Dalawang Pinay na Biktima ng Human Trafficking, Narescue ng POLO Jordan

Share this:

Also posted in facebook.com/PatnubayOnline

Dalawang Pinay na Biktima ng Human Trafficking, Narescue ng POLO Jordan

Kailan pa ba matigil, ang human trafficking at iba pang klaseng pang-aabuso sa mga Pilipino workers sa ibang bansa? 

Nag-viral sa social media ang kwento ni OFW Juhra Pusalan Adjaraman na humihingi ng tulong dahilan sa hindi umano ito sinasahoran ng kanyang Amo na mahigit sampong (10) taon at walang kontak sa pamilya. Sa pakikipagtulungan ng Filipino Community sa Jordan agad itong naipabot sa POLO-OWWA ang kanyang problema.

Ayon kay Welfare Officer Harry Borres, Si OFW Adjaraman ay tubong Lamitan Basilan, Mindanao. Labin-isang (11) taon gulang pa lang sya nang dumating sa Jordan upang pakikipagsapalaran. Pero katulad ng mga menor de edad at mga biktima ng human trafficking, sya ay naabuso at sampung (10) na nagtratrabaho na walang sahod.

Ngayon, si OFW Adjaraman ay nasa 20 taon gulang na pero menor de edad pa rin para magtrabaho bilang kasambahay sa abroad. Sampu na taon ang nasayang sa kanyang kabataan kapalit ng sa pagiging api at alipin sa abroad. 

Ayon kay Welfare Officer Borres Harry .”Kahilakon ko Marj until now Gabii pa namo nakuha 2 times ko nag adto sa house sa iya amo to get the exact location” . (Mapapaiyak ako Marj, hanggang ngayon. Kagabi pa namin sinubukan makuha, dalawang beses kami nagpunta sa bahay para makuha ang eksaktong location.) 

Narescue si kabayan noong February 27,2019 sa tulong ng mga tauhan ng POLO-OWWA na pinangunahan kay Labor Attache Jainal T. Rasul, Jr, OWWA Welfare Officer Harry, sa leadership and instruction ni Ambassador Akmad Sakkam, sa pamamagitan na rin sa pakikipagtulungan ng Anti-human Trafficking Unit sa naturang bansa.

Sa ngayong si OFW Adjaraman kasalukuyang nakatira sa safety house ng Human Trafficking Unit (HTU) habang patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso laban sa kanyang employer. 

Samantala, si OFW Batingkay naman ay naerescue na din. Siya ay limang (5) taong nagtatrabaho sa kanyang employer at siyam (9) na buwan na hindi binigyan ng sahod. 

Silang dalawa ay parehong nasa custody ng Human Trafficking Unit ng pamahalaan ng Jordan..

Nakakalungkot na kwento at sana matigil na ang pangyayaring ito. Sa ngalan ng Patnubay online, ipinapaabot namin ang aming pagpapasalamat sa mga Staff ng Polo-OWWA Jordan sa tunay na serbisyo na makikita natin sa kanilang katapangan at pagmamalasakit sa kapwa ipaabot rin namin ang aming pagpapasalamat sa Filipino Community ng Jordan particularmente ang Allied Migrants Worker’s Group at ng Human Trafficking Unit sa Amman Jordan .Mabuhay po Kayo Sir /Madam.

Ka Marjorie Majorenos
Patnubay Jordan

Share this: