Pagkamatay ng isang Pinay na nahulog mula ika-limang palapag sa isang gusali sa Kuwait, iniimbestigahan ng Ministry of Interior

Share this:

Disyembre 27, 2019
Al-Anba News

Nagbukas ng imbestigasyon ang Ministry of Interior ng Kuwait tungkol sa pagkamatay ng isang Pinay, na nahulog mula ika-limang palapag ng isang gusali sa may Fintas Area, Block 3.

Ayon sa “security source”, nakatanggap ng report ang Ministry of Interior’s Operation Department mula sa isang Egyptian building guard na may isang expatriate na nahulog mula sa ika-limang palapag ng isang gusali.

Dagdag pa ng “security source”, sumugod kaagad ang mga awtoridad sa naiulat na lugar at doon napag-alaman na ang biktima ay isang Pinay, na isinilang noong 1988.

Buhay pa umano ang biktima nang naabutan ng mga awtoridad. Kaya, agad siyang isinugod sa Al-Adan Hospital at naipasok sa ICU pero binawian din ng buhay.

Nang matanggap ang ulat sa pagkamatay ng biktima, ipinag-utos ng Atty General na kailangan maisasagawa ang forensic examination sa katawan ng Pinay.

Patnubay’s Reaction

Tayo ay nakikiramay sa pamilya ng biktima at kasama din tayo sa pagdarasal sa para katotohanan at para sa hustisya kung sakaling may foul play sa pagkamatay ni Kabayan.

Arabic News Source: https://www.alanba.com.kw

Update

Share this: