You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

HAGIT: Nasaan na ba ang Abusadong Welfare Officer na si Rene Garduce?

HAGIT: Nasaan na ba ang Abusadong Welfare Officer na si Rene Garduce?

Ano na ang resulta sa mga reklamo natin laban sa taga POLO Alkhobar na napakalinaw ang kapalpakan sa video na ito sa baba?

Walang nangyari!! Sa halip na matanggal inassign pa sa Jeddah itong Rene Garduce.

Napakaswerte talaga ng mga masasamng tauhan ng POLO at protektado sila ng DOLE Secretary. Katulad ng pagprotekta ng matandang ito sa mga napakasamang mga tao katulad ni Musa at ni Villafuerte

Ang haba ng documentation ng ating reklamo pero walang nangyari. Ang linaw ng mga kapalpakan ng Rene Garduce sa mga kasong ito sa baba. Pero walang nangyari dahil may gobyerno tayong dedma sa hinaing ng mga OFW.

1. OFW Mendoza, isang simpleng labor case, nakulong ng walong buwan dahil sa mga pabayang POLO Al khobar, lalong na iton si Rene Garduce

Video: http://www.youtube.com/watch?v=wT9-wz-EFg0&index=2&list=PLh2JRaDuKMrFS4uyWPrfXlqS0HyDISGDK

2. OFW Violita – Sa hindi natin alam na dahilan, sa halip na parusahan ay inilipat si Rene Garduce sa POLO Jeddah.

Kabago-bago nya pa lang sa Jeddah, sa halip na magpapakatino ay gumawa na naman ng kaparehong kapalpakan. Tingnan nyo ang link sa baba.

Link : https://drive.google.com/file/d/0B__Nx54o3zwaSEdWbUJJV0VzWG8/edit?usp=sharing

3. Sobra na po itong paglampastangan ng Gobyernong Pilipinas sa aming mga OFW.. Harap-harapan na ang inyong pambabastos sa aming pagkatao. Nakakatawa at matandang babae pa ang protektor ng mga abusado

Link: http://patnubay.org/?p=10525 – (Baldos Protektor ng mga Abusadong POLO Officials.)

Mrs. Baldoz, ang sasama ng mga budhi nyo. Wala kayong mga konsensya, Pakapalan na ang inyong mga mukha. Wala kayong takot sa Diyos. Di kayo natatakot sa napakaraming OFW na magdadasal laban sa inyo.

Dapat sana sa edad nyo na yan, magpakabuti na kayo dahil ang buhay dito sa mundo ay panandalian lamang. Ang lahat ng mga ginagawa nyo at ang bawat pagtatapak nyo ng karapatan ng kapwa tao ay may kapalit yan sa kabilang buhay.

Kaya sana gumawa naman kayo ng kabutihan puro lang kademonyohan ang ginagawa nyo. Katulad ni Garduce sa halip na tatanggin, inassign nyo pa ba sa Jeddah.. Parang napromote pa tuloy..

Mga OFW Dasal Tayo?

– Patnubay Online

First posted in https://www.facebook.com/PatnubayOnline