Dalawang Domestic Worker na na-ospital sa Jordan hindi pinapabayaan ng Embahada at POLO

Share this:

Dalawang Domestic Worker na na-ospital sa Jordan hindi pinapabayaan ng Embahada at POLO

OFW Antonieta Abarquez

Welfare Officer Harry Borres of POLO Jordan with OFW Antonieta Abarquez

Lumabas sa social media ang tungkol sa isang ofw na si Antonieta Lemosnero Abarquez, na naka-confine sa Al Salt Hospital sa Amman dahil sa pagka-stroke sanhi ng highblood pressure.

Totoo na na-admit si Kabayan sa Al Salt Hospital noong Oktobre 13 hanggang 23 pero inilipAt ito sa Marka Islamic Hospital noong Oktobre 24 para sa patuloy na gamotan habang inasikaso ang kanyang papers pauwi sa Pilipinas.

Si Antonieta ay 39 taong gulang at tubong Dogmanon, San Isidro Davao Oriental. Siya ay biyuda at may dalawang (2) anak na parehong nag-aaral pa. Siya ay nagtrabaho sa loob ng isa at kalahating taon mula nang dumating sa Jodan noong Hunyo 2018. Ang agency niya sa Pilipinas ay Arandrea Manpower Services at White Flower Agency naman ang sa Jordan.

Sina Consul Ferdinand Flores at POLO Welfare Officer Harry Borres ay bumisita kay Antonieta upang alamin ang kalagayan ni Antonieta. Stable naman ang kanyang health condition pero hindi pa ito makakalakad. Kaya, kailangan niya ng wheelchair at escort sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas na inaasikaso pa ng ating embahada. Kailangan din ni Antonieta ang “fit to travel certificate” mula sa kanyang attending physician sa hospital at sa airlines physician para sa kanyang pagtravel.

Nakikipag-ugnayan din ang ating embahada sa kanyang kapatid para siguradong may kapamilya na susundo sa kanya sa Pilipinas.

Magbibigay ng karagdagang updates ang ating embahada at POLO tungkol kay Antonieta sa araw ng kanyang pag-uwi, hanggang sa pagdating sa NAIA na alalayan naman ng OWWA hanggang sa makakarating siya sa kanyang pamilya sa Davao.

Sinabi ng Embahada at POLO na hindi totoo ang kumakalat na balita sa social media na pinabayaan umano si Antonieta dahil tinutukan naman siya ng Embahada at POLO, at ang kanyang employer ay hindi rin nagpapabaya.

Maliban kay OFW Antonieta Abarquez na kumakalat sa social media ang kwento tungkol sa kanya, may isa pang isa pang OFW na nasa hospital ngayon ang inaasikaso ng ating POLO at Embahada. Siya ay tumakas at tumalon mula sa building na tinitirhan ng kanyang employer.

OFW Mary Grace Kalaw Guinto

OFW Mary Grace Guinto with Consul Ferdinand Flores of the Philippine Embassy in Jordan

Si OFW Mary Grace Kalaw Guinto ay deployed ng Golden Legacy Job Movers Corp sa Pilipinas ang ng Anas Abuzaid Agency sa Jordan. Siya ay dumating sa Amman noong September 11,2019.

Si OFW Mary Grace ay nagtrabaho ng isang buwan at kalahati nang magkaroon ng mild stroke sa bahay ng kanyang employer. Agad naman siyang isinugod sa doctor upang mapacheck up at mabigyan ng gamot.

Pero nitong Nobyembre 8,2019, tumalon si Mary Grace mula 2nd floor. Pinalad siya na may nakakita na kababayan at naihatid siya sa ating embahada. Agad-agad siyang dinala nina Consul Ferdinand Flores at POLO Welfare Officer Harry Borres sa Akilah hospital para mapagamot.

Share this: