You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Mga Babala at Paalala Para sa mga OFWs sa KSA

Mga Babala at Paalala Para sa mga OFWs sa KSA

Mga Babala

1. Para sa mga kababayan natin na napasabak at nagtratrabaho sa propesyon dahil gumamit ng mga pekeng diploma, pekeng transcript of records o pekeng PRC license.

Mabusisi na po ngayon ang Ministry of Health, Ministry of Labor, Ministry of Interior at Saudi Council sa mga papers na naisubmit nyo at isa-isa itong inimbestigahan. Sa katunayan, may mga nakulong na po.

Kahit nasanay at kabisado nyo na ang trabaho dahil sa maraming taon na na ninyong experience, ay mapaparusahan pa rin. Kung noon ay deportation lang ang parusa sa nahuli ngayon ay may kulong na po. Bagong dating man or matagal na.

Kung kayo ay nagbabalak na pumunta ng Saudi sa ganitong paraan, dahil kinumbinse kayo ng inyong agency, wag na po kayogn tumuloy.

2. Para sa lahat ng mga OFW, iwasan ang mga taong nagpakilala at nag-aalok sa inyo na pwede kayong bumili ng alak, or droga, or sa binugaw nilang babae. Sila rin ang magpapahui sa inyo sa bandang huli.

Tandaan nyo palagi na kaya kayo pumunta dito para magtratrabaho para mai-angat ang pamumuhay ng inyong pamilya sa Pilipinas. Hindi para magbisyo at lalong hindi para magpakulong. Huwag maging pasaway at sa bandang huli ay gobyerno naman natin ang inyong sisisihin.

3. Sa mga dating huroob or dating nakulong na gustong babalik dito sa Saudi Arabia, siguradohin nyo na hindi na kayo blacklisted.

Marami na sa mga kababayan natin ang sumubok na bumalik pero pagdating sa airport at magfingerprint ay nakita ng immigration na nasa blacklist pa ito. Kaya Airport to airport na napauwi pabalik sa Pilipinas.

Maliban sa pag-inquire sa Jawasat at immigration sa airport, wala na tayong ibang means para malaman kung blacklisted ba kayo or hindi, maliban sa mga tips na sumusunod.

a. kung ikaw ay nadeport dahil sa huroob lamang at walang kaso di ka makakabalik sa loob ng dalawa (2) hanggang tatlong (3) taon.

b. kung ikaw ay huroob na napauwi dahil sa nakaraang amnesty. Katulad ng mga nakauwi noong april 6, 2013 hanggang november 3, 2013 deadline at hindi dumaan sa pagkakulong sa deportation.

Maari kang bumalik. dalhin mo lamang ang iyong travel document na ginamit mo sa pag-exit at magprint na rin ng arabic guidelines na nakasaad na pwedeng makabalik ng saudi ang umuwi thru amnesty.. para pagdating sa airport, ipakita mo yong date ng iyong pag-uwi sa travel document at ang arabic guideliness..

Ito ang arabic guidelines galing sa ministry of labor website http://www.mol.gov.sa/Campaign/Correction/Announcement.htm

Ito naman yong english na guidelines for your reference. https://docs.google.com/file/d/1kJqYTUstvdRx3oyD8sIR2GiRRc2ndBNCPFpj7E2dLGTiDCdUiLbEox8328xn/edit?usp=sharing

c. Kung ikaw ay nadeport galing sa pagkakulong for minor cases, then limang (5) taon ka na hindi makakabalik dito.

d. Kung ikaw ay nadeport at nakulong for major cases, then forever banned ka na, hindi lang sa KSA kundi maging sa ibang Gulf countries. Major cases ay yong mga nahatulan na guilty dahil nagbenta ng alak at droga, prostitution at murder.

e. Kung kayo ay hindi huroob at umuwi thru final exit pero may pinirmahan ka sa iyong employer na hindi ka babalik ng saudi sa loob ng iilang taon. Ang pinirhaman mong yon ay maaring isinubmit ng iyong employer sa immigration/jawasat. Napablacklist kayo dahil pumirma kayo ng kasundoan na hindi ka babalik sa Saudi Arabia.

Paalala lamang na kung natapos man ang inyong kontrata, at may ginagawang ganitong kasundoan ang iyong company or employer, isumbong nyo kaagad sa ating embahada o sa ministry of labor.

Kung natapos ang contract, obligasyon ng employer mo na ibigay sa yo ang lahat ng monetary claims, exit visa at ticket. Hindi kasama sa batas ang ganyang kasundoan.

f. Kung ikaw ay tapos na sa contract pero ang ibibigay ng iyong company / employer ay exit-reentry. Magreklamo kaagad sa ating embahada at Saudi Labor Office. Maliban na lamang kung wala ka nang balak na babalik pa sa Saudi Arabia.

Kung babalik ka dito gamit ang re-entry visa ng dati mong company, tapos magwork ka sa iba. Probelma yan pagrenew ng iqama dahil yong dating company ang dapat magrenew ng iqama mo.

Kung babalik ka dito gamit ang bagong visa ng bagong company, pagdating mo sa airport, ma-trace kaagad sa fingerprinting na may re-entry visa ka sa dating employer mo. Di ka makakalabas ng airport at tatwagan ang dating employer mo.

Kaya nga ginawang mandatory ang final settlement kung tapos na ang contract at final exit visa para masisiguro na pareho nang walang pananagutan ang employer at ang worker sa isat isa..

Kung ang gagamitin na visa ang exit-reentry, ang ibig sabihin ay di pa kayo cleared dahil inexpect na babalik ka sa kanila, ang exit-reentry visa ay ginagamit lamang para sa magbakasyon .. hindi ito para final exit.

Pero may mga employer na gusto walang hassles o di kaya ayaw nilang babalik at magtratrabaho sa iba ang worker kaya exit-reentry ang ibibigay nila.

Noong wala pang fingerprinting, walang problema na makakabalik ang mga may exit-reentry sa airport.

Kung talagang pursigido kayong bumalik kayo sa Saudi para magtratrabaho sa ibang employer, hintayin nyo lang maexpire ang re-entry visa at humingi kayo ng No Objection Letter mula sa dati nyong employer.

Note: Ang mga impormasyon sa taas ay nalaman natin dahil sa maraming mga kaso na dumaan sa atin at isa-isa natin itong pinag-aralan.

Paalala (Bagong transfer na nagpalost passport)

Sa mga bagong transfer, dahil sa amnesty or dahil sa nitaqat (red or yellow ang company) na natransfer na di na kailangang ang consent ng lumang sponsor. Kung saan ang karamihan ay nagpalost passport at kumuha ng replacement passport dahil ayaw ibigay ng lumang sponsor. Hindi porket may iqama na kayo ay wala na kayong problema.

Siguradohin nyo na ang replacement passport (number) nyo ang nagreflect sa inyong records sa Jawasat. Kung ang luma nyo pa ring passport ang nakalagay ay dapat mainform nyo ang inyong bagong sponsor na ipaupdate sa Jawasat na ang bagong passport na ang magreflect sa inyong records.

Maaring hihingan kayo ng Jawasat ng certification mula sa embahada na ang bagong passport ay replacement ng lumang passport.

Importante na maupdate nyo ang inyong passport information sa Jawasat bago kayo magbakasyon or bago magrenew ng Iqama. Kung hindi maaring madelay ang inyong pagbakasyon, or macancel ang flight schedule. Sa pagrenew ng Iqama naman ay baka ito pa ang dahilan kung maabutan kayo ng pagexpire nito na alam natin ay may penalty ang expired Iqama.

Maraming Salamat

Drafted by Tasio Espiritu for Patnubay Online
First Posted in https://www.facebook.com/PatnubayOnline

Bonus Information

Ka Dale
May 15 at 9:02am
·

Help po! Meron pong nag-PM sa akin, baka pwede pong humingi ng akmang sagot sa mga Patnubay friends na mas may experiece sa topic:

“sir dale tnx po sa info may nbsa po ako dun na halimbawa po mag exit kna at ayaw muna bimalik sa dati mng amo at gusto m pa pong magtbho dto pero sa ibang emplyer n po pnu m po mlalamn na d k nla i baban!! kc po mga 6years n ko dto d nmn nataas sahod k may nag oofer ngyn skin ng tamng pasahod ntatakot po ako bka po d ako mkblik dto sa ksa kung dun n ko sa bgo emplyer tnx po cnsya po ask lng po”

  • Tasio Espiritu  ka dale. please tell him na magfinal exit… sop na ngayon before makakuha ng final exit visa ay kailangan magkaroon ng final settlement letter.. ang nakasulat doon ay natanggap ng workers ang lahat ng kanyang dapat matanggap. at sya at ang kanyang employer ay wala nang pananagutan sa bawat isa. ito ay ginawang mandatory ng saudi government para masiguro na natanggap ng worker ang lahat ng dapat nyang makuha.. at masiguro na wala nang pakialaman ang worker at employer pagkatapos ng pagfinal exit ng worker. thus, natanggal na yong NOC na required noon para sa mga nag-exit na gustong bumalik sa ksa.

    sa airport pagbalik if makita na ang sya ay galing dito, at umalis thru final exit visa. then walang problema at makakalusot sya.

    pero mag-iingat sya sa mga employers na magbigay nga ng final exit visa, pero hindi ibibigay ang passport at ticket kung hindi pipirma ang worker ng kasundoan na hindi sya babalik for ilang years.. if pipirma ang worker nito at kung agn sulat na yon ay isubmit ng employer sa jawasat/immigration then di makabalik ang worker. dahil nag-agree sya ng ganung kasundoan. Marami na ang na-airport to airport dahil dito..

    Ang exit-reentry visa ay hindi pwede para sa magfor-good na. at wag papayag na exit-reentry ang ibigay based sa naiexplain natin sa link na ito https://www.facebook.com/PatnubayOnline/photos/a.547120088671603.1073741843.259830960733852/725652554151688/?type=1

  • Ka Dale
    maraming salamat po sir Ka Tasio! napakalinaw at napapanahon ang sagot ninyo.