Isang Pinay kasambahay sa Kuwait, nagpakamatay. Ito ang pangatlong suicide case ng OFW sa Kuwait sa loob ng tatlong linggo.

Share this:

Mayo 18, 2020 – Lumabas sa Al Rai Newspaper, ang balita tungkol sa isang Pinay na kasambahay na nagbigti sa loob ng bahay ng kanyang mga amo.

Nangyari ang insidente sa Abdullah Al-Salem Area at natuklasan lamang ito nang hinanap si kabayan ng pamilya na kanyang pinaglingkuran, dahil late na umano sa trabaho.

Tumawag ang pamilya ng awtoridad nang nalaman nila na nasa loob ng banyo si kabayan at hindi sumagot sa kanila.

Nang dumating ang mga awtoridad at nabuksan ang banyo, natagpuan na nakabitin ang katawan ni kabayan at wala nang buhay.

Dinala ng mga awtoridad ang katawan ni kabayan pagkatapos makuha ang lahat ng mga ebidensya at maitala ang suicide case.

Source:

https://www.alraimedia.com

Related Article:

Sa loob ng 2 linggo, 2 OFW sa Kuwait ang nagpakamatay gamit ang electrical cord.

Pinay domestic worker sa Al Sulaibiya Area, nagpakamatay sa loob ng kanyang kwarto.

Mayo 7, 2020 – Lumabas sa Kuwait Local Arabic News ang balita tungkol sa isang Pinay domestic worker, na nagbigti umano sa loob ng kanyang kwarto, gamit ang electrical cord, .

Rumespunde kaagad ang mga awtoridad nang makatanggap ng report ang Ministry of Interior mula sa isang 42 anyos na Kuwaiti.

Ang bangkay ni Kabayan ay dinala sa Forensic Department para sa karagdagang imbestigasyon.

Pinoy na nahawaan ng coronavirus, nagpakamatay sa Amiri Hospital

Abril 24, 2020 – Lumabas sa Arab Times Newspaper, ang balita tungkol sa isang Pinoy na may coronavirus, na nagbigti sa Amiri Hospital.

Bigla umanong nawala si kabayan, at nahanap na wala ng buhay sa CR ng hospital. Nagbigti umano si Kabayan gamit ang electrical cord.

Share this: