Isa pang kababayan ang tumalon ng building sa Jordan, binisita ng taga-POLO at Embahada.

Share this:

Isa pang domestic worker na naka-confine sa hospital, ang binisita ng mga tauhan ng Embahada at POLO natin sa Jordan.

Si Lavinia Dalisay Perez ay 34 taong gulang, taga Pinahan, Oriental Mindoro, single mom ng isang anak na 9 na taong gulang.

Walong buwan pa lang siyang nagtrabaho sa kanyang emplpyer deployed ng Job Asia Management Services at Al Qula for Recruitment naman ang sa Jordan.

Dumating siya sa Jordan noong Pebrero 27, 2019. Ang kanyang mga reklamo ay verbal abuse mula sa kanyang amo na babae.

Binigay naman daw ang lahat na sahod at hindi naman daw siya sinaktan kundi ang verbal abuse lang talaga ang hindi niya kinaya.

Kaya, naisipan niyang tumakas sa kanyang employer sa pamamagitan ng pagtalon mula sa second floor na nagresulta ng fractures sa kanyang kaliwang paa.

Dinala siya ng anak na lalaki ng kanyang employer noong Nobyembre 9, 2019 sa Zarqa Hospital kung saan siya naka-confine hanggang ngayon.

Noong nakaraang linggo, bumisita kay kabayan sina Welof Harry Borres ng POLO Jordan at translator ng embahada na si Issa para alamin ang kanyang kalagayan.

Napag-alaman mula sa kaniyang doctor na nakatakdang operahan sa Nobyembre 18, 2019 ang bali sa kaliwa niyang paa.

Nasa stable naman ang kanyang health condition at wala siyang injury sa ulo. Nakatakda itong pauwiin sa Pilipinas pagkatapos ng gamutan at fit to travel na siya.

Paalala

Sa mga domestic workers, kung ma-homesick o hindi kaya ang ugali ng inyong mga amo wag tumalon mula sa building na tinitirahan. Mag-paalam ng maayos na ibalik sa ahency o magpahatid sa Philippine Embassy upang masolusyonam ang problema. Maari din na ang iyong pamilya sa Pilipinas ay dumulog sa agency, sa POEA, DFA o OWWA, Hindi solusyon ang pagtalon kundi magdudulot pa ito ng mas malaking problema sa inyo at sa inyong pamilya sa Pilipinas

Drafted by:
Patnubay-Jordan
Nobyembre 17, 2019

Share this: