Oktubre 3, 2021 – Sa kanilang Twitter account, seryoso ang Al Jawazat KSA, sa pagpaalala sa mga expatriates na bawal ang magtatrabaho ng iligal o hindi sakop sa kanilang opisyal na kontrata.
Sa katunayan, ang kanilang anunsiyo ay sa salitang Tagalog. Nasa baba ang kanilang anunsyo.
Kaparusahan para sa mga expatriate na nagtatrabaho ng iligal, o hindi sakop ng kanilang opisyal na kontrata.
- Multa na aabot hanggang 50,000 riyal.
- Pagkabilanggo na aabot hanggang sa anim na buwan
- Pagpapauwi sa kanyang lugar.
Upang iulat ang sinumang lumalabag sa regulasyon sa seguridad ng paninirahan at hangganan sa Kaharian, tumawag lamagn sa dalawang numero
911 para sa Banal na Lungsod ng Makkah, at Riyadh.
999 para naman sa lahat ng Lungsod sa loob ng Kaharian.
Source: https://twitter.com/AljawazatKSA/status/1444708862272081922