The Rodney Pareja Story – isa na namang OFW ang nanalo laban sa recruitment agency

Share this:

ISA NA NAMANG OFW ANG NANALO LABAN SA KANYANG AGENCY SA PILIPINAS

Rodney Pareja

March 16, 2019 18:42
Sir c rodney pareja po eto, gusto ko sana maka.usap kita to thanks po, sasabihin ko po sana nangyari sa case ko before kababayad lang ng agency sa akin ng 200k. .

Patnubay Online

Masha Allah mabrouk rod.

THE RODNEY PAREJA STORY

Si Rodney ay dating OFW Saudi na naalalayan ng PATNUBAY noong 2016.

Nitong 2018, tinulongan naman si Rodney ng ating NGO Partner, Center for Migrant Advocacy Manila sa kanyang isinampa na kaso laban sa agency.

Late na sya nagfile ng case laban agency dahil nagtrabaho muna sya nang dumating sa Pilipinas.

PATNUBAY SUMMARY REPORT 2016
CASE OF RODNEY PAREJA – KSA
handled by PATNUBAY and the late POEA Dir Robert Larga
Date: May 10, 2016 until June 24, 2016

Backgrounder: Ang problema nag-ugat sa Pilipinas pa lamang.

SA POEA APPROVED CONTRACT / OEC

profession: salesman
sponsor: isang catering company

SA VISA / IQAMA

profession: domestic worker
sponsor: saudi citizen (not company)

SA CONTRACT PAGDATING NG SAUDI

profession: housekeeper
Employer: isang indian restaurant

Reactions :

1. Ito ay problema na nag-ugat sa Pilipinas pa lang. Makikita naman sa visa na domestic worker ang profession at pangalan ng tao at hindi company ang sponsor.
2. Pagdating sa saudi. expect na papalitan ang contract, iba ang trabaho, iba rin ang employer..
3. Kung mayroong labor violations, ang parehong contract ay hindi magagamit. hindi rin makapagreklamo sa Saudi Labor Office gamit ang saudi labor law.. dahil ang kanyang profession sa iqama (visa) ay katulong, at ang kanyang employer ay isang tao.
4. kung magkakasakit, walang medical insurance. hindi mandatory sa isang domestic worker ang medical insurance pero maari silang mapagamot sa mga government hospital
5. kung maaksidente sa trabaho. walang social insurance dahil hindi sakop ng GOSI-OHB. so walang free hospitalization, rehabilitation, walang continued salary habang medical rest, at walang disability benefits.

Recommendations

1. Immediate repatriation. papanagutin ang agency sa lahat ng expenses at walang quit claim.
2. Papanagutin at paparushan ang taga poea na nag-approve ng contract at oec na di binusisi ang profession at sponsor sa visa. kung ito ay nagumpisa sa polo riyadh dapat papanagutin at paparushan ang ang taga verify ng contract.
3. Pababayarin ang agency sa danyos na sinapit ng worker. at sa lahat ng sahod para sa dalawang taon.

PATNUBAY.ORG
VOLUNTEERISM, SERVANTHOOD, EMPOWERMENT and H.A.G.I.T.

Also posted in

ISA NA NAMANG OFW ANG NANALO LABAN SA KANYANG AGENCY SA PILIPINASRodney ParejaMarch 16, 2019 18:42Sir c rodney…

Posted by Patnubay Online on Monday, March 18, 2019

Related Link

Share this: