You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Patnubay’s Complete Report: Case of OFW Nemecio Valencia

OFW Speaks: Nemecio Valencia
 

May 24, 2012

Pinuntahan ng Patnubay sina tatay noong thursday with ka Roland.. nakausap natin yong mga nagbantay sa kanya, they said na kailangan 8000 for the penalty of the iqama for 15 years na takas si tatay. Presumably kung may penalty na na mamention ang jawasat.. that means the employer already had issued a no objection letter to repatriate the undocumented migrant.

For clarifications we called consul roussel reyes at para marequest na rin for OUMWA to shoulder the penalty.. Sa pagbigay ko pa lang ng name, sinabi na ni Consul Reyes nakapagrequest na sina vice consul genotiva sa oumwa pati na rin ang pambili ticket. Itatanong pa daw nya ulit kay Vice Consul Red kung ano na ang status sa OUMWA request na yon. Pero sigurado si Consul Reyes na may request na sa OUMWA

As per our experience sa mga previous cases magrequest lang tayo ng funding for penalty if nakita na yong employer. Sa case ni Tatay Nemecio hindi sya ang magbayad ng penalty dahil wala naman syang pambayad at ilang taon na rin syang walang trabaho. May mga cases naman kung saan una nating nakuha yong kaso ay isasama na natin sa request ng ating sulat sa governors office na ma-waive na ang penalty dahil sa condition ng isang migrant. Sa part ng ating embassy since it will take time to send a note verbale to the governor’s office kaya maraming beses and saksi tayo na ang OUMWA ang nagbayad para sa penalty.

Once mabayaran na ang penalty, plus yong No Objection letter ng employer, then exit visa na ang kasunod makuha.. then kung may ticket then makauwi na kaagad.

So nagkasettle tayo with consul reyes sa araw na ito na mismo. We further requested for an escort para kay manong na sasabay eroplano pag-uwi.. Kadalasan ginagawa din yan ng embassy noon na ihahatid mismo ang worker hanggang Pilipinas.. Sa ngayon maiintindihan natin kung hindi magawa yan dahil sa kunti na lang ng mga tao ng embassy dahil marami ang naassign sa syria at yemen sanhi ng kasalukuyang gulo doon. Kaya hindi masasagot ang tanong na ito ni Consul Reyes dahil sa kakulangan na rin ng tauhan ng embahada.

Makita nyo dyan sa video na si ka Roland pinayuhan si Tatang na manawagan na kung kababayan man na umuwi sa Pilipinas ay maari ay maisasabay si Tatay.

Sa araw na na binisita natin sa tatang alam na natin na good as closed na ang case nya. Nakita lang daw ng mga nagbantay kay tatang yong pag-uwi ni mang Fred Salmos kaya inilagay nila ang kaso ni Tatang sa Facebook..

Ang iclarify na lang natin sa Sabado (May 26, 2012) kung sigurado ba na may NOC at kung kailan maapprove ng OUMWA yong request for funding para sa penalty at plane ticket ni Tatang.

Nakakaawa itong situation ni tatang.. at nakakalungkot na may mga grupo at mga indibidyuwal daw noon na nanghingi pa ng pera sa kanya na 2500SR para sya ay makauwi kaya nagpadala daw ng pera ang kanyang anak mula Pilipinas pero wala namang nangyari at hindi na alam kung papano mabawi yong pera.

May 25, 2012 – Actions taken and updates

From: Tasio Espiritu
Date: 2012/5/25 (Friday) , 9:48 AM
Subject: Discreet: Another OFW Case na kumakalat sa facebook Nemecio Valencia
To: rafael seguis , Ezzedin Tago , Roussel Reyes
Cc: ellene sana , ellene sana , anna liza navarro , ronnie abeto

Dear Consul Roussel,

As we had informed you yesterday, the case of Tatay Nemecio Valencia ay kumakalat na sa facebook.

We also had seen his situation and his repatriation needs urgent attention. We hope that OUMWA will approve the embassy’s request immediately..

We thank the ATN of our embassy for its fast actions sa kaso ni tatay Nemecio Valencia. In our part, we explained to the OFWs na nagbantay sa kanya at kay tatay na mismo na madali na lang ang kanyang case if its true na ang penalty na lang sa Iqama ang kulang.

Respectfully yours,

Joseph Espiritu

——-

Exchanges in Patnubay

Friday at 9:25am ·

Jebee ‘Kenji’ Solis What help can we extend if he needs any?
Friday at 9:31am

Jebee ‘Kenji’ Solis Salamat Kuya, you’re truly an inspiration. Can i repost your update sa page ng PEBA, so others will know also.
Friday at 9:34am ·

Rosaleo B. Romano there was no mention about need for money but ang tanging kahilingan lang ni manong ay makauwi. may mga kababayan naman na nagbigay sa kanyang pagkain at nagdadala sa kanya sa clinic or hospital for checkup. kaso nga lang hindi maconfine dahil wala syang iqama.

roland handed 100sr kahapon para pambili ng diapers.. at sinuggest ko na lang yong gatas. nestogen or sustagen. tatay is malnourished dahil wala syang ngipin at hindi sya makakain ng maayos.. kaya nilutoan na lang sya ng arroz caldo ng mga kababayan.

standby lang siguro muna ka ken. pero pwede mo ng umpisahan sa PEBA na makakuha ng schedule ng mga kasamahan na nakaschedule umuwi sa loob ng 2 or 3 weeks.
Friday at 9:36am

Jebee ‘Kenji’ Solis Ah okay, if theres anything we can do let m know po ha. salamat
Friday at 9:38am

Rosaleo B. Romano pero pwede mo ng umpisahan sa PEBA na makakuha ng schedule ng mga kasamahan na nakaschedule umuwi from Riyadh – Manila sa loob ng 2 or 3 weeks.
Friday at 9:40am

Rosaleo B. Romano we will ask CMA’ ate Ellene Sana, Anna Navarro Irynn Alcantara Abano and Hazel Divinagracia to follow-up with the request sa oumwa for the penalty sa jawasawat at sa ticket. ..
Friday at 9:44am

Jebee ‘Kenji’ Solis copy kuya, will ask for that. Thanks for the opportunity na makatulong.
Friday at 11:39am via mobile
———————————-

May 26, 2012

Actions taken and updates 3 –

From: Tasio Espiritu
Date: Sat, May 26, 2012 at 9:39 AM
Subject: Fwd: Discreet: Another OFW Case na kumakalat sa facebook Nemecio Valencia
To: ellene sana , anna liza navarroronnie abeto , roland blanco , charles_tabbu, “Jebee \”Kenji\” Solis”
Cc: rafael seguis , Ezzedin Tago , Roussel Reyes

Team,

Updates po.. Consul Reyes informed us na approved na pala ng oumwa yong 8000 SR for penalty plus yong pang ticket.

Ichicheck pa ni Consul Reyes kung may NOC na with employer. Basic knowledge naman natin na if magrequest na ng penalty for jawasat ang embassy ay siniguro na yon na lang ang kulang.

Idouble check daw today ni consul reyes with vice consul red genotiva who handles the case of mang Nemecio Valencia.

Maraming salamat to our ATN and OUMWA. God bless you all,

Gumagalang,
Joseph

——-

Actions taken and updates 4 (as of Saturday afternoon)

it is confirmed na may NOC na naissue ang employer. so everything is ready.. next step will be the following

1. will bring Tatang to tarhil (deportation) for fingerprinting ang processing of exit visa.. using travel documents.. (ka Roland can you send me a copy of tatay’s photo yong magkasama tayo.. para maedit ko at pagpunta sa tarhil ay ready na pati photo ID.. di na kailangan magpicture taking pa sila doon.. for travel document.. this process will take only one half day.

2. exit visa will be released within 3 days..

3. plane tickets.. so we will wait for their booking.. then we need another checkup for tatay para makakuha ng fit to travel form.

4. with regards sa sasabay kay tatay na taga-embahada.. talagang kulang sa tao ang embassy dahil nasa yement at syria nakaassign yong iba. pero we will wait for their response tomorrow.

5. i called the ofws na nagbantay kay tatay, malakas na daw kumain si tatay mula ng pumunta tayo at ireport daw nya yong balita na yans sa taas at baka lalong gaganang kumain si tatay.

6. ito lang po muna and God bless everyone.

May 27, 2012

Sa tanghali, sinundo ni Robbie Mangutara, dinala sa jawasat, nabayaran ang penalty, na fingerprint at Inshallah bukas may exit visa na si tatay Nemecio.

Tungkol naman sa sasabay kay tatay, mayroon naman daw isang undocumented na karerelease lang ng exit visa at kakausapin na ni bay Robbie na kung pwede sasabay sya kay tatay.
————-

for the record, the approval of oumwa manila to shoulder the amount for the penalty sa jawasat para kay manong ay naapprove na noong May 22, 2012 before pa tayo bumisita sa kanya noong thursday or before nailagay ng kasamahan nya sa bahay ang kanyang situation sa FB.

for the record na rin 2 weeks pa lang ng unang lumapit si mang Nemecio sa ating embahada.. kaya napakabilis na kung tutuusin ang kanilang pagtugon sa kalagayan ni tatay.

Pumunta kami ni roland doon kay tatay at pinaliwanagan natin sila sa proceso para kanilang maintindihan at mapanatag naman ang loob ni tatay. at makikita nyo yan sa video.

————

May 28, 2012

Good news nairelease na ang exit visa ni Tatay

 

 

 

 

 

 

 

 

On May 29, 2012, at 8:16 PM, “Tasio Espiritu” wrote:

Dear Ate Toots,

May we request again the Blas Ople Foundation for any assistance that you can provide to a distressed OFW pagdating nya dyan sa Pilipinas?

Name: OFW Nemencio Valencia
His story ay nasa link na ito: http://patnubay.org/?p=4142

Contact Person sa Pilipinas : Ailene Valencia Famaranglas
Relationship : Daughter
Celno : 0921-xxxxx or 0916-xxxxxx
Address : Purok1,Barangay Nangkaan,Mataas na Kahoy,Batangas
Email: allen famaranglas

You may communicate with mrs. Ailene Valencia Famaranglas

I know tatay needs urgent medical attention sa kanyang kalagayan maybe we can ask help from the Philippine Government para sa isang kababayan na matagal ng OFW.

Maraming salamat ulit ate and God bless you always,
tas

—–
2012/5/29 Susan Ople
Ok Tas. I’ll contact his daughter. Thanks!
——

May 30, 2012  Tasio  wrote:

Dear ate toots and ate aileen.

Thank you so much ate toots sa walang sawang pagtulong sa aming mga ofws.

we visited tatay yesterday.. natuwa naman si tatay na dinalhan natin ng 1 jacket at dalawang polo shirts.. sabi ko kay tatay na yon ang susuotin nya pag-uwi. nagdala din kami ng gatas, oatmeal at mga cup noodles / sotanghon..then before we left nag-iwan din tayo ng 100sr doon kay tatay for his emergency needs. tungkol sa medyas, ang mga kasama na nya sa bahay ang bibili.. bale less na kasi ang time para bibili ng medyas kaya sila na lang ang pinabili ko. may diaper na rin si tatay based sa tugon ni ka roland na pabilhan ng diaper si tatay.

si tatay ay hindi pa rin nagpalit ng damit, kung ano yong soot nya dyan sa facebook, sa video, ay yon pa rin ang soot nya kahapon. at sinabi ng mga kasama nya sa bahay na ayaw daw maligo ni tatay. kaya kinausap ko sya na kung pwede ay magpunas sya ng labakara at tubig .. at isuot yong isang dala ko na polo shirt para pagbalik ko ay bago na ang t-shirt nya. sagot nya naman ay maliligo daw sya bukas ng umaga. sabi ko ay baka delikado sa banyo.. tinuro nya yong isang nandon sa bahay at sabi “ikaw magpapaligo sa akin”.. sabi naman noong kasama sabahay “sige tatay ako magpapaligo sa yo”

ate toots, bago kami dumating, nandon pala yong taga-owwa at dswd daw.. nagdala din sila ng oatmeal at gatas. ang hindi ko lang nagustohan sa kanila .. it seems pumunta sila doon without coordination with our atn sa embassy. they asked questions na ang dating ay wala silang alam sa situation ni tatay. im sure pumunta sila doon dahil may request ang head office ng manila sa kanila. pero sana naman nagtanong sila ng updates sa ating embassy. nakakadiscourage kasi yon sa mga ofws na nakarinig.. it seems ang mga tao pa doon ang nagbigay sa kanila ng updates. ang hindi ko rin naintindihan bakit kailangan nilang kunin ang number ko sa mga tao doon. isasama nila sa report. he hehe.

pagkatapos ng isha prayer, ay tumawag si consul reyes at ang sabi ay punong-puno ang ay napabooking na si tatay on (date and airline ay intentionally removed by patnubay for privacy sa pamilya, sa mga nag-alaga kay tatay at kay tatay na rin).

ito lang po muna and God bless us all always,

TAS

On May 30, 2012 (afternoon), “Tasio. Espiritu”wrote:

Tatay Nemecio with Leon Catameo

Dear Ate Aileen and Ate Toots,

– second email for updates.

i called ate flor at kinausap ko si tatay na rin.. masaya si tatay na sinabi na nakaligo na sya at ang tshirt natin na brown ang kanyang ginamit.  Napagupitan na rin si tatay..

kumain na rin si tatay at ang paborito daw ayong chocolate cupcake na binigay then namin kahapon ni francois. bukas magdala pa ako ng marami.

Then tumawag si consul reyes at ang sabi ay may confirmed flight na sa (date and airline ay intentionally removed by patnubay for privacy sa pamilya, sa mga nag-alaga kay tatay at kay tatay na rin. ).

with regards, to our request na kung maari ay mapadextrose si tatay pagdating sa pilipinas we may ask the help of the ople foundation.. Ate aileen ang Ople foundation po ang tumulong kay Mang Fred Salmos para maoperahan kahapon.

ito lang po muna ate,

TAS

Friday, June 1, 2012 4:17 PM

allen famaranglas wrote:

Kuya Joseph,

Ask ko lang po kung yun binigay nyo na flight details ay confirm na ang status and ticketed na po ba sya?

Thanks po.

Ailene

Tasio Espiritu wrote :

yes confirm na yan ate. happy!

allen famaranglas wrote:

yeheeeeyyy sobrang happy talaga ako..salamat sa diyos at sa inyong lahat po na walang sawang tumulong sa aking Ama.

God Bless.

ailene

OFW Nemecio Valencia is home, Reunites with Family
 


Explanation sa pabago-bago na pangalan:

it was Divencio ng maipalabas sa facebook, ng pinuntahan namin at marinig nyo dyan sa video sa taas, ang name daw ni tatay ay Menencio, then binago sa facebook to Nemensio, then the following day the embassy issued a press release and they use Nemesio.. But when we asked Ate Aileen (daughter), ito daw ay Nemecio.

Dalawang (2) buwan ang lumipas ay pumanaw po si OFW Nemecio Valencia noong August 15, 2012.

Aug 16th, 5:45am –  A message from Ailene Valencia Famaranglas : “Mapagpalang araw sa lahat.. Nais ko po ipaalam sa lahat na ang aming Ama na si Nemecio Valencia ay pumanaw na . Died: Aug. 15/0845AM..Hinihiling ko po na sana ay isama nyo sya sa inyong panalangin.Maraming Salamat po.”

Patnubay Online: ate Ailene our sincere condolences to you and to your family.May Tatay Nemecio rest in peace.

Irynn Alcantara Abano wrote “alay namin ay panalangin…”

Franklin Salvio Resma wrote “condolence to the family. ”

Charito Basa wrote “May he Rest in Peace!”

Mabel Kuizon wrote “Tas, wa ko kasubay sa story ni Manong Nemesio except for the article above. But God bless all those who cared for him and went the extra miles so that he could be home with his family. But now he is home with his Creator. May Manong Nemesio’s family find comfort in this.”

Ailene Valencia Famaranglas

thank you Patnubay Online..maraming salamat sa lahat ng concern at tulong nyo..