Kapayapaan

Image Source: one-vibration.com
Share this:

Kapayapaan (Tagalog), Kalinaw (Bisaya), Peace (English), Shalom (Hebrew), Salam (Arabic)…

Kung naiitindihan lang sana ng tao na ang lahat ng paniniwala o relihiyon ay nagtuturo ng kapayapaan, ay wala sanang gulo sa mundo.

Assalamu Alaikum!!! to my Muslim brothers and sisters.

Shalom Aleichem!! if meron mang mga Hudeo dito

Peace be with you!!! to our Christian friends na English.

Ang Kalinaw mag-uban kaninyo!!! sa mga kapatid, kamag-anak at kaibigan ko na Bisaya.

Kapayapaan maging sa iyo!!! sa mga kaibigan nating Tagalog.

Papano ba makakamit ang Kapayapaan?

Mag-uumpisa yan dapat sa puso… dahil kung hindi pagbigyan ng kapayapaan ang puso, ay doon sisikip ang pag-iisip ng tao at maging makitid ang utak nito.

Alam nyo ba kung sino ang bumubulong sa puso ng tao para hindi ito magkaroon ng kapaypaan? Si Satanas..

Para sa mga relihiyoso kuno pero warmongers pala, slanderers and racists pa.. Mag-ingat kayo at baka tuloyan ka nang mapapalayo sa turo ng mga Banal ninyong mga Kasulatan.

Konsensya vs PagkamakaAKO (ego)

Noong isinilang tayo, puno naman ng kapayapaan ang ang ating puso. Nasa atin pa kasi noon ang tinatawag konsensya.

Saka lang pumasok ang tinatawag na pagkamakaAKO nang naimpluwensyahan na ang tao ng lipunan, kaalaman at maging ng relihiyon.

Kung malulunod na ang puso ng tao sa pagkamakaAKO , magkakaroon na sya ng kawalan ng kapanatagan, ganid sa kapangyarihan, sakim sa salapi, uhaw sa katanyagan, sobrang galit sa ibang tao, grupo, lahi o relihiiyon, na naging ugat ng lahat ng gulo sa mundo.

Samantala, kung napapanatili lang sana ang konsensya sa puso ng tao, magkakaroon sya ng karunongan, pasensya at pag-uunawa sa mga bagay-bagay, pagmamahal sa kapwa, sa ganitong paraan lamang nya makakamit ang minimithing kapayapaan.

Assalamu Alaikum Wa Rahmatullahi Wa Barakatuh!
– Abu Bakr

Share this: