Lumang Kaban 2010: Distressed OFWs sa Jeddah – Explained

Share this:

May kalumaan na pero magandang basahin ang post na ito para malaman natin kung may mga pagbabago ba sa panig ng ating gobyerno, sa gobyernong Saudi Arabia at sa hanay ng mga OFWs.

Distressed OFWs sa Jeddah – Explained
First Posted in Patnubay.com on 01/20/2010

When you talk about a distressed ofw in jeddah. Ang una mong maiisip ay yong mga distressed OFWs galing sa ibat-ibang parte ng Saudi Arabia.  Mga OFWs na naniwala na may backdoor, na may amnesty para sa kanila.

Anong uri ng mga distressed OFWs ba ang nandyan sa Jeddah ?

1. May naapi at naabuso (sa ibat-ibang parte ng Saudi Arabia) pero hindi pinaglaban ang karapatan or hindi alam kung papano ipaglaban ang karapatan. Mas napaniwala na ang tanging solution sa kanilang problema ay ang Jeddah thru amnesty (na noon pa ay wala naman).

2. May mga kriminal, nagnakaw ng pera or ibang krimen at gustong makaalis ng Saudi dahil sa paniwala na may backdoor.

3. May mga distressed OFWs sa Jeddah na mismo, na kahit napakalapit lang consulate at POLO ay ninais pang magpadeport na lang..

( Note: karamihan sa mga distressed OFWs na nasa Jeddah ngayon, lalo na yang nasa Al khandara bridge ay galing sa ibat-ibang lugar ng Saudi Arabia )

Ano ba ang Backdoor at Ano ba ang Amnesty ?

Ang backdoor ay tawag noon sa illegal na pamamaraan ng pag-uwi gamit ang amnesty intended lamang sa mga hajj at umrah pilgrims.

Noon na wala pang biometrics/fingerprinting.. kahit sinong OFWs na may problema, magkunwari lang na Muslim na galing hajj at umrah.. Pupunitin at itatapon ang lahat ng dokumento, passport at iqama para walang trace na sila ay hindi totoong Muslim.

Magpalit lang pa ng pangalan at kahit may mga anak pa ay makauwi ng pinas dahil sa amnesty. Yon ay dahil nagkunwari silang Muslim with hajj / umrah visit visas daw.

Nakatulong iyon noon sa maraming mga OFWs.. pero may mga kriminal, magnanakaw na nakauwi pero ang nakulong ay yong ibang inosenteng tao.. (ibang tao ang nagdurusa katulad nina joselito alejo, ramero esmero and romeo cordova.. and that of hermilo ramos, julian camat and napoleon fabrigas case.. na sa ngayon ay nagfile tayo ng compensation ng kanilang pagkakulong.. Nakulong sila ng matagal; 7 years for alejo, esmero and cordova.. and 5 years for fabrigas, ramos and camat..

Note: Tayo at walang supporta from embassy or consulate ang pagfile nila ng compensation for moral and material damages laban sa Saudi Government. dahil di pa alam ng embahada at consulate yon dati. Tayo ang nagturo sa kanila dahil sa mga kasong ito)

Kailan nabisto ang backdoor?

Noong 2006,  may isang Filipina na asawa ng  Saudi na nakauwi ng pinas kasama ang mga anak na hindi dumaan sa immigration. Pina-imbestigahan ng asawang Saudi at dito nabisto ang backdoor.

( http://archive.arabnews.com/?page=1&section=0&article=87615&d=2&m=11&y=2006 )

At ng may amnesty for hajj and umrah pilgrims noong 2007 ay hindi na tinanggap ang mga filipinos para sa amnesty dahil alam na ng Saudi Government na halos lahat naman ay di totoong muslim na nagumrah at hajj (kundi mga filipinos with working visa)

Dahil nabisto na. With lomondot’s intervention, kasama tayo with CMA na nagmonitor ay nakauwi ng maayos. May agreement na hindi na maulit yon at malinaw na pinaliwanag na ang amnesty ay for hajj at umrah pilgrims lamang, mga Muslim na galing pinas na pumunta ng saudi para sa hajj or umrah, at hindi yong may mga working visas.

Dito nag-umpisa ang finger printing, sa bawat papasok ng migrant worker sa Saudi Arabia.. Dito na rin nag-umpisa ang pagbigay ng temporary id sa mga susunod na hajj at umrah visitors.

Noong 2008, nang  magkaroon ng amnesty for hajj at umrah ay dumadagsa pa rin ang mga Filipinos na hindi muslim.. dito na pumasok ang mga radical na grupong Migrante na walang alam kundi mag-iingay lamang. Nagprotesta sa consulate, gumagawa ng kabaong, yong mga grupo naman na gustong magpasikat ay dito na rin.. (tayo ay tumigil na dahil there was a clear agreement na last na yong sa 2007.. .. if fact we were really frustrated sa mga nakauwi noong 2007 dahil may mga employer na nagreklamo sa mga pambabastos na text ng mga nakauwing undocumented workers. kesyo ginalaw daw ang asawa or mga anak. ganun ang mga kababayan natin)..

Sa 2008, nakauwi naman and as expected mas mahirap na dahil legal process na ang sinunod  katulad ng normal day to day deportation process.

Napatagal at naghihirap lalo ang mga OFW dahil yong galing riyadh binalik sa riyadh deportation, yong galing eastern province binalik sa riyadh then sa eastern province. Dahil ang lahat ng pwedeng madaanan ng ofw papuntang jeddah ay kailangang maicheck ang records sa mga police station kung may mga krimen bang nagawa sa lugar… at sa huli ay ibinalik sa pinakamalapit na deportation kung saang province or city sila galing..

Bakit ganun ang nangyari sa 2008? Dahil kulang sa information dessimination. Nag-iisa lang tayo sa patnubay na nagpaliwanag sa systema..

Then comes 2009, almost fully implemented na ang biometrics at fingerprinting para sa lahat ng migrant with working visa at mga visitors visa for hajj at umrah.  Same situation pa rin, yet wala pa ring information drive ang ating polo or consulate na hindi na kailangang magsipagpuntahan ang ofws sa jeddah for deportation, dahil hindi sila hajj at umrah pilgrims.. at marami namang deportation sa ibat-ibang parte ng saudi arabia. Wala pa ring nagsabi na ang amnesty ay para lang sa mga pumunta dito with hajj and umrah visitors visa.

Ang problema kasi sa halip sandali lang ang paghihirap ng ofws kung doon na lang sana sa deportation kung saan sila galing ay pumunta pa sila ng Jeddah. Risky na nga ang pagpunta doon ay napapatagal pa dahil nagtravel papuntang jeddah, nagstay sa doon at pabalik2x sa khandara bridge, tiniis ang ulan at init man. kaawa-awa .. Hanggang nagrally sila.. Then nang maipasok sa deportation ng Jeddah,  ay binabalik sa mga deportation ng mga cities na napagdaanan, hanggang maibalik sa pinakamalapit na deportation kung saan sila galing.

Naghihirap lalo ang mga ofws.. sila ang mga kawawa at ang iba ay hanggang awa lang din. Walang gumawa ng paraan or hakbang para matigil na ang ganitong problema sa bawat taon.

Dumating ang 2010, ganito na naman ang situation.. ang mga distressed OFWs ay nagsipagpuntahan pa rin sa Jeddah.

At wala pa ring information drive ang government natin, at ang media at mga grupo.. sa halip na ituro ang tamang proceso na mula noon pa ay pinasunod na. Sa halip palagi pa rin silang nagsasalita ng amnesty.

Eh ano ba ang pakialam natin sa amnesty ? Dapat bang magsalita ang ating consulate or polo about amnesty? Alam naman nila na kaunti lang ang tunay na hajj pilgrims dyan at ang daming mga distressed na hindi pilgrims kundi sila ay may employer / sponsor. Alam naman nila na fully implemented na ang biometrics at finger printing? Alam din nila na hindi na makauwi ang worker kung walang No Objection Letter ng employer. Ang problema nasa malayo ang employer at hindi naman sila pwedeng magsakripisyo na pumunta ng Jeddah para magissue ng NOC sa worker na tinakasan sila.

Bakit nga ba bukambibig nila palagi ang amnesty na yan eh mulat noon pa ay ang amnesty ay for hajj and for umrah pilgrims lang. Ilan ba ang hajj at umrah pilgrims na nasa kanilang listahan dyan na ready for deportation ? wala puro distressed workers yan, or runaway domestic workers..

Sino ang nakikinabang sa kwentong amnesty at sino ang kawawa?

1. Media – aba magandang scope ang balita , maramng tao sa ilalim ng tulay, ka-awaawa. patok ito. Pero wala man lang nagsabi sa tunay na problema, na hindi sila dapat nandon. na hindi sila dapat nagtravel to jeddah.

2. Philippine government post.. – bakit hindi nila masabi-sabi na hindi applicable sa atin ang amnesty na yan sa mga ofws na ito.. noon pa man ay alam na nila na hindi applicable yan. kundi para lang yan sa hajj at umrah pilgrims?

Hindi nila ginawa yan at sa halip may mga kaso na nahawakan late natin ay ang POLO Jeddah mismo nag- engganyo sa ofw na tumakas papuntang jeddah? Bakit ?

Dahil ba sa budget sa rent ng safehouse, dahil ba sa budget sa pagkain? dahil ba sa budget sa ticket na hinihingi naman nila sa ofws at hindi natin alam kung nagliquidate ba sila ng pangticket pa sa owwa or oumwa at tatawagin na naman nilang mass repatriation..

(pero to be honest with you, the saudi government ay nagbigay ng ticket sa mga migrants na nasa deportation, pero may katagalan dahil hahanapin muna ang employer. kung hindi ito makita then saka sila magbigay ng panticket. Pero dahil sa kagustohan ng ofw na makauwi ay sya na ang magprovide ng sariling pangticket ).. kaya maigi na rin mabusisi ang transparency ng budget dyan sa polo/consulate ng jeddah kung nagliquidate ba sila ng pangticket para sa mga nasa deportation..

3. Mga grupo na mahilig magpaporma, magrally, gagawa ng kabaong, magbigay ng pagkain para mailagay yong mukha at pangalan sa media.

4. yong fixers ng backdoor, na nagpabayad ng minimum 1500 to 3000Sr per head.. may mga kontact umano sa polo jeddah or saudi autorities at mapriority daw sa paguwi dahil sa kanila. may style pa ito na may tatawagan sa pinas. at magtestimony na kakauwi lang daw last week. syempre ang ofws na problemado ay kakagat sa patibong, hindi sila aware na pagdating sa jeddah, iiwanan na sila doon. (at maghihintay daw ng first quarter para sa amnesty).

Ang mga fixers na ito ay makita mo minsan sa labas ng polo, at embahada at nag-aabang ng ofw na may problema.. same thing sa ginagawa ng mga radical na grupo na mag-aabang ng ofw na may problema paglabas ng polo or embassy. at magpabalita na lumapit muna sa kanila ang may problemang ofws at sila ang naglapit sa embassy. ish hada?

sindikato ito, 1500SR bawat tao, at kung sinabi nilang may 6000ofws na nandyan sa jeddah ngayon.. that is 90millionSR (isang bilyon pesos) na kita in one year.. eh kung 3000SR..? di 180Million Sr in a year ang kita nila..

Pinuna natin ang POLO Jeddah two weeks ago dahil sa kanilang pagpayo sa mga ofws na pupunta doon…

Katulad sa nangyari kay Asniah XXXX , na hindi takas at hawak natin at ng polo riyadh, pero pinayuhan naman ng polo jeddah officer na tumakas doon dahil nandon ang amnesty. Hindi takas, patatakasin nyo para maka-avail sa amnesty para sa takas.. (ang gulo)

Ngayon yong mga kasabay sa reklamo ni asnia na nagstay sa employer ay nakauwi na thru exit visa at pwede pang magapply ulit at makabalik dito .Si asnia since tumakas, what we need now ay to ask no objection letter sa employer para makauwi na lang si sya thru travel docs (to be processed sa deportation, pero kaya naman gawin na hindi na sya maipasok doon at direkta na sa airport) with exit visa. pero di na sya makabalik pa ditto sa saudi.

Pangalawa ay yong workers ng innovative na yong kalahating grupo ng workers ay tumakbo ng jeddah dahil sa payo ng poea at polo jeddah.

Samantalang yong kalahating workers ay lumapit sa atin, tinuroan natin kung papano ipaglaban ang karapatan, nabayaran, nakauwi ng maayos.. ang kagandahan pa ay dahil sa ginawa ng 7 dito sa riyadh ay napaganda ang resulta at napadali ang pagresolve ng kaso ng 7 naman doon sa jeddah..

check this youtube video about the innovative workers

http://www.youtube.com/watch?v=Y8nmHU6bHbA

Marami pa tayong mga kasong ganun na in-email natin sa kanila na pinaaalam natin na alam natin na kasama mismo ang polo jeddah sa problema, kaya napilitan mag-issue ang consulate/polo sa jeddah ng press release at nagpaliwanag tungkol sa amnesty na ay for hajj / umrah lang..

ito po yong link.

http://pcgjeddah.org/home/pcg-advisories/394-saudi-guidelines-issued-for-those-who-overstay-their-umrah-hajj-or-visitors-visas-and-seek-deportation

Sana ipaliwanag nila yan in TAGALOG at dapat malinaw na sasabihin na hindi ng jeddah ang mga ofws dahil hindi para sa kanila ang amnesty..at may mga

Deportation naman sa mga provinces and major cities ng kaharian. Dapat hindi lang ang Consulate ng Jeddah ang magpapress -release nyan kundi pati ang embahada at POLO eastern province. (Kasi nakapagcreate ng wrong impression yan sa mga distress OFWs na pumunta ng Jeddah.. o baka naman sinadya lang nila para patuloy ang business as usual) So What is NEW? Eversince, ang amnesty ay hindi para sa mga workers na tumakas sa amo. kaso ang mga grupo or government natin mismo or media (indirectly) ang nag-engganyo sa mga kababayan nating pumunta ng jeddah. as a result, maraming personalidad ang nagpasikat at the expense sa paghihirap ng mga OFWs..

From march to december in every year, urban legend palagi sa mga undocumented ofws ang katagang amnesty.. kesyo payo daw ng grupong radical, kesyo payo daw polo jeddah or consulate ng jeddah. at kesyo nakasulat daw sa news paper. a vicious cycle..

——————————————————————————-

Reactions to : http://www.gmanews.tv/story/210725/ofws-stranded-in-jeddah-cry-for-repatriation

Excerpts : Some 40 desperate OFWs – most of whom are women who had with them about 15 infants and children – are camped out again under Khandara Bridge in Jeddah hoping for a quick way home to the Philippines, despite the Saudi Arabia government announcing a six-month window for overstaying foreign workers.

Mahirap ba talaga magpauwi ng mga undocumented lalo na yong mga babae na kusang pinaparaya ang mga kandungan ? Nasa baba ang parehong kaso na hawak natin, hindi lang iisang anak. kundi tatlong bata ito pero bakit nakauwi at hindi pa dumaan sa deportation. at hindi lang to ang unang pagkakataon natin. Minsan nakakapagod na ang mga ganitong klaseng problema, gawa ng mga taong ginulo ang sariling buhay, naglalandi kahit may mga asawa sa pilipinas at gusto ay ibang tao ang aayos. Kinalat nila ang sariling mga basura at gusto na ibang tao ang magligpit habang sila ay nakatingin lang or nagsisigaw na “PULUTIN NYO YAN!”.

May mga totoong biktima rin naman ng consequences.

If you will check for Mrs. Paz buch case sa ibang topic dito sa patnubay.com , napakahirap na kaso para sa embahada pero ang totoo napakadali lang naman. or search in youtube, the case of ernesto duenas 22 years na takas hanggang sa maputulan ng paa..kasama tayo doon sa pagresolve ng kanyang kaso. or kay enrico luga, redentor padua or ronelo jaime pumunta dito with visit visa. at nagtrabaho ng dalawang taon na hindi sinahuran, nakauwi sila nakuha ang sahod, ticket sinagot nga amo at hindi na pinadaan ng deportation.

Bakit ang mga ito ay nagawan ng paraan na nakauwi na hindi pa nga naipasok sa deportation? Nakauwi ng marangal sa airport. Bakit?

Kailangan ba talagang pumunta ng jeddah? Hindi, dahil may mga deportation naman sa bawat provinces and some cities. Kailangan ba talagang magsalita ang mga consulada or embassy or ang mga filipino about amnesty?

Hindi rin dapat dahil hajj and umrah pilgrims lang naman ang may amnesty? Pero bakit nagsipagpuntahan pa rin ang mga undocumented sa jeddah?

Dahil may nag-enganyo. Isa na dyan ang polo jeddah mismo, yong mga fixers ng backdoor na nagtransport ng undocumented papunta doon. Para kikita ng pera, isa na dyan ang mga grupong radical na walang iba kundi gusto lang manggulo; or ibang grupo, na ito lang ang panahon na makapagpasikat sila. kaya iipunin ang mga takas doon bigyan ng sakit sa ulo ang gobyernong saudi at pilipinas para may mai-balita sa media.

Tulong ng mga grupo, dahil sa awa.. ilang congressmen na ang bumisita dito na hanggang pagiging passionate lang ang alam.. at nakalimutan hanapin ang tooong ugat ng problema. hindi nyo mabigyang solution yan kung ganyan kayo.

Mga grupo na gusto lang magpapicture at mailagay ang pangalan sa media.. Media, na alam naman hindi kasali sa amnesty ang mga ito ay palagi pa ring nagpabalita na merong amnesty kaya nagsipagpuntahan tuloy sa Jeddah ang mga takas galing sa ibat ibang sulok ng KSA.

Ang resulta lalong naghihirap ang mga OFWs na ito. sila ang lalong naging kawawa!

Sumakay ng trailer, init at lamig ang sinusuoong sa pag-akala na makauwi dahil sa amnesty na wala naman.

(note : Case of Mrs. Borja and 3 kids, intentionally removed for patnubay.com posting)

Related links

Case of Mrs. Paz Buch and Family – http://patnubay.com/link.asp?TOPIC_ID=236

Case of Ernesto Duenas – http://www.youtube.com/watch?v=ezGdzxCnvec

Case of Enrico Luga, Jaime and Padua – http://www.youtube.com/watch?v=JQhoegCzCZ0

Deportation stories and Backdoor syndicates

http://patnubay.com/link.asp?TOPIC_ID=260

Palpak na POLO Jeddah –

http://www.youtube.com/watch?v=nacfDdzuQhg
http://patnubay.com/link.asp?TOPIC_ID=271

May kasunod na email pa ito.

TAS

Share this: