Patnubay Leaks: OFWs Speak against COWA Report

Share this:

Drafted by Tasio Espiritu
First posted in March 2011  for patnubay.com

Nais po naming ipaalam sa mga OFWs na naniwala sa pinaglabang prinsipyo ng Patnubay;

Tayo po ay nadismaya sa lumabas na COWA report na walang katotohanan kundi sadyang gawa-gawa lamang. Hindi po katanggap-tanggap sa atin ang kanilang fabricated report. Kaya, sinubukan po nating pinaaalam sa kanila ang katotohaan; sa pag-asa na malaman nila ang totoong ugat ng mga problema ng mga OFWs sa KSA at para mabigyan ito ng tamang solusyon.

Hindi nila tayo pinakinggan dahil ang intention nila ay yong papuri ng mga taong nasa labas at walang kaalam-alam sa totoong buhay ng mga OFWs sa Saudi Arabia.

Nasa baba po  yong mga dating confidential email exchanges para malaman nyo kung papano natin sila pilit kinumbinse para maipalabas ang katotohanan (pero dinedma pa rin nila).
—————————–

1 of 4. Patnubay Leaks Part 1 – Where is the real Walden?

Link http://patnubay.com/leaks/Gmai-Re-Accessing-the-COWA-Report.pdf
—————————–

2 of 4. Patnubay Leaks Part 2 – The AKBAYAN Gatecrasher

a. The team were handling a certain case in Dubai. We were having a discreet email discussion about the case, nang may bumulaga sa aming isang Richard Javad Heydarian sa opisina daw ni congressman Bello.

Kung inyong matatandaan isang email discussion (patnubay leak 1) ,pinuna natin yong isang Sabrina Gacad na sumagot gamit ang email account ni Congressman Bello.Kaya heto ang isang Richard, biglang sumulpot sa ating discreet email discussion. This time hindi na email ni Congressman Bello ang gamit. Please check then link below.

http://patnubay.com/leaks/Akbayan-Gate-Crasher—1.pdf

b. Basahin nyo rin yong magandang pagsagot ni Ka Ronnie sa Gatecrasher na ito.

http://patnubay.com/leaks/Akbayan-Gate-Crasher—2.pdf

c. Narealize siguro ng Richard na mali na naman sila (first yong kay sabrina gacad), kaya gumawa sya ng another email discussion.. Naawa ako kaya pinagbigyan ko na at pinatulan. please check the link below

http://patnubay.com/leaks/Akbayan-Gate-Crasher—3.pdf

And Who is Richard Javad Heydarian?

FPIF contributor Richard Javad Heydarianis an Iranian observer and analyst  of developments in the Middle East. He is based in Manila. Source: http://www.alternet.org/authors/12095/

Kaya pala kahit anong inputs natin kay Congressman bello ay walang saysay sa kanya.  Alam ng mga OFWs dito na conflict of interest if isang Iranian (biased) ang magsulat about sa life of Saudi Arabia. Di ko talaga maintindihan bakit naghire ang office ni Congressman Bello ng isang Iranian. Marami namang mga filipinos (OFWs or ex-OFWs) na mas hands-on sa problema namin sa Middle east.

Besides, ilan ba ang OFWs ang nasa Iran ngayon at naghire si walden ng staff na Irani? Hindi ko rin matanggap na ang perang nakalaan para sa kongreso ay may parte ang isang ibang lahi. Walden and Akbayan exposed.. Maniwala kayo may gawa na silang COWA  Report bago pa pumunta dito.
—————————–

3 of 4. Patnubay Leaks FINALE: ASSessing COWA Report

Link: http://patnubay.com/leaks/Finale–Assessing-the-COWA-Report.pdf
—————————–

4 of 4. Prequel to Patnubay Leaks: An Email Thread Educating Prof. Bello about
OFWs in Saudi Arabia

Link: http://patnubay.com/leaks/Prequel-to-Patnubay-Leaks.pdf

Alam namin na hindi kami maintindihan ng maraming tao na nasa  labas ng Saudi Arabia.  Dahil karamihan sa kanila ay nalunod sa mga maling balita. Karamihan sa  kanila ay napapaniwala sa mga kwento ng mga grupo or NGOs na sadyang mag-exaggerate or magsinungaling para maprioritize ng embahada,  para may maitira sa gobyerno ng Pilipinas at  para sa kanilang pagpasikat sa media.

Sa unang pagkakataon nagtiwala kami na itong COWA report  ngayon ay magiging accurate.  Dahil si Ate Ellene Sana (from CMA) na  consultant ni Congressman Walden ay partner namin sa  pag-hawak ng maraming distress cases hindi lang sa Saudi Arabia kundi sa Middle East.

Sa loob ng 13 years na nagtrabaho ako dito at sa ilang libong kaso na naresolba ng grupo, with or without the help of our embassy; ang pinakamalaking problema ay mga self-inflicted sanhi ng hindi alam ang karapatan at batas or  alam man pero ginagawa pa rin ang bawal. At pinakasagabal ay yong sinungaling.

Sa daming mga pasaway sa Saudi Arabia, alak, droga, sugal at immoralidad . Nagsama ang parehong may-asawa  at nag-kaanak.  Ang mga kawawa ay yong mga totoong naapi at naabuso. Sila ang apektado at sila ang napabayaan.

Maraming mga pasaway pero kugn mahuli ang palaging excuse ay nasetup, narape at iba pang kwentong kasinungalingan. Dagdag na problema sa ating embahada, dagdag na problema sa mga totoong naabuso.

Marami man sa ngayon sa ating embahada, consulate at mga POLO ang totoong nag-serbisyo. May mga iilang officers pa rin ang pasaway din. Karamihan sa kanila dumating dito na hindi rin alam kung papano ipaglaban ang aming karapatan. Hindi alam ang batas at proceso ng bansang pinuntahan. Kung ang OFWs ay dadaan sa PDOS dapat ang mga officers ng mission ay may sarili ding PDOS.

Kaso walang kwenta ang PDOS. Walang natutunan ang mga OFWs  sa PDOS. Kaya  minabuti  po namin sa Patnubay na isulat lahat ang aming kaalaman na natutunan sa loob ng  maraming taon  sa ganitong  kawang gawa. Para matuto ang ating mga kababayan pati  na  rin ang ipapadala na mga officers ng ating gobyerno.

Marami na rin sa mga officers ng ating embahada/POLO na nagbasa ng patnubay at naging epektibo. Pero meron pa ring mga irresponsable at  hindi tapat sa sinumpaang tungkolin. Kaya ang resulta may mga OFws pa rin na nagdurusa sanhi ng kapabayaan.

Ang mga OFWs, sa halip na matuto at  mag-aral sa batas, proceso at karapatan ay lalong naging pasaway. Dumarami ang mga nagsama na may mga pamilya naman sila pareho sa Pilipinas.  Dumarami  ang mga bata na undocumented na kailangan nilang ipafront sa sa init at lamig para kaawaan. Dumarami ang nagsisigaw na  walang ginawa ang embahada pero  hindi naman sinisi ang
kanilang mga sarili.  Kahit man lang lumapit na sila sa embahada ng mabuntis na sila.

Yang  dalawa (Ignorance and Stupidity among OFWs and post officials)  lang ang dapat  pagtoonan ng pansin COWA. Kung gagawin nila yan ay malaki na ang mawawala sa mga problema dito. Pero sa lumabas na COWA report at yong mga nauna nilang reports at article, nanganganib ang mga  totoong naabuso at naapi. Dahil sa pinalabas nilang report:

1. Mawalan tayo ng mga kaibigang Saudi na tumutulong sa mga kaso at  kung may totoong naapi ay wala ng maniniwala sa atin.
2. Yong mga ahensya ng gobyerno dito kung saan pwede tayong makalapit ng diritso  at mabilis na malutas ang kaso ng TOTOONG naapi. Wala ng mag-accomodate sa atin.
3. Yong mga charity at dawah na tumutulong sa pagbayad sa hospital bills, sa paglikom  g bloodmoney  ay malaki din ng chance na mawawala dahil pinalabas ng COWA na lahat ng Saudi ay masama.
4.  Yong mga Royal at prinsipe na dati nagbigay sa mga OFWs ng free organ transplant operation ay malamang matitigil na rin.
5. Mawalan tayong lahat ng trabaho dahil ikakagalit ng mga nationals ang kasinungalingang pinalabas ng COWA Report.
6. Nang dumating ang Hari mula Morocco, kinuha ang lahat ng pangalan ng mga nakakulong  ng may Qatl (Murder) Cases at ang tanggapan ng hari na mismo ang makipag-usap sa pamilya ng mga biktima.  (Natatakot din ako na mawawala ito).

Kung katotohanan lang sana ang pinalabas ng COWA report, suportado sana namin yan. Kaso kasinungalingan lahat ang isinulat nila at ang  intention ay  para siraan ang KSA at ang mga citizens nito. Para mapa-impress ng COWA ang maraming tao.

Ito lang po muna at maraming salamat,
Ka Joseph

 

Extra: KSA OFWs Reactions Leaked Too

For Truth, Fairness and Justice

Joseph

 

Share this: