Video: Organ donation mula sa brain dead na Pinay sa Al Khobar, KSA; nakapagligtas ng pitong (7) pasyente – Dr. Mohammed Al-Ghunaim

Share this:

Una sa lahat, kami po ay nakikiramay sa pamilya ni Kabayan.

Video: Organ donation mula sa brain dead na Pinay sa Al Khobar, KSA; nakapagligtas ng pitong (7) pasyente – Dr. Mohammed Al-Ghunaim

Ipinahayag ng Director General of the Saudi Center for Organ Transplantation na si Dr. Mohammed Al-Ghunaim, sa TV Program na YaHala noong Oktobre 28, 2019 – ang pagkakaligtas ng pitong (7) pasyente dahil sa organ donation mula sa brain dead na Pinay sa Al Khobar.

Ayon kay Dr. Al-Ghunaim, nasa emergency hospital si kabayan at dineklara ng mga doktor na brain dead na ito.

Pinaalam umano ng Saudi Center for Organ Transplantation sa pamilya ni kabayan ang sitwasyon at ipaniliwanag din nila ang tungkol sa organ donation.

Pumayag ang pamilya. Pagkatapos magawa ang lahat ng proseso at dokumento para sa organ donation, isinagawa ang operasyon para sa pagkuha ng organs ni kabayan.

Nasa apat (4) o limang (5) operating rooms umano ang sabay-sabay na binuksan para maisagawa ang organ transplant operation para sa pitong (7) pasyente.

Ang mga organs na naidonate mula kay kabayan para sa pitong pasyente ay ang kanyang heart, lungs, liver lobes for two patients, pancreas at kidney.

Sa muli, kami po ay nakikiramay sa pamilya ni Kabayan.

Share this: