Ano ang Nitaqat?

Share this:

Naipaliwanag na natin ito noon sa patnubay.com  website.  Pero para sa kaalaman ng nakararami,  maipost ulit namin ito  dito sa ating bagong bahay.

Ano ang Nitaqat? 

Ang Nitaqat ay ang programa ng Ministry of Labor para ma-implement ng maayos ang Saudization.

Sa programang ito, ang mga  companies ay naclassify as Red, Yellow, Green at Premium based sa Saudization percentage. May mga parusa na nakalaan para doon sa Red at Yellow at may mga benepisyo naman para sa mga nasa Green at Premium.

Yong hindi nasunod ang Saudization Percentage ay babagsak doon sa Red or Yellow caegories. Ang companies naman na may malaking porsyento ang mga nagtrabaho na empleyadong Saudi; sila ay malalagay sa Green or Premium category.

Ano naman ang maging parusa sa mga companies na nasa Red category?

  • Ang mga companies na nasa Red category ay hindi na maaring mag-renew work visas sa kanilang foreign workers.
  • Hindi na rin sila maaring magbukas ng ibang branches ng kanilang negosyo
  • Hindi sila pwedeng makakuha ng bagong visas para makapaghire ng bagong foreign workers
  • Hindi sila pwedeng makakuha ng bagong work permits.
  • Hndi sila maaring magtransfer ng sponsorship para makahire ng workers galing sa ibang company.
  • Hindi na nila pwedeng pigilan ang workers na lilipat sa ibang companies na nasa green or premium category. Wala na silang control sa pagtransfer ng worker, hindi katulad ng dati na kailangan ang consent (release letter nila)
  • Hindi na sila maaring makapag-avail ng lahat ng uri ng services ng Ministry of Labor.

 Ano naman ang parusa sa mga companies na nasa Yellow category?

  •  Maari silang magrenew ng visa ng worker basta ang empleyado ay hindi lumagpas ng 6 years na nagtratrabaho sa kanya.
  • Hindi rin sila maaring magtransfer or maghire ng non-Saudi workers mula sa ibang companies.
  • Pagbibigyan lang sila ng isang visa kapalit ng dalawang foreign worker na napauwi (nag-exit)
  • Hindi sila pwedeng makakuha ng bagong visas para makapaghire ng bagong foreign workers
  • Hindi sila maaring magtransfer ng sponsorship para makahire ng workers mula sa ibang company.
  • Hindi na nila pwede  pigilan ang workers na lilipat sa ibang companies na nasa green or premium category. Wala na silang control sa pagtransfer ng worker, hindi katulad ng dati na kailangan ang release letter ng employer.

Ano naman ang benepisyo ng mga companies na nasa Green Category?

  •  Maaring makapag-apply ng isang bagong visa every two months.
  • Maari silang magbago ng profession ng worker basta hindi ang profession intended for Saudis.
  • May anim na buwan na grace period pagkatapos ng expiration ng busines license and revenue certificates.
  • Maari silang magrenew ng work permits ng kanilang workers basta three months bago ito mag-expire.
  • Maari din silang magrecruit ng workers galing sa company na Red at Yellow category na hindi na kailangan ang consent ng company. Hindi na kailangan ang nasanyang processo ng “Nagal Kafala” (transfer of sponsorhip) na dapat mag-agree ang original sponsor. Wala ng demand letter at relese letter na kailangan.

 Ano naman ang benepisyo ng mga companies na nasa Premium Category?

  •  Maari silang magrecruit ng workers abroad, at maka-avail ng visa na hindi na kailangang mag-apply sa Ministry of Labor
  • Maari silang tatangap ng workers na may potential kahit hindi pa natapos ng worker ang mandatory 2 years sa dating company
  • Maari din silang magrecruit ng workers galing sa company na Red at Yellow category na hindi na kailangan ang consent ng company. Hindi na kailangan ang nasanyang processo ng “Nagal Kafala” (transfer of sponsorhip) na dapat mag-agree ang original sponsor. Wala ng demand letter at relese letter na kailangan.
  • Meron silang one-year na respite  period kung sakali maexpire ang municipal , profesional licenses or registration.

Malinaw na pinangako ng Ministry of Labor ang full-implementation ng Saudization base sa mga nakasaad na deadlines. Ang pagparusa sa mga Red Categories ay nagsimula noong November 26, 2011 at ang sa yellow ay ngayong buwan ng Rabi al Awal.

Ilan ang manggawang Filipino ang maapektuhan ng Nitaqat?

May mga nauna nang natanggal sa kanilang company at kasalukuyang naghanap ng company na malipatan.  May mga valid forecasting tayo  pero hindi pa talaga natin alam kung ilang OFWs ang maapektuhan.  Kailangan natin ng cooperation ng bawat OFWs lalo na yong nasa Red and Yellow Category.  Ang problema sila din ay hindi nila alam kung ano ang estado ng company nila.

Papano namin malaman ang estado ng company namin?

May dalawang criteria yan. Ang una, nagdepende yan kung anong uri ng services/ sector naclassify ang inyong company. Ang Ministry of Labor ay nagclassify ng 41 na uri ng company at ito ang mga sumusunod

  1.  agriculture, fishing, grazing, and horses
  2.  farmers and fishermen and herdsmen (private)
  3.  agricultural production and animal
  4.  extraction of oil and gas
  5. mines and quarries
  6.  Manufacturing
  7. petrochemical, coal, rubber
  8.  cement industry
  9.  electricity, gas and water
  10.  building materials and construction
  11. construction, maintenance and hygiene, employment and subsistence
  12. Wholesale and Retail Trade
  13. trade gold jewelry
  14.  pharmacies and drug stores
  15. nutrition services
  16. accommodation and tourism
  17. transport of passengers and goods outside the cities
  18.  land transport of passengers within the city
  19.  road transport of goods within cities
  20. shipping
  21.  storage
  22. Air Transport
  23.  Communications
  24. insurance and business services
  25.  financial institutions (banks)
  26.  collection offices and real estate services
  27.  business consulting services
  28.  collective and social services
  29. offices of public services (comment)
  30. of private recruitment agents
  31.  personal services
  32. maintenance workshops and stores
  33. printing, publishing and media
  34. laboratories
  35. health services
  36.  kindergartens and schools and colleges
  37. schools, government and civil works
  38. public schools and the eligibility of Benin
  39.  foreign schools
  40.  security escorts
  41. employment agencies

Ang pangalawang criteria ay kung gaano karami ang mga workers ng inyong company. Nasa baba po kung papano na-classify ang criteria na ito ng Ministry of Labor

  • less than 10
  • 10 -49
  • 500-2999
  • 3000 or more

Note: Ang company na ang dami ng workers ay hindi umabot ng sampu (10) ay hindi maisama sa Nitaqat. Sa isang kundisyon na ang may-ari ay isang Saudi or at least isang Saudi na full-time employee.

Ngayon gamit ang dalawang criteria na yan, maari nyong maverify kung ano ang standing ng company nyo.

Maari lamang ay bumisita sa Ministry of labor Website or direkta sa url na ito http://www.emol.gov.sa/nitaqat/percentage.aspx  or https://mol.gov.sa/Services/Inquiry/NonSaudiEmpInquiry.aspx

Nasa baba po yong picture, paki-click na lnag para may idea kayo kung papano ito gagamitin.  Kung sakali ang browser nyo ay walang arabic translation, may summary din po tayon ginawa  para sa inyo last June 2011; at yon naman ay nasa link na ito http://patnubay.com/link.asp?TOPIC_ID=285 . Maari lang po ay ituloy ang pagbabasa pagkatapos macheck ang standing ng inyong company.

https://mol.gov.sa/Services/Inquiry/NonSaudiEmpInquiry.aspx

 

https://mol.gov.sa/Services/Inquiry/NonSaudiEmpInquiry.aspx

Reactions and Suggestions:

Marami ng mga workers na napa-exit after their contract duration, or yong nasanayan na term na “di na narenew ang kanilang contract”, Yong iba pinagbigyan ng chance na makatransfer.. may time limit ito.. some say na one month.. may two months .. some ay hanggang maexpire ang iqama..

Noon kasi ay one to sawa. ang working contract, kadalasan ang worker ang magdecide kung hanggang kailan sya magstay sa kanyang company.. Pero ngayon with the nitaqat hindi mo na alam kung ang contract mo ngayon ay ang last na contract mo na sa company.. Ito ay para ang company ay malagay sa safe zone before the deadline.. Walang violations ang company dahil finished contract ang worker at sya din ang nakiusap na magpatransfer.

With or without nitaqat, the worker must have the right na magwork until his end of contract date as per the Saudi Labor Law. Pero with the full implementation of the Nitaqat, ang Iqama na ng worker ang magiging pagbabasehan. Ang regular na iqama ay valid lang ng isang taon. So papano yong baguhan na worker na isang taon pa lang sa company nya at magexpire na ang kanyang 2 year contract? Papayag ba syang makauwi? Malamang nanaisin nyang maghanap ng malilipatan na ibang sponsor or company

 1. Maipaliwanag ko na rin siguro ang proceso ng transfer of sponsorship or in arabic tinatawag na “nagal kafala” noong wala pang Nitaqat

  •  a. first you can not transfer to any sponsor (company or employer) if di ka nakatapos ng two years. (normal first contract)
  • b. The 2nd sponsor (employer or company kung saan lilipat ang worker ) must give a demand letter to the original sponsor.
  • c. The original sponsor, if mag-agree with the 2nd sponsor then he will give a release letter to the 2nd sponsor.
  • d. the second sponsor will then process the transfer of sponsorship of the worker.. sa ministry of labor para sa work permit, then sa jawasat and ministry of interior for the passport and iqama..

Noon pa man bago magnitaqat ay marami din na  mga workers ang pinili magpatransfer kesa mag-exit.. Pero di nila alam ang proceso at saka lang nila nalaman kung nagkaproblema na. kadalasan umaasa sa 2nd sponsor na sila na ang magprocess ng transfer, then later nalaman nila na di na pala pwede matransfer dahil pinablacklist na ng original sponsor as runaway.

  •   Natatakakot kasi ang original sponsor nakung may mangyari sa worker sa labas, ay sya pa ang mananagot.. kaya kadalasan ay magset sya ng time.. 1 month which is too tight para sa processing.. 2 months or yong expiry ng iqama.
  •  ito namang 2nd sponsor, nagmamatayag pa sa worker kung okay ba sa trabaho.. para kung di nya gusto ay hindi nya ituloy ang transfer. then pagdating sa time na iprocess na nya ang transfer of sponsorship ay di na pwede dahil blacklisted na, declared as runaway na ang worker ng kanyang 1st sponsor.
  • Dati pa lang may mga problema na ang pagtransfer ng sponsorship.

 2. Papano naman yong mga workers na hindi pa tapos ang contract, wala pang 2 years sa original sponsor, pero pina-alis sa company dahil nasa red and yellow category?

Minister al Fakieh always mentioned in the news that the workers na nasa red and yellow category has the right to look for another sponsor na hindi na kailangan ang consent ng original sponsor.. Meaning wala na ang demand letter ng second sponsor and release letter from original sponsor. Minister al Fakie also mentioned na for the red and yellow category hindi na kailangang tapusin ng worker ang condition na two years.

So, parang solved na.. eh sino naman ang tatanggap sa mga workers na ito? ayon naman kay minister al fakieh those companies in the green and premium categories ay maaring tatanggap ng mga workers galing sa red category.

Kung titingnan natin parang napakasimple lang at di apektado ang mga foreign workers.. but the following factors must be considered.

  •  time, for how long ba dapat pagbigyan ang worker para makahanap ng company na nasa green category.
  • gaano ba karami ang mga company nasa green category.
  • papano kung walang tatanggap sa worker, dahil sa qualifications, or ang nasa green mismo ay nagmaintain din sila ng status na green at takot maging red or yellow.
  • ang worker papano sya magsurvive kung walang sahod sa time na naghanap sya ng worker.

 3. Suggestions and recommendations

  •  Transparency –  Ang mga companies naman ay hindi transparent sa mga workers kung anong kulay ng company nya. ang kawawa dito ang workers.. So, magiging biglaan ito ang pagtanggal or paghanap ng malipatan ng mga workers , walang pera, walang accomodation. Ang mga companies,  hanggang sa kaya ay tuloy-tuloy lang yan,  tapos sabihin na lang bigla sa mga workers o sige maghanap ka ng nang trabaho sa labas dahil nanitaqat tayo.
  • Enough time.. ang punishment sa mga nasa red category ay naimplement on the november 26th.. at ang sa yellow naman ay sa sa buwan ng Rabi al awal.. 3 months from now. Iilang linggo lang after the deadline ay malalaman na natin kung may mga filipiono mga workers ba na madisplaced.

Marami sa mga workers ay hindi alam kung ano ang standing ng company nila.. second walang company na magpayo ng maaga na “maghanap ka ng malilipatan dahil na nanitaqat ang company natin”.. habang mapakinabangan nila ang worker then magstay ang worker, hanggang sa magexpire ang Iqama at hindi na maarin malipat pa.. or hanggang sa mapasara ang company na pinagtratrabahuan.

  •  Philippine Government Support, dapat gumawa na sila ng contigency plan noon pa.. in preparation for this event then sa time na maimplement na ang nitaqat ay dapat handa na.
  1.  Magsetup ng assistance counter.. para doon dudulog ang mga workers na maapektuhan.
  2.  Magsetup ng mga contacts sa mga companies na nasa green category at may mga vacancies. para kung may lalapit na workers ay may mairecommenda na company..
  3.  Financial support or call the attention of various ofw groups for financial support. ang pagkain ng mga workers, ang paghanap ng trabaho, di naman ito pwedeng lakarin..
  4.  Dapat nakuha na nila ang statistic sa red category and they must expect na double ang nasa yellow category.. then in three months double ang effect.

 4. So what if walang work na mahanap or pinili ng worker na uuwi sa pinas? 

  • papano ang processing sa exit visa ?
  • papano ang ticket..
  • sagutin pa rin ba ito ng original na sponsor / company?

these are the questions na dapat masagot ng ministry of labor na dapat natanong ng ating gobyerno noon pa.

 5. Well, we will just pray na kaunti lang ang maapektuhan.. pero sana our own government should have carefully studied on this.

6. Taqat scheme and Hafiz program

If “nitaqat”  are for expats, the saudi government also established “taqat” to encourage their unemployed nationals to register.  Taqat website (http://taqat.org.sa)  also encourages their nationals for knowledge upgrades (as usual education is free) and to view available jobs fit for them.

Ang Hafiz program naman ay nagbigay ng financial assistance sa mga unemployed Saudis hanggang sa makahanap sila ng trabaho.  May 2000SR (22thousand in philippine peso) na allowance ang binibigay ng gobyerno sa mga walang trabaho provided na dapat continous ang kanilang developmental skills training. Ang website ng Hafiz ay http://www.hafiz.gov.sa .

Last year napabalitang may mahigit 400thousand na Saudis ang walang trabaho. Bumaba po ang bilang at naayos mula ng na-umpisahan ang taqat scheme at hafiz program;  Natangal ang mga dead claimants at nag-naset na age limit para makapag-avail ng employment.

Para makakuha ng accurate na updates tungkol sa Nitaqat, maari lang po ay bumisita sa youtube page ng Ministry of labor sa link na ito http://www.youtube.com/user/MinistryOfLabor

Ganyan ka-concern ang bansang Saudi Arabia sa kanilang nationals.

7. Babala: Likas talaga na magaling at maasahan sa trabaho ang mga Pilipino. Wala na nga lang magawa ang ibang companies laban sa Nitaqat para magstay ang kanilang pinoy na worker. Para tatakbo ang kanyang company kailangan nyang kumuha ng workers sa Pilipinas sa hindi tamang paraan katulad ng mga sumusund:

  • Paghire ng worker gamit ang visit visa – Bawal po ito at maraming karapatan ang mawawala sa mga workers katulad ng mandatory medical insurance at  social insurance ng Saudi Arabia. Hindi rin sila sakop ng Saudi Labor Law at hindi makapagreklamo kung naabuso.
  • Paggamit ng visa sa ibang profession katulad ng nurse pero ang visa ay janitress, dentists pero dental assistants ang profession .. etc..  Bawal po ito sa batas ng paggawa at kung magkakaroon ng problema ang worker ay ito pa ang magpapahamak sa kanya.  Wala syang license ng Saudi Council at kung may inspection ang Ministry of Health ay pangdagdag lang sila sa mga nurses na tnt (takbo ng takbo at tago ng tago). At kung may pasyente naman na magkaso ng mandatory medical malpractice ay hindi sya covered mandatory medical malpractice insurance. Malaman mapahamak pa sya “bakit sya kasama sa operating room eh janitress yan”.

8. Samantala sa Pilipinas naman ?

Video : Migrant Workers discussed about Nitaqat last June 2011

Drafted by: Joseph Henry Espiritu

Share this: