Qatl Cases Analysis Part II ( The Joselito “Abdulatif” Zapanta Story)

Share this:

The Joselito “Abdulatif” Zapanta Story

Mababasa nyo sa baba ang totoong kwento  tungkol sa kaso ni Joselito Zapanta at kung papano sya nagbagong buhay sa loob ng kulongan.

Nagsisisi, humingi ng kapatawaran sa Diyos at sa pamilya ng kanyang napatay. Handa nyang tanggapin ang parusa pero umaasa  na mapagbigyan ng pangalawang pagkakataon na mabuhay.

“Napakalaki ng kasalanang nagawa ko. Humingi ako ng tawad sa Allah at gusto kung humingi ng kapatawaran sa harap ng pamilya ng aking napatay; dahil parang wala ring silbi kung makalaya man ako pero hindi naman nila ako napatawad.

Handa kong tanggapin ang kamatayan pero umaasa ako na pagbigyan ng pangalawang pagkakataon para maiayos ang aking buhay at makakagawa ng mabuti para sa kapwa”

Nasa baba din ang bawat update sa mga ginagawa natin para matutulongan si Joselito.

——————————————————————————————————————-

Sa mga gustong tumulong kay Joselito Zapanta maari nyong ipapadala ang inyong donasyon sa bank account na inopen ng kanyang ina na si Nanay Mona.

Account name: Mona Lidasan Zapanta
Account Number: 0713-5180-77
Bank name: Bank of the Philippine Islands (BPI)
Branch name: Guagua Pampanga Branch

For transparency you may send the proof of your donation to helpzapanta@gmail.com

——————————————————————————————————————-

Qatl Cases Analysis Part II ( The Joselito “Abdulatif” Zapanta Story) 

First posted in Patnubay.com

last 05/30/2010

1. A Reaction to GMANews.Tv article “OFW gets death in Saudi despite self-defense please”

Ito yong kaso ni Joselito Zapanta (alias Joseph sa Article ng GMANews.tv but since pinalabas na ng DFA at ng ibang media ang totoong pangalan, isusulat na rin natin ang totoong pangalan ng akusado).

Basic Information ng Crime Scene:

Ang Sanie Building ay twin-building na may mahigit sampung palapag ang bawat building. Sa bawat floor naman ay may anim na flats. Sa bawat flat ay may tatlo or apat na kwarto. Maraming pinoy ang nagrent sa mga flats ng Sanie Building dahil ito ay malapit sa Batha. May mga companies din na ito ang ginawang accomodation ng kanilang mga staff.

Mula ng dumating ako ng Saudi Arabia, palagi akong nakatambay dito dahil may mga  kaibigan akong nagwork sa SRTelecoms kung saan dito ang accomodation nila. Dito rin nakatira ang ibang kasamahan ko sa trabaho. Five years ago, Isa sa kasamahan natin sa adbokasya na si Ka Roland Blanco ay nakatira  sa Building 1 (left side). Sa building na ito rin naganap ang krimen.

Sa bawat flat ay may isang flat-holder, ang flat holder ay sya na ang naniningil doon sa mga nakatira sa bawat kwarto ng kanilang flat. According to our investigation, si Joselito ay ang flatholder ng kanilang room, ang Room number ay 114. So sya ang maniningil sa mga kasama nya sa kwarto. At sya naman ang sisingilin ng rent collector.

May dalawang haris (rent collector) doon, isang masri at isang sudani. Sila ang taga-singil ng upa sa mga flatholders. Ang pangalan ng Sudani ay si Imam Salah Ibrahim. Siya yong Sudani na pinatay ni Joselito Zapanta.

Chronology of Events

Buwan ng Hunyo, 2009 at nakatanggap kami ng information na may pinatay na Sudani sa Sanie Building, sa Batha. Inalerto kaagad natin ang ating embahada, sina Vice Consul Reyes na maging handa kung sakali may paghuhuliin na mga pinoy doon.

May mga pinaghuhuli sa Building 1 for interrogation, nakatutok naman si Mr. Jerome Frias ng ating embahada. Marami sa  mga filipino na nakatira doon sa building kasama na yong ibang mga kasamahan sa flat ni Joselito. Pagkatapos nainterrogate ay makakalaya naman thru kafala. Tinanong ni Mr. Frias doon sa police station kung kailan makalaya ang mga Filipino. Ang sabi ng police ay ihanda na lang yong mga kafil (sponsor or employer) pagkatapos ng interrogation.

Nakalaya ang lahat pagkatapos ng ilang araw, may iba na hindi macontact yong kafil (sponsor) kaagad at tinututukan naman nina Jerome. Nakalaya ang lahat nang nahuli si Joselito Zapanta at umamin sa krimen na kanyang ginawa.

Hindi kaagad nahuli si Joselito dahil wala naman sya sa lugar noong natagpuang patay na si yumaong Salah. Ilang oras pa ang dumaan bago napag-alaman na patay na si yumaong  Salah.

Ano ang ikinamatay ni yumaong Salah ?

May mga tama sa ulo si yumaong Salah at nakita na lang na nakahandusay sa kanyang opisina at wala ng buhay. Nag-isa lang sya doon dahil nakabakasyon yong kasama nyang egyptian. Nawala ang pera at nawala din yong mobile phone ni yumaong Salah.

Papano nahuli si Joselito Zapanta ?

Pagkatapos ng interrogation sa lahat ng hinuli, napag-alaman na may isang Filipino na nawala, at hindi  na makita pagkatapos ng insidente. Napag-alaman din na nawala yong cellphone ni yumaong Salah at ang wallet nito.

Nahuli ang filipina ng matace ang cellphone at pumayag na makipagmeet sa authorities sa isang mall. Nahuli si Joselito sa entrapment. Nakuha din ng authorities doon sa babae ang cellphone ng biktima. Inamin naman ni Joselito ang krimen, ang pagkuha sa pera at cellphone. Inamin nya na binigay nya kay Karen ang cellphone ilang araw ang dumaan. Sinabi nya rin sa police na nagastos nya na ang pera.

Ang babae ay may pangalang Karen at kinulong din pagkatapos ng paghuli kay Joselito Zapanta. Nakatutok naman dito ay si Mr. Ibrahim Zailon ng Assistance to National Section – Female cases ng ating embahada.

Reactions to GMANews.tv erroneous News

1.1 GMANews.TV : OFW gets death in Saudi despite SELF DEFENSE plea

Papano maging self-defense ang pagpapalo sa likod ng ulo gamit ang  martilyo, ng maraming beses?

Bakit mo iniwanan ang tao na iyong nasaktan na hindi ka man lang tumawag ng tulong?

Tumawag ka ba ng ambulance or hospital?

Kung tumakbo ka dahil sa takot, bakit kailangan mo pang nakawin ang cellphone at pera?

1.2 “According to Joselito, he was brutally beaten by his Sudanese landlord when he refused to pay his rent as his payment was not yet due; he fought back and accidentally killed the Sudanese (in) June 2009,”

Nagpacheckup ba sya  hospital or clinic at may medical report ba sya sa  pagkabrutally beaten nya?

Noong hinuli sya ng pulis may mga maipakita ba syang pasa or sugat, na-pamedical report ba sya?

Nag-interview tayo ng mga filipino na nakatira sa building. Sila lahat ay nagsabi na mabait na tao si yumaong Salah. At walang problema kay yumaong Salah kung late ka sa pagbayad ng rent ng iyong flat. You can go to Sanie Building one and two and ask the filipinos na nakatira doon tungkol naman sa pagkatao ni Joselito, kung mayabang ba ito, sugarol ba ito or hindi.

For your information, ang mga nakatira sa Room 114 na mga Filipino rin ay nagbigay ng kanilang rent kay Joselito dahil ito ang flatholder. Walong buwan, na hindi nairemit ni Joselito ang rent ng kanilang flat.

1.3 Joselito said only two interpreters assisted him during his hearing, as the DFA and  the Philippine Embassy in Riyadh did not provide him a lawyer.

These interpreters ay nagwork sa court at pwede maitap to interpret kung walang lawyer, or walang embassy officials to represent a filipino accused. Please be informed that in Saudi Arabia, an accused is allowed to defend himself thru interpreter. Marami namang accused ng Murder cases ang na-acquit without the presence of lawyer sa hearing, eg. Mabanto Case,  Alejo, Esmero and Cordova Case.

Did Joselito call the embassy tungkol sa schedule ng kanyang hearing?

Before dadalhin for hearing ang isang nakakulong, may papel (talabat) na matanggap doon sa kulongan, para schedule ng hearing, minsan a day before ng hearing ito matanggap. Minsan  sa araw ng hearing na mismo. May contact naman ang nakakulong sa loob sa ating embahada  then they can easily inform the embassy sa schedule ng hearing.

If in case, ay walang talabat at bigla na lang ang pagpalabas ng nakakulong para dalhin sa korte, ang  mga  nakakulong na pinoy ay dapat kumuntak na sa ating embahada na may hearing ang isang kababayang nakakulong sa araw na yon. If kung sakali may contact itong si Joselito  sa isang group, then all he has to do is to text that group na may hearing sya at ang group na dapat ang maginform sa embassy.

Ang kagandahan kung may lawyer or kung may wakala, dahil sila ang unang mainform ng korte about sa hearing. Thus siguradong may representation ang akusado doon sa korte.

1.4. “Joselito is not only a victim of his own deplorable condition under his abusive landlord but also of the criminal neglect by the Philippine post in Riyadh,”

Ang pinatay na ngayon ang abusado at ang  pumatay na ngayon ang biktima. Hindi porket Filipino ay hindi marunong gumawa ng masama at hindi porket ibang lahi ito ay masama na. ‘Wag naman tayong maging biased dahil buhay ang nawala dito at mga buhay ng pamilya ang apektado.

Tandaan natin sa mga Qatl (murder) case na may hatol na qisas (capital punishment), ang kapatawaran lamang ng pamilya ng biktima ang makakaligtas sa pagbitay ng akusado.

Makakamit lang ito sa pamagitan ng pag-amin ng kasalanang ginawa, pagsisisi sa kanyang ginawa at paghingi ng tawad sa pamilya ng biktima.

Sa batas ng Saudi Arabia, hindi ang kasinungalingan ang mapagpapalaya sa isang akusado. Papano mapatawad ang isang akusado ng pamilya ng biktima kung sasabihin pang masamang  tao ang biktima?

1.5  he was told by Joselito in a personal communication that he ran away from his original employer who had allegedly not paid his salary for six months. He eventually found another job and rented a room managed by a Sudanese national.

Nagfile ba sya ng kaso sa kanyang employer? Lumapit ba sya sa embassy or pinili nya lang tumakas?

Yes, confirmed na totoong walang Iqama (Residence Card) si Joselito Zapanta. Pero bakit sya ang flatholder o naniningil sa kanyang flat samantalang kailangang magsubmit ng Iqama ang isang flatholder? This, hindi pa natin naitanong sa opisina ng Sanie Building pero ang sabi ng mga gwardya ay hindi naman Joselito ang pagkakilala nya sa kanila kundi ang binigay na pangalan ni Joselito ay “Alfred”.

1.6 Joselito’s family expressed confidence that he will win his case as there reportedly were eyewitnesses to prove it was a case of self-defense.

If may witnesses pa bakit it took days bago nahuli itong si Joselito. Kung may witnesses pa bakit kailangang maraming mga tao na napasama sa interrogation? Kung may witnesses pa bakit kailangan pang itrace ang cellphone ng biktima na hawak ng girlfriend ng akusado?

Bakit ka papatay ng tao na patalikod, gamit ang martilyo? Nakawin mo pa ang pera at cellphone? Now, do you call that a self defense?

Tumawag ka ba ng ambulansya or mga kasama para mailigtas yong tao na iyong sinaktan? Ito lahat ay hindi nya ginawa sa halip ay umalis sya sa lugar; na nagresulta sa pagkadampot ng maraming tao at mga kapwa natin filipino. Bumalik lang sya sa lugar ng wala ng hulihan, nag-empake, at minalas ay noon din sya hinuli.

1.7 The family was shocked however upon learning of the death sentence, and that Joselito  was given only until May 1 to file his appeal before the Appellate Court, Monterona said.

Sa mga ganitong kaso, ang pamilya talaga ng magkabilang panig ang apektado. Mabuti na rin siguro na tanungin ng kanyang pamilya si Joselito kung ano ba talaga ang totoong nangyari. At sana katotohanan ang sasabihin ni Joselito.

As per Shariah law, kung may kinitil ka na buhay, buhay din ang kapalit. Inamin nya na kanyang pinatay at may mga ebedinsya laban sa kanya natural lamang na guilty ang hatol.

As per Law of Criminal Procedure of Saudi Arabia, dapat within 10 days after ng hatol ay matatanggap ng akusado or ng kanyang abugado ang sac (hardcopy ng court decision).

Within 30 days after ng pagtanggap ng sac ay pwede makapagfile ng appeal ang akusado.

In my own opinion, karapatan ng bawat akusado na magfile ng appeal kung hindi sya sang-ayon  sa desiyon ng korte. Pero sa case ni Joselito ay walang silbi ang pagfile ng appeal dahil ang kasalanan ay inamin nya na. Hindi uubra ang kanyang alibi na self defense at yan napaliwanag ko na kanina.

Sa ngayon ay ramdam na ang hustisya ng pamilya ni yumaong Salah  dahil sa hatol ng korte. Ang pagfile ng appeal ay baka lalo pang ikagagalit ng pamilya ni yumaong Salah.

Malamang ito ang maging katanungan sa isipan nila, “Bakit nag-appeal pa samantalang pinatay nya naman talaga si Salah na walang kalaban-laban at ninakawan pa?”

Ang dapat nya sanang gawin ngayon ay magpakumbaba, magsisisi sa kanyang ginawa. Hintayin  ang tamang time para hihingi ng tawad sa pamilya ni yumaong Salah. Kung ang hatol sa kanya ay 5 years na kulong Joselito still has to serve 2 and a half years before makapagrequest ang family sa court na madaliin ang Qisas. 2 years ay long enough para magheal ang galit at makapagpatawad ang isang Muslim.

Pero papano mapapawi ang galit kung patuloy sa mga kasinungaligan at biased na news na lumalabas sa mga media sa atin?  Papano mapapatawad si  Joselito kung hanggang ngayon ay ayaw nyang aaminin ang kasalanan?

Huwag naman sanang mahalintulad ito sa kaso ni yumaong Fahad, (Rey Cortez) na pinanindigan nya yong alibi na bading yong taong kanyang pinatay. At ang mga media sa atin ay naniwala na yon ang totoong nangyari. As I had said, ang kapatawaran ng pamilya ng biktima lang ang makapagligtas sa hatol na bitay. Pumunta nga ang represen-tatives ng gobyerno natin sa Pakistan para tanazul kay Fahad.  Walang nangyari, papano ka mapapatawad kung hindi mo aaminin ang kasalanan at sa halip ay kasinungalingan ang ipapalabas sa Media?

Sino ba si yumaong Salah sa tingin ng maraming Filipino na nakatira sa Sanie Building?

Si yumaong Salah ay kilala ng mga Filipino na nakatira sa Sanie building bilang mabait na tao. Matulongin, nagpapahiram pa ng pera sa mga Filipino na gipit sa pera. Ika-ika na nga maglakad at matanda na. Ang makipag-away ni yumaong Salah sa tingin ko ay napakasamang tao. Ano pa kaya ang papatay sa kanya?

Sino naman si Joselito para sa mga nakakilala sa kanya ?

Okay naman daw makisama sabi ng mga kasama nya sa kwarto pero may kayabangan daw ito.  Lulong sa sugal at masamang bisyo at sa kanyang babae kaya nagkaproblema sa pera.

Suggestions :

As I had mentioned in Qatl Analysis 1, ang kapatawaran ng pamilya ang kailangan sa mga ganitong kaso. Kung ang sa Pilipinas mananalo ang mas sinungaling. Dito ang katotohanan or ang nagsabi ng maraming katotohanan ang mananalo.

Marami tayong mga Sudanese na kakilala, yong iba umalalay sa atin sa translation sa mga letters natin for governor’s office, human rights and other government agencies dito.

Sad to say, alam nila ang mga maling lumalabas na balita ng mga media sa atin. Dagdag pa nila na madali lang naman ang mga Sudani magpatawad, just say Malesh (Sorry from your heart) at mapapatawad ka na.

Sa mga nagbasa, subukan nyong ilagay ang sarili sa sitwasyon ng pamilya ng biktima. Ano ang mararamdaman nyo? Handa rin ba kayong magpatawad at pagbigyan ng chance ang taong pumatay ng mahal nyo sa buhay?

Kay Joselito, sya talaga ang dapat unang mag-sisisi bago sya magblame ng  kanyang biktima, embassy or processo. Wala rin silbi kung makipag-usap ang embahada sa pamilya para sa kapatawaran pero ito namang taong pumatay ang nagmamalinis.

Arabic News :

Ilang araw lang pagkatapos ng mahuli si Joselito ay lumabas na ito kaagad sa alriyadh na pahayagan.

http://www.alriyadh.com/2009/06/08/article436087.html  (Please use google translate)

Pahabol :

In few days, ill post the details and updates ng ibang  Qatl (Murder) cases sa thread na ito. We  will post my reactions and my suggestions for each case. Para na rin malaman ng lahat na may mga naunang cases dito na maapektuhan kung palaging kasinungalingan ang ipapalabas ng media sa atin. Mga Murder cases na natapos na at malapit ng matapos.

To my fellow ofws na naniwala sa patnubay.com.. Iboycott ang mga news websites na mali-mali ang pinagsusulat.  Hindi sila nakakatulong sa ating mga OFWs.

(Kung ako at ang mga filipinos na kaibigan lang ni Salah ay nasasaktan sa mga kasinungalingang lumabas sa media sa atin. Ano pa kaya ang nararamdaman ng kanyang pamilya? Mabuting  tao si Salah,  hindi fair sa kanya at sa kanyang family ang mga maling lumabas na balita sa atin. )

For Truth, Fairness and Justice,

Gimboy “Tas”  Espiritu

—–

May 30, 2010

– Nagkausap kami ni Joselito Zapanta. Ang pangalan nya ngayon ay Abdullatif at palagi na syang pumasok sa Islamic / Arabic School sa loob ng Kulongan.

– Tinanong ko sya kung ang dahilan ba ng pakipag-usap nya sa akin ay dahil sa sinulat ko sa patnubay.com. Ang sabi nya ay wala syang alam sa post sa patnubay.com at si Abu Dawod ang nagbigay ng pangalan ko sa kanya. Si Abu Dawod ang Director ng Arabic School sa loob ng Malaz Prison.

– Tinanong ko kung kailan siya sinabihan ni Abu Dawod, ang sabi nya ay kagabi (same time sa unang pagpost natin sa patnubay.com). Masha’llah. This is a good sign.

– Ang pakay daw ay gusto makuha ni Abu Dawod ang contact ng pamilya ni Salah para kausapin. Pinaliwanagan ko si Abullatif na sa ngayon mainit pa ang isyu lalo na sa mga masamang lumabas na balita. Pero anytime madali lang makuha ang contact noon. Sina Jerome ng embahada, mahirapan panghaharap dahil sa mga maling lumabas na balita.

– Mahaba ang pag-uusap namin at malaki na ang pinagbago ni Abdullatif mula ng pumasok na sya sa Islam; kung ikumpara ko sa kanyang pagkatao base sa aming imbestigasyon at pagdescribe sa kanya ng mga nakakilala sa kanya. Sinabi nya na kung ano man ang lumabas sa mga balita na hindi dapat mailabas, lalo na yong pagsabi na masamang tao/ abusado si yumaong Salah ay hindi niya alam iyon. Hindi nya control ang pagpalabas ng maling mga balita. Hindi nya rin control ang pamilya nya kung nadala man sa takot o pananakot ng isang grupo na ang dating ay parang mabibitay na si Abdullatif kinabukasan.

– Mabahang usapan, at sa bandang huli, sinabi nya sa akin na napanatag na ang kanyang kalooban pagkatapos ng makausap kami. Sabi nya “Salamat sa pagpaliwanag, at bilang Muslim, nagsisisi sya sa kanyang ginawa. Bilang Muslim alam nya na rin na kung buhay ang kanyang kinuha buhay, ay buhay din ang kapalit. Alam nya na rin na sa Islam, ang kapatawaran ng kapwa Muslim ay malaki ang pag-asa dahil ang kapatawaran ang kagustohan ng Allah.

Tanggap nya na ang parusa dahil buhay ang kanyang kinuha pero ikaliligaya nya kung papatawarin sya ng pamilya ni Salah at pagbigyan ng panibagong buhay at pag-asa.”

– Sinabi ko kay Joselito na with Abu Dawod at may mga Sheiks (muttawa) may tutulong sa kanya for reconciliation. Sinabi rin natin na nakatutok naman si Jerome Frias at Vice Consul Reyes sa kanya. Hirap lang makipag-usap ng reconciliation sa pamilya ng biktima kung ang mga news ng media at mga group sa atin ay palalabasin na napakasamang tao si yumaong Salah.

– Sinabi ko kay Abdullatif na napawi na rin ang galit ko sa mga lumalabas na balita dahil narinig ko na mismo sa kanya ang pagsisisi. Kakilala ko si  Salah, at alam ni Abdullatif na kung iba ang gagawa kay Salah noon ay sya mismo magagalit din. Dahil alam nya na mabuting tao si Salah. Pagsabihan daw ni Abdullatif ang kanyang pamilya na iwas na muna sa media at kung ano pang grupo na nagsulsol or nananakot sa kanyang pamilya na parang anytime ay mabibitay siya.

– Sinabihan ko si Abdullatif na magfasting sa Ramadhan. Dahil ang fasting ay isa sa requirement kung Inshallah ay mapatawad sya ng pamilya ni Sallah.

Proud si Abdullatif na nagsabi na kasalukuyan syang nagfasting at ilang araw ng naumpisahan.

– Sa mga nagbabasa sa patnubay.com, bawat isa sa atin ay may mga maling nagawa at one point in time. Siguro hindi kasing laki ng pagkakamali ni Abdulatif noon. Pero bawat isa sa atin din ay may karapatan for second chance. Second chance para mabuhay, second chance para makapagbagong buhay.

Huwag nating ipagkait kay Abdullatif yon. Hindi man natin maintindihan kung bakit nya nagawa yon. Sana sa kanyang pagbagong buhay ay buong pag-uunawa ang ibigay natin sa kanya.

– Sana ipagpatuloy ni Abdullatif ang kanyang pag-aaral ng Arabic at Islam. Sana ititigil ng mga news, media at mga grupo sa atin ang mga maling information na kanilang pinalabas. Malaking tulong na yon sa reconciliation team para makapag-umpisa ng negotiation for tanazul.

Renovation a day after ng sunog sa Al Sanie Bldg

06/02/2010

– May sunog kagabi (June 01, 2010) sa Al Sanie Building sa hallway ng 8th floor.

– We already informed the ATN of our embassy na maging alerto kung kailanganin ang kanilang representation at interpreter kung sakaling may interrogation ng mga kababayan na nakatira doon.

07/19/2010

Mga OFWs na nakatira sa isang room sa flat 114 kung saan nakatira dati si Joselito Zapanta.

08/01/2010

Heto na naman ang isang kasinungalingan na lumabas sa gmanews.tv at ng Migrante

http://www.gmanews.tv/story/197455/ofw-being-starved-in-ksa-jail-militant-group-claims

Reaction :

If mababasa nyo ang mga nauna nating posting, kasama sa usapan namin ni Joselito na sinabi nya na nagfasting sya bilang Muslim and as part ng kanyang sincere na pagsisisi sa kanyang ginawa.

Please check the Holy Quran – Sura An-Nisa ayat 92

92. It is not for a believer to kill a believer except (that it be) by mistake, and whosoever kills a believer by mistake, (it is ordained that) he must set free a believing slave and a compensation (blood money, i.e Diya) be given to the deceased’s family, unless they remit it. If the deceased belonged to a people at war with you and he was a believer; the freeing of a believing slave (is prescribed), and if he belonged to a people with whom you have a treaty of mutual alliance, compensation (blood money – Diya) must be paid to his family, and a believing slave must be freed. And whoso finds this (the penance of freeing a slave) beyond his means, he must fast for two consecutive months in order to seek repentance from Allah. And Allah is Ever All Knowing, All Wise.

I don’t know kung galing kay Joselito ang kwento at sinabi nya sa kanyang pamilya at nairelay naman sa grupong Migrante. Noon tinanong ko sya kung totoo ba na nabugbog sya, ang sagot nya ay hindi yon totoo. Sa mga pagtatanong naman natin sa mga nakakulong ay ang sabi si Joselito pa ang nanuntok ng Masri at tulog ito ng matamaan ni Joselito. I told Joselito na iwas sa away sa loob ng kulongan at sabi nya na susundin nya ang lahat ng payo natin. Ngayon heto na naman, hindi daw pinakain at hindi pinainom. Hindi naman nangyayari yan sa kulongan kahit naka-incarcerate pa ang taong nakakulong dahil sa pagviolate ng rules sa kulongan.

Alam din ni Joselito na may lawyer na sya, dahil noong nakaroon sya ng talabat para sa kanyang apela, pinagsabihan na sya na hindi na sya aattend ng hearing dahil may lawyer na sya.

I’ll be honest with you hindi mananalo si Joselito sa kanyang apela kung ang kanyang rationale ay yong self defense.. yong kasinungalingan na sinugod sya sa kanyang trabaho, yong may witnesses sya, yong gumanti lang sya at nagkataon na may martilyo.

Dahil ang totoo, pinatay ni Lito si yumaong Salah sa loob ng kanyang office, iniwanang nakahandusay ang kawawang matanda, ninakaw ang pera at ninakaw ang cellphone. Nahuli lang si Joselito ng ginamit ang cellphone ng babaeng na kanyang pinagbigyan. I asked Joselito kung sinabi nya ba ito sa kanyang pamilya. Ang sagot ni Joselito ay sinabi nya na ito lahat. Pero bakit patuloy pa rin sa ganito ang mga lumalabas na balita? May nagsulsol ba sa pamilya para magsinungaling? Kailangan ba talagang panindigan na lamang ng Migrante ang kanilang kasinungalingan para protektahan ang kanilang sariling interest?

Sa bawat balitang pinalabas ng GMANews.TV at sa ibang news na puro kasinungalingan. alam ito ng pamilya ni Salah. Isang mabait na tao si Salah, matanda na, ika-ika kung maglakad subalit napakabait sa mga pinoy na nakatira sa Al Sanie Building. Tumutulong sya sa mga kababayan natin. Natural lang na sa bawat balitang kasinungalingan ay sasabihin ito ng mga kababayan sa mga Sudani doon at sa pamilya ni Salah. Nang pumunta sina Mr. Jerome Friaz sa embahada ng Sudan ay ito nga ang sinasabi, mahirap makipagnegotiate dahil galit ang asawa (Samia) ni yumaong Salah dahil sa mga maling lumabas na balita. Kahit yong kababayan na kasama ni Samia sa trabaho sa isang eskwelahan ay nagsabi ng ganito rin. Dahil sa mga mali at kasinungalingang balita.

Si Joselito ang lumapit sa patnubay. Dahil sinabihan sya ng kanilang prinsipal sa Islamic School (Dawah) na kaibigan natin. I told Joselito na kung makafocus sya sa katotohanan at ang pagsisisi ng totoo ay mailigtas sya. Andyan sina Jerome at yong kaibigan natin sa Dawah sa loob ng kulongan ay malaking bagay sa reconciliation process, at sila ang makapagpatunay na nagbago si Joselito.

Pero papano mabigyang daan ang reconciliation ? Kung hindi rin titigil ang mga kasinungalingan na lumalabas sa mga balita?

Sa mga tagasubaybay ng Patnubay.com;

Siguro may mga kakilala kayo or kayo mismo ay nakaranas ng situation kung saan nagkasakit o naaksidente at kalaunan ay pumanaw ang mahal nyo sa buhay. Masakit po, di ba? Pero mabuti pa sila dahil sa kaunting sandali ay nakapiling nila ang mahal sa buhay bago ito pumanaw. Pero sa kaso ni Imam Salah Ibrahim, pinatay bigla ng isang tao dahil lang sa cellphone at pera. Hindi na nakausap ng pamilya, kundi isang malamig na bangkay na nila itong nakita.

Kung sa inyo mangyayari yon? Ano ang mararamdaman nyo? Galit at gustong maghihigante at gustong ilagay ang hustisya sa mga kamay. Sa batas dito, nasa pamilya ng biktima ang desisyon kung ituloy ang hatol or magpapatawad.

Sa bawat balita na kasinungalingan ano sa tingin nyo ang mararamdaman ng pamilya ni Salah? Mapapatawad kaya nila si Joselito? Si Joselito naman, gusto nyang magbago, gusto nyang humingi ng tawad. Huwag pong ipagkait sa kanya ang kapatawaran at kalayaan. Sana tigilan na po ang mga kasinungalingan.

Ito lang po muna,

Ka Tas

Truth hath come and falsehood hath vanished away. Lo! falsehood is ever bound to vanish. – Surah Al Isra 81

06/20/2011

Sa tulong ni Miss Susan Ople ng Blas Ople Foundation, Loreto Soriano at ng Center for Migrant advocacy, natanggap ang perang pinadala ni Joselito para sa kanyang pamilya na sana noong Christmas 2010 pa natanggap. Dahil nakiusap sa isang Yemeni na may problemang pangalan naihold ng Western Union ang naturang pera na sana ay para sa kapaskuhan noong taong 2010. Nagbigay din si Ka Lito Soriano ng halaga para sa pamilya ni Joselito katumbas ng pinadala nya sa Western Union.

11/19/2011

Sa tulong ng Center for Migrant Advocacy, naipadala ng Pamilya ni Joselito ang kanilang sulat na paghingi ng tawad sa pamilya ng biktima.  Napatranslate natin ang mga sulat  sa English para maitranslate sa Arabic. Kasama din sa naibigay ang sulat ni Joselito na paghingi ng tawad.  Ito ay naibigay natin sa embahada na isinubmit din nila sa Governor’s Office na syang nakipag-usap sa pamilya ng biktima. Subalit muntik nang naging walang saysay ang mga sulat na ito dahil nakikisabay palagi ang Migrante sa kanilang palaging pagbabalita ng kasinungalingang self-defense nang wala namang pahintulot mula kay Joselito at sa pamilya nito.

—  To be Continued —

Notes and Updates (November 13, 2012)

1. Hanggang ngayon ang kasinungalingang self-defense ay patuloy pa rin na lumalabas sa media. Hindi nila naisip na ito ay nakakapahamak kay Joselito at maaring babawiin yong willingness na tatanggap ng blood money ng pamilya ng biktima. Galit na galit po ang pamilya ng biktima sa lumalabas na kwentong self-defense sa media at sa apela ni Joselito.

2. Kaya kung kayo ay may concern para sa buhay ni Joselito Zapanta, tanggalin nyo na po yong kwento self-defense sa inyong mga news at blogs. Hindi po yan nakakatulong sa halip ay hinahatak nyo kami lahat ng pababa. Sa totoo lang ang mga kasinungalingang balita na pinalabas ng Migrante ay ang dahilan kung bakit tayo nahirapan sa paghingi ng tawad at sa laki ng bloodmoney. Dahil galit-na galit ang pamilya ng biktima. Si Joselito at ang kanyang pamilya ay nanahimik na pero patuloy pa rin ang Migrante at mga uto-utong media sa atin sa pagpalabas ng kasinungalingan.

3. Yong end of 12/29/1433 (Arabic Calendar) ay deadline po ng pagbigay ng bloodmoney at hindi execution date.  Kanina (November 13, 2012), pumayag po ang pamilya ng biktima to extend for one month sa pagtanggap ng bloodmoney. Ito after makipag-usap ng ating embahada at ng pamilya ng biktima sa embahada ng Sudan.

4. Ang Shariah Law para sa Qatl (murder) cases ay napakasimple lamang. Ang parusa sa kasalanang pagpatay ng kapwa ay kamatayan din. Pero ang pamilya ng biktima ang may kapangyarihan kung ituloy ang hatol na kamatayan or magpapatawad at humiling ng “diyya” (bloodmoney).  Yan kung ang pamilya ng biktima ay nagfile ng private rights of action otherwise ang parusa ng kamatayan ay mapasama sa public actions. Sa case ni Zapanta nagfile po ang pamilya ng kanyang biktima ng Private Rights of Action. Kaya nasa kanila ang kapangyarihan kung mailigtas si Joselio sa bitay or hindi.

5. Paglilinaw lamang po na ang pagpunta nina Rosemay at Nanay Maymona dito para makausap at makita si Joselito ay request po ni Miss Susan Ople ng Blas Ople Foundation. Hindi po ito nagpapahiwatig ng pagiging hopeless sa kaso katulad ng lumalabas na balita sa atin.

6. Ang kaso ni Joselito ay maituturing nating closed na sana kung mayroon lamang pambayad ng bloodmoney. Malapit na po ang election at yong mga kandidato dyan sa atin na milyon-milyon ang mga nakalaan na budget para sa kanilang kandidatora. Kung magtutulongan lang kayo para sa bloodmoney ay makaligtas pa kayo ng buhay, mapupunta ang pera nyo sa tama at hindi sa pagbibili ng mga boto. 🙂

ito lang po muna and God bless you all always.

Tasio Espiritu

updates 11/14/2012 6:30AM

Kahapon, November 13, 2012,. right after the negotiation with the victim’s family sa Sudan embassy.. pumunta kaagad ang ating taga embahada sa emara (governor’s office) to inform them na may napagkasundoang extension and they informed na yong family of the victim ay pupunta din sa emara kinabukasan bale today..

Unknown to our embassy ay pumunta din kahapon yong family of the victim kasama ng kanilang embahada to inform the emara na may napagkasundoang one month extension.. Kinausap ng emara ang pamilya ng biktima kung pwede ba madagdagan ang extension.. pumayag ang pamilya ng biktima ng dagdag na 3 months extension pa.. so naging 4 months pa ang extension natin.. Nakiusap  ang emara for reduction of the bloodmoney at pumayag naman ang pamilya ng biktima na gawing 4 million SAR ang bloodmoney.

Late na ito natin nalaman dahil 6 pm na tumawag ang taga-sudan embassy kay amba about this development.  To recall, aware tayo sa patnubay na last month ay nakiusap ang ating embahada sa emara na kung pwede maextend ang deadline or  mareduced ang amount.

Noon:  Nagkakita sina Abdulatif, si Rosemay at kanyang Nanay Maymona. Naging madamdamin ang kanilang pagtatagpo at umabot ng halos isang oras ang kanilang pag-uusap. Ayon kay Rosemay, kalmante naman si Abdulatif at malaki na ang kanyang pinagbago kumpara sa dati. Maganda daw ang glow ng mukha ng kanyang kapatid. Sabi naman ni Nanay Maymona, napakalaki ng pinagbago ni Joselito at nakita nya ngayon ang kabaitan ng kanyang anak. Si Joselito naman tumawag at sinabing napakasaya nya sa araw na ito.

11:40 PM

Nagkita kami nina Rosemay at Nanay Maymona, nagkwentohan kami hanggang alas 2 AM. Si Rosemay ay nag-Shahada at ngayon ay sya ay isang ganap na Muslim din. Hiniling kasi ni Abdulatif sa atin noong isang gabi na kung pwede ma-Shahada si Rosemay.

Rosemay and Nanay Maymona with Embassy Officers and Patnubay Volunteers

11/16/2012

Mr.  Omar Pangarungan (DFA),  Embassy Officers Jerome Friaz and Jamil Harris, The Zapantas Nanay Maymona and Rosemay,  Patnubay Volunteers Abdulmalik Castillo and yours truly visited Badeea Islamic Center to meet Sheik Fuad Al Rashid. Naging maganda ang resulta ng ating pagbisita sa Dawah Badeea. We will be meeting other Sheiks in the days to come.

with Sheik Fuad Al Rashid, DFA’s Mr. Omar Pangarungan, Tasio Espiritu and Ustadz Said Pangansayan

Updates 11/20/2012

Nanay Maymona and Rosemay Zapanta

  1. Last night (November 19, 2012), we met Nanay Mayoma, Rosemay, Sir Omar and Jamil Harris. With Patnubay Volunteers with Bro Abdulmalik Castillo, Francis Koronel and Roland Blanco. Dala ni Abdulmalik yong ginawang sulat ni Sheik Said for Nanay’s request for help from Dawah Badea. Para pirmahan ni nanay at maidala ulit doon ni Bro Abdulmalik sa Dawa Badea.
  2. Today November 20, 2012 – Bumisita ulit sina Nanay Maymona at Rosemay kay Abdulatif sa kulongan para magpaalam.
  3. Tinawagan ko rin si Rosemay re their tatay’s statement… and told her na we and ate toots ople ask her to tell their tatay to stop giving wrong statement sa media because it won’t help Abdulatif’s case. Katulad sa pinalabas  ng Philippine Daily Inquirer sa link na ito.
  4. Our Saudi friends’  request for another week stay nina Nanay Maymona, Rosemay at sir Omar is not granted by OUMWA.

Paglilinaw

  1. Hindi totoo na may kinalaman si King Abdullah sa 4 months extension at pagpababa ng halaga bloodmoney to 4Million SR . Uulitin ko yon po ay request ng emara (Riyadh Governor’s Office) sa pamilya ng biktima nang sila ay pumunta sa emara pagkatapos ng kanilang meeting sa Sudan Embassy kaharap naman ang ating mga taga-embahada.  Katatapos lang ng successful operation ng ating mahal na hari at tayo ay nagdarasal para sa kanyang kalusugan pero heto ang ating Vice President ang kapal ng mukha na mang-gamit; sa pangalan ng hari na ginagalang at mahal ng maraming Filipino sa Kaharian. Hindi ko alam kung ano ang motibo ni VP Binay kung bakit ipinagpilitan nya na effort nya at galing sa hari  yong four months extension. Ganun din ang ginawa ni VP Binay sa kaso ni OFW Salmos na wala naman siyang nagawa.
  2. Hindi rin totoo yong ibinalita ni Henry Omaga Diaz na dala nina Nanay Maymona at Rosemay ang pasi-unang amount for bloodmoney galing kay Governor Pineda. Although nagpapasalamat tayo kay Gov Pineda sa kanyang effort at willingness na makatulong at maging sya man siguro ay hindi papayag sa kasinungalingang napabalita ni Henry Omaga Diaz ABS-CBN.
  3. Tama na po ang kasinungalingan, tama na po ang gamitan at nakakasuka na po.
  4. Magtutulongan na lang tayo kung mailigtas ang isang kababayan.

Updates:  11/22/2012

From: Joseph Henry B. Espiritu

Date: Thu, Nov 22, 2012 at 10:29 PM

Subject: Re: Discreet: Zapanta Case – Updates

To: DFA-OUMWA

Cc: Undisclosed Recipients

Updates:

Nakaalis na sina nanay maymona at rosemay kagabi, sa ngayon ay nakarating na sa Pilipinas at didiritso na sila sa Bacolor.. Tumawag naman si Abdulatif at nagbalita na nakarating na sa bahay sina nanay at rosemay.

Before sila umalis kagabi.. bumisita tayo kasama nina Abdulmalik Castillo, Roland Blanco, Francis Koronel, Mr. And Mrs Sai and Zhariya Alamada. May ibinigay kami na kunting pabaon at pasalubong na madala nina Nanay at Rosemay pag-uwi.

Nagkaroon din ng pirmahan ng agreement as requested nina nanay, rosemay at ni joselito na nakasaad na..

1. Ang patnubay lang ang inatasan ng pamilya Zapanta na maghanap ng non-Filipino donors dito sa Kaharian.

2. Na kung meron mang donors ay dadalhin natin sa embassy para doon iturn-over ang kanilang donations.

3. Once matanggap ng embahada ay bibigyan ang donor ng acknowledgment letter. Bibigyan din ng kopya ang patnubay for full transparency.

4. Maging transparent ang embassy at magbigay ng updates kung ilan na ang donors na pumunta doon ang magkano na ang nalikom.

5. For Filcom groups na gustong tumulong sa bloodmoney ay maaring direktang pupunta sa embassy, bibigyan sila ng acknowledgment letter. bibigyan din ng kopya ang patnubay ng acknowledgment letter.

6. Maaring mag-inquire ang filcom groups or non-Filipino donors kung nasa listahan ba ng patnubay ang kanilang donation.

7. Ang naturang kasunduan ay pinirmahan ko, ni Nanay Maymona at Rosemay. Pumirma din bilang witnesses sina Sir Omar Pangarungan ng DFA OUMWA at si Mr. Jerome Friaz ng ating embahada.

Mayroon lang sana kaming kunting idagdag sa mga nakasaad sa taas.

1. Kung pwede lang ay pawang katotohanan lamang ang lalabas na balita lalo na sa amount ng bloodmoney.

2. Ang DFA lamang ang maaring magsabi kung magkano na ang nalikom sa Pilipinas at hindi magbanggit ng amount kung wala pa ito sa kanilang kamay.

Maging honest at transparent tayo para totoo rin ang aming sasabihin sa mga lalapitan nating donors dito. Ayaw naming maulit pa yong nangyari sa kaso ni Jameel Mabanto na sinabi na may 35 thousand SR na ang ating government for bloodmoney at 20 thousand na lang ang aming bubuohin. Ang totoo pala ay 15 thousand lamang at naging 40 thousand na ang galing sa ating Saudi donors. Sa case ni Jameel okay pa yon at madali lang ipaliwanag dahil maliit lang ang halaga pero nakakahiya po yon sa part namin na kami ang kinausap ng donors.

Katulad ng kasinungalingan sa lumabas na balita ni Henry Omaga Diaz na dala umano nina Nanay Maymona at Rosemay pagpunta dito ang pasi-unang bayad ng bloodmoney donation galing kay Gov Pineda. Nang tinanong ko si Sir Omar, sina Nanay at Rosemay ay hindi naman totoo ang balita at wala silang dala.

Sana ang DFA ay ituwid itong mga baluktot at maling balita dahil hindi ito makakatulong. Katulad ng pagyayabang at pagsisinungaling ni Binay na ang sulat nya sa hari ang dahilan sa 4 months extension samantalang alam nyo naman ang totoo na it was a request of the governor’s office kaya pumayag pamilya ng biktima. Buhay po ng isang tao ang pinag-usapan dito at heto ang isang politikong Binay na ang kapal ng mukha magtake ng credit at gagamitin pa nya ang pangalan ng aming mahal na hari. Hindi alam ni Binay na noong time na nagyabang sya sa Media ay si HM King Abdullah ay nasa hospital para maoperahan at ngayon ay nagpapagaling pa.

Sana kayo sa DFA ay ituwid nyo ang bawat baluktot na balita na lumalabas. May mga dignidad kayong tao, naka-amerikana kayo palagi; mabalewala po lahat yan kung hahayaan nyong mangingibabaw ang kasinungalingan samantalang alam nyo naman ang katotohanan.

3. Now, we want you to be honest with us.. how much na ba ang naraise na amount for bloodmoney?

A. 400Thousand SR from PNOY.. – according to Mr. Omar ay approved na daw ito.

B. Five Million Pesos from Mayor’s guild – according to MR. Omar it is in the news na daw.. So, hawak nyo na ba ito at sigurado na ba ang amount na ito?

Kailangan po namin ang totoo at katotohanan lamang dahil ang sasabihin nyo na amount ay yon din ang sasabihin namin sa mga lalapitan natin na donors.

Maraming salamat po at gumagalang,

Joseph

Updates:  11/28/2012

Second Meeting with Sheik Ahmad Mohammad al Asiri (see photo below)

Sheik Ahmad Al Asiri (of Islamic Center North Riyadh) with embassy officer Jerome Friaz, Patnubay volunteers Abdulmalik Castillo and Tasio Espiritu

Updates:  December 28, 2012  – Details are not for publication at this stage.

with Sheik Mohammad Kholagi

with Sheik Mohammad Kholagi

with Imanco Workers

Updates:  January 4, 2013   – Details are not for publication at this stage.

with Sheik Kholagi and ka Jerome Friaz

with Sheik Mohammad Kholagi and Ka Jerome Friaz

June 5, 2013

From: Jeffrey Pagulong
To: Patnubay Online
Sent: Wednesday, June 5, 2013 7:21 AM
Subject: Helping Joselito

From: Jeffrey Pagulong
Subject: Helping Joselito

Message Body:
Hello, we’ve tried something this weekend in spreading the word about Joselito’s struggle. We went to New York City and participated the 115th Philippine Independence Commemoration parade on June 2, 2013 where multitude of Filipinos watched us marched, we’ve created a simple website also www.joselitozapanta.org and we put every information about him in there for the people to check out including the bank account of Nanay Mona where they can send their donations and cellphone number of Rosemay for them to call or text if they have a question, the website traffic increased 2,633 percent from that day until yesterday. Hopefully we contributed something. Thanks.

On Thu, Jun 6, 2013 at 10:47 PM, Joseph Henry B. Espiritu wrote:

Dear Mr. Jeffrey Pagulong,

Thank you so much sir for this initiative to help raise the blood-money for Joselito Zapanta. I have checked the website and in my opinion it won’t affect our ongoing negotiation with the victim’s tribe.

Inilagay ko po sa recipients ang mga kasamahan (GOs, NGOs and individuals) na tumutulong at tumututok din sa kaso ni Joselito. Nandyan din po ang email address ni Rosemay na kapatid ni Joselito

Again Maraming salamat po sir,
Joseph

October 4, 2013

This afternoon, with Ka Jerome Friaz, Bro Bernard Castillo , we met Sheik Dr. Saad al Buraik.

Dr. Saad Al-Buraik is a Shari’ah cleric, and a speaker (preacher, khteeb) of a mosque in Riyadh for over 25 years. He has been actively present in the Saudi intellectual “healthy” debates and discussions betweendifferent opponents. Dr. Al-Buraik graduated from Al-Imam Muhammad Ibn Saud Islamic University for his Bachelor, Master, and PhD.

His Twitter: https://twitter.com/saadalbreik
His Website: http://www.saadalbreik.com

October 12, 2013 Patnubay Special Message to Corrupt Politicians
Link: http://patnubay.org/?p=9813 

Mga politiko, mag-share naman kayo ng inyong PDAF at DAP para sa mga kaso ng OFWs na may private rights or bloodmoney na kailangang bayaran. Yan na lang ang kulang at makakalaya na sila.

Ang problema sa inyo wala kayong pakialam sa aming mga OFWs. Kung meron man, hanggang magpamedia interview lang.. pang-FAMAS pa ang dating ng pagsolicit ng awa pero hanggang doon lang.

Ngayon na wala na kayong lusot sa inyong pagkakawatan. Sa halip na magpakapalan na lamang kayo ng mukha. Sagipin nyo itong lahat ng mga OFWs na nangangailangan ng tulong for bloodmoney at private rights. Bayaran nyo na, total di nyo naman pera yan.

Sa dami nyong kawatan dyan, kung magpatak-patak lang kayo, lahat ng OFWs na nakulong na private rights or bloodmoney na lang ang kulang; ay matatapos na, makakalaya at makakasama ang kanilang pamilya.

Kahit ngayon lang gumawa naman kayo ng tama at mabuti. Hindi puro nakaw at pagbalat-kayo pa rin ang inyong alam. Sa ganun din na paraan mabawasan ng kunti ang inyong mga kasalanan.

Kung makapagsalita kayo tungkol sa OFWs, papuri-puri pa kayo kunwari sa aming mga OFWs pero ang totoo nyan minaliit nyo lang kami. Dahil ang tingin nyo sa sarili ay kagalang-galang kayo, dahil marami kayong pera.

Hindi nyo naman pera yan. Pera yan ng taong-bayan, ninakaw nyo, nilustay nyo, pinakain nyo sa inyong pamilya at sa mga luho nyo. Mahiya naman kayo.

Kaming mga OFWs salat man sa kayamanan pero hindi naman kami magnanakaw. Kayo na rin ang palaging nagsabi na kaming mga OFWs ang taga-salba ng ekonomiya ng bansa. Ekonomiya na hindi uunlad dahil sa pagkagahaman nyong mga kawatan kayo.

Kahit ngayon lang, magshare naman kayo ng inyong mga nanakaw para mabayaran itong mga private rights ng maraming OFWs na tapos na ang sentensya at yan na lang ang kulang at makakalaya na sila.

October 12

Rosemay Zapanta
10/12, 10:15am

salam,,,sir.kumusta po kasma nyo po ba si sir.joseph kasi po may tumawag po sa amin na nabasa daw nya sa cumputer na sinasabi po daw ni sir.vc president na wala na daw silang maitutulong at magagawa at mapupugutan po daw ang kuya ko sir.ano na po ang balita dyan sir…nagaalala po ang nanay ko sir.umiiyak po sya

Tasio Espiritu
10/12, 10:29am

si kuya joseph ito. ..

Tasio Espiritu
10/12, 10:31am

since before wala naman talagang magawa ang mga politiko na yan. na kung tutuusin ang dami nilang mga nakaw na lumalabas ngayon.
we are doing our best dito iha.. tell mama to stay healthy.. and keep dua.. everything is under negotiation with sheiks and the tribe. we are going to update you after hajj. Insha’Allah your kuya will be with you Insha’Allah. we will also request na makabalik kayo dito but no media dahil gagamitin lnag kayo ng mga mapagsamantala.

Tasio Espiritu
10/12, 10:32am

just keep on praying. at hindi kami susuko dito. marami nang dasal na sinagot ang Allah sa atin. lalo tayong pinagtitibay ng Allah.
sumuko na sila binay. wala naman silang ginawa at hindi naman nila alam ang mga pangyayari dito. pero bago sana sila magpamedia magbigay sila ng pangbloodmoney.

October 13
Rosemay Zapanta
10/13, 1:59pm

salam….insha’allah,maraming maraming salamat sainyo sir.lalo na kay allah’sau at kay sir.sheik at iba pa maraming salamat po tutoo sir.ang mga sinabi nyo po tulad po nito sumisingit nanamn ang megranti at ang iba thank u po ulit sabihin ko po kay mama ingat po kayo lagi

Tasio Espiritu
10/13, 6:09pm

Wag kayong matakot.. itong binay kung gustohin lang nila, at mga senators, mga congressmen, magshare lang sila ng partng kanilang pdaf, dap, porkbarrel ano pang nakaw nila. lahat ng nakakulong sa saudi na private rights lang ang kulang ay makakauwi.

October 17
Rosemay Zapanta
10/17, 8:45am

salam,sir,oo nga sir,ang dami ng naglilitawan sa pork barrel na nakaw maraming salamat ulit sir..

Tasio Espiritu
10/21, 9:25pm

okay lang iha.. just now we forwarded all our files to the King thru ka jay..

Nagusap kami ni kuya mo at hanga ako sa tapang nya.

alam nya gagawin namin ang lahat ng aming makakaya.. aware din sya na walang maitutulong ang gobyernong pilipinas  sa kanya tungkol sa bloodmoney  lalo na may bagyo, gyera at lindol. at isang tao lang sya.

Alam nya rin na walang mangyayari sa mga balita or pagshare sa facebook. tested na yan iha na ang tao ay hanggang share lamang at like..

Hindi sya takot kung sakali matuloyan, pero patuloy syang nagdarasal at naniwala ako na tatanggapin ng Allah ang kanyang dasal. Kung ipagkaloob ng Allah na katpusan nya ay tatanggapin nya at kung ipagkakaloob ng Allah na pagbigyan sya ng pangalawang buhay ay hindi nya ito sasayangin at patuloy ang kanyang pagkaMuslim at pagpalaganap ng Islam sa Pilipinas.

alam ng kuya mo na hindi ako sumuko at kailan man hindi ako susuko na iligtas sya. ito lang ang hiling ko sa yo iha. damihan mo ang iyong dasal para magkaroon kami ng lakas ng loob sa paghahanap ng marami pang mga paraan na matulongan sya.

sa ngayon nirequest namin kay sheik saad al buraik na kung maari ay kausapin ang royal na iextend ang deadline.. at sa mga papers na pinadala namin kay king abdullah ay direktang matanggap ng opisina nya yon.

if napansin nyo na walang picture ang kuya mo sa patnubay, na manghingi ng awa para donation. yon ay dahil sinubkan na nating maglikom ng donation noon thru facebok photos at walang nangyari..

sa halip dinamihan ko ang mga dasal, at hindi pumasok sa isip ko na mapugotan ang kuya mo. Alam ng Allah ang tama at kung oras na natin. at kugn para sa kabutihan ay hindi nya tayo tatanggihan. kaya wag kang magpakita ng takot, sa halip magdarasal ng buong tiwala, umiyak, humiling sa Allah na pagbigyan ng pagkakataon ang kuya mo ng isa pang buhay. at maniwala ka lamang na lahat ng bagay ang nasa habag ng Allah.

isuko natin ang lahat kay Allah, sa ganung paraan, kami ay magkaroon ng lakas at malinaw na isip. at paghanap ng tulong. at sa tulong ng Allah na makalaya ang kuya mo at mapatawad ng pamilya ng biktima ..

Sabi ng kuya mo na kung sakali ay kunin ang kanyagn buhay ay hiniling nya sa gobyerno na yong para bloodmney ay ibigay sa inyo na kanyang pamilya. ang importante sa kanya ay ang kapatawaran ng pamilya ni salah. at Insha’Allah ay mapatawad sya, at mabigyan ng pangalawang buhay, nakiusap sya sa akin na di sya iwan sa paggabay at sa hangarin nyang mapalaganap ng Islam.

uulitin ko ito yong pagkakataon na kailngan natin ang manalangin ng tahimik. hindi yong panalagangin sa mga santos , or ano pa maliban sa Allah lamang. dito masusubok ang ating pagtiwala sa kanya.. at dito mapapatunayan sa inyo na wlang ibang may kapangyarihan kundi ang Allah lamang.

huwag aksayahin ang panahon sa pag-iyak, sa takot, or sa pagmamakaawa sa ibang tao, or sa facebook or pagsahre ng mga picture na alam mo ay wala namang mangyari.. huwag sayangin itong pagkakataon sa pagdarasal at pagsusumamo sa habag ng Allah..

Ang Allah ay nasa tabi natin, lahat ay kanyang nakikita, walang nakatago sa kanya.. kaya yong kahit yong bulong ng iyong puso ay naririnig nya. kausapin mo sya.. iha maniwala ka sa akin. kailangan ko ngayon ang iyong dasal.. kailangan namin ng kuya mo .. ang inyong dasal at pagmamakaawa sa Allah at malalaman nyo ang resulta..

October 23
Rosemay Zapanta
10/23, 1:34pm

salam.sir.nabasa ko ang lahat ng message mo kasama ko po si mama pati sya nabasa nya ang sabi ni mama ipinagtitiwala nya kay allah’wala po daw imposible kay allah’basta taos sa puso ang panalangin sa kanya alam ni mama maililigtas si kuya sa paniniwala kay allah’at sa inyong tulung at lahat ng mga tumutulng kay kuya sir.ipinagtititwala rin namn sayo ang lahat na sinabi mo sa amin na wag kaming magalala……ingat po kayo lagi

October 24
Rosemay Zapanta
10/24, 10:01am

salam.sir.kumusta po?nabasa k rin sir,yung hiling ng kuya k na pinagusapn nyo na ibigay sa amin yung pra sa blood money sir.di po namn yun kailangan ang kailangan po nmn ay ang kuya ko sir.makauwi sya at makasama namin sya at makasama rin nya ang mga anak nya kasi sir.kailangan na kailangn sya ng mga anak nya pagkausap po namin ang mga anak nya umiiyak sila mis na mis na daw nila ang tatay nila at gusto daw nilang makasama ang tatay nila kaya sir,di namin kailangn yung pera sir.sya ang kailangn namin sir.para makasama nya ang mga anak nya kailangan na kailangn sya ng mga anak nya sir.kumusta na sila si sir.sheik kholagi at sila sir.abdulmalik maraming maraming salamat sir.lagi po kaming nagdarasal sir.at humihiling kay allah’na bigayn pa ng chance si kuya at iuwi na sya sa amin at sa mga anak nya para magkasama sama na sila thank you po ulit

Tasio Espiritu
10/24, 11:46am

if ganyang kahilingan mo rosemay.. ay ganyan din ang kahilingan natin. hindi kayo sa akin magsumamo . dahil ginawa ko ang lahat, hindi kayo magsumamo sa ibang tao, or sa mga politiko dahil alam nyo gagamitin lang kayo at wala namang maitutulong.
uulitin ko ginawa at gagawin namin ang lahat at makikita mo ang resulta.. pero hindi mo naintindihan ang mensahe ko at nalulungkot ako dahil hindi mo naintindihan ang salita ng isang Muslim na katulad ko at ng kuya mo.
Walang imposible sa Allah, hindi mo dapat sya pagdududahan dahil yan ang nakakasira sa iyong dasal. kung ang lahat ng nakikita mo sa paligid ay sya ang may gawa.

Wallahi Rosemay, pagdating ng time na ang asawa na mismo ng biktima ang lalapit sa korte at magsabi na napatawad nya na si Abdulatif..

hindi mo nababasa, na nagbigay kami ng sulat kay king abdullah, hindi mo nababasa na nakausap namin si sheik saad al buraik. yon ay mga biyaya ng Allah dahil sa dasal namin ng kuya mo. .
pero sa message mo na wala kang tiwala sa Allah, at maging sa akin .. yan ang makakasira sa ating mga panalangin. dahil ang dasal natin ay hindi pakikinggan kung hindi naman tayo naniwala sa kapangyarihan nito.

Sa tingin nyo ba kung magpamedia kayo manghingi ng awa sa tao, or sa politiko, mabubuo ba ang bloodmoney.. hindi tested na yan na hindi …
saan tayo dapat magmakaawa.. sa Allah lamang, dahil sya lamang ang nagbigay sa atin ng buhay, sya lamang ang may alam kung hanggang kailan ang buhay natin. kung pwede ba itong madagdagan ng ilang taon or araw.
Nalulungkot ako, na hindi nyo naintindihan ang pahiwatig ko.. magtiwala ka sa Allah..

Rosemay Zapanta
10/27, 4:45am

salam.sir.kumusta na po pati sila sir.sheik kholagi at sir.abdulmalik maraming salamat sir.ingat po

Tuesday
Rosemay Zapanta
10/29, 5:05am

salam…sir.kumusta na po…

Friday
Tasio Espiritu
11/1, 9:34am

iha mamaya maguspa kami ni malik at follow-up nya doon kay dr saad al buraik. at kami rin ni ka jay, ay kausapin namin yong pinagbigyan para maipaabot sa hari.
our requests is for extension at help pagbayad ng bloodmoney.

Do not lose hope, instead pray more.. the moment you lose hope, doon tayo lahat manghihina.

look iha if our government just want to help they can help.. dami nilang nakaw. all of them have said they lose hope. ginagamit ang kuya mo para may maibalita sila.
kami dito di susuko sa paglalakad para mailigtas ang kuya mo at sa pagdarasal. walang bibitaw, lalo na sa dasal.. dahil yon ang dahilan kung bakit pagbigyan tayo ng Mahabaging Allah.

Friday

Tasio Espiritu
11/1, 3:20pm

Today
Zhariya Silvestre Camid
2:59pm

kuya yung lumabas na interview ni nanay mona sa TV patrol kay noli. Kakausap ko lang si joselito last week tumawag po sya eh… ano na po nangyari pala sa case nya. deadline na nga po pala nitong november sila diba…

Tasio Espiritu
3:15pm

We are working on it iha. di natin amsisi si nanay. pero isa lang ang sigurdo tayo , kulang sila sa paniniwala sa Allah. Sige nga, if lahat ng politiko ay magbigay dapat noon pa laya na si abulatif.  Kung ang social networking sites ay talagang tutulong dapat noon pa. pero hindi hanggang share lamang. so saan sila dapat magcling.. sa atin dahil hindi tayo sumuko. dapat nagtanong muna sila bago nagpainterview.

Tasio Espiritu
3:18pm

kulang sila sa tiwala sa Allah at yon ang nakakahinayang.. don tayo babagsak. lahat ng nalapitan natin maghinhina.

kaya nga binigyan tayo ng pagsubok dahil para manananmpalataya. pero ngayon nagpakita lamang si nanay ng kanyang kahinaan sa pniniwala hindi katulad kay abulatif.

Ang hiniling ko sa kanila ay magdasal para kaawaan tayo ng Allah. hindi yong manginign ng awa sa tao. na alam naman natin ay walang magagawa kundi awa lamang.
hindi na ako pupunta kay sheik kholagi at cancel n rin yong kay sheik saad al buraik maging kyong kay king abdullah na nilakad ni ka jay.

Tasio Espiritu
11/1, 3:26pm

katulad nyang ginagamit na sila ni pineda. dapat yon ang sinabi nila sa news.. na mga politiko hanggang panggamit lamang.

Tasio Espiritu
11/1, 4:00pm

Salam bro malik kaya pala biglang nagkaroon tayo ng problema, bumigay pala sa pagtitiwala si nanay sa Allah, at nagpainterview sa abs-cbn. mas pinaniwalaan nya itong mga tao, kesa kapangyarihan ng dasal.

sana man lang kung nagpainterview dapat binanatan na nila si pineda na gumagamit sa kanila wala. ang nakita ko ay isang tao na walang tiwala sa dasal. kaya heto nawalan na rin ako ng gana pumunta kay sheik kholagi ngayon, hope okay ang lakad mo dyan kay dr. saad al buraik. tatawagn ko ri si ka jay re updates sa palace kay king abdullah.

mas pinaniwalaan nila yong pananakot ng media, in the future kasama na nial ang migrnate.. ako ay nahihinaan na ng loob if not for bro abdul atif na malakas ang pannalaig bumigay na ako .. dahil itong nanay at kapatid nya ay bumigay rin.

walang tiwala sa Allah. kaya nagulat na lang tayo at biglang may maliit na problema at delay.. kasi nagpainterview na .. tumigil na sa dasal. ksi kung maniniwala ka sa dasal at alam mo walnag maitutulong ang interview politiko at social networking na tested na natin.. dapat nakafocus lang sila sa pagdarasal. nakakalungkot

Tasio Espiritu
11/1, 4:03pm

ang dating. ay parang ganito ang kanilang dasal iligtas nyo muna si abudlatif at saka kami maniniwala.

Nakakawalang gana. at bakit nyo isinama si joven esteva sa balita nyo? di kayo nagpaalam sa kanya? Kakilala nyo ba sya?

Bernard Castillo
11/1, 5:07pm

wa alaykumus salam wa rahmatullah brod Abu Bak, Roland JIHAD Blanco at Sister Zhariya,

Una sa lahat ang ginagawa natin ay hindi para kaninuman bagkus kay Allah lamang, ang Rangoon ng lahat ng nilikha. Sa kabila ng lahat ng pagsisikap natin na mailigtas ang ating kapatid na si Abdullatif Zapanta mula sa kamatayan ay dapat nating malaman na wala sa atin, sa asawa ng namatay o kahit na kanino pang nilalang bagkus kay Allah ang huling desisyon kung tatapusin na niya ang buhay ng kanyang nilikha. Hindi natin kayang isa-isahin ang mga nagawa ninyong efforts at patuloy na ginagawa hanggang ngayun at sa mga susunod pang araw at ganundin hindi natin maisusulat ang mga pangalan ng mga taong tumulong at patuloy na tumutulong sa kasong ito at naway ang gantimpala ng lahat ay paramihin ni Allah. Silang lahat ay hindi naghahangad ng kapalit maliban mula kay Allah kung kaya naman dapat na hindi rin tayo maapektuhan sa sinasabi o ginagawa ang mga tao na sa halip na makatulong ay nakakadagdag pa sa problema. Ganunpaman ituloy natin ang laban at wala tayong babaguhin sa pag-ibayuhin pa ang pagsisikap at dagdagan pa ang mga dasal para sa Kapatid natin na si Abdullatif Zapanta dahil pagkatapos ni Allah ay wala siyang inaasahan maliban sa atin. At para kanyang pamilya sa Pilipinas na labis na nag-aalala kayo po ay nauunawaan namin pero wala kaming ibang hiling kundi ang tiwala kay Allah at pagkatapos ay tiwala din sa amin dahil tunay na ang mga taong tumutulong sa inyong kapatid ay ginagawa nila ang mga bagay na kahit sa sarili nilang pamilya ay hindi pa nila nagawa ito po ay dahil sa pagmamahal namin kay Abdullatif bilang pagsamba kay Allah.

Akhiru Dawana innalhamdulillah hirabbil alamin.

Friday November 1, 2013
Tasio Espiritu
11/1, 10:29pm

Abdulkareem joven esteva called, at tumawag daw ang kanyang asawa na si norlyn.. umiiyak dahil nakita yong picture ni joven at sinabing pupugutan ngayong november.

Alam nyo naman siguro na nag pinakaayaw ko ay yong magsinungaling at manggamit. hindi ko matatangap na si joven na hindi naman lumapit kahit kanino ay isasama sa inyong pagbabalita para makakuha kayo ng attention.

Kaninong attention pa ba ang inyong kailangan .. kung ang mga kapatid nyo na alam na lumalakad para sa case.. at ang turo kung papano mapapalapit sa Allah na ibinahagi namin sa inyo.. Naawa ako kay joven pati mga anak nya sa eskwelahan ay maapektuhan dahil isinama sya sa balita. pinagtatawanan lang ni joven ang balita dahil kasinungalingan. ang hindi nya maiitindihan kung bakit napasama sya sa binabalita, at ginagamit.

ang case ni joven fyi, ibinaba mula sa taas pabalik sa korte dahil pumayag na yong saudi family na makipagusap for reconciliation, at nakaschedule tayo doon, ako si sheik rakan, si sheik abdullah, hiniling nila na tayo lang ang makausap at walang taga embasy muna.

Sa case ni abdullatif wala syang kaibahan kay joven. matibay ang iman. Nagkausap kami at ibinigay ko ang number ni ate zhariya nya sa kanya para mausap din sila.

Ang hiniling ko sa inyo Rosemay ay “magdasal lang kayo.” hindi ko sinabi na “magdasal NA lang kayo” dahil magkaiba ang meaning noon. kung busisihin mo ang sinasabi ko “magdasal lang kayo” which means dasal lang ang gagawin nyo, magtiwala lamang sa Allah.. ganun kagaan yon at gagaan lahat yon. puno ng pag-asa dahil tayo ay dasal ang ating foundation, at may malinaw tayong direksyon kundi ang paglitas kay abulatif.

kabaligtaran ang pagkaintindi nyo at baka akala nyo sinabi ko na “magdasal NA na lang kayo”.. hindi ko kailanman sasabihin dahil yan ay iang pahiwatig sa taong walang paniniwala , walang pagdarasal at walang pag-asa.. ang ibig saibhin ng katagang “magdasal na lang kayo” katulad ng maraming tao sa atin dyan na nakapaligid sa inyo, na ang balita sa inyo ay wala ng pag-asa.

at higit sa lahat di ko nagustohan na dinamay pa si joven. yong nanahimik ..para lamang makakuha kayon attensyon!

November 2, 2013

Rosemay Zapanta
3:42am

salam..sir.pasensya na po di po ako nakapagreply kagabi wala me kasi load sir..sorry po talaga sir.sa nangyari di na po mauulit sir.hindi po kami ang nagsabi sa kanila na kasali sila joven kami rin sir.nagtataka kasi alam namin ang kuya ko lang ang nakadeadline na november tinanung po namin si.sir.ambassador andaya po daw ang nagsabi sa kanila na nakadeadline po din daw sila sa amin namn po nagtatanung sila sinabi namin di po namin alam nagulat din po kami nung sabihin sa amin kaya sir.di po kami ang nagsabi sa kanila si sir.ambassador andaya po ang nagsabi sa kanila yung taga dfa

Rosemay Zapanta
3:43am

uulitin ko po sorry po talaga di na po mauulit na magpapainterview kami sir.puwidi po bang magtanung tutoo po ba yung naixtend at binaba yung pera
Rosemay Zapanta
3:48am

sir.matutuloy po ba ang pagpunta namin dyan maraming salamat po ingat po

November 2, 2013

Tasio Espiritu
7:29am

rosemay, hindi kayo namin pinagbawalan na magpainterview.. at least magsabi kayo man lang sana para di maapektuhan ang mga galaw namin dito. dapat tirahin nyo yong mga nangako at nanggamit sa inyo.. pangatlo, hindi ko nagustohan at pati si joven at si carlito ay dinamay nyo, binigyan nyo ng takot ang kanilang pamilya, na hindi nyo naman sila kilala. ngayon gugulohin na rin sila ng media. di nyo ba naisip yon?

at higit sa lahat ang kawalan nyo ng tiwala sa Allah.. mas umaasa kayo sa tulong ng mga tao dyan, na noon pa man ay alam nyo na karamihan ay wala namang gagawin or manggagamit lang.

Balikan nyoang ABS-CBN na yan, kaialngan din macorrect nitong abs-cbn una bakit nila sinama si joven at si carlito, kanino sila kumuha ng feed. di man lang sila naawa s apamilya ni joven esteva at ni carlito at di nman nila alam ang case. or kayo ang nagsama sa pangalna nila dahil yon langang kakilala ng kuya nyo noong magkasama pa sila sa loob. Hindi yan tama, inilagay nyo ang pamilya nila sa pagkakalungkot, nandamay kayo ng takot nyo.

Alam mo ba ang case ni Joven, na ibinalik sa court at nakaschedule sa akin at mga kakilalang sheik ang paguusap namin sa family this week. Kung maapektuhan ang kaso ni joven dahil sa ginawa nyo. enough na ba yang sorry?

Sa halip na gagamitin nyo si carlito at si Joven dapat binanatan nyo na si Governor Pineda sa pagpahirap at panggamit nya sa inyo.

Katulad itong abs-cbn kung matino ito na station. dalawang beses itong henry umaga diaz, nagpabalita na nagbigay ng pera si pineda. una pabaaon dw at pasiunang bayad. pangalawa galing sa mayor’s league. pabalita si pineda pero nang pinuntahan ng dfa, at nina rosemay, nagtago .

Since abs-ang nagbabalita ng kamalian at kasinungalingan dapat nilang ayusin yong nauna nilang kalat. walang binigay si pineda, at dapat ibigay nya na yon dahil kailangan yon. Since abs ang pinagyayabangan dapat bawiin nila ang sinabi ni pineda or komprontahin nila ito.

ipaalala ko lang sa inyo ito ha

here is the one re pineda pabaon http://www.youtube.com/watch?v=sZMsXIHr5ZQ&feature=youtu.be

here is another one http://www.headlinegl.com/capitol-workers-donate-p350-t-for-zapanta-kin/

2013/7/20 Rosemay Maniego

sir.tumawag po sa akin si sir.omar tinatanung nya yung kay mam gov lilia pineda.kung alam lng po ni sir.omar ilang beses na po kaming pabalik balik ni mama sa kapitolyo kahit masakit ang binti ni mama tinitiis nya para makausap namin si mam gov.kaya lang sir.lagi syang wala na sa mtng po daw sya tuwing pumupunta kami ang irap sir.

Tasio Espiritu:  Media sa atin sinungaling na,  manggagamit pa! Dapat pigain nyo itong si pineda.. at icorrect nyo yong kay joven, at kay carlito bakit nyo sinabi na mapugotan sila sa november? Walang mapugotan sa November!

Bernard Castillo’s call for Prayer:  JOSELITO “ABDULLATIF” ZAPANTA

Humihiling po kami ng Panalangin para sa kaligtasan ng kapatid na si Abdullatif Joselito Zapanta at karagdagang lakas sa mga nagsisikap na tulungan siya. Kami (PATNUBAY) po ay hindi nanghihingi ng tulong pinansiyal mula sa inyo at lalo na sa mga MAGNANAKAW na POLITIKO at OPISYAL NG BANSA na mahilig manggamit ng tao. Bagkus ang tanging hiling namin ay PANALANGIN NINYO na sanay iligtas ni Allah mula sa hatol na kamatayan ang kapatid na si JOSELITO “ABDULLATIF” ZAPANTA
maraming salamat po

Related Links

Share this: