Featured Story: United Filipino Basketball Association (UFBA) Riyadh – mas lalong pinapalakas ang kawanggawa, habang wala munang sports events sanhi ng COVID19

Share this:

Ang organisasyon na may malinaw at malinis na adhikain ay malawak ang kayang gawin.

Ang adhikain ng United Filipino Basketball Association (UFBA), ay hindi lamang para mapag-isa ang mga baskebatll organizations sa Riyadh at magsulong ng sports na basketball, kundi para rin magsulong ng konsepto ng bayanihan para makapaglingkod sa kapwa.

Sa panahon ng pandemic na pinagbabawal ang mga basketball events, mas lalong pinapalakas ng UFBA ang kawanggawa. Ang mga basketball organizers, players at referees ay busy sa pagbabahagi ng biyaya para sa mga OFWs na nangangailangan ng pagkain.

Sa kasalukuyan, mayroong fundraising ang UFBA para kay Baby Marian, isang batang Pinay na may biliary atresia at kailangan maoperahan.

Source Link: https://www.facebook.com/groups/212377009495818/permalink/710202063046641

Patnubay Note: UFBA upholds the principles of HAGIT (Honesty, Accountability, Good Governance, Integrity and Transparency)

UFBA Successful Causes

December 2017 – FLASH CARGO KABAYAN TULONG PARA SA MARAWI BASKETBALL EXHIBITION GAME
August 2018 – HELP JOLO SULU FIRE VICTIMS BASKETBALL EXHIBITION GAME FOR A CAUSE
Share this: