Tehran: Secretary Abdullah “Dabs” Mamao nakipagpulong sa Foreign Minister ng Iran

Share this:

Enero 14, 2020, Martes
Tehran, Iran

Story from Iran Press

Malugod na tinanggap bilang panauhin ni Iranian Minister of Foreign Affairs Mohammad Javad Zarif si Secretary Abdullah Mamao (Office of the Presidential Adviser for OFW and Muslim Concerns), sa kanilang pulong na naganap kaninang umaga (Enero 14, 2020).

Sa kanilang pulong, tinalakay ang pagpapalawak ng “bilateral ties” lalo na sa larangan ng ekonomiya.

Kasama din sa nasabing pulong ang pagtalakay sa mga kasalukuyang isyung nagaganap sa rehiyon.

Enero 13, 2020, Lunes
Tehran, Iran

Patnubay Report

Dumating sa Imam Khomeini International Airport ng Tehran, sina Secretary Abdullah Mamao (Office of the Presidential Adviser for OFW and Muslim Concerns) kasama sina Ambassador Noordin Lomondot (Philippine Embassy in Kuwait) at Undersecretary Edwin Bael (Office of the Presidential Adviser for OFW and Muslim Concerns).

Sila ay sinundo ni Ambassador Fred Santos (Philippine Embassy in Iran) at ni Director Yousef Esmailzadeh (ASEAN Division of Iran’s Ministry of Foreign Affairs)

Sila ay nakatakdang makipagpulong kay Iran’s Minister of Foreign Affairs Mohammad Javad Zarif sa Martes (Enero 14, 2020).

Enero 12, 2020, Linggo
NAIA, Manila

Patnubay Report

Sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte bumiyahe para sa Iran at Iraq si Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers and Muslim Concerns, Secretary Abdullah Mamao para kakausapin ang mga pinuno ng dalawang bansa.

Inatasan ni Pangulong Duterte si Secretary Mamao na maghatid ng isang agarang mensahe, upang mapapanatiling ligtas ang lahat ng mga Pilipino sa kanilang mga bansa sa gitna ng pagtaas ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Video

Random Photos

Share this: