You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Patnubay Leaks: Our Victory, Ate Marife’s Anzano’s Fight for OFWs !


First Leaked in 
https://www.facebook.com/PatnubayOnline

Subject:Our Victory : Ate Marife’s Anzano’s Fight for OFWs .. A Must Read.. A Shame on PNOY’s Government!

To:  Philippine Government Agencies, NGO Partners, Fellow Advocates and Media Friends

This is a must read.. if you are a person who upholds the principles of truth, fairness and justice.

Noong December 26, 2014. naka-uwi si ate Marife Anzano sa Pilipinas, pagkatapos ng isang taon at kalahating pagtiiis sa kamay ng POLO. Nakauwi si ate na hindi alam ng amo nyang babae, di alam ng taga polo at di alam ng agency. So, walang sapilitan na quitclaim na papirmahan para hindi magkaso sa kanyang agency at walang sapilitan na attestation letter na papirmahan na nakasulat maayos ang serbisyo ng POLO Al khobar.

Maganda ang nangyari para mapapatuloy ang laban ni Ate Fe pagdating sa Pilipnas, laban sa kanyang agency at laban sa abusadong taga-POLO na maliban sa nagpabaya sa kanya ay harassment pa ang ginawa sa kanya na dapat sana nilang tinulongan.

Nasa baba ang one hour plus video interview namin kay Ate Fe. Sa mga tao na may puso, maantig kayo sa ordeal na pinagdaanan ni ate Fe; ang kanyang struggle, ang pakipaglaban sa karapatan at paghihirap sa pang-aapi na ginawa ng POLO Alkhobar sa kanya.

Nasa baba din ang summary namin tungkol sa kanyang kaso if wala kayong time na panoorin ang video. Nasa baba ang previous email namin tungkol kay ate fe. Naka-attached din ang mga reklamo ni ate fe sa ahensya ng gobyerno sa Pilipinas. mga ahensya ng gobyernong dedma.

Marife Anzano Story

Ang kaso ni Ate Fe ay napakasimple lamang. Pero kahit isang beses ay walang nagawang tama ang mga tauhan ng POLO Al khobar maging ang mga ahensya ng gobyerno natin dyan sa Pilipnas.

Si Ate Fe ay nagtrabaho sa parlor na pagmamay-ari ng Pilipina na may asawang arabo. May labor disputes katulad ng sobrang oras sa trabaho, ang sahod sa contract ay hindi nasunod.. at pagiging beautician hindi sa parlor kundi sa bahay bahay.

Dumulog si ate sa POLO ERO, nang makausap ang coordinator ng POLO sa Jubail sa telepono, ang sabi ay mananagot ang employer mo na yan. Pero nang bumisita ang taga-POLO sa jubail kasama ang kanilang coordinator at kaharap ang amo na pinay, ang saudi na amo. at si ate fe. Ang nangyari sa halip na tulongan ng POLO, si ate fe pa ang pinahingi ng sorry at pababayarin pa ng 17thousand saudi riyals na refund daw sa gastus ng kanyang employer.

(ito yong kadalasan na problema sa mga taga polo at mga coordinators ng polo ,sa halip na kakampihan ang workers laban sa mga amo, ay sa amo sila kakampi. lalo na ang mga coordinators dahil sila ang nilalapitan ng mga employers na gustong magpa-verify ng contract sa polo. meaning hindi pa nakapaghire ng tao ang employer, kaibigan na nla ang taga polo or ang coordinator ng polo.)

Kung may disputes between employer at worker, ang solusyon dyan ay magiging fair at siguradong magkakaroon ng maayos na resulta. Fair kung kakampi ang POLO sa OFW dahil trabaho nila yan. Fair lang din kung magpapagitna. Ang hindi tama ay ang palaging ginagawa ng POLO Al Khobar na doon pa sa employer kumakampi at pagagalitan pa ang worker sa harapan ng employer. O di kaya mag-usap-usap na wala na hindi isasama ang worker.

Nang hindi magkasundo at alam ni ate na wala syang maasahan sa POLO, pasekreto syang nagsampa sya ng complaint sa Saudi Labor Office sa Jubail. Akala ng kanyang amo at nang POLO na tumakas si ate. Pero nang tinawagan ng taga-POLO ay nakabalik na ng bahay si ate.

Pumunta ulit ang taga POLO- Alkhobar sa Jubail pero sa halip na dalhin sa al khobar ay idiniritso nila sa police station. Ipapakulong daw at nag-runaway. Mabuti na lamang at nauna nang nakasampa si ate fe sa Saudi labor office ng complaint. Sinabihan ang taga polo ang employer ng taga police station na hindi nyo pwedeng ipakulong ito dahil may pending case sa saudi labor office.

Ayaw na ni ate babalik pa sa kanyang employer so intinurn-over ng among saudi ang custody kay ate fe to samuel madrid isang POLO Officer. Galit na galit ang coordinator ng polo sa Jubail kay ate fe kung bakit nagkakaso pa sa Saudi LAbor Office laban sa employer nito.

Dinala si ate ng taga POLO doon sa shelter ng POLO para sa mga runaway domestic workers na inuupahang bahay ng isang translator ng POLO. Doon sya nag-stay kasama ng mga runaway domestic workers at alam na alam ni ate kung gaano kasama ang trato ng POLO sa mga distressed na kasambahay na nandon.

Sa Preliminary Commision, aka Lower court ng Saudi LAbor office.. as expected at palaging nangyayari, since ang translator during court hearings sa Preliminary commision ay taga polo rin. Mag-isang lumaban si Ate sa Saudi Labor office habang ang translator ay di naman ginampanan ang kanyang trabaho. Ang naging hatol ay babayaran si ate ng halaga, exit visa at ticket.

Hindi kuntento si ate sa naging desisyon dahil alam nya na hindi naiparating ang kanyang gustong sabihin doon sa korte. Kaya, nag-apela si ate sa desisyon ng korte sa Higher Commision.. Ang pag-apela ni ate ay kinagagalit ng coordinator ng POLO sa Jubail at pinagsalitaan si ate ng masamang salita at may halo pagbabanta sa buhay ni ate maging sa kanyang asawa. Ang asawa ni ate ay nasa dammam din. Legal sila na mag-asawa Pinas at dito. Ang lalong kinasasakit ng loob ni ate ay pinagsabihan pa siya na hindi nya totoong asawa ang mister nya.

Dahil sa pananakot at pagbabanta, nagcomplain ngayon si ate fe sa police station laban sa coordinator ng POLO sa Jubail. Hanggang sa dumating sa prosecutor’s office. Sinamahan sya ng translator na taga-POLO. Again as expected hindi naiparating ng tama ang complaint ni ate fe dahil ang translator ay taga POLO din. So malayang malaya ang coordinator, tuloy ang ligaya.

Isang epekto sa pagsumbong ni Ate Fe sa police station ay nang tinanong sya kung saan sya nakatira, ay sinabi nya na nasa shelter Philippine Embassy para sa mga runaways. Hindi naman alam ni ate fe na illegal ang pagkaroon ng shelter ng runaways sa Eastern Province at illegal din ang pagkaroon ng embassy office sa eastern province. Kaya minamadali ng POLO na paalisin ang mga runaways sa shelter.. Yong mga runaway na nasa illegal na shelter sa dammam ay dinala dito sa riyadh. Wala nang na-abutang runaway ang mga police nang binisita nila

Maganda na rin na nasara yon dahil doon nakaranas ang mga kababaihan ng pang-aabuso sa kamay ng mga taga polo. remember sa case ni adam musa?. Saksi si Ate Fe at marami syang isisiwalat na storya sa mga pinaggawa ng mga manyak na taga POLO doon sa shelter. Ngayon sa sama ng ugali ng POLO. pinalabas pa nila na nasara ang shelter dahil isinumbong ni ate fe sa police.

Walang alam si ate fe na illegal ang shelter doon. sinabi ni Ate Fe yon sa police dahil tinanong sya kung saan sya nakatira. Isa pang ginawang kalokohan ng POLO Al khobar ay pinagawa nila ng sulat ang mga distressed kasambahay sa shelter at pinapirma na isang hindi mabuting babae si Ate Fe. Ang masama talaga na amoy kahit anong tabon ay lalabas, dahil ang lahat ng mga pumirma doon ay nagsulat kay Ate Fe na pinilit sila ng POLO at wala silang magagawa dahil maapektohan ang kanilang pag-uwi.

Si Ate Fe ay naiwan sa Dammam, pinabayaan ng POLO al khobar na may papel pa naman sila na custody nila si Ate fe. Kaya si Ate Fe ay nangupahan ng kwarto sa flat ng kababayan at sinuportahan ng kanyang asawa na nagtrabaho sa Dammam.

Lumapit sa Patnubay si Ate Fe noong wala na syang mahanap na kakampi para sa labor case na inapela nya. at para ipagpatuloy ang police case laban sa coordinator na nagbanta at nambastos sa kanya.

Sa kanyang apela sa labor case, humiling tayo ng tulong sa aking pinsan na taga-Dawah Islamic Center sa Dammam para magiging interpreter kay ate sa kanyang apela sa Higher Commission. Walang nabago sa desisyon. Kung ano ang desisyon ng lower court ay ganun din. Ang kagandahan nga lang ay satisfied si ate fe sa naging resulta, dahil nakita nya nag pagmamalasakit ng interpreter mula sa Dammam Islamic Center. Nabayaran si ate fe, nabigyan ng ticket at exit visa. Nakauwi na hindi alam ng among babae na pinay, ng POLO at ng kanyang agency. Malaya syang ipagpapatuloy ang kanyang laban sa Pilipinas.

Sa police case na naifile ni ate laban sa coordinator. Nasarado ito na hindi nya alam. Expected natin ito na mangyari, dahil madali lang sa taga POLO ang magsabi sa Police, na napatch-up na namin ito. So nang binalikan ni ate fe ang Police Station at umiyak sya doon. Kaso na-closed na ang case. So tinulongan natin si ate fe na gumawa ng sulat para sa Governor of Eastern Province para ire-open ang case at imbestigahan ang abusadong coordinator ng POLO. Nang ipapatranslate na sana namin ang letter to Arabic, namatay ang coordinator ng POLO. dahil sa bangungot.

Yan ang karma, yan ang gaba sa kanyang ginawa sa isang babae na matanda na, na inapi pa ng kababayan sa halip na tulongan ng mga tauhan ng gobyerno na dapat umalalay sa kanya.

Samuel Madrid, Manny Toledo, napakasama nyo na mga tao. Wala kayong respeto sa matandang babae. para kayong walang kapatid na babae, para kayong walang mga anak na babae, para kayong walang nanay. Kung gaano kasama ang mga pagmumukha nyo pinaindigan nyo na rin na ganyan na ang mga ugali nyo.

Alex Padaen naintindihan kita kung bakit galit ka sa babae dahil yon ang frustration mo. Hanggang sa pagiging mahinhin ka lang.

Secretary Baldoz, sa dami na ng mga complaints namin, bakit parang enjoy na enjoy ka sa ginagawa ng mga tauhan mo dito?. Sana inisip mo na ikaw ay isang babae…at di mo ba alam na ikaw ay napakatanda na rin? Sana, Secretary Baldoz, tinugunan nyo ang complaints ni ate Marife Anzano. Sabagay kung si Musa nga at si Villafuerte, iniligtas mo.

Mag-iingat kayo sa dasal ng mga inaapi nyo!

I spoke with Amba Tago, at tinanong ko sya kung anong actions ang ginawa nya sa complaints na naisubmit ni ate fe sa embassy. Ang sabi ni amba ay pinasagot nya ang POLO at pareho nya itong naiforward sa DOLE. Which is just fair to me, dahil kahit anong gawin ni amba di naman nya sakop ang mga taga POLO..

Itong padaen, sa halip na maghingi ng tawad kay ate fe. Alam nyo ba ano ang ginawa? Noong andito pa si ate fe at kasalukuyang hinintay nag result ng labor case ay tumawag pa ang Paden sa kanya na may halong pananakot ginamit pa ang pangalan ni Amba.. “Pinapunta ka ni Ambassador Tago, nagcomplaint ka kasi laban sa amin”…

I clarified with amba tago if true ba na pinapunta nya si Ate Fe Anzano sa Riyadh. Ang sagot ni amba ay yon ay dahil sa request ni Ate Fe ng shelter.. Pinaliwanag ko kay amba na hindi pwedeng pumunta si Ate Fe sa time na yon dahil may pending appeal sya sa Higher Court ng Saudi Labor Office sa Dammam. at in-explain ko kay Amba Tago na si ate fe ay umupa ng kwarto sa Dammam para doon mag-stay habang nilalakad nya ang kaso nya. Yon sana ang hiniling nya sa government matulongan sya sa kanyang rent. Dapat lang sana na government ang magshoulder ng expenses dahil kay samuel madrid sya tinurn-over ang custody mula sa kanyang amo.

Para sa lahat, nasa baba ang buong detalye ng kwento ni Ate Fe, Naka-attached din dito ang kanyang mga complaints letters sa mga ahensya ng gobyerno ng Pilipinas na hanggang ngayon ay wala pang tugon sa kanyang reklamo. Nakarecord din kami ng Video interview kay ate fe.

Mabuti pa sa gobyerno ng Saudi Arabia, may hustisya.. Sa gobyerno ng Pilipinas. enjoy na enjoy sila sa mga pang-aabuso ng mga tauhan na pinadala nila rito.

Baldoz, Padaen, Madrid at Toledo, nguyain nyong mabuti ang pagkain nyo sa pagsalubong ng bagong taon.. Alalahanin nyo yong pagkain nyo na yan, mula yan sa pera ng mga OFWs at mamamayan ng Pilipinas na katulad ni ate fe. Ang laki ng mga allowances at mga bonus nyo pero sa halip na magsiserbisyo kayo ng tama, kayo pa ang nang-aabuso. Napakasama nyo na mga tao. Sana hindi kayo mabangungot. Sana maghihirap kayo sa sa wheelchair, na ngiwi ang mga mukha, at pagtatawan kayo ng mga tao na inaapi nyo.

Here is our video Interview of Ate Fe Anzano:http://youtu.be/bnYQhWfhBDk?list=PLh2JRaDuKMrG-EdsURLK_vS3mprBsa2q0

Maraming salamat at Maligayang bagong taon,

Patnubay Online
December 30, 2014