Tweet ng Crown Prince ng Abu Dhabi: Tutulong ang UAE sa mga biktima ng pagputok ng bulkan Taal.

Share this:

Sa kanyang Official Twitter account, nagpahayag ang Crown Prince ng Abu Dhabi na si Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan, ng kanyang matatag na pagkakaisa sa mga mamamayang Pilipino sa pagharap sa panganib ng bulkan Taal.

Ang kanyang mensahe ay naisulat sa wikang Arabic, English at Tagalog.

Si Secretary-General of the Red Crescent Authority, Dr. Mohamed Ateeq Al-Falahi ang inatasan ni Sheikh Hamdan bin Zayed Al Nahyan para mapahusay ang pagtugon ng UAE sa humanitarian aid para sa mga apekado ng pagputok ng bulkan Taal.

Magpapadala ang UAE ng delegasyon sa Pilipinas para pangungunahan ang pagbili ng mga basic needs at pag-aabot sa mga biktima ng apektadong lugar. Magkakaroon din ng “air relief flights” para maipaparating ang tulong sa mga lugar na mahirap maabot ng kanilang delegation.

Binigyang diin ni Al-Falahi na ang mahusay na pamumuno ng UAE ay gagawin ang lahat ng tulong sa Pilipinas upang malampasan ang panahon ng sakuna, na nagbabanta sa buhay ng marami.,

Ayon kay Dr. Al-Falahi “Handa kaming magbigay ng lahat ng kinakailangang suporta upang malampasan ang mga kahihinatnan ng bulkan Taal.

Ang pasasalamat ng mga Pilipino

Marami sa mga kababayan natin na nakabasa sa tweet ng Crown Prince ang nagpapasalamat sa kabutihan ng bansang UAE para sa Pilipinas at mga Pilipino. Narito ang iilan sa kanilang mga mensahe.

Maraming salamat Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan at sa bansang UAE! – PATNUBAY

Sources

Share this: