First Posted in Patnubay.com on
01/23/2010
Team, sino sa inyo ang makapagpaliwanag kung papano mapauwi itong mga OFWs na nagkampo sa labas ng Jeddah Consulate?
Sa mga katulong na takas na walang anak, sa SSWA lang yan. So madali yan makauwi dahil sa SSWA ay ma-inform lang nila ang employer and if hindi ito magreport within 45 days ay uwi na ang katulong na nasa kanila. Ang problema kung ang SSWA sa Jeddah ay katulad ba sa SSWA sa ibang lugar. Aware kasi ang Saudi Government na ang karamihan sa mga takas dyan sa Jeddah ay galing sa iba’t-ibang lugar ng Saudi Arabia. Dahil nyan ay maaring iba ang proceso ng SSWA ng Jeddah.
Unahin mun natin ang paggamit ng hindi totoong pangalan
Marami sa listahan ng mga consulates ay mga muslims, ano ang mangyayari kung malaman na nagfake ng identity ang ofw? Tinanong ko lang ito para kung sakali ay kukunin na ng mga taga-jawasat ang mga nasa tent ay alam na ng mga OFWs na ito kung ano ang mga kasunod na mga processo. ilang araw or buwan ba sila sa loob ng deportation. Ibabalik ba sila mga lugar kung saan sila galing? May makukulong ba sa kanila for criminal offense?
Marami na tayong mga kaso, na kasama sa tent ng mga nakaraan taon na nakulong pa ng 6 months to one year or natagal pa dahil gumamit ng fake identity.. Hindi lang kulong kundi may karama (fine) na 10, 000 Saudi Riyals na babayaran.
How about those non-domestic workers?
Ang akala ng karamihan na oras na ma-pickup na sila dyan sa tent ay makauwi na sila kaagad sa Pilipinas. Ang sagot ay pareho pa rin sa kasagutan sa mga nagdang taon. Yong mga takas na hindi domestic worker. Kung papasok sa deportation ay dapat nakahanda na ang NOC. Dahil kung papasok sila sa deportation na walang NOC at hindi makipagcooperate ang employer / sponsor, ay ibabalik sila kung saan sila galing. Kung galing ka riyadh, ibalik ka sa riyadh, kung galing ka eastern province ay ibalik ka sa riyadh then sa eastern..
Sa bawat lugar (deportation) na malipatan ay mag-stay sila for 45 days. Procedure para ma-check sa police stations kung sya ay may mga criminal records ba or wala.
How about those with kids or those who are pregnant?
Yong may mga anak, ang unang siguradohin na hindi Saudi ang tatay.. yong mga mestiso or mestisa ay siguradohin muna na hindi Saudi ang tatay. Dahil kung malalaman na may dugong Saudi ang bata ay hindi yon madadala ng magulang.
Dapat itong mga tatay ng mga bata ay magpakita na rin. Ang problema ay takot, nagtatago dahil alam nila na labag sa batas ang pagkanlong ng takas at inaanakan pa. Maapektohan din ang trabaho ng tatay at takot din malalaman ng kanilang mga asawa sa Pilipinas. Ang mas masama kung ang tatay ay takas din. Itong mga nanay naman ay pinoprotekahan ang tatay ng mga anak nila.
How about those Criminal Offenders?
Mayroon din dyan ang mga nagnakaw ng pera sa company or malala pa na cases, may mga pending cases.. Pumunta rin sila ng Jeddah dahil napaniwala sila na makauwi sila thru backdoor.
Before 2008, nakakatulong yang sa jeddah at ang backdoor, dahil lahat pwede magkunwaring Muslim na galing Umrah or Hajj at makauwi na dahil sa pagpaniwala na sila ay pilgrims.
Pero noong may basamat (fingerprinting) na sa ating mga Iqama, marami ang nahuli na may mga criminal records.
Hindi na uubra yong magpalit ng pangalan dahil matrace din sila at ang paggamit ng ibang pagnalan ay may kulong at karama na babayaran. Lalong mapapatagal ang pag-uwi.
Sa ating mga kasamahan na nasa Jeddah, naipaliwanag nyo ba ito sa mga nagkampo dyan sa Jeddah?
Ilang taon na itong paulit-ulit. Oo totoo na mga kawawa sila.. at may nakikinabang na sindikato sa kanila, sindikato na patuloy pa ring nangengganyo ngayon na pumunta ang mga takas sa jeddah dahil may amnesty daw, magpapayo na magpalit lang daw ng pangalan at makauwi daw kaagad.
Pagdating ng Jeddah hindi pala totoong makauwi kaagad. Payohan na magtrabaho lang muna habang naghintay ng amnesty. May mga kababaihan kinanlong ng mapagsamantalang kababayan at inaanakan.
Itong mga OFWs na nasa tent..hindi naman sila ganyan ka kawawa bago sila nagtent dyan. Nakaanak ba naman ng marami, meaning masarap na buhay.. May mga trabaho ang mga yan ng maraming taon. May mga pera yan na naipon. Kung hindi lang napabalita yong crackdown, hindi yan magbalak uuwi. Hindi yan magtent.
Gusto nilang magtent dahil gusto nilang magmukhang kawawa.. Pwede naman silang magstay sa mga bahay nila at pupunta na lng ng consulate kung magpalista at magfollow-up ng kanilang exit papers.
May madali at maayos naman na paraan sa pagpapauwi.. Which palagi nating ginagawa kahit anong araw, hindi yong sabay-sabay.. Magsulat sa emara for endorsement sa tarhil, tawagan ang employer para may NOC na bago papasok sa deportation.. then ipasok sa tarhil if may dala nang panticket ay uw na kaagad. Kung may sakit naman, then isama sa request sa emara na huwag ng ilagay sa deportation, then tawagan ang amo para sa NOC, if walang amo then maghanap ng magguarantee na iba, bayaran ang penalty, ticket, if walang pera since may sakit then request sa DFA- OUMWA.
Note: Ang NOC na kailanganin ay para sa repatriation ng mga undocumented.. Isang kasulatan ng employer na wala syang objection kung papauwiin ang worker sa kanyang bansa.
Ano ba ang dapat gagawin dyan sa mga nag-tent sa Jeddah
1. Pagsabihan ang mga OFWs na ito na huwag gumamit ng ibang pangalan dahil makukulong pa sila dahil sa paggamit ng ibang pangalan, sa halip na mapadeport lamang.
2. Kunin ang lahat ng mga pangalan ng domestic workers… Para maendorse sa SSWA(Saudi Social Welfare Administration), at ang SSWA na ang magendorse sa kanila sa jawasat.. Sa ngayon wala pang deportation Jail ang SSWA ng Jeddah. Sa mga SSWA sa ibang province, waived na yong penalty sa pagiging takas. Kung hindi magpakita ang employer ay makakauwi pa rin ang takas ng katulong.
Ang problema, dahil alam ng gobyernong Saudi Arabia na karamihan sa mga takas na nasa Jeddah ay hindi talaga galing Jeddah kundi galing sa ibang probinsya, ang SSWA dyan sa Jeddah ay magrequire na rin ng NOC mula sa employer.
3. For non domestic workers – Pagsabihan nyo sila na once maipasok sila sa deportation ay hindi sila maissuehan ng exit visa kung walang NOC ng employer..
Pagsabihan din sila na kung malalaman na galing sila sa ibang provinces ay ibabalik sila doon. Mag-stay muna sila sa jeddah for 45 days para icheck sa police station kung may criminal records ba. if meron then dadalhin na kaagad yan sa kulongan.. If walang blotter sa police, tatawagan yong employer at kung di magcooperate ang employer.. Ang galing Riyadh ay ililipat sa Riyadh deportation kung saan mas malapit siya sa employer.. at magstay doon til magissue ang employer ng NOC. If galing eastern province same process, jeddah 45 days, riyadh 45 days then eastern province 45 days din.
Kaya ngayon habang nasa labas pa sila ng deportation ngayon pagtatawagan na nila ang kanilang mga employer para pakiusapan for no objection, kami dito sa riyadh may nakahanda ng no objection letter, na dadalhin doon sa sponsor at pafill-upan at papirmahan na lang . then ipa-authenticate sa chamber of commerce. Once may NOC na saka kami magendorse sa deportation.
Marami kasi sa kanila sa mga nandyan sa tent ay pinunit na ang kopya ng passport at iqama dahil sa payo ng mga taga backdoor na punitin ang lahat ng documents at magkunwari silang muslim.. Mali yan dahil kahit anong gawin dahil may fingerprint na ay hindi na uubra ang pgassume ng ibang identity.. May fingerprint na rin kahit ang maghajj at umrah pilgrimage ay may temporary iqama na rin.
Dapat may kopya ng passport at iqama dahil malaking tulong ito para mahanap ng jawasat ang mga sponsor thru the Jawasat database.
4. Yong sa mga buntis.. dapat special request a letter from the consulate to the governor of jeddah or sa Ministry of Interior na pauwiin na lang ito na wala ng detention dahil may mga bata. It may take 6 months dahil dadaan pa sa MOFA. Amba or Congen may schedule a meeting with the governor of jeddah para pagbigyan itong mga buntis na makauwi.. Dapat pagvisit nila doon ay dala na ang travel docs ng mga ina at mga bata. para kung papayag ang prince ay ibigay na kaagad.
5. Sa mga nagbabalak pa lang pupunta ng jeddah ay payohan sila na huwag nang pumunta ng jeddah.. dahil malaki ang chance na ibabalik din sila sa kanilang mga lugar. Pagsabihan din sila na wag nilang punitin ang kanilang mga dokumento. at dapat kakausapin na nila ang kanilang mga sponsor para sa noc.. Para sa pagpasok nila sa deportation, hindi na sila magtatagal.
6. Yong iba ay nakaalis na doon sa lugar nila, payohan sila na bumalik kung saan sila galing.. Wag nilang sabihin na mahirap bumalik dahil nakapagtravel nga sila to jeddah .. Pwede magtravel kung may iqama lamang kahit expired kahit photocopy lang.
7.Paghihiwalayin ang listahan at pagprocess ng exit papers based sa mga sumusunod.
- Domestic workers – housemaids, family drivers, gardeners, private tutor or private nurse
- Non-domestic workers – private company or establishment at sa government office
- Hajj or Umrah Pilgrims
- Buntis or may mga Anak
Marami tayong mga kaso ng takas na napauwi na hindi na dumaan sa deportation katulad ng mga may sakit o matanda na. Kaso may kailangang bayaran ang penalties para sa hurob, sa iqama at ticket. Sinagot naman ng OUMWA yon. Pero yong mga maipasok sa deportation or yong mga nahuli ng police na nasa deporation na ay wala nang babayarang penalties yon at kahit ang panticket ay libre din ng Saudi Government
– by Tasio Espiritu