Dahil computerized na ang pag-apply ng Final Exit Visa at Exit-Reentry Visa sa KSA , maaring hindi na kayo bibigyan ng employer ninyo ng Exit Visa printout.
Magagamit ang tip na ito sa mga OFW na gustong mag-avail ng special flight (repatriation program) ng DFA or DOLE, dahil required ng embasssy, konsulado at POLO ang printout o photo ng Final Exit Visa..
Magagamit din ito ng mga may Reentry Visa, dahil sa airport sa Pilipinas ay hahanapin ng visa checker ang patunay na may re-entry visa pabalik ng Saudi Arabia.
At magagamit din ito kung nawala ang printout ng exit visa at gusto mong mag print ulit.
Nasa baba ang mga steps kung paano.
See the illustration below and follow the sequence

- Type or click this url “https://muqeem.sa/#/visa-validity/check” then click the “English” language button
- Toggle the radio button na ang label ay “Iqama“
- sa Textbox, type the Iqama number
- Click the Combo Box, select (Passport Number)
Note: you may select Visa Number kung alam ninyo ang visa number, ganun din sa Name, Iqama Expiry Date, Visa Expiry Date. - sa Textbox, type the Passport number
Note: you may type the Visa Number kung yon ang pinili ninyo sa Combo box sa point 4 , ganun din sa Name, Iqama Expiry Date, Visa Expiry Date. Ang name ay dapat magmatch kung ano ang nakasulat sa Absher at sa Ministry of Labor system. - Click the “Check” button
- Kung tama lahat ng entries at kung may Exit Visa na talaga, lalabas ang Visa information. Maari ninyo itong iprint, or isave as pdf file or screenshot.
Note: sa example result ay pinalitan at itinago namin ang Name, Passport number, Birth information and Visa information.

Note: Sa Visa Type, malalaman ninyo kung Final Exit ba or Exit-Reentry ang Visa ninyo.
Drafted by Abu Bakr Espiritu for Patnubay Online