Tatlong uri ng Nagal Kafala (Transfer of Sponsorship)

Share this:

Tatlong uri ng Nagal Kafala (Transfer of Sponsorship)
Drafted by: Tas Espiritu

Pasensya na kayo sa mga typo error. Gusto ko lang ipapaliwanag ito para maiintindihan ng mga kababayan at para magabayan sila sa prosesong ito. Lalo na sa pangatlong uri na para sa mga huroob (takas). Kailangan itong maintindihan ng ating mga kababayan para hindi tayo aabutan ng July 3, 2013 deadline.

Nagal Kafala Standard

  1. First you can not transfer to any sponsor (company or employer) if di ka nakatapos ng two years (normal first contract) unless if yong lilipatan na sponsor ay nasa premium category.
  2. Second you can not also transfer to any sponsor if the worker is a huroob (runaway) or may criminal records.
  3. The 2nd sponsor (employer or company kung saan lilipat ang worker ) must give a demand letter to the original sponsor.
  4. The original sponsor, if mag-agree with the 2nd sponsor then he will give a release letter to the 2nd sponsor and will surrender the passport of the worker to the 2nd sponsor (kadalasan ay may pera na involved dito) the second sponsor will then process the transfer of sponsorship of the worker.. sa ministry of labor (for non-domestic worker) or sa jawasat kung para sa katulong
  5. Ang bayarin sa transfer fees ay 2000SAR for first time transfer, 4000SAR kung panglawang transfer na ng worker, 6000 kung pangatlong transfer na ng worker
  6. Iqama Penalties – kung expired ang Iqama, then babayaran ang mga penalty, 500SAR sa unang taon na expire at 1000SAR sa bawat taon na hindi ito narenew
  7. Work permit fee na 100SAR kung ang worker na itransfer ay non-domestic worker or ang sponsor ay isang private company.
  8. then kukuha ng Medical Insurance 1000SAR – dahil mandatory requirement ito para makapagrenew ng Iqama
  9. Issuance of New Iqama with the new sponsors name. – ang Iqama ay nakapangalan na ng bagong kafil at ang passport ay hawak nya na.

(Karapatan ng worker ang pipili ang maghanap ng sponsor na malilipatan. Ang paglalakad ng transfer at ang mga babayaran na fees and penalties ay responsibilidad ng panibagong sponsor.  Karapatan ng worker ang pipili ang maghanap ng sponsor na malilipatan)

Note: Noon marami din na mga workers ang pinili magpatransfer kesa mag-exit.. Pero di nila alam ang proceso at saka lang nila nalaman kung nagkaproblema na. kadalasan umaasa sa 2nd sponsor na sila na ang magprocess ng transfer, then later nalaman nila na di na pala pwede matransfer dahil pinablacklist na ng original sponsor as runaway. Natatakakot kasi ang original sponsor nakung may mangyari sa worker sa labas, ay sya pa ang mananagot.. kaya kadalasan ay magset sya ng time.. 1 month which is too tight para sa processing.. 2 months or yong expiry ng iqama. ito namang 2nd sponsor, nagmamatayag pa sa worker kung okay ba sa trabaho.. para kung di nya gusto ay hindi nya ituloy ang transfer. then pagdating sa time na iprocess na nya ang transfer of sponsorship ay di na pwede dahil blacklisted na, declared as runaway na ang worker ng kanyang 1st sponsor. Dati pa lang may mga problema na ang iilang workers sa hindi maayos na pagtransfer ng sponsorship.

Nagal Kafala Nitaqat

Noong nagbigay ng deadline ang Ministry of Labor sa mga companies na Red or Yellow Category ay sinabi ng naturang ahensya na maari ng makalipat ang mga workers ng nasa Red or Yellow Category doon sa companies na naka Green or Excellent Category na hindi na kailangan ng consent ng unang sponsor.

  1. Printout – Kailangan ang printout para mapatunayan na ang worker ay nasa sponsor na Red or Yellow Category, hindi huroob at walang criminal records. Para makakuha ng printout, kailangan ang iqama ng worker or passport ng worker. Kadalsan ang passport ay nasa kanyang original sponsor pa rin. Ang printout ay makukuha sa Ministry of Labor.
  2. Ang bayarin sa transfer fees ay 2000SAR for first time transfer, 4000SAR kung panglawang transfer na ng worker, 6000 kung pangatlong transfer na ng worker
  3. Iqama Penalties – kung expired ang Iqama, then babayaran ang mga penalty, 500SAR sa unang taon na expire at 1000SAR sa bawat taon na hindi ito narenew
  4. Work permit fee na 100SAR dahil ang worker na itransfer ay non-domestic worker or ang sponsor ay isang private company. Hindi sakop sa nitaqat ang mga domestic workers.
  5. then kukuha ng Medical Insurance 1000SAR – dahil mandatory requirement ito para makapagrenew ng Iqama
  6. Issuance of New Iqama with the new sponsors name. – ang Iqama ay nakapangalan na ng bagong kafil at ang passport ay maari ng kunin sa unang sponsor.
  7. kung hindi na makuha ang passport unang sponsor ay maari syang magfile ng lost passport at replacement sa kanyang embahada

(Ang paglalakad ng transfer at ang mga babayaran na fees and penalties ay responsibilidad ng panibagong sponsor.)

Note: Magandang pakinggan na maaring makapagtransfer ang worker sa bagong company na hindi na kailangan ng consent ng kanyang original sponsor. Pero ang karamihan sa mga workers ay hindi ito sinubukan dahil hindi naman sila aware kung anong category (Red or Yellow) ba sila. At ang original sponsor habang patuloy ang operation ng negosyo ay wala syang pakialam. Saka lang yan mararamdaman kung tapos na ang contract ng worker at hindi sila mapauwi, dahil hindi makakuha ng exit visa dahil hindi marenew ang Iqama. Mahaba ang proceso para marenew ang iqama at makakuha ng exit visa para sa worker. At ang sponsor naman ay mawalan ng gana na lakarin ang pag-uwi ng worker, dahil alam nya na hindi sya makakuha ng visa para sa replacement ng mga worker. Hindi rin madali sa workers na nasa yellow category ang company na makakalipat dahil kung mabawasan ang company ng tao or madagdagan ng saudi ay bigla na lang itong mag-green.

Nagal Kafala Huroob (effective only from May 10, 2013 to July 3, 2013  November 3, 2013)

Two weeks ago, nang nagkaroon ng guidelines to rectify the status of the huroob, sinabi na maaring magtransfer ang mga huroob without the consent of the sponsor at walang penalties na babayaran. Isa sa condition din ay dapat legal na pumasok sa Saudi Arabia ang worker. Kung titingnan mo yong trend mula sa naunang type ng Nagal Kafala, ang maging process para pagtransfer ng mga huroob ay ganito.

  1. Printout – Kailangan ang printout para mapatunayan na ang worker ay isang hurob at legal syang pumasok sa KSA at walang criminal record. Para makakuha ng printout, kailangan ang iqama or passport ng worker. Maaring mailaban natin kung xerox copy pero pahirapan. Maari din kung may Iqama number or Passport number pero mas lalong mahirap dahil required ng ministry of labor and jawasat ang kahit photocopy man lang ng passport at iqama bago sila magbigay ng printout.
  2. Ang bayarin sa transfer fees ay 3000SAR ayon sa lumabas na guidelines.
  3. Work permit fee na 100SAR kung ang worker na itransfer ay non-domestic worker or ang sponsor ay isang private company.
  4. then kukuha ng Medical Insurance 1000SAR – dahil mandatory requirement ito para makapagrenew ng Iqama
  5. Issuance of New Iqama with the new sponsors name. – ang Iqama ay nakapangalan na ng bagong kafil at ang passport ay maari ng kunin sa unang sponsor.
  6. kung hindi na makuha ang passport unang sponsor ay maari syang magfile ng lost passport at replacement sa kanyang embahada

(Ang paglalakad ng transfer at ang mga babayaran na fees ay responsibilidad ng panibagong sponsor.)

Note: Kung ating pag-isipan ng maayos ang unang problema ay ang printout dahil kadasalan sa mga huroob (runaway) ay wala kahit photocopy ng kanilang iqama or passport. Ang pinakamahirap ay yong hindi alam ang Iqama numbers or Passport numbers nila.

Kaya ang mga employers na gustong magtransfer ng worker ay hiniling yong original passport ng worker dahil yon ang nakalink sa iqama ng worker. Swerte yong mga workers na yong passports nila ay nasurrender sa embassy or consulate dahil maari nang mag-umpisang maglakad ang employer para sila ay maitransfer.

Samantala yong iba na hindi nila hawak ang passport nila ay busy naman sa pagkuha ng affidavit for lost passport and replacement of old passport. Ang replacement passport ay hindi pa naman yon magagamit para sa pagtransfer dahil hindi naman yon ang passport na nakalink sa inyong Iqama. Hindi ang replacement passport ang kailangan para makakuha ng printout. Magagamit lang yon kung natransfer na ang worker sa bagong sponsor.

Importante pa rin yong Iqama at Passport or kahit Iqama number or Passport number dahil maari namang makakuha ng printout kung Iqama number lang or passport number lang. Hindi nga lang sa Ministry of Labor or Jawasat kundi sa mga General Services (Kadamat al Amal ) na may access sa Al Muqeem Database.

So instead of thinking too much sa lost passport, please tell your employer na gustong magtransfer na maari silang sumubok sa mga General Services Agency.

Kaya kahapon, kami ay nanawagan ng volunteers para sa task sa baba dahil nagbabasakali tayo na thru this way ay mapatransfer ang ating mga kababayan kahit Iqama number or Passport number lang ang alam nila.

What: We need volunteers for the following tasks
Where: Riyadh, Jeddah and Eastern Province
When: As Soon As Possible

Tasks

  1. Inquire from your Saudi Friends kung ano ang mga agencies na nagprovide ng General Services (Kadamat Al Amal). Explain to them na ito yong mga agencies na taga-process ng passports, iqama at visa ng mga private companies. at may access sila sa al Muqeem.
  2. List all the names of these Agencies and their addresses
  3. Inquire if they can provide a printout for an iqama information of an individual if ang ibibigay lang natin ay passport number, last name or first name.
  4. Inquire how much will it cost for one printout
  5. Goodluck and please report to us here kung ano ang mga na data na inyong nagather.

Maraming salamat

Share this: