Maigi sigurong pag-usapan natin ng mabuti ang isyu na ito. Nasa baba po ang aking reaction at kayo na ang bahalang magdesisyon pagkatapos nyong mabasa ang lahat ng nakasulat.
1. Ang link sa baba ay sapat na para makapagpaliwanag sa inyo tungkol sa mga mandatory insurances namin dito sa Saudi.
Link: http://patnubay.com/link.asp?TOPIC_ID=280
Ang lahat ng mandatory insurances ng Saudi Arabia (Medical Insurance, Social Insurance (GOSI), Medical Malpractice Insurance, maliban sa motor insurance) ay sagot lahat ng kanilang employers. Walang babayaran ang mga workers.
Kaya bang tumbasan ng Philhealth, OWWA or ng mandatory Insurance (RA10022) yan ?
Sagot: Hindi
Kung kayo ang pipili, saan kayo, sa Libre ( na insurances ng Saudi Arabia) or sa Sapilitan ( ng Philhealth, OWWa, Mandatory Insurances ng RA10022) ?
Sagot: Syempre sa libre..
2. Naging epektebo ba ang Philhealth, OWWA noon ?
Hindi ? Pahirapan sa pag-admit, may limit sa gamutan at piling-pili ang hospital.
Samantalang sa medical health insurance ng Saudi Arabia, napakaraming mga hospital na maari naming pagpipilian. Ang employer ang nagbayad ng medical insurance sa kanyang worker dahil ito ay nakasaad sa Cooperative Health Insurance Law ng Saudi Arabia.
Ano naman ang mga benepisyo ng medical insurance ng Saudi Arabia?
Ang policy na 1000Sr per year ay may free treatment na 100thousand SR per year (1.1 million pesos)
ang 2000sr policy ay may 200thousand SR (2.2 million pesos) free treatment
ang 3000sr policy ay may 300thousand SR free treatment.. that is 3.3 million pesos..
Hindi lang para sa worker kundi para din sa kanilang mga dependents. Halimbawa, pareho kayo ng asawa nyo na nagkasakit at nasa class A kayo. Ibig sabihin, ang bawat isa sa inyo ay maaring makalibre ng 300thousand SR free treatment per year.
May mga kakilala ako na ang mga asawa sa pinas, ay may sakit na breast cancer, dinala nila dito ang kanilang mga asawa, ginawa nilang dependent para magkaavail ng medical insurance. Nakalibre sa gamutan at gumaling sa kanilang karamdaman.
Maliban doon, ang babayaran namin sa gamot na nabili ay 10 percent lamang.. Dahil kasama itong nakasaad sa Cooperative Health Insurance Law ( Mandatory Medical Insurance).
Kaya bang tumbasan ng Philhealth yan ? hindi.. dahil marami akong kakilala na sinubukan magparefund ng kanilang mga medical receipts dito. Pinayuhan ng Philhealth na kailangan daw matranslate ang receipts from Arabic to English.. Ang OFWs naman ay umaasang makarefund, nagbayad ngayon para sa translation equivalent to 300sr ( equivalent to 3thousand pesos).. ang narefund ng philhealht magkano ? 2000 pesos.. Lugi! Idagdag mo pa ang gastus pa sa pamasahe, ang gastus sa pagtawag para sa pagfollow-up.
Ngayon hihingi sila ng dagdag na bayarin sa mga OFWs… tsk tsk tsk.
3. GOSI- OHB or social insurance para sa mga kababayang naaksidente habang nagtrabaho..
Kaya bang tumbasan ng Philhealth ang continous medication ng isang naaksidenteng manggawa, katulad kay Joseph Peruda na umabot ng halos apat na taon na nakaconfine sa hospital, tuloy-tuloy ang sahod, at may disability benefit pa na hindi bababa sa 5 years salary?
http://www.youtube.com/watch?v=pzvcycsojBk – Joseph Peruda Story
http://www.youtube.com/watch?v=4BbfgSFYHzI – Alex Arias Story
4. Yong mandatory insurance sa Pilipinas (RA10022), kaya ba nilang tumbasan ang motor insurance namin dito na pananagutan ang bloodmoney sa mga apektado sa aksidente?
Dito, basta may lisensya ka lamang, sayo nakapangalan ang sasakyan, ang motor insurance na ang magbayad ng bloodmoney. Bloodmoney na minsan ay aabot ng ilang milyong Saudi Riyals.
5. Kaya ba ng kahit anong insurance na pananagutan ang bloodmoney kung sakaling masangkot sa kasong medical malpractice ang kababayan doctor or nurse or dentist ?
Hindi..
6. So bakit pa kami pababayarin dyan sa Pilipinas, eh mas maganda ang insurances namin dito? At LIBRE pa!
Bakit pa kami magdagdag ng perang ibibigay sa gobyernong Pilipinas, eh alam din naman namin na mapupunta lang yan sa mga kawatan. Eh dito libre ang mga mandatory insurances namin, ang employer ang nagbabayad.
Kamakalilan lamang, may kaso na naisampa laban kay GMA, former DFA Sec romulo at iba pang government officials sa nakaraang administrasyon, dahil sa maling paggamit ng pera naming mga ofws sa OWWA, kunwari nailipat daw sa philhealth pero ginastos pala para manalo sila sa election.
Ninakaw na nila ang pera ng OFWs, tapos kami ang sisingilin dahil sa kakulangan ng pundo ng Philhealth? Pera ng OFWs ninakaw na nila, ngayon na wala ng mananakaw ay OFWs pa rin ang sisingilin.
7. Sa Saudi Arabia basta legal worker lamang.. at kahit hindi pa covered ng medical insurances, maraming beses na tayo sa patnubay at ating mga partners ay nakahingi ng mga Royal Orders sa gobyernong Saudi para sa libreng organ transplant operation, free treatment para sa may sakit na OFW. Kaya bang ibigay ng Philhealth at OWWA yan?
You may check the following videos tungkol sa dalawang OFWS na nangangailangan ng free kidney transplant operation. Sila po ay nabigyan ng Royal Order for free organ transplant operation
http://www.youtube.com/watch?v=y5OzzT8vbpI – Bryan Cruz
http://www.youtube.com/watch?v=MQHwfS1PVgk – The late Conrado Nazareno
8. Sa tulong din ng mga kapatid na Muslim sa mga Dawaah Islamic Centers, marami sa mga kababayan ang nabigyan ng libreng gamutan kahit hindi sila muslim, at kahit undocumented pa.. katulad ng case ni OFW Raymund Daniel na ayaw umuwi dahil dito libre ang dialysis para sa kanya.. nasa video link na ito ang interview natin sa kanya.
http://www.youtube.com/watch?v=ZcGT6q5SKDY
Kaya ba ng Philhealth, OWWA at Mandatory Insurance (RA10022) yan?
9. Malinaw, na hindi kayang tumbasan ng Philhealth, OWWA or kahit anong mandatory insurance sa Pilipinas ang mga prebilihiyo ng mga OFWs dito kung sakali ay magkakasakit.
Sana, sa halip na magdagdag ng singilin sa mga OFWs ang gobyernong Pilipinas, bakit hindi na lang nila aayusin ang kanilang pagserbisyo? Siguradohing walang discrepancies sa visa ng workers, katulad ng profession at pangalan ng sponsor para wala ng technicalities na maaring hindi makaavail ang insurances ng isang kababayan.
Mga tatlong taon na ang nakaraan, may isang mekaniko sa Dammam noon, nabagsakan ng sasakyan, hindi sinagot ng GOSI dahil ang kanyang visa ay para sa family driver. Bakit daw nasa talyer sya at nasa ilalim pa ng sasakyan samantalang ang work (visa) nya naman ay driver .
Kung tama lang sana ang visa ng yumaong OFW bago pumasok dito sa Saudi Arabia, may makuha sanang death benefits from GOSI ang kanyang pamilya.
Or di kaya yong maraming nurses dito na ang visa ay janitress. Hindi makakuha ng license sa Saudi Council at hindi covered ng mandatory Medical malpractice Insurance. May kaso na tayo noon na naipit sa situation ang isang nurse ng magreklamo ang pamilya ng pasyente na namatay. Bakit kasama ang walang Saudi Council Licence. Ang masama pa ang profession na nakalagay sa kanyang Iqama ay isang Janitor. Marami din ang mga dentista dito na dental assistant ang visa.
Nalagay sa panganib ang ating mga kababayan dahil sa kapabayaan ng sarili nating gobyerno. Hindi naging maayos ang verification ng POLO sa mga visa, hindi maayos ang pagbusisi ng POEA at maging sa airport na rin.
Nalalagay pa sa kahihiyan ang ating mga nurses, dentists na nagtatakbuhan at nagtatago kapag may taga Ministry of Health na nag-inspection.
Ang Visit visa, na malinaw na nakalagay dyan na “not permitted to work” pero nakalusot pa rin dito (basta magbayad lang daw ng OEC). Pero kung magkakaroon na ng labor dispute ang kawawa ang worker dahil wala syang karapatang magreklamo, ang sagot ng POLO “alam mo naman na visit visa ang hawak mo!”. Worst kung magkasakit or maaksidente.
or Katulad ng mga fishermen visa na hindi sakop sa batas ng paggawa ng Saudi Arabia (Article 7) at mga insurances.
Bakit sila nakalusot dito ? Samantalang alam naman natin na bago makapaghire ang isang employer ay dadaan yan sa pinakamalapit POLO or consulate for verification ? Dadaan din sa POEA at sa airport ay may checking din..
Ayusin ang verfication process para walang sabit na makaavail ang OFW sa mga libreng insurances dito.
Hindi naman mahirap mag-verify ng visa dahil mula 2009 , maari na itong ma-check thru this link http://www.mofa.gov.sa/EServ/Pages/default.aspx.
Pero dahil sa mga padulas na natanggap mula sa employers, ay sadyang pinalusot nang mag-verify ang mga maling visa papunta dito ?
Dapat ding baguhin ang proceso sa pagrepatriate ng bangkay, na naka-toon lamang sa mga end of service awards. Alamin kung papano namatay. Kung nangyari habang nagtrabaho, then alamin kung may GOSI ba, ano ang GOSI number para madali itong mafollow-up ng pamilya. Kung sa roadtraffic accident alamin kung may motor insurance ba ang nakabangga (mandatory ito ngayon) para malaman kung papano maifile ang pagclaim ng pamilya sa bloodmoney.
Ito ang mga dapat ayusin at hindi yong kami ang hihingan nyo ng dagdag bayad.
10. Pero teka, makakatulong pala ang Philhealth, OWWA at Mandatory Insurances kung mai-offer yan sa mga UNDOCUMENTED.
Dahil ang mga undocumented ang hindi covered ng mga insurances dito sa Saudi.
Ang problema ay yong mga undocumented kung gustong mag-apply ng OWWA membership, or Philhealth ay hindi pwede, dahil sya ay unducomented.
Makikita nyo ang requirements sa application form ng OWWA na kailangan ng pangalan ng employer, contract , exit-reentry visa, ticket. Undocumented nga, hihingan nyo ng pangalan ng employer at contract ? Sino ba ang employer na magbigay ng contract samantalang bawal sa Saudi Arabia ang mag-employ ng undocumented?
Ang mga undocumented po. Sila ang mas nangangailangan ng mga insurances, philhealth at OWWA. Sa RA8042, malinaw na nakasaad na bigyan ng access ang mga undocumented katulad ng previlege na natanggap ng mga legal workers. Katulad ng pag-apply sa OWWA, or ano pa pang mga prebilihiyo na meron ang mga legal na workers.
11. Oo na, sige na, papayag na ako na magdagdag bayad para sa Philhealth, OWWA or Mandator Insurances ng RA10022.. basta ang ating gobyerno, ang lahat ng Labor Attache’s or Ambassadors ay mananawagan ngayon sa lahat ng undocumented na mag-avail ng OWWA Membership, Philhealth at Mandatory Insurance at wala na ang mga mahihirap na mga conditions.
12 . Magbabayad ako ng kahit mag-kanong dagdag sa Philhealth or OWWA or Mandatory insurances kung maipangako ng ating gobyerno na magamit namin ang perang binayad kung kami ay umuwi na sa Pilipinas at hindi na mga OFWs.
An OFW’s Explanation about his Insurances in KSA
Drafted by Tasio Espiritu for
Patnubay Online – Saudi Arabia
Pahabol:
1. Para sa kaalaman ng mga magbabasa, marami ng mga undocumented na may mga sakit na natulongan ng patnubay dito sa ksa. .
katulad na lamang ni rosa vilma na kahit undocumented ay nagawan pa ng kasamahan nating filipinos at saudi na mabigyan ng libreng chemotherapy bago sya nakauwi sa Pilipinas.
Link http://www.youtube.com/watch?v=SjDkTfBUIsQ)
ganun din kay miss norhaima omar na mga kababayan natin ang sumagot ng libreng dialysis para sa kanya bago sya makauwi
Link: http://www.youtube.com/watch?v=j0jE2CM7Iqc
kay yumaong nanay josephine muyco na ang mga kababayan sa jeddah ang nagtulong-tulongan para sa kanyang paggamot dito. Ang cma office natin ang lumapit sa OWWA para maipasok si Nanay Josephine sa hospital pagdating sa Pilipinas, at Ka lito Soriano ng LBS naman ang nagprovide ng ticket sa kanyang bangkay pa-uwi ng iloilo..
Ang sagot ng owwa or philhealth sa kanila ng una nating inilapit ? Hindi kasi sya member ng owwa.. at Philhealth.
eh kaya nga gawin yong friendly ang owwa membership at philhealth na maaring makaavail ang mga undocumented dito.
or di kaya yong case ni yumaong Lilia Prestado.
Link: http://patnubay.com/link.asp?TOPIC_ID=281
2. Ang RA10022 kung saan ginawang mandatory ang dagdag na bayarin ng OFW sa Insurance at PAG-IBIG, ay isang batas na ginawa ng mga mambabatas na walang konsultasyon sa hanay ng mga OFWs. Naimplement na walang pagpapa-alam sa mga OFWs. Inaprobahan ng mga mambabatas at sapilitang pinatupad. Pumalag tayo pero ang sagot ng gobyerno ay wala na tayong magagawa dahil napasabatas na ito (RA10022).
References :
Matrix-Work-Related-Injuries-or-Death-Compensation-per-Country.pdf
A-Case-Study-for-Work-Related-Injuries-in-KSA.pdf
KSA’s Social Insurance Law Explained
KSA’s Cooperative Health Insurance Law Explained
http://www.gosi.gov.sa/portal/web/guest/regulation
http://www.cchi.gov.sa/Pages/default.aspx
http://www.boe.gov.sa/ViewSystemDetails.aspx?lang=en&SystemID=186
http://www.tvshowsreplay.info/
http://patnubay.org/?p=152