You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Feature Story: Ang mga karapatan ng pamilya ni yumaong Stephen at ang kabayanihan ng kanyang pinsan na si Gerald

Patnubay Online’s Interview with Gerald Labiste Ranis
(Note: nasa email  sa baba ang buong detalye)
 

From: Joseph Henry B. Espiritu
Date: Mon, Jun 25, 2012 at 3:23 PM
Subject: Very Urgent Request for additional assistance for OFWs Stephen Labiste Regis (and Gerald Labiste Ranis)
To: Roussel Reyes , Ezzedin Tago , rafael seguis , owwa admin dimzon gmail , HANS CACDAC , Usec Sunny Conejos , Susan Ople, Loreto Soriano, ellene sana , anna liza navarro, Rhodora Abano , Jay Ebora, “Jebee \”Kenji\” Solis” , Robert Jade Sangil, roland blanco , Zhariya Silvestre Camid-Alamada , Ronnie Abeto

Name of OFWs  :  

Stephen Labiste Regis   (deceased)   –

  • Dumating sa saudi 1 year and 6 months ago at nagtrabaho sa Saudi Oger Company at naassign sa Princess Noura University (under construction) ,
  • naaksidente sa trabaho noong May 30, 2012 at namatay noong June 10, 2012. All expenses ng hospitalization ay covered ng GOSI.
  • additional information, Nagbakasyon si Stephen noong November 30 at bumalik sa Saudi noong January  2012.

Gerald Labiste Ranis  –

  • pinsan ni Stephen at three months pa lamang sa Saudi, nagtrabaho sa Meed Company, isang sikat na convenient store chain sa Kaharian
  • sya ang bumisita at nagbantay kay stephen noong naconfine pa ito sa National Hospital.
Both Stephen and Gerald are from Brgy Tuyan, Naga, Cebu

Additional Backgrounder
Noong na-declare na brain-dead si Stephen (see attached photo), nilapitan si Gerald ng SCOT (Saudi Center for Organ Transplantation) kung pwede bang magdonate ng organ si Stephen kung sakali ay hopeless na syang mabuhay pa. They then asked for the approval from the immediate family of Stephen sa Cebu at pumayag naman ang pamilya na maidonate ang organ.. (kidney).

In return, SCOT will process the immediate repatriation, papers and tickets.. for the remains of Stephen and a round trip ticket for Gerald dahil sya ang maghatid kay Stephen sa Pilipinas and SCOT will give to the next of kin (NOK) an amount of 50, 000 Saudi Riyals to the family of the late Stephen Labiste. Ang amount will be given to the NOK after 3 to 4 months pa.Pumanaw si Stephen noong June 10, 2012.

Ang Ministry of Health at si Gerald ang nagtulongan na maprocess yong repatriation papers.  Ang Ministry na rin ang nagrequest sa Meed (convenient Store) company na payagan si Gerald na makabakasyon at masamahan ang pagrepatriate ng bankay ng kanyang pinsan hanggang sa Pilipinas.Mamamaya madaling araw ang flight nina Gerald at Stephen via Saudia Airlines at ang details ay nasa baba.

Flight Details

Flight SV 860  (Saudia Airlines)
Time of Departure – 1:15 AM – June 26, 2012  (Riyadh)
Time of Arrival –  4:10 PM – June 26, 2012 (Manila)

Request for Additional Assistance from NGOs and GOs

1. Flight from Manila to Cebu 
-  Ang flight nila ay hanggang Manila lamang at wala na silang additional plane ticket papuntang Cebu. Nang tinanong ko si Gerald ang sabi ay ang East – West Agency na daw sa Pilipinas ang tutulong para pagpadala sa bangkay ni Stephen sa Cebu.

Ang request namin sa OWWA, POEA, DOLE at DFA ay masisiguro na hindi matengga sina yumaong Stephen at si Gerald sa Manila. At kung sakali na ang agency ang umasikaso, sana isama na sa libreng ticket si Gerald dahil wala po itong kadala-dala na pera. (note: three months pa lang si Gerald sa company at gumastos na rin sya sa pamamasahe  sa pagprocess ng repatriation papers ni Stephen.. sa company, sa embassy, sa ministry of health, sa shumeisy morgue)

2. Death Benefits from OWWA at ang burial Assistance
 – Hiniling din namin na sana masiguro na makuha kaagad  ng pamilya ni Stephen ang Death Benefits from OWWA at ang burial Assistance na rin. As mentioned above, wala silang kapera-pera dahil kababalik lang ni yumaong Stepehen noong January 2012 from emergency vacation nang pumanaw ang kanyang tatay.

3. Mandatory Risk Insurance ng RA10022 for departing OFWs – Nadeploy itong si Stephen sa late 2010 at nakapagbakasyon noong November 2011, malamang covered sya ng Mandatory Risk Insurance ng RA10022 for departing OFWs.. Maari sana ay matutukan din ito para sa pamilya ni Stephen. Ang agency po na nagdeploy kay Stephen noong 2010 ay East West Agency.

4. Monetary Claims from Company – Since the repatriation is rushed at ang SCOT and Ministry of Health ang nagprocess ng repatriation, nagbigay ang embassy ng NOC (No Objection Certificate) without delay. Thus the normal procedure na tatawagan ang company for Stephen’s monetary claims from Saudi Oger ay ipinagpaliban muna.  Hiniling namin sa embahada to inquire Saudi Oger if may makuha ba na last month pay, vacation pay and ESB si yumaong stephen.

  • last month pay – ito yong sahod ni Stephen na sisingilin sa company before nangyari ang aksidente.. Kung meron then dapat magbayad ang Saudi Oger para ipadala sa pamilya ni Stephen sa pilipinas thru our embassy’s assistance.
  • vacation pay – if sakaling may vacation pay pang natira si stephen.. as per saudi labor law a worker is entitled to a mininum of 21 days paid vacation per year .. since namatay si stephen good as finished contract yon. So, sa two year contract ay  dapat may 42 days paid vacation sya.   ibababawas ito sa nagamit na vacation ni stephen last november.  if in case walang natanggap na vacation pay si Stephen noong nagbakasyon sya then Saudi Oger must pay to the family ng halagang katumbas na 42 days na sahod.
  • End of Service Benefits – as i had said since namatay ang worker sa accident, then his 2 year contract is considered as finished contract.. thus ang ESB must be 1 month salary (  kalahating buwang sahod bawat taon as per the Saudi Labor Law)

5. Death Benefits from GOSI which is equivalent to 84 months basic salary (or 7 year salary).  this is work related, he was confined as a GOSI OHG patient..  then Stephen’s family is entitled to receive the death benefits from GOSI na pitong taon na sahod.. as per the provisions of the Social insurance law.. Hiniling namin na matutukan ito ng ating embahada para magfollow-up sa GOSI at sa company.. Kasama din ang patnubay sa pagfollow-up nito.

6. Help for Gerald Labiste Ranis - Kararating lang ni Gerald.. wala pa syang three months dito sa Saudi ay naaksidente ang kanyang pinsan..  Sya ang bumisita at nagbantay kay stephen sa araw at magtrabaho naman sya sa gabi. Hindi nya inalintana ang pagod at gastus sa pamamasahe to hospital to work.. at  nang pumanaw  si Stephen, ay si Gerald  rin ang nagprocess ng repatriation papers ng kanyang yumaogn pinsan.  Sya ang naglakad at nag-asikaso papuntang embassy or sa saudi oger na nasa diriyah pa.

Walang kapera-pera si gerald.. kung hindi sya kasama sa flight pauwi ng Cebu ay wala syang pamasahe papunta doon.. wala syang pera na maibigay nya sa kanyang pamilya.. or perang pabalik ng manila mula cebu. Nagtitiis at naghirap itong si Gerald para sa kanyang pinsan na matalik nya rin na kaibigan.  Kahapon lang namin nalaman ang kaso at wala na tayong time para maghanap ng kaibigan para tutulong kay Gerald financially.

ka Roland Blanco and Pantaleon Villegas gave 100sr each to Gerald  kahapon pero alam namin hindi po sapat yon.  Hiniling namin na masiguro na may ticket din si gerald pauwi ng cebu .. at ticket pabalik na rin sa manila…  kung sya ay babalik na rito sa saudi.

ito lang po muna and God bless you all always,
Joseph