(Updated March 21, 2021) – Kung kayo ay nagpatransfer sa panibagong sponsor at gusto ninyong malaman kung natransfer na ba talaga kayo. O di kaya gusto niyo lang i-check ang pangalan ng inyong current sponsor kung kapareho ba sa nakasulat sa inyong First Entry Visa o sa inyong Iqama. Sundin niyo lang ang mga steps na ito sa baba:
1. Gumamit ng Chrome o ano mang browser na may Arabic to English Translation at i-type o i-click ang url na ito https://mol.gov.sa/services/inquiry/laborofficeservicesinquiry.aspx .
2. I-click “Service Type” pull down menu at pumunta sa second to the last na selection, na “Transfer Agent Service“.
3. I-click (to toggle) ang radio button na may label na “Worker’s residency number“:
4. Sa katabi na Text box, i-type ang inyong Iqama Number.
5. Gayahin ang naka-display na “Verification Code” at i-type ito sa katabi na textbox.
6. I-click ang “Search” button
Sa baba, lalabas ang Result at mababasa ninyo ang pangalan ng inyong current sponsor.
Patnubay Notes: Kung sakali ay may iba ang pangalan, i-set niyo sa Arabic ang language ng inyong browser, para i-kumpara ninyo sa nakasulat sa inyong Iqama o di kaya sa inyong First Entry Visa. Kung hindi kayo marunong magbasa ng Arabic ipabasa ninyo sa mga marurunong.
Hindi kasali sa system ng MOL ang mga domestic workers, family driver o ano mang profession na nakadefine na hindi kasali sa Saudi Labor Law (Article 7).
Addendum: Maari din ninyong macheck sa Absher portal ang pangalan ng inyong current sponsor. Pero sa mga nagpapatransfer, nauuna itong magreflect sa system ng MOL (now MHRSD).
Related Articles
- KSA OFW – Ano ang mga nakasulat sa iyong Iqama (Muqeem Card) at bakit hindi ito basta-basta ibibigay sa iba?
- PATNUBAY EMPOWERMENT: How to check the first entry (working) visa of KSA-bound OFW
- Pagpapaliwanag sa mga “90 days” na nakasulat sa Entry Visa para sa KSA
- Paraan para magcheck kung ang isang OFW sa KSA ay huroob (runaway/ undocumented/blacklisted)
- Mga mahahalagang impormasyon na dapat matutunan ng mga OFWs sa Saudi Arabia