayad sa mga amounts na po na yun. Ano pa po ang silbi ng pagbayad namin kahit ganun pa man ang nakasaad sa pinirmahan namin para sa korte at police station kung ang ginarantoran naman namin ay nasa kulungan?
Naniniwala po ako sa inyo sir Jospeh, God Bless you sir.
Maraming maraming maraming maraming salamt po.
M.
Sharjah – United Arab Emirates
From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject: Re: Discreet : UAE Case M. ‘s sister
To: “anna liza navarro”
Cc: M.
Date: Tuesday, March 30, 2010, 1:49 AM
Ann,
With regards to ate ellene’s question kung may pinirmahan ba ang couple na kasama sila magbayad sa utang ni Ms. O. Allow me to explain the processes.
First ang utang or cash na pananagutan ni Ms. O sa kaso ay dapat sa kanya lang at hindi dapat madamay ang mag-asawa.
The couple submitted their passports sa court ng sharjah at sa dubai police station for Ms. O’s temporary release. kasama ng guarantee letter also known as “KAFALA” letter.
Ano ba kadalasan ang content ng letter.. (I hope M. will also send us the copies of the kafala letters from sharjah court at sa dubai police)
1. That the “kafil” (aka guarantor, in this case si M.) ay nagguarantee for the temporary release of the accused (Ms. O), na sister ni M.
2. At kung may hearing at may hatol, ang guarantors (M.) ay ang kokontakin ng court para dalhin ang accused (Ms. O). at kung may hatol ay dapat isusuko ng guarantor ang accused sa authorities.
3. Kung sakali mawawala ang accused, ang guarantor ay mananagot sa batas (at kung pera ang kaso ay babayaran ng guarantor).
Common yan na kafala letter. yan ang katumbas ng bail (pyansa) kung sa atin pa.
1. Pero as per procedure at as per the law kahit saang bansa na may shariah law, the moment na nasa custody na ulit ng authorities ang accused. ang kafala letter ay wala nang bisa.
2. at hindi na dapat mahold yong passport ng guarantor (magasawang M.) dahil nasa custody na ng authorities ang accused . at yong kafala letter since ang purpose ay for temporary release ay dapat wala na itong bisa.
(Note: ganito din ang proceso sa paggurantor ni L.(asawa ni M.) kay Ms. O sa kaso naman doon sa dubai.
Ano kaya ang reason bakit hindi binalik ang passports nina M. at L.?
1. Descrimination, gustong obligahin ng korte or authority ang mag-asawa na tulongang bayaran si Ms. O. Mali po yon dahil hindi dapat isasama ang kondisyon na yan sa kafala letter.
1.1 at kung may nakasulat man na ganun sa Kafala letter, ay dapat hindi valid yon dahil ang kafala letter na yon ay intended for temporary release lamang as pagkakaalam nina M.
1.2 Kung sakali ay gusto nilang tutulong si M. sa pagbayad ay dapat may ibang undertaking, may ibang document , it should be formal at hindi sulat kamay lamang. at lalong hindi nakasama sa kafala letter, dapat walang deception.
1.3 violation to human rights ang paghold ng passports ng isang tao. maliban lang kung may reason ang pagsurrender nito like kafala for temporary release..
pero violation din na ihold mo yong passport ng guarantors kahit nakabalik na yong accused sa authorities.
I think our request should be,
– makuha ulit ang mga passports ng mag-asawang M. at L. at malaya silang gumalaw, at makauwi, makabakasyon kasama ang kanilang bagong silang na sanggol.
– that the consulate must accomodate the couple and take time to listen sa kanilang hinaing, sa kanilang sinapit. take note maraming beses na pumunta ang mag-asawa sa konsulada ay hindi naman sila pinansin at hindi inaksyonan ang kanilang problema.
i know that in dubai consulate ay nandyan ang mga pinka-walang modong mga officers at lahat ng pagtatanggi sa trabaho ay gagawin.
“eh kasi bakit mo naman pinirmahan” .. “bakit hindi ka tumawag sa amin ” eh kung sa kaharap mo na nga ayaw kapang pansinin.. sa telepono pa kaya.?
heto pa, kung kukuha ka ng abugado mo ay sasabihin naman nila na, bakit kayo kumuha ng abugado. or hindi na namin hawak yan dahil may abugado na kayo. Ganyan din ang nangyari kay marie before rape victim sa dubai.
ito lang po muna ann, at hope maliwanag na sa iyo. Regards, kuya tas
From: anna liza navarro
Subject: Re: Discreet : UAE Case M. ‘s sister
To: “Joseph Henry B. Espiritu”
Date: Monday, March 29, 2010, 7:51 PM
i have drafted a letter na, pero may tanong pa kasi si tita ellene, di ko na lang maalala kaya di ko pa napadala. will send it before magbakasyon dito.
From: Joseph Henry B. Espiritu
To: anna liza navarro
Cc: M.
Sent: Mon, 29 March, 2010 8:56:13 PM
Subject: Re: Discreet : UAE Case M. ‘s sister
anski, is there any update with regards to the couple’s request na makuha yong passport with the consulate’s help? thanks, kuya tas
From: M.
Subject: Re: Discreet : UAE Case M. ‘s sister
To: “Joseph Henry B. Espiritu”
Date: Monday, March 29, 2010, 4:52 AM 29/03/10
Dear Sir Joseph, Inquire lang po ako for any further updates?
Thank you po.
M.
Sharjah – United Arab Emirates
From: Joseph Henry B. Espiritu
To: ellene sana ; rhodora. abano ; anna liza navarro ; hazel cotoner
Cc: M. Sent: Thu, March 25, 2010 11:18:11
PM Subject: To ate ellene: Re: Attention CMAers: Re: Discreet : UAE Case M. ‘s sister te, heto po yong sagot ni M….
From: M.
Subject: Re: Discreet : UAE Case M. ‘s sister
To: Date: Wednesday, March 24, 2010, 9:46 PM
Dear Mr. Joseph and Ms. Ellene,
I am very very thankful dahil God lead me to the right people. Before I proceed to the full details of the case maam & sir,
May I correct the following:
1. Cash Loan amounting to 100thousand plus dirhams. Ang loan ay hindi para kay Ms. O kundi pinakiusapan lang sya ng kanyang sponsor,
-kundi para masolve ang financial shortage ng labour office (agency for housemaids – Filipinos and Indonesians) na managed by my sister at that time.
Nag-offer ang sponsor nyang UAE national na tulungan sya sa financial matters thats why nag-loan sa HSBC bank ang amo nya, and then right after nareceive ng sponsor nya ang pera, they went directly to Sharjah court(notary public) at pumirma si ate sa isang arabic document (please find attachment no.2). which is we know na mali na pumirma ng di alam ang contents pero buo po kasi nagtiwala ang ate ko sa sponsor nya. na magapply ng loan para sa kanya.
(katangahan).
ito yong nakafile sa korte at doon nakasurrender ang passport ni Ate O. at yung passsport po ng ate ko ay nasa sponsor po nya.
2. Car loan (sorry po sa wrong info, katatanong ko lang po kasi sa ate ko kanina kung anong type of loan ang sabi po nya personal loan,ito naman may isang indiano na umutang at si Ms. O naman ay pumayag na under her name ang loan a/c po na eto.. ito ay nakafile sa dubai naman.
we hope available pa po sa accounts ng office ang mode of payment)ito naman may isang indiano na umutang at si Ms. O naman ang nagguarantor. ito ay nakafile sa dubai naman. kaya doon naisurrender ang passport naman ni L, Mr. ko..
** Full details of the case as per below: We admit po na na-mismanage ng sister ko ang company, but she tried her level best to resolve the financial shortage pero it ended up with nothing.
1. Ang sister ko po ay nagstart na magwork sa UAE-as a secretary sa same company, same sponsor with an office manager na Indian (na nagrequest sa sister ko na magapply ng loan sa Mashreq Bank- Osool for his personal use). She worked in that company for three years.
2.Nagkaroon ng case ang Indianong manager dahil po nahuli sya na nangrape ng Indonesian na housemaid. at na-deport po siya sa India at pinagkatiwala ng UAE sponsor ang office sa ate ko at sya ang inassign po na bagong manager sa office.tinanggap po ni ate ang offer. (please see attached- 4 to 9)
3.Naging maayos naman po ang pamamalakad ni ate sa office nung una, pero dahil hindi naman po educated sa business management si ate, nagshort ang resources at sinubukan po ni ate na mapatakbo pa din ang office at humingi ng tulong sa parents namin kung saan nagbenta din po at nagsangla ng lupa ang papa ko po para lang matulungan sya. kasama na din po ang 110 thousand na loan ng UAE sponsor ng ate ko.
After po mareceive ng cash loan, di na po pinapasok si ate sa office at sabi saknya na maghanap sya ng paraan para mabayran agad ang 110 thousand in 3 weeks.
Kaya po sinangla na naman po ng parents ko ang lupa at bahay namin sa Pilipinas na nagkakahalaga lang po ng 30thousand dirhams. at agad na binayad ni ate as advance po sa sponsor nya.
Ang masaklap po nito, binayaran po nya sa bahay ng sponsor at wala man lang pinapirma na receipt voucher man lang sana na nagpapatunay na nag- advance payment ang aking ate. Isang linggo pa lang po yata nakakalipas since nung date na sinabi pong kailangan nyang maibalik in 3 weeks ang payment ay ipinatawag po sya sa office at bigla pong ipinadampot sa pulis.
4. nakulong po sya ng 6 months (Sept 3 – February 3rd week) sa sharjah jail.
5. may pilipina pong tumulong sa amin at nagbigay ng abogado. ang advise po ng abogado ay magdeposit ako ng passport at 10 thousand at pag nakalabas po si ate ay magbabayad kami ng monthly (AED 3000). pumayag po ako sa kundisyon naeto dahil po gusto ko na po syang makalabas sa kulungan.
6. nailabas po sya sa sharjah jail pero idineretso po sya sa Dubai Police Headquaters dahil pala sa loan sa Osool(Mashreq bank) in which I have previously stated above.
nailabas po namin sya the same day dahil po may tumulong po ulit sa amin na pilipina na nag-guarantee ng passport nya para sakanya.
Nung month na po ng april, kinailangan na po ng pilipinang kaibigan namin ang passport nya at nagkataon po na on local leave ang asawa ko at yung passport nga po nya ang ipinalit as guarantor sa Dubai police Station.
7. Nakapgtrabaho po ang ate ko nung nakalabs po sya noong February 2009 ngunit nung May 2009, sya po ay naikulong sa Ras Al Khaima dahil nahuling nagtatrabaho sa company na hindi sya under sa visa ng company.
Lahat po ng employee ng company na un ay nakulong dadhil pareparehong walang visa at noong kinontak ko po ang company na yun ay nagsarado na po sila.
8. At that time diko na po alam kung pano ko na po matutulungan ang ate ko. at dahil buntis po ako at kapos sa pera din hindi ko na po sya ntulungan para maayos ang kaso nya. 9. Pagkatapos ng sentensya nya po sa Ras Al Khaima ay naibalik sya sa Sharjah jail para po sa dati nyang kaso.
Pinapabayaran po ako ng dati nyang sponsor Khalid Kanoun – ng AED 20,000. Ngunit diko po sya bingyan ng halagang un dahil wala po akong perang ganon kalaki. 9.Sinubukan na po namin ang possible ways gaya po ng paglapit sa consulate, OWWA para lang humingi ng tulong para mabawi ang aming passport at lalo po nung ako ay buntis at humingi po ako sa consulate ng travel document ngunit sabi po sa amin ay wala po sila magagawa dun at kung tutulungan po ako ay parang tinotolerate na daw po ang mga kababayan na may mga bank loans, i explained to them po na guarantor lang po ako at hindi po ako ang mya utang nun. pero wala pa din po silang positive reply sakin. kaya po napilitan na lang po ako ipagpatuloy ang pagbubuntis ko dito sa UAE kahit nahihirapan na po ako sa trabaho. at kaht wala pong sapat na pera para sa mga gastusin dito.
Sana po ay nalinawan po kayo sir Josseph sa statement ko.
Para po sa mga tainong nyo sir, contact lang po ninyo ako.
Maraming Maraming Maraming Salamat po .
God Bless you
M.
Sharjah – United Arab Emirates
From: ellene sana
To: M.@yahoo.com; Joseph Henry B. Espiritu
Cc: anna liza navarro ; rhodora abano ; hazel cotoner ; Dindo Amparo ; Rachel Salinel ; rachel.salinel ; roland.blanco ;
Sent: Wed, March 24, 2010 6:09:09 PM
Subject: Re: Discreet : UAE Case M. ‘s sister
dear joseph, dear M.:
joseph, maraming salamat muli sa maagap mong pagtugon sa panawagan ni M. para tulungan sila sa kanilang sitwasyon sa dubai.
me ilang dagdag na tanong lang para mas malinawan kami sa kaso:
1. M., me pinirmahan ba kayong mag asawa –puede as a couple or individually nang ibinigay ninyo on separate occasions yung passports nyo as guarantee for the temporary release of your sister? if yes, ano ang nakasaad sa dokumento?
pls check if there is mention at all of the loans being referred to by the
ellene a. sana
Center for Migrant Advocacy Philippines 72-C Matahimik Street, Teachers’ Village Quezon City, Philippines Email: cmaphils@pldtdsl.net; URL: www.pinoy-abroad.net Telefax: +632 4330684; Telephone: +632 920 5003; Cellphone: +63 928 795 2222
From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject: Re Discreet : UAE Case M. ‘s sister
To: M. Cc: “ellene sana”, “anna liza navarro”
Received: Wednesday, 24 March, 2010, 3:22 PM
Dear team,
te ellene, pwede magrequest for assistance and representation sa Dubai Consulate to assist Mr. L.and M.rs M (wife) :
1. Makuha yong passports nilang mag-asawa
– ang mga passports nila ay naisurrender noong February 2009, noong nagapply for temporary release si Ms. O . Nakalabas si Ms. O ng three (3) months pero ibinalik after three months (pagkatapos ng hatol). Ang mag-asawa ay naging guarantor for Ms. O’s temporary release.
– and since naibalik na sa kulongan si Ms. O noong May 2009, ay dapat ibabalik na rin sana ang passports ng mag-asawang L.at M. . Kason hindi at ang sabi ay dapat babayaran daw yong pera na utang ni Ms. O .
– Wala namang kinalaman sa kaso ni Ms. O ang kanyang kapatid at asawa nito. At sana noong binalik na sana kulongan si O. ay dapat ibinalik na rin ang passports ng mag-asawang L.at M. ng guarantor..
– Lumapit naman sa consulate ang mag-asawa at wala namang ibang sagot kundi bakit nyo pinirmahan at ano pang palusot.
Ang passport ni Marrissa ay naisubmit doon sa korte. Ang passport ni L.ay nasa Dubai police station naman.
Ano ang mga kaso ?
1. Cash Loan amounting to 100thousand plus dirhams. Ang loan ay hindi para kay Ms. O kundi pinakiusapan lang sya ng kanyang sponsor, na magapply ng loan para sa kanya. (katangahan). ito yong nakafile sa korte at doon nakasurrender ang passport ni Ms. O.
2. Car Loan, ito naman may isang indiano na umutang at si Ms. O naman ang nagguarantor. ito ay nakafile sa dubai naman. kaya doon naisurrender ang passport naman ni L.. – these two loans ay hindi napunta kay Ms. O ang pera, naloko at masyadong nagtiwala kaya sa bandang huli sya ang nagdusa.
Bagong kasal at may bagong baby ang mag-asawa, at this early stage ganito na katindi ang kanilang problema. i dont think na they too will suffer dahil sa kaso ng kanilang kapatid. ang intention ng pagsubmit nila ng passport ay for temporary release at hindi para tutulong sa pagbayad ng utang ng kapatid.
Please find the attached documents for your filing.
Dear M., please take time to provide us the full details of the case in email ngayong weekend. and thank you for entrusting us these confidential documents.. ito lang po muna sa ngayon, Ka Tas
From: M.
Subject: Re: Discreet : UAE Case M. ‘s sister
To: “Joseph Henry B. Espiritu”
Date: Tuesday, March 23, 2010, 10:16 PM
Dear Sir I very much appreciate and I felt a little hope nung nakareceive po ako ng tawag galing sa inyo sir Joseph.
I am happy that God directed my path to my fellow Filipinos who are helping OFW’s especially here in middle east.
Ang concern ko lang po sir is ma-release ang passport naming mag-asawa na dineposit namin as guarantee last February 2009 kasi nasa Sharjah jail naman ate ko since nung May 2009. With regards sa mga questions sir, can I forward the full details after. Kasi po masyado po busy sa trabaho sir. I hope you understand.
Thank you po.
Send ko na lang po muna ang mga court documents.
From Joseph Henry Espiritu wrote
Please provide these info para malaman natin kung saan at papano tayo magumpisa na maipaglaban ang karapatan ng iyong ate.
Name of your sister
What is her case details?
Do you have copies of the court documents or rulings ?
Can you provide us these documents? If possible also provide us copies of the guarantee letters for your sister’s temporary release.
Who are the consulate officers handling this case?
What actions naman ang kanilang ginawa?
Optional info that might be of the same importance
ilang taon na ang ate mo ?
Kailan dumating ang ate mo ?
Ano ang current visa nya ? working or visit ?
May employer ba sya ?
Ano ang nakasaad sa contract?
ilang taon na nagstay sya dyan sa UAE
Address sa pilipinas?
May asawa at anak ba si ate mo?
Please provide us the correct mobile number. i tried to contact you pero mali daw yong number.
ito lang po muna, Joseph
From: M.
Subject: TULONG
To:Patnubay, Ang Inyong Lingkod
Date: Saturday, March 20, 2010, 10:38 AM 20
Dear Mr. Joseph Espiritu,
May God Bless us always,
Nakita ko po sa website na www.patnubay.com ang contact details nyo at di na po ako nagatubiling sumulat para humingi ng tulong.
Ako po ay nagtatrabaho sa UAE, Sharjah. Nung August 2007 nakulong po ate ko sa isang kaso na filed ng sponsor nya.
Nung February 2008 po ay ginarantee ko po ang passport ko sa Sharjah Court para makalabas pansamantala si ate.
Pero may kaso pa po pala sya sa Dubai at pagkatapos makalabas sa Sharjah jail ay nalipat po sya sa Dubai sa ibang kaso na kasalanan ng dati po nyang manager, kaya para makalabas ulit sya sa Dubai ay ginarantee na naman po ng asawa ko ang passport nya.
Tumagal po ang ate ko ng tatlong buwan sa labas ng kulungan pero naibalik na naman po sya noong May 2008.
Sinubukan po namin ng asawa ko na bawiin ang aming passport dahil tutal nandoon na po sa kulugan si ate ngunit ayaw po ibigay sa amin at ang rason po sa amin ay babayaran daw po namin ang buong amount na naikaso kay ate.
Humingi na din po kami ng tulong sa Philippine Consulate at sa OWWA pero wala po sila ginawang aksyon. Sana po ay mkatanggap kami ng reply galing sa inyo.
Salamat po.
M.
This message was sent by theAngInyongLingkod.com MailForm
Summary and Cases Closure
1. Nakuha ng mag-asaawang M. at L. ang kanilang passport dahil sa ating tulong.
Sandali lang natapos ang problema nila mula noong atin itong hinawakan samantalaang mahigit dalawang taon na itong inilapit nila sa Dubai Consulate at walang nangyari. (Malinaw sa email exchanges natin an walang alam ang ating mga taga consulada sa proceso at batas na kanilang pinagtratrabahoan.
Nakakalungkot na kailangan pa na gaganyanin pa natin ang mga officials ng posts para lang maging tama ang kanilang mga mali)
Nakauwi at nakapiling ng mag-asawa ang kanilang anak.. Bagong silang pa lang ito ng kanilang pinauwi at hindi nila nakita sa loob ng mahigit dalawang taon dahil sa problema.
Si Ms. O naman ay nakalaya na rin noong 2011, dahil na pardon ng UAE Government.
Napakasimple na problema, ginawang complicated ng ating consulada sa dubai. Umabot ng mahigit dalawang taon samantalang linggo lang ang binilang ng pumasok na tayo.
Dahil hindi alam ng mga nagtrabaho sa ating embassy or consulate ang mga proceso at batas ng bansang kanilang pupuntahan.
Papano mo sila mapagkatiwalaan sa malaking kaso kung sa kasong ganito ay hindi nila kaya. Kaya sa if totingnan nyong mabuti ang mga cases natin, some ay nasa patnubay.com, some ay nasa video maintindihan nyo kung bakit tayo na lang ang ang nagsolve ng mga kaso.