
Babala at Paalala: TOURIST VISA ginagamit sa MIGRANT SMUGGLING, hahantong sa HUMAN TRAFFICKING at ORGAN TRAFFICKING
TOURIST VISA
Ang paggamit ng tourist visa ay legal kung ang sadya ng may hawak nito ay maging turista sa bansa na nagbigay ng visa.
Pero kung ang tourist visa ay gagamitin sa ibang paraan, nangyayari ang MIGRANT SMUGGLING, na malaki ang posibilidad na hahantong sa HUMAN TRAFFICKING pagdating sa abroad, o di kaya mas malala pa katulad ng ORGAN TRAFFICKING.
MIGRANT SMUGGLING
Ang MIGRANT SMUGGLING ay ang ilegal na paraan para makalabas ang isang tao sa isang bansa at papasok sa isa pang bansa para sa personal na hangarin katulad ng pangempleyo, pagnenegosyo o ang kagustohang manirahan nang matagal sa bansang paroroonan.
Palagi nating naririnig ang MIGRANT SMUGGLING (o PEOPLE SMUGGLING) ng mga refugees na umeskapo mula sa mga bansa na may kagulohan patawid sa mga ibang bansa na walang gulo. May gumamit ng sasakyang panlupa o pandagat, mayroon din naglalakad, mayroon lumalangoy, may umaakyat ng bundok, may gumagapang sa ilalim ng lupa. Pahirapan pero sa pagkatapos naman ay ang kalayaan na inaasam-asam.
Sa Pilipinas, ang MIGRANT SMUGGLING sa atin ay sosyal, pahimpapawid ang paglalakbay, sakay ng eroplano, aastang bakasyonista pero pagdating sa bansa na papasokan, napakalaking problema naman ang haharapin.
Ganito ang proseso ng MIGRANT SMUGGLING sa Pilipinas
- Gumamit ng short term tourist visas pero ang lihim na pakay ay hindi para maging turista kundi para para maghanapbuhay.
- May dalang fake hotel bookings, plane tickets (connecting flights or return tickets) o iba pang dokumento para malusotan ang ano mang mga tanong ng immigration
- Hindi dumaan sa mga ahensya ng gobyerno (POEA, OWWA) para sa ligal na pagkokontrata ng trabaho.
- Pagsang-ayon sa kanyang recruiter sa ilegal na proseso na kanyang pagdaanan.
- Napaniwala na may maayos na trabaho, employer at company pagdating sa abroad.
- May ipinakausap na dati na aplikante kuno, para mapapaniwala ang migrant na safe sya sa recruiter.
- Sa airport, may partikular na dokumento na ipapakita sa immigration officer.
- o di kaya ay papipilahin sa isang partikular immigration officer na tumanggap ng bayad mula sa recruiter.
- o di kaya ay ang paggamit ng escort service kung saan wala nang busisihan ng dokumento at hindi na pipila pa sa immigration booth.
Kadalasan, ang kakahantungan ng MIGRANT SMUGGLING mula sa Pilpinas ay maging biktima ng HUMAN TRAFFICKING pagdating sa abroad.
HUMAN TRAFFICKING
Ang HUMAN TRAFFICKING ay nangayayari kung mayroon nang pang-aabuso, at mayroon nang bentahan ng migrant.
Ang dati na may pagsang-ayon ang migrant sa sistema ng MIGRANT SMUGGLING, napalitan na ng pagtutol at pagsisisi nang makarating sa abroad.
Huli na nang mapagtanto ng isang migrant na ang mga dating mabulaklak na salita ng kanyang recruiters ay para sa kanilang kapakanan lamang.
Ito ang mga palatandaan na ang isang migrant ay biktima na ng HUMAN TRAFFICKING.
- Nakakulong sa isang accomodation kasama ng iba pang mga biktima
- Hinahanapan ng recruiter ng employer na handang kumuha ng worker.
- May iilan na hinanapan ng customer na naghahanap ng sekswal na kasiyahan (SEX TRAFFICKING).
- Walang karapatan tumanggi sa kagustohan ng employers o sa customers na ibibigay.
- Tinatakot na pababayarin sa malaking nagastos ng recruiters sa pagdala sa kaniya sa abroad.
- Nakakarami na employers na o nakailang buwan na sa isang employer pero hindi nabigyan ng labor card at contract.
- May naabutan ng expiration ng tourist visa.
- Ang mga nakatakas sa accomodation ng recruiter o sa bahay ng employer ay dumiritso sa embahada at konsulado. Siya ay mananatili sa shelter natin habang inasikaso ang exit papers sa immigration.
- May pinalad na nagawan ng working visa o labor card at contract. Pero iilan sa kanila ay nagkaproblema. Kaya tumakbo sa konsulado at embahada, at nasa shelter habang idinulog ang kaso sa ministry of labor.
- May mga nakatakas na hindi nakatira sa shelter natin dahil puno na ito.
- Mayroon din sumugal sa pangalawang bansa at gamit ulit ang tourist visa at lalo pang nagkaproblema. May napunta ng Saudi, Qatar, Egypt, Jordan; at may napunta sa bansa na may kagulohan o gyera katulad ng bansang Iraq at Syria.
Ang Syria at Iraq ang dalawa sa pinakamagulo na bansa sa mundo ngayon. Kaya hindi madali na mamonitor ng kanilang pamahalaan ang mga papasok at lalabas na migrants sa kanilang mga borders. Naghihirap din ang kanilang mga mamamayan at kailangan makahanap ng mapagkaperahan. Kaya, napakalaki ang posibilidad na ang mga biktima ng HUMAN TRAFFICKING na dadalhin sa sa mga bansa na ito ay maging biktima ng ORGAN TRAFFICKING.
ORGAN TRAFFICKING
Ito ay ang pagrecruit, o panlinlang, o pagkidnap, at pagtransport ng organ o ng tao mismo para makuha at maibenta sa mga bansa na ligal ang organ trading.
Sa lahat ng mga bansa sa mundo ang Iran ang kilala sa organ trading. Sa katunayan ginawa nila itong legal.
Sa mga pumasok sa mga bansa na may kagulohan o gyera, huwag sumugal, walang magandang trabaho na naghihintay sa inyo doon at maaring kayo ay kakatayin doon at kunin ang inyong body organs para maibenta sa organ trading.
Dahil undocumented kayo mula nang umalis sa Pilipinas, mahirap na kayong mahahanap pa kung may masamang mangyayari sa inyo.
TANGING PAYO PARA HINDI MAGING BIKTIMA
Huwag magpaloko at huwag sumugal sa gawaing iligal.
MGA SUHISTIYON NA DAPAT GAWIN NG GOBYERNO
- I-anunsiyo sa lahat ng paliparan na ang mga Pilipino na magbibiyahe palabas ng bansa gamit ang short term tourist visa pero ang pakay ay hanapbuhay, siya ay guilty na ng MIGRANT SMUGGLING (of own self), at malaki ang tsansa na maging biktima ng HUMAN TRAFFICKING, sa pagdating sa abroad.
- Dapat mabusisi ang aiport authorities at immigration sa pag-hingi ng proof ng authentic at confirmed hotel bookings, confirmed round trip tickets sa mga Pilipino na may tourist visa.
- Info drive katulad ng mga posters, o Ads sa TV screens sa airport tungkol sa MIGRANT SMUGGLING, HUMAN TRAFFICKING at ORGAN TRAFFICKING
- Dapat magkaroon special desks sa loob ng airport, mula sa check-in hanggang sa paglagpas sa immigration para may masumbongan ng mga biktima. Karamihan sa kanila ay tinakot ng recruiter na ipakulong kung hindi tutuloy sa paglipad. I-review kaagad ang CCTV camera kung sino ang immigration officer na nagpalusot o nag-escort sa biktima.
- Arestuhin at parusahan ang mga illegal recruiters at sugpoin ang mga sindikato, nakabased man sa Pilipinas o sa abroad.
- Makipag-usap sa gobyerno ng mga bansa para maligtas ang mga biktima ng MIGRANT SMUGGLING, HUMAN TRAFFICKING at ORGAN TRAFFICKING at kung paano mapigil ang mga sindikatong ito.
- Magtulongan (hindi magpasa-pasahan) ang lahat ng embahada, lahat konsulado at lahat ng POLO sa lahat ng bansa sa abroad para maligtas ang mga biktima ng MIGRANT SMUGGLING, HUMAN TRAFFICKING at ORGAN TRAFFICKING at kung paano mapigil ang mga sindikatong ito.
Yan lang muna, at Maraming salamat.
Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh!
Abu Bakr Espiritu
2019/10/29
Note: Hindi lahat ng Human Trafficking ay nag-umpisa sa Migrant Smuggling. Katulad ng mga workers na legal na lumabas ng Pilipinas, pero pagdating sa abroad ay saka ibinenta sa ibang amo at naabuso. Marami ang nadala sa ibang bansa katulad ng Qatar, Saudi Arabia, Egypt, Jordan, Lebanon, Syria at Iraq gamit ang tourist o visit visa.
Related Articles
- Human Trafficking of Minors in the Philippines – Explained
- Isang Palatandaan ng Human Trafficking
- THE THREE (3) STAGES OF HUMAN TRAFFICKING EXPLAINED IN ONE (1) TAGALOG SENTENCE
- Mga problemang hindi malutas-lutas sa loob ng ilang dekada.
- Feature Story: POKPOK AKO SA UAE (2013)
- Case Closed: Panalo ng Mag-asawang Coronado, Panalo ng lahat ng OFW (2017)
- One Country Team for OFW Melinda G Atienza HSW (2016)
- Patnubay Leaks — ONE COUNTRY TEAM FOR REGINA ALVAREZ – CASE CLOSED (2017)
- Patnubay Leaks: Case of Luga, Jaime and Padua (2008)
- Patnubay Case Closure Report: Rhealyn Sarmac – Human Trafficking Victim (2019)
- HSW smuggled via Kalibo to Singapore to Abu Dhabi – Case Closed (2015)
- 2014 Case of M. M. Magpale – HSW ng Kuwait pero nasa ICU ng Hospital ng KSA
- Bayanihan para sa isang Pinoy Seaman na Stranded sa Pier ng Dubai (2016)
- Patnubay and Recruitment Agency – Team Approach for OFW Julie Ann Garzon 2017
- Dalawang Pinay na Biktima ng Human Trafficking, Narescue ng POLO Jordan
- Updates kay OFW Juhra Pusalan Adjaraman (Human Trafficking Victim sa Jordan)
- Isa pang Pinay Human Trafficking Victim – nasagip sa Jordan
- Walong (8) biktima ng Human Trafficking sa Iraq, nakauwi na sa Pilipinas – nagpapasalamat kay PRRD, sa DFA-OUMWA at sa Embahada natin sa Iraq