Isang Pinay nagbigti sa Riyadh, Isang kasama sa bahay hinuli ng pulis

Share this:

Agusto 10, 2012, bandang alas 10 ng gabi, sa may Naseem, Riyadh –

Nadatnan ng kanyang kasama ang isang pinay na nakasabit pa sa lubid at wala ng buhay. Rumespundi naman kaagad ang ating embahada at inatasan ni Consul Roussel Reyes si Attache Jerome Friaz at isang embassy translator. Umaga na nang makauwi ang mga taga-embahada dahil sa haba ng imbestigasyon ng pulis.

Ayon sa imbestigasyon, ang nasawi ay isang domestic worker na apat na taon nang takas at kinalinga naman ng isa ring kababayan. Ang nagpakamatay ay may dalawang anak sa Pilipinas samantalang yong kumalinga sa kanya ay may isang anak at hiwalay sa asawa.

Sa batas ng Kaharian, bawal magsama ang lalaki at babae na hindi tunay na mag-asawa. Napag-alaman din na umalis sa naturang bahay ang mga nakatira sa ibang mga kwarto pero naiwan naman ang kanilang mga gamit. Sanhi na nagkakaroon ng duda ang pulisya na may mga ibang runaway pa doon na kinakalinga din ng iba. Umalis din yong mag-asawa na nakafront sa bahay. Sa ngayon, ay nasa Shumeisy Morgue na ang bangkay at nasa kulongan naman ang dating kumalinga sa kanya.

Opinyon

Walang mananagot na ibang tao kung hindi sana takas yong nagbigti at kung may legal marriage license sana sila ng kanyang kinakasama. Hindi rin sana magsipag-alisan ang mga nakatira sa ibang kwarto at maging ang taong nakapangalan sa bahay kung ang lahat ng nakatira doon ay may valid lang na Iqama.

Halos tatlong buwan na ang nakaraan, naiparating sa atin na may isang kababayan na nagbigti din dahil sa problema sa kanyang pamilya na nasa America. May imbestigasyon man pero walang nakulong dahil lahat ng mga kasama sa bahay ay may mga Iqama kabilang na doon ang nagpakamatay na kababayan. Ang lahat ng couples din doon ay may marriage license.

Malinaw sa batas ng Saudi Arabia na bawal magkanlong ng takas. Kung may takas sa iyong tinitirhan, huhulihin din ay ang taong nakapangalan sa bahay. May parusa itong kulong, 10, 000Sr sa bawat takas na nasa bahay nya at deportation. Kaya lahat ng patitirahin mo sa inyong inuupahang bahay ay siguradohin mong may mga valid na Iqama. Kung sila ay couple siguradohin mo rin na mayroon silang valid marriage license.

Nakakalungkot na lalong dumarami ang mga tumatakas sa kanilang mga amo dahil may mga lalaking nangangako ng magandang buhay sa labas. Ang resulta, lumalala pa ang  problema dahil marami sa mga karapatan nila  ang mawawala, katulad ng mga sumusunod:

  1. Hindi sinasahuran, lalong naabuso at walang karapatang magreklamo dahil sila ay mga takas.
  2. Tinakot-takot ng lalaking nagkanlong na ipapulis at ipapahuli.
  3.  Kung magkasakit ay hindi maipasok sa hospital.
  4. Mahirap makauwi at lalong mahirap kung ito ay nabuntis or nakakarami na ng anak.
  5. Ang mga anak ay magiging undocumented din, habang palaki na sila ay lalong palaki rin ang problema, hindi maipasok sa school, kung may malalang sakit ay hindi rin maipasok sa hospital.

Hindi sana mangyari ito kung walang tumakas at kung walang nagpatakas. Kung totoo man na naabuso ay dapat tumawag sa embassy para mailapit kaagad sa pulis at mairescue mula sa abusadong amo.

Ang problema ay saka lang lalabas ang mga kwentong pang-aabuso kung gusto na nilang umuwi o kung may malalaki na silang problema. Sila pa  yong malakas ang loob na magsisi sa ating gobyerno ng kapabayaan at kapalpakan. Sila yong sumisigaw ng katarungan sa media. Sumisigaw sila na silay mga Bagong Bayani na pinabayaan,  ibinandera pa ang kanilang mga anak sa TV para kaawaan.Kung kailan maraming taon na silang  takas at  nakarami na ng mga anak ay saka lang sisigaw na nirape sila ng kanilang employer.

Sinisisi na nila ang lahat maliban sa kanilang mga sarili. Kakagat naman ang mga uto-utong media sa atin. Ang resulta, maraming totoong kaso ang mapapabayaan at maiiwanan.

Drafted by Tasio Espiritu for Patnubay Online

Share this: