May tatlong (3) dahilan para mailibing ang katawan ng isang expat sa Saudi Arabia

Share this:

Noon pa man bago nagkaroon ng COVID19 pandemic, ay may tatlong (3) dahilan para mailibing ang katawan ng isang expatriate o expat  sa Kaharian ng Saudi Arabia, at ito ang mga sumusunod:

Una, may “last will” o kasulatan na iniwan ang isang expat bago siya namatay, na naglalaman ng kanyang kahilingan na mailibing sa Saudi Arabia. Kadalasan, ang nasabing kasulatan ay ginagawa ng karamihan sa aming mga Muslim para masiguro na mailibing ang aming katawan sa loob ng 72 oras. Isa ang “last will’ sa mga dokumento na isusumite ng sponsor o kaanak para makakuha ng No Objection Certificate (NOC) mula sa ating embahada.

Ikalawa, may kasulatan din mula sa ‘next of kin’ (NOK) o immediate family member ng pamilya ng namatay na expat na sila ay pumayag na mailibing ang kanilang kaanak sa Saudi Arabia. Dapat din ay may No Objection Certificate (NOC) mula sa ating embahada.

Ikatlong dahilan ay ang  “Due to Sanitary Reason” tulad ng mga katawan na mahigit isang taon na sa morgue at walang kaanak na nag-claim. Dapat ay magpapadala muna ng mga sulat ang Emara (Governor’s office) sa ating embahada o konsulado para ipaalam na dapat maproseso ang pagpapauwi ng katawan ng isang expat. Kung aabot nang mahigit isang taon at walang kumilos para sa pagpapauwi ng katawan ng expat, maililibing ito sa Saudi Arabia. Kadalasan nangyari ito kung walang pamilya sa Pilipinas na nag-claim para tumanggap ng mga labi.

Maari bang gamitin na dahilan ang “death due to COVID19” para mailibing dito ang isang expat sa ilalim ng “Due to Sanitary Reason’?

Maaring oo at maaring hindi. 

Pero, dapat ito ay sasang-ayunan ng gobyerno ng bansa ng namatay na expat at ng gobyerno ng Saudi Arabia.

Maari din sumangguni sa World Health Organization (WHO) kung kailangan o bawal bang pauwiin sa kanyang sariling bansa ang katawan ng expat na namatay sa abroad.

Posibleng isang rason ngayon ay dahil puno ng mga bangkay ang mga morgue ng mga ospital sa kaharian. May kakayahan ang gobyerno ng Saudi Arabia na makapag-produce ng freezer room o pasilidad para gawing morgue dahil base sa mga datos, hindi masyadong mataas ang bilang ng mga namatay sanhi ng COVID19 sa Saudi Arabia kumpara sa ibang bansa.

Maituturing isang factor din ang mga airline cargo na magdadala ng mga katawan pauwi sa sariling bansa ng mga expats na pumanaw. Pero hindi naman yan problema kung gagawa ang ating gobyerno ng paraan na gagamit ng sariling C-130 na eroplano para sa pagsundo ng mga katawan.

Nung nakaraang linggo, may mga lumabas na videos ng mga expat na nailibing sa Saudi Arabia na nag-viral. Sa talaan ng PATNUBAY, wala pa namang expat na nalibing na walang last will o walang pahintulot sa pamilya ng namatay at walang NOC mula sa embahada.

Nang makausap ng PATNUBAY si Consul General Christopher Aro ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, sinabi niya na nakatanggap sila ng note verbale na pinagbigyan sila ng 72 oras para maisaayos ang pagpapauwi ng labi ng mga OFW. Ganun din umano ang mga embahada ng iba pang mga bansa. 

Kaya nagkakaproblema raw tulad halimbawa sa mga bansang India at Sri Lanka ay dahil sa mga relihiyong Hinduism at Budhism na sa pamamagitan ng cremation ang kanilang ritual ng pamamaalam sa mga pumanaw nilang kapamilya. Kaya gusto ng mga embahada nila na mapauwi ang katawan ng kanilang mga nationals dahil walang cremation sa Saudi Arabia.

Ayon naman kay Consul General Ed Badajos ng Philippine Consulate sa Jeddah , sumulat na ang embahada natin sa Riyadh at konsulado natin sa Jeddah ng note verbale sa Saudi government na pahintulutan  na maiuwi ang mga labi ng mga kababayan natin na nasa mga morgue ngayon.

Ayon naman kay Director Iric Arribas ng DFA OUMWA ay may mga nakauwi naman na labi  ng mga namatay sa COVID19 sa abroad. Pero ang karamihan ay abo na dahil na cremate na bago ito naiuwi. Kung katawan naman ang maiuwi ay dapat ma cremate ito sa loob ng 12 oras pagdating sa Manila. 

Noong June 15, nakipag-usap si DFA secretary Teddy Boy Locsin sa ambassador ng Saudi Embassy sa Pilipinas na si Abdullah bin Nasser Al-Bussairy. Ayon kay secretary Locsin, naging positibo ang resulta nang kanilamg pag-uusap. Sa tweet ng kalihim, sinabi niya na papahintulutan  na makakauwi sa Pilipinas ang mga OFW na namatay sa Saudi.

Pero taliwas naman ang naging pahayag ni DOLE secretary Silvestre Bello kahapon (June 21, 2020). Ayon kay Bello, pumayag nga daw ang gobyerno ng Saudi Arabia na maiuwi ang mga bangkay ng mga OFW pero ang Inter-Agency Task Force (IATF) daw ng Pilipinas ay nagdesisyon na huwag iuwi ang mga labi.

Sa pananaw ng PATNUBAY, hindi muna sana sinabi ni Secretary Bello ang gayong pahayag habang may ginagawang pag-uusap pa ang Pilipinas at Saudi Arabia. 

Katulad nyan, may ginagawang inisyatibo ang DFA  kasama ang mga kinatawan ng ating embahada at konsulado na makumbinse ang Saudi government para maiuwi ang mga labi ng mga OFW.

Kung ang IATF ng Pilipinas ang ayaw, maari sanang makipagusap muna ang DFA o pamilya ng namatay na OFW na payagan maiuwi ng Pilipinas ang mga labi ng mahal nila sa buhay.

Maaring ang pagbabalita pa ni Secretary Bello ang maging sanhi ng problema lalo pa kung lalabas ito sa mga Arabic News at mababasa dito sa Saudi Arabia. 

Anong mangyayari kung sakali may taga-embahada at taga-konsulado na pumigil sa pagpapalibing ng bangkay ng isang OFW? Maari silang sagutin nang, nasa balita ninyo na hindi tatanggapin sa Pilipinas ang bangkay. So, ano pa ang hinintay natin? bakit ayaw pa natin ilibing ang mga nasawing kababayan ninyo dito?

Ilang oras lang mula nang magpabalita si Sec Bello, ay salungat naman ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque. Ayon kay SPOX Roque, 232 katawan lang ang papauwiin pero ang 50 na namatay sanhi ng COVID19 ay sa Saudi Arabia na malilibing bilang pagrespeto sa “host country’s local customs”

Dapat sana ang mga ahensya ng ating gobyerno, ay mag-uusap muna bago magpalabas ng balita.  Katulad niyan, kay Sec Bello ay papayag ang Saudi Arabia na mapapauwi ang mga katawan ng mga biktima ng COVID19 pero IATF ang ayaw tatanggap ng katawan. Samantalang kay SPOX Roque naman ay ang bansang Saudi Arabia ang ayaw magpapauwi.

Sana binigyan diin nila ang pakiusap ng DFA Manila, ng Embahada at ng Konsulado natin para kumbinsihin ang gobyerno ng Saudi Arabia na huwag mailibing sa Saudi ang katawan ng mga biktima ng COVID19.

Ako, bilang isang Muslim mas pipiliin ko na dito mailibing sa Saudi Arabia, lalo na kung ang katawan ko ay susunugin lamang pagdating sa Manila. 

Pero nakikisimpatiya ako sa mga pamilya ng mga OFW na hindi Muslim na ang kahilingan ay maiuwi ang labi ng kanilang mga kaanak. Naiintidihan ko ang kanilang damdamin at paniniwala. Kaya, sana mapagbigyan ng ating gobyerno ang kanilang mga kahilingan.

Sa website ng IATA (International Air Transport Association) mababasa natin sa Guidance Information on the Transport of COVID-19 Human Remains by Air Collaborative document by WHO, CDC, IATA and ICAO, na halos lahat ng mga bansa, kasama ang Pilipinas ay papayag maiuwi ang naembalsamong katawan ng namatay sanhi ng COVID19. 

Pwede naman pala. Sana pinag-uusapan munang mabuti ng mga ahensya ng gobyerno natin ang issue bago sila nagpabalita lalo na at may naunang pakiusap ang DFA Manila, Embahada at Konsulado natin sa gobyerno ng Saudi Arabia na pauwiin ang lahat ng katawan ng mga OFW na namatay sa Saudi Arabia, sanhi man ng  COVID19 o hindi.

Kami ay nakikiramay sa lahat ng nawalan ng mga mahal sa buhay.

Inna lillahi wa inna ilayhi rajiun

Drafted by: Abu Bakr Espiritu

Updates:

June 22, 2020 ng umaga lumabas naman sa Manila Bulletin ang balita na sinabi ni DFA Secretary Locsin na gumagawa ng paraan ang gobyerno ng Pilipinas para makauwi ang mahigit 200 katawan ng mga namatay na OFWs kabilang na ang 50 na namatay dahil sa COVID19.

MANILA BULLETIN
JUST IN: Philippines now making arrangement for cargo flights to bring home the remains of more than 200 Filipinos from Saudi Arabia, including the 50 who succumbed to #COVID19, DFA Sec. Locsin said.

At sa Twitter account ng Kalihim ito ang kanyang tweet:

There you go. Bebot has well founded fear of infection but you know me—pusong mamon. The cadavers are coming home to their loved ones intact. The Kingdom has no facilities for cremation out of respect for the dead that Xtianity had samde respect but not anymore. Ok na burning.

June 22, 2020 ng hapon naman ang video interview ng Inquirer.net kay Ambassador Adnan Alonto ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh at sinabi ng Ambassador na sa Saudi Arabia mailibing ang mga namatay sa COVID19 dahil hindi umano papayag ang IATF.

June 23, 2020 ng umaga, nagtweet si DFA Secretary Locsin na ang IATF talaga ang ayaw papayag na pauwiin ang mga katawan ng mga namatay sanhi ng COVID19.

Teddy Locsin Jr.: Doing all @DFAPHL can but we’re not carrying the IATF on that one, so far. But still trucking if that’s the word.

Kaya, sinagot natin siya ng ganito

SFA @teddyboylocsin, sir IATF should read this Guidance Information on the Transport of COVID-19 Human Remains by Air Collaborative document by WHO, CDC, IATA and ICAO

https://www.iata.org/contentassets/8aa8928c553042bf99a5014d8ac25c8f/guidance-document-transport-of-covid-19-human-remains.pdf

Ang problema kasi niyan po, ay kung mtranslate na sa Arabic news ang mga balita na hindi tatanggapin ng Pilipinas ang mga nmatay sa COVID19, at mbbasa ng kinaukulan sa ksa. baka hindi na sila magdalawang isip na malibing ang mga bangkay dito kasi gobyerno na natin mismo ang nagsasabi na hindi nila tatanggapin

Patnubay Reactions

The IATF should stop playing god. They better read the manual WHO: Infection Prevention and Control for the safe managementof a dead body in the context of COVID-19 and the following key considerations

  • COVID-19 is an acute respiratory illness caused by COVID-19 virus that predominantly affects the lungs;
  • Based on current evidence, the COVID-19 virus is transmitted between people through droplets, fomites and close contact, with possible spread through faeces. It is not airborne. As this is a new virus whose source and disease progression are not yet entirely clear, more precautions may be used until further information becomes available;
  • Except in cases of hemorrhagic fevers (such as Ebola, Marburg) and cholera, dead bodies are generally not infectious. Only the lungs of patients with pandemic influenza, if handled improperly during an autopsy, can be infectious. Otherwise, cadavers do not transmit disease. It is a common myth that persons who have died of a communicable disease should be cremated, but this is not true.
  • Cremation is a matter of cultural choice and available resources
  • To date there is no evidence of persons having become infected from exposure to the bodies of persons who died from COVID-19;
  • People may die of COVID-19 in the health care facilities, home or in other locations;
  • The safety and well-being of everyone who tends to bodies should be the first priority. Before attending to a body, people should ensure that the necessary hand hygiene and personal protective equipment (PPE) supplies are available
  • The dignity of the dead, their cultural and religious traditions, and their families should be respected and protected throughout;
  • Hasty disposal of a dead from COVID-19 should be avoided;
  • Authorities should manage each situation on a case-by-case basis, balancing the rights of the family, the need to investigate the cause of death, and the risks of exposure to infection.

Related Links:

Share this: