Dahil computerized na ang pag-apply ng Visa sa KSA , maaring hindi na kayo bibigyan ng employer ninyo ng Visa printout.
Ang Visa Check ng Muqeem Online System ay malaking gamit ng mga may Re-entry Visa, dahil sa airport sa Pilipinas, hahanapin sa airport ang patunay na may re-entry visa pabalik ng Saudi Arabia.
At magagamit ito para malaman ang status ng Re-entry Visa, at masisiguro na hindi pa expired ang re-entry visa sa araw ng flight pabalik ng Saudi Arabia.
Nasa baba ang mga steps kung paano.
(Refer to the illustration and follow the sequence)
- Type or click this url “https://muqeem.sa/#/visa-validity/check” then click the “English” language button
- Toggle the radio button na ang label ay “Iqama“
- sa Textbox, type the Iqama number
- Click the Combo Box, select (Passport Number)
Note: you may select Visa Number kung alam ninyo ang visa number, ganun din sa Name, Iqama Expiry Date, Visa Expiry Date. - sa Textbox, type the Passport number
Note: you may type the Visa Number kung yon ang pinili ninyo sa Combo box sa point 4 , ganun din sa Name, Iqama Expiry Date, Visa Expiry Date. Ang name ay dapat magmatch kung ano ang nakasulat sa Absher at sa Ministry of Labor system. - Click the “Check” button
Kung tama lahat ng entries, lalabas ang Visa information. Maari ninyo itong iprint, or isave as pdf file or screenshot.
Note: sa example result ay itinago namin ang Name, Passport number, Birth information and Visa information.
7. Visa status – Kung Active ang nakasulat meaning hindi pa ito Expired.
8. Visa Type – para sa atin mga OFW ang Visa Type natin ay Single at hindi Multiple katulad ng mga businessmen o dignitaries.
9. Visa Duration – ito yong bilang ng araw na pwede kang mamalagi sa labas ng Saudi Arabia. Kung ang nakasulat ay 60 days ay dapat nakabalik ka na sa Saudi Arabia sa loob ng 60 days mula sa araw ng iyong paglabas sa Kaharian. Kaya, siguradohin ninyo na ang inyong return flight ay hindi lalagpas sa number of days na nakasulat sa Visa Duration.
10. Inside/Outside the Kingdom – sa ating example, ang lumabas ay Outside meaning nasa labas ng Saudi Arabia ang may-ari ng visa. Inside naman ang nakasulat dyan kung ang may-ari ng visa ay hindi pa nakalabas o hindi pa nakabalik sa Kaharian.
11. Return Before Date – ang ibig sabihin nito ay dapat makabalik ang may-ari ng visa sa Saudi Arabia, bago ang petsa na ito. Ang Return Before Date ay yan din ang expiration date ng iyong Re-entry Visa. Kaya, siguradohin lamang na ang inyong return flight ay mas maaga pa sa Return Before Date.
Patnubay Notes: Kung sa anumang kadahilanan, ay hindi kayo makakabalik sa Saudi Arabia sa petsa ng expiration ng re-entry visa, kontakin ninyo ang inyong employer para ma-extend ang re-entry visa bago ito mag-expire.
Madali lang ang pag-extend ng re-entry visa gamit ang muqeem portal o absher (Business) account ng employer ninyo. Huwag ninyo hintayin na ma-expire ang re-entry visa dahil napakahabang proseso ang pagkuha ng panibagong entry visa, dadaan kayo ulit sa isang recruitment agency, sa biometrics ng VFS Tasheel at visa stamping sa Saudi Embassy.
Kung ang re-entry visa ay sadyang hindi na gagamitin dahil nagkasundo ang worker at ang employer na hindi na babalik ang worker. Magpadala dapat ang worker ng termination of contract o resignation letter, at i-request sa employer na ipa-cancel ang re-entry visa bago ito ma-expire, para maging Final Exit Visa ito. Isama na rin ninyo sa inyong letter na dapat maibigay ang mga benepisyong narararapat sa inyo.
Kung sakali hahayaan na lang na ma-expire ang re-entry visa. May travel ban po para sa mga may re-entry visa at hindi bumalik sa Saudi Arabia. Sa Labor Reform Initiative for Exit and Re-entry Service, ang nakasulat ay permanent ban.
May exception ang ban na yan, kung bumalik ka sa parehong employer gamit ang bagong First Entry Visa. Yon nga lang dadaan ka sa proseso na parang nag-apply ka ulit ng trabaho sa abroad.
Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh!
Drafted by Abu Bakr Espiritu
for Patnubay.org