{"id":1875,"date":"2012-02-05T20:25:39","date_gmt":"2012-02-05T17:25:39","guid":{"rendered":"http:\/\/patnubay.org\/?p=1875"},"modified":"2019-07-12T23:03:47","modified_gmt":"2019-07-12T20:03:47","slug":"poetry-mga-tula-ni-ka-ronnie","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/patnubay.org\/?p=1875","title":{"rendered":"Poetry: Mga Tula ni Ka Ronnie"},"content":{"rendered":"<p><a href=\"http:\/\/patnubay.org\/dokumento\/wp-content\/uploads\/2012\/02\/karonnie.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"size-medium wp-image-1876 alignleft\" src=\"http:\/\/patnubay.org\/dokumento\/wp-content\/uploads\/2012\/02\/karonnie-234x300.jpg\" alt=\"\" width=\"200\" height=\"260\"><\/a><strong>ANTIPONA NG ISANG MANLALAKBAY<\/strong><\/p>\n<p>Habang ang aking mga paa\u2019y walang kapagalan;<br \/>\nHabang may nananalaytay na dugong nagpapainit ng aking pakiramdam;<br \/>\nHabang malinaw pa ang aking paningin;<br \/>\nHabang matalas pa ang aking kaisipan;<br \/>\nPatuloy akong maglalakbay,<br \/>\nPatuloy akong hahakbang tungo sa aking walang katiyakang destinasyon..<\/p>\n<p>Habang may natatanaw akong sikat ng araw;<br \/>\nHabang may buwang tumatanglaw sa aking landas;<br \/>\nHabang may simoy ng hanging dumadapyo upang<!--more--> pawiin ang aking pagal na<br \/>\nkatawan;<br \/>\nHabang may puno pa akong nasisilungan;<br \/>\nPatuloy akong maglalakbay,<br \/>\nPatuloy akong hahakbang tungo sa aking walang katiyakang destinasyon\u2026.<\/p>\n<p>Habang sa akin ay may umaasa;<br \/>\nHabang sa akin ay may naghahanap ng kasagutan sa kanilang mga katanungan;<br \/>\nHabang may sumasandig sa aking balikat;<br \/>\nHabang may nais pang maniwala at magtiwala sa akin;<br \/>\nPatuloy akong maglalakbay;<br \/>\nPatuloy akong hahakbang tungo sa aking walang katiyakang destinasyon\u2026..<\/p>\n<p>Habang ako ay naniniwala na may Pwersang mas higit sa kalikasan;<br \/>\nHabang ako ay nanampalatayang mayroong Isang nagbibigay ng Buhay;<br \/>\nHabang ako ay naniniwalang ang Salita Niya ang tanging Gabay;<br \/>\nPatuloy akong maglalakbay,<br \/>\nPatuloy akong hahakbang sa aking walang katiyakang destinasyon\u2026..<\/p>\n<p>Dahil ang buhay ay patuloy na pakikibaka;<br \/>\nDahil ang buhay ay patuloy na hamon,<br \/>\nDahil ang buhay ay patuloy na pagsalunga,<br \/>\nDahil ang buhay ay patuloy na paglalakbay,<br \/>\nSa isang destinasyon walang katiyakan\u2026.<br \/>\nPero habang may Bathalang umaalalay at gumagabay, ang kasagutan ay nasa sa<br \/>\naking mga kamay &#8230;. kaya\u2019t patuloy akong maglalakbay!<\/p>\n<p>Ka Ronnie Abeto<br \/>\nKhurais<br \/>\nIka-12 ng Hunyo 2007<br \/>\n&#8212;- xXx &#8212;-<\/p>\n<p><strong>Pakiusap, Garci..<\/strong><\/p>\n<p>O Garci, masdan ang ginawa mo<br \/>\nNagkakagulo ang lahing Pilipino<br \/>\nDahil sa tila niyari mong mga boto<br \/>\nNa nagluklok ng di tama sa isang tao;<\/p>\n<p>O Garci, nawa&#8217;y pakinggan mo<br \/>\nAng tanging samo naming mga Pilipino<br \/>\nKabilang na ang maliit na boses ko<br \/>\nBoses ito ng migranteng Pilipino;<\/p>\n<p>O Garci tanging ikaw lamang<br \/>\nAt walang iba kundi IKAW!<br \/>\nAng susi sa ikalilinaw<br \/>\nSa mga kaguluhang nakapapanglaw.<\/p>\n<p>O Garci, minsan ka lang binigyan ng buhay<br \/>\nNg Poong Maykapal na Makapangyarihan<br \/>\nHiling kong muli mo itong ialay<br \/>\nNg may kabanalan sa tunay na Nagbigay.<\/p>\n<p>O Garci tinig ko ma&#8217;y paos at pagaw<br \/>\nBatid ko na sa iyong balintataw<br \/>\nAng bulong na ito&#8217;y naghuhumiyaw<br \/>\nAlang-alang sa katotohanang dapat na lumitaw;<\/p>\n<p>O Garci, minsan ka lang Niyang binigyang-buhay<br \/>\nBabawiin Niya ito ng minsan rin lang<br \/>\nKaya O Garci, ialay mo ito ng may dangal<br \/>\nPara sa iyong sinisintang Inang-Bayan.<\/p>\n<p>O Garci, mangibabaw nawa ang dakilang mithiin<br \/>\nKrisis na ito ay resolbahin;<br \/>\nBulong mo lang O Garci sa titik ng KATOTOHANAN<br \/>\nMapapalaya mo ang SAMBAYANAN,<br \/>\nKaguluhan ay MAPAPARAM,<br \/>\nMapagsamantala&#8217;y MASASAGKAAN,<br \/>\nMapapanumbalik ang KAPAYAPAAN,<\/p>\n<p>O Garci, pakiusap ko lamang;<br \/>\nPara man lang sa KABATAAN<br \/>\nAt sa susunod pang mga ANGKAN..<br \/>\nPakiusap \u2026..<br \/>\nPakiusap\u2026\u2026\u2026\u2026<br \/>\nPAKIUSAP&#8230;..O Garci!<\/p>\n<p>Ronnie Abeto<br \/>\nPMTF \/ Elagda \/ ICOFVR \/ RISAL \/ V-TEAM<br \/>\nYanbu &#8211; KSA<br \/>\nIka-5 ng Setyembre 2005<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>ANTIPONA NG ISANG MANLALAKBAY Habang ang aking mga paa\u2019y walang kapagalan; Habang may nananalaytay na dugong nagpapainit ng aking pakiramdam; Habang malinaw pa ang aking paningin; Habang matalas pa ang aking kaisipan; Patuloy akong maglalakbay,&#8230;<\/p>\n","protected":false},"author":18,"featured_media":1876,"comment_status":"open","ping_status":"closed","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[50,20,68],"tags":[225],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/patnubay.org\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/1875"}],"collection":[{"href":"https:\/\/patnubay.org\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/patnubay.org\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/patnubay.org\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/users\/18"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/patnubay.org\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcomments&post=1875"}],"version-history":[{"count":7,"href":"https:\/\/patnubay.org\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/1875\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":12993,"href":"https:\/\/patnubay.org\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/1875\/revisions\/12993"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/patnubay.org\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/media\/1876"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/patnubay.org\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fmedia&parent=1875"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/patnubay.org\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcategories&post=1875"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/patnubay.org\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Ftags&post=1875"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}