Malaya Ka ba Talaga?

Share this:

By: Tasio Espiritu

  1.  Malaya ka bang magsabi ng buong katotohanan?
  2.  Malaya ka bang tumulong na walang hininging kapalit?
  3.  Malaya ka bang kumampi sa mga naapi at labanan ang masasama?
  4. Malaya ka bang magsalita na hindi nakakasakit ng kapwa  lalo na sa mga mabubuting tao?
  5.  Malaya ka ba sa pagtaggap ng sariling pagkakamali at maliit na pagkakamali ng iba?
  6. Malaya ka ba sa iyong pananampalataya habang nirespeto ang pananamapaltaya ng iba?
  7. Malaya ka bang iangat ang sarili mula sa kahirapan na hindi ka gagawa ng masama sa kapwa?
  8. Malaya ka bang hindi ma-iingit sa kapwa kung ano ang meron man sya at malaya ka bang hindi mang-inggit sa taong alam mong walang wala?
  9. Malaya ka bang matuto ng mga salitang sariling atin, cebuano, waray, ilonggo, bicolano.. na walang halong deskriminasyon?
  10. Malaya ka bang maglakad sa daan na walang takot sa mga masasama?
  11. Malaya ka bang pigilan ang pagiging KSP at ugaling gustong makadikit sa taong mayaman, may kapangyarihan at kilala?
  12. Malaya ka bang mamumuhay mag-isa.. at malaya ka rin bang makipaghalubilo ng kapwa?
  13. Malaya ka bang gawin at isipin ang gusto mo; at malaya ka bang pigilan ang gusto kung hindi naman ito tama?
  14. Malaya ka bang ipamahagi ang kalayaan na yan sa kapwa na gustong maging malaya?
  15. Malaya mo bang pagbigyan ng kalayaan ang kapwa na sila ang pipili kung gusto ba nilang maging malaya or hindi?
  16. Malaya ka bang Ipairal ang konsensya at hindi ang pagkakamakaAKO?
  17. Malaya ka bang ipamana yan sa iyong mga anak at apo ang nakamit mo ngayon na kalayaan?
Share this: