Maraming salamat ulit sa Thursday Group (CFC- ANCOP) at kay Bro Nadzker ng Alpha Kappa Rho sa pagsundo at paghatid ng mga workers mula Airport papuntang esteraha.
Apatnaput dalawa (42) na undocumented Male OFWs ang napaniwala ng isang (1) undocumented OFW na makapag-flight sila noong September 22 ng gabi kahit walang exit visa at kahit walang ticket.
Isang (1) undocumented OFW din, at kasama nila sa esteraha kung saan nakatira ang mga male OFWs; ang nangako sa kanila na makauwi dahil may connection daw ito umano sa isang katutobo na may malaking ranggo.
September 22, 2013 ng gabi – umalis ang 42 male OFWs sa esteraha na kanilang tinitirhan at dumiritso sa airport. Hawak lang nila ay ang travel document na may nakasulat na visa number umano at seat number daw sa eroplano. Ang nagbigay umano ng visa number at seat ay ang kaibigan daw na may ranggo.
September 23, 2013, alas onse ng umaga – tumawag sa patnubay ang mga napaniwalang OFWs na kung pwede sundoin sila sa airport at mairequest sa embassy na kung pwede ay papatirahin sila ulit sa esteraha. Wala pa daw silang kain at walang kasiguradohan kung makauwi sila or hindi.
Tumugon kaagad ang Thursday Group at nagdala ng pitong sasakyan para masundo ang mga workers. Naabutan natin ang 42 workers, at yong undocumented ofw na nangako sa kanila na makauwi. May tatlong babae din na nandon na ang isa ay asawa nya umano at dalawang babae na pinatakas sa bahay kalinga dahil napaniwala na makakauwi din. Nagkaroon ng confrontation at nanindigan ang naturang ofw na makakauwi sila kahit walang ticket dahil may tutulong daw sa kanya. Kaya sinabi namin na kung sino ang gustong sumama pabalik sa esteraha ay sumama sa amin ang naniwala na makalipad sila ay magstay.
Sumama pabalik ng esteraha ang mahigit 30 OFWs, sumunod din sa ang mga nagpa-iwan nang marealized nila na hindi talaga sila makakauwi.
Halos 30 thousand Riyals ang kabuuhang halaga naibigay ng 42 OFWs doon sa undocumented OFW nanlinlang sa kanila. Ang pera ay pinadala pa ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas o di kaya ay bigay ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan na nandito, or yong kaunting ipon.
Karamihan sa mga nalinlang ay mga takas after April 6, 2013 na hindi sakop ng amnesty. Wala nang balita kung saan pumunta ang OFW na nanlinlang sa kanila, maging ang tatlong babae na kasama nya.
Malamang dahil desperado silang makakauwi at wala namang maayos na tugon ang POLO officers sa kanilang problema ay sumugal na lamang sila at at naniwala sa exit visa na isinulat sa kanilang travel document, isang sulat kamay ng hindi marunong magsulat ng arabic. Napaniwala din sila na ang travel document ay yon na rin ang ticket dahil sa seat number ng eroplano na isinulat din doon sa kanilang travel document.
Maraming salamat sa ating matagal nang kasama sa adbokasya ang Thursday Group, na nagpapakain din sa esteraha kanina katulad ng linggo-linggo nilang ginawa.
Special thanks to Amba Tago sa kanyang pagtitiwala.
Case Analysis and Suggestions
A. Bakit nagpaloko ang 42 undocumented workers?
- Sumugal sila dahil karamihan sa kanila ay mga takas after April 6, kung saan hindi sila sakop ng amnesty. Iilan lang ang sumugal dahil nabagalan sa process or yong may pending police case. Desperado at kawalan ng pag-asa ang dahilan kaya sila nagpaloko sa taong mabulaklak ang pannalita.
- Pinagsabihan sila ng POLO na wala na itong magagawa sa kanila at pinayohan sila na bumalik na lang sa employer.
- Ayaw na nilang bumalik sa employer dahil sila ay nakablotter na as absconder at kung babalik pa sila ay lalo lang silang aabusohin.
- Marami sa kanila ang may reklamong pananakit mula sa kanilang amo.
- Ang POLO Welfare Officers din naman umano ang nagpatakas sa kanila pero nang tumakas na sila ay tinanong naman sila kung bakit tumakas.
- Hindi sila nagfile ng complaints sa Saudi labor office na dapat ginawa kaagad pagkatapos nilang tumakas, sa halip pinayohan sila ng POLO na kumuha ng TD at makipagsapalaran sa amnesty na hindi naman sila sakop nito.
B. Anong gagawin sa mga tumakas after April 6, 2013?
- Involved the Agency – umaksyon na ngayon o hihintayin pa ba ang november 3 deadline na may kulong at 100 thousand na fine bawat isa sa kanila? Marami sa mga contract ng workers na ito ay hindi dumaan sa tamang verification ng POLO, iba ang employer sa contract at iba ang employer pagdating dito. Then ang ugat ng problema ay ang agency.
- May mandatory insurance (RA10022) naman ang karamihan dito dahil kararating lang nila sa KSA. Sa mandatory insurance entitled sila for 3 months salary per contract year.. since 2 years ang contract nila then may 6 months salary sila na maaring magamit para pambayad sa kanilang employer.
- Kausapin ang employer/sponsor na pauwiin ang mga workers at kung hihingi sya ng kabayaran sa kanyang gastus pigain ang agency at ang mandatory insurance ng RA10022.
- The embassy our friends in the Dawah Office will talk to the employer. For sure maconvince yong employer. Huwag sa POLO, dahil hindi maasahan ang polo sa ganyang conversation.
- We have to do these while we still have time..
Listahan ng mga OFWs na nalinlang at ang halaga na kanilang naibigay
(Note: May isa na hindi sumama sa airport dahil nakarealized nang nakita ang sinabing seat number ng eroplano na nakasulat sa travel doc)
# | Names | Amount in SAR |
1 | Joselito W. M | 0 |
2 | Jesson P | 500 |
3 | Dario R | 520 |
4 | Arthur C | 300 |
5 | Juanito G | 700 |
6 | Harold P | 600 |
7 | Jess C | 1100 |
8 | Ben M P | 450 |
9 | Raul R | 110 |
10 | Zaldy B | 800 |
11 | Elton M | 1000 |
12 | Marlon A | 0 |
13 | Gerber G | 700 |
14 | Antoni D | 700 |
15 | Ciriaco A | 300 |
16 | Pablo G | 500 |
17 | Jeffrey C | 20 |
18 | Archie C | 350 |
19 | Padol A | 650 |
20 | Benjie C | 500 |
21 | Rolando C | 43 |
22 | Marlon C | 700 |
23 | Genesis L | 500 |
24 | Rod A | 700 |
25 | Zoilo P | 100 |
26 | Del S S | 700 |
27 | Edmon Gascon | 300 |
28 | Edgardo d T | 1000 |
29 | Marlo S | 1000 |
30 | Eugene L | 1000 |
31 | Paulo L. S Rhod P. A | 750 |
32 | Aresh R | 450 |
33 | Bernie cris E | 3800 |
34 | Zoilo P | 100 |
35 | Rodrigo T | 0 |
36 | Marlon C | 500 |
37 | Edralin C | 1500 |
38 | Ben B | 220 |
39 | Sonny A | 700 |
40 | Alberto T N | 400 |
41 | Joel L | 100 |
42 | Abiguel J | 4000 |
Total | 28363 |