KSA OFW – Ano ang mga nakasulat sa iyong Iqama (Muqeem Card) at bakit hindi ito basta-basta ibibigay sa iba?

Share this:

Palagi tayong nakakabasa ng mga viral postings sa FB na pananawagan na mai-share ang picture ng napulot na Iqama (Muqeem) Card hanggang sa makakarating ito sa kaalaman ng may-ari.

Sa kagustohan na makakatulong sa kapwa, marami sa atin ang nagshare ng mga ganun na postings at naging viral. Hindi alam ng karamihan na ang ating pagmamagandang loob ay maaring magdudulot ng mas malaki pang problema sa may-ari ng Iqama.

May kaso tayo noon na isang OFW ay hindi nakauwi sa Pilipinas, dahil sa record ng Jawasat ay naka-final exit na ang kanyang Iqama. Ginamit ng ibang tao ang lahat ng impormasyon sa kanyang Iqama at pinalitan lang ang photo.

May kaso din tayo noon na isang Filipina ay nagkaproblema dahil may record siya na nanganak sa isang hospital. Ginamit ng ibang Pinay ang lahat ng impormasyon sa kanyang Iqama at pinalitan lang ang photo

May mga nagkakaproblema sa malaking bill sa mobile phone number na hindi sila ang gumamit. Ang mobile number ay hindi nila alam na nakarehistro sa kanilang Iqama number.

Mas malala pa kung ang mga mobile numbers ay magagamit sa gawaing iligal, katulad ng malicious calling, subersive postings sa internet, sa terorismo, sa pagbibenta ng druga o sa ano pang mga krimen.

Mayroon din nawalan ng pera sa kanilang bank account dahil nakuha ng ibang tao ang kanilang Iqama number at iba pang impormasyon tungkol sa kanila.

Iba-iba ang pamamaraan ng mga gumagawa ng masama at iligal para makakuha ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kanilang bibiktimahin.

May mga biktima na nakapagbigay na photo-copy ng Iqama sa tindahan na binilhan ng sim card. Lingid sa kaalaman ng biktima, ginagamit ang kanilang Iqama ng tindahan para makabenta ng sim card sa ibang tao na walang Iqama.

May mga biktima na nalinlang sa pamamagitan ng phone calls mula sa caller na nagsasabi na nanalo ka ng ilang daang libong riyal. Kaya, nakapagbigay Iqama number at iba pang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kanya.

Mayroon din sa pamamagitan ng smishing o phishing. Kaya, nakapagbigay ang biktima ng kanyang Iqama number at iba pang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kanya.

Ang pagpost ng Iqama (Muqeem) Card sa FB lalo na kung ito ay naging viral, ay tulong para mga gumagawa ng masama at iligal na makahanap ng bibiktimahin.

Ano ang Iqama o Muqeem Card?

Ang Iqama (Resident Permit), na naging Muqeem (Resident Identity) card noong 2015 ay patunay na ang isang foreigner ay legal resident ng Saudi Arabia.

Ito ang valid na ID para sa lahat ng transactions ng isang foreigner sa Saudi Arabia. Kung wala ka nito, hindi ka makapag-transact sa banko, hindi ka makapagpapadala ng pera sa mga remittance centers, hindi ka magkakaroon ng sariling mobile number, mahirap kang ma-admit sa hospital, mahirap makapag-travel sa loob ng kaharian at lalong hindi makakalabas ng Saudi Arabia.

Sa batas ng Saudi Arabia, ang sponsor (company o employer) ang obligado na magprovide ng Muqeem card sa kanyang foreign worker sa loob ng 90 araw mula ng pumasok siya sa Saudi Arabia. Obligasyon ng sponsor ang mga dapat babayaran sa pag-apply o pagrenew ng Iqama sa kanyang mga workers katulad ng health insurance, GOSI at work permit.

Ano ang mga impormasyon na napaloob sa Iqama (Muqeem Card)?

Iqama number – Ito ay “unique identification number” ng isang foreigner. Hindi pwedeng dalawang tao sa isang Iqama number.

Sa Muqeem Card, ang iqama number ay nakasulat ng dalawang beses. Una ay yong Arabic numbers na nakasulat sa sa baba ng Arabic Name at ang pangalawa ay yong English numbers sa baba ng picture.

Kung kayo ay nakapulot ng Iqama at gusto ninyong manawagan sa FB, siguradohin ninyo na maitago ang dalawang nakasulat na Iqama number. Hindi yong Arabic lamang at hindi yong English lamang.

English at Arabic Name ng Worker – Dapat ang English name at ang Arabic name ay katulad sa pangalan na nakasulat sa passport ng worker.

Kung kayo ay makapulot ng Iqama, sapat na ang English name ang ipost sa FB at hindi na kailangan ipapakita pa ang buong Iqama card. Kung sa palagay ninyo ay kailangan na mag-post ng picture ng Iqama, burahin nyo na ang lahat ng impormasyon na nakasulat sa Iqama card maliban sa pangalan ng may-ari ng Iqama.

Maari din na bago magpost ay hanapin nyo muna sa Facebook ang kaparehong pangalan at picture sa nawalang Iqama at padalhan ninyo siya ng message. At hindi na kailangan i-post pa at ipaviral ang kanyang Iqama.

Sponsor’s name (Company o Employer) and Sponsor’s Licence number – Ito ang ang nakasulat na sponsor sa First Entry Visa at ito rin dapat ang nakapangalan na sponsor sa iyong kontrata at dito ka rin dapat nagtratrabaho.

Kung kayo ay makapulot ng Muqeem card, at kung ang sponsor na nakasulat ay isang company, maaring hanapin niyo muna ang company sa google para makuha ang contact at location nila. Maari kayong mag-email o tumawag sa company at pagsabihan sila na may nakakita sa Muqeem card ng kanilang worker.

Note: ang Sponsor’s Licence Number ay hindi na kasama sa mga Muqeem card na na-issue noong February 1, 2017 or later.

Profession – Ito ang profession na nakasulat sa First Entry Visa at ito rin dapat ang profession na nakasulat sa iyong kontrata at ito rin dapat ang iyong trabaho.

Religion: Ito ay mahalagang impormasyon para makapasok sa Makkah at Madinah.

Makakapasok ka sa Makkah at Madinah kung ang nakasulat sa Religion ay Islam . Noong ang Iqama ay booklet pa, ang kulay green na cover ng Iqama ay palatandaan na ikaw ay Muslim at kung brown ay ikaw ay non-Muslim.

Card Expiration Date / Card Issue Date:

Kung ang inyong Muqeem card ay na-issue before February 1, 2017, ang petsa na nakasulat ay kung kailan maexpire ang Muqeem card which is 5 years mula nang maprint ang card.

Kaya, ang nakasulat na petsa ay hindi ang expiration date ng inyong Iqama kundi sa card lamang.

Kung ang inyong Muqeem card ay na-issue noong February 1, 2017 or later, ang petsa na nakasulat ay kung kailan na-issue ang Iqama.

Kaya, ang buwan at araw na nakasulat ay kapareho sa expiration ng iyong Iqama.

Note: Hindi makikita sa Muqeem card ang expiration date ng inyong Iqama. Para makasiguro mag-login sa Absher para malaman ang expiration date ng iyong iqama.

Basahin sa baba ang history ng Iqama / Muqeem para sa karagdaghang impormasyon.

Place of Issue: lugar kung saan na-issue ang Iqama. Sa larawan na hinalimbawa, ang nakasulat na lugar ay Riyadh.

Note: Sa mga Muqeem cards na na-issue noong February 1, 2017 or later, hindi na ang City name ang nakasulat kundi “Electronic Services”

Nationality: Sa larawan na hinalimbawa, ang nakasulat na nationality ay Filipino

Iqama / Muqeem Timeline

before 2008 – ang Iqama (Resident Permit) ng karamihang expats noon ay isang booklet. Bawat isang taon ito irenew at ang renewal ay isulat sa isang page sa loob ng booklet.

Sa pagrenew ng Iqama noon, kailangang dalhin ng sponsor o ng authorized staff ng sponsor ang Iqama sa Jawasat.

May 10, 2008 – nagumpisa ang fingerprinting biometrics at ang Iqama ay maging platic card na para sa lahat ng expats. Taon-taon ito dapat marenew at sa bawat pag-renew ay magpalit ng iqama card.

Sa pagrenew ng Iqama card, kailangang dalhin ng sponsor o ng authorized staff ng sponsor ang Iqama sa Jawasat. Kukunin yong lumang card at papalitan ng bago.

October 15, 2015 – nagumpisa ang Muqeem (Resident Identity) card. Ang card ay ma-expire pagkatapos ng 5 taon pero ang renewal ng Iqama ay maaring 1 year, o 2 years o 5 years.

Hindi na kailangan pumunta sa Jawasat para mag-renew ng Iqama kundi sa pamamagitan ng Muqeem System via online.

February 1, 2017 – Mga pagbabago sa mga nakasulat sa Muqeem card

  • Ang dating Card Expiration Date (الانتهاء) ay pinalitan ng Iqama Issuance Date (الاصدر)
  • Ang Place of Issue ay hindi na City name kundi “Electronic Services” (الخدمات الالكترونية)
  • Nawala na ang Sponsor’s Licence Number

Iqama / MuqeemTimeline Photos

Before 2008 – Iqama (Residence Permit) Booklet

Iqama booklet for Muslim (green cover)
Iqama information
Iqama Renewed with Expiration Date

May 10, 2008 – Iqama (Residence Permit) Plastic Card

Iqama Plastic Card

October 15, 2015 – Muqeem (Resident Identity) Plastic Card

Muqeem Card (October 15, 2015 to January 31, 2017)

February 1, 2017 – Latest Muqeem (Resident Identity) Plastic Card

Drafted by: Abu Bakr Espiritu
for PATNUBAY EMPOWERMENT

Related Link

Mga mahahalagang impormasyon na dapat matutunan ng mga OFWs sa Saudi Arabia

Share this: