You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Mula sa Lumang Kaban ni Tasyo: Chop-chop na naman!

Chop-chop na naman!
Posted in patnubay.com
Last June 23, 2010

Apat na araw ang nakaraan (June 19, 2010), may nakitang putol-putol na parte ng katawan sa Batha, Riyadh at pinaghinalaan na ito ay isang filipina. Sa ngayon inimbistigahan pa ang identity ng bangkay. Pinuntahan naman kaagad ng taga-embahada ang Batha Police station pero hindi pa daw tapos ang imbestigasyon.

Bakit kapag may makitang chop2x na bangkay ay parang automatic Filipino kaagad ang may gawa?

April 2006 – Jeddah – mga putol2x na parte ng katawan ng tatlong Filipino ang nakabalot sa mga plastic bags at nakita sa basurahan ng jeddah.. Tatlong akusado ang nahatulan ng bitay at apat ang nahatulan ng walong taon na kulong at 1000 lashes. Lahat ng akusado ay mga Filipino at kasalukuyang nakakulong sa Briman Prison. Ayon sa balita sinubukan umano ng mga akusado na hanapin at kausapin ang mga pamilya ng biktima. Pero ayaw patatawarin ng pamilya ng biktima ang ginagawa ng akusado. Ngayon ay itinanggi ng mga akusado ang kasalanan. Napakadali lang naman silang mapaamin dahil sa napakaraming tao ang involved. Ipaghihiwalay mo lang ang mga akusado at sabihin na diniin sya ng isang akusado sa kabilang kwarto, pipiyok na yong iba lalo na yong accessory lang sa crime. Halos lahat naman sa Jeddah ay naniniwala na guilty sila. Ang akusado at ang isang grupo lang ang nagsabi na inosente sila. Sana naman respetuhin din yong damdamin ng pamilya ng biktima, may mga sarili din silang imbestigasyon at hindi rin naman sila makakapayag na iba ang maparusahan. Nagpahiwatig na rin ang pamilya ng biktima na hindi sila tatanggap ng kahit anong bloodmoney. Kahit sino namang pamilya magagalit sa mga balita na palaging ang akusado lang at grupong nakatalikod lang ang nagsisigaw ng hustisya para sa akusado.

February 2008 – Riyadh – Isang Filipino driver ang pinatay ng kapwa Filipino driver. Natagpuan ang putol-putol na katawan ni Mitchel Joseph Montecino sa mga basurahan; may tinapon sa Malaz, sa Sulaymania at sa Olaya. Umamin at nakulong si Pancho Toronayba. Pero hindi rin nagtagal sa kulongan dahil sa sakit. Hindi na nagkakain si Toronayba sa kulongan at sinabi sa mga kasamahan doon na total bitay naman ang hatol sa kanya ay mabuti pa ay uunahan nya na. Hindi ko alam kung pinaalam na ba ng DFA sa pamilya Montecino na patay na yong pumatay sa kanilang kaanak.

December 2009 – Al Khobar- Nahuli ang mag-asawang Filipino ng nagkabukingan na pinatay nila ang kanilang katulong noong 2007. Nag-aaway ang mag-asawa na humantong sa police station. Nagsisihan at pati ang kanilang darkest secret ay isinuka nila. Pinatay, pinagchop2x at inilibing sa loob ng kwarto. Inireport pa ng mag-asawa sa Jawasat noong 2007 na ang kanilang katulong ay tumakas pero ang totoo ay nakabaon lang pala ito sa loob ng kanilang inuupahang bahay. Hindi ko maisip kung papano sila namumuhay ng ganun katagal na may nakalibing sa loob ng kanilang bahay. Isang lihim na umabot ng dalawang taon. Ang mag-asawa ay naging masamang ehemplo at pwedeng magaya ng mga masasamang amo na pwede palang patayin ang isang katulong at ireport lang na ito ay tumakas.

June 2009 – Jeddah – May natagpuang bankay sa jeddah inilagay sa bag at tinadtad pa ang mukha. Napag-alaman na ito ay buntis. Ang suspetsa ng pulisya ay ito ay isang filipina. Kasama sa mga ebidensya ay isang jersey ng pangbasketball. Napabalitaan na nahuli na yong suspect dahil may nakaidentify kung sino ang may-ari ng jersey na pinalabas sa news. Umamin na rin daw ang akusado. This we have to confirm with the consulate kung totoo. Papano kung hindi Filipino ang biktima at yong akusado. Dahil sa mga pangyayaring brutal at makahayop na pagpatay na palaging Filipino lang ang gumawa magiging alanganin tayo sa ibang mga kaso na totoong self defense lang, or yong may insanity.

June 2010 – Riyadh – May natagpuang bangkay sa Batha.. Filipina man ang biktima o hindi. Filipino man ang akusado o hindi. Sa tipo ng pagpatay ay hindi maiiwasan na tayong mga Filipino ang unang mapagsuspetsahan. Ang masakit ay karamihan sa mga Filipino ay naniwalang Filipina ang biktima at Filipino din ang may gawa.

Nagtanong-tanong po tayo sa mga ibat-ibang lahi kung may mga pangyayari bang ganito sa Saudi Arabia na kalahi nila ang may gawa or biktima. Ang sagot nila ay wala kundi sa Filipino lang.

Marami sa atin ang nagsisigaw sa media na hindi makatarungan ang hatol na bitay o pugot ulo. Pero heto, ang ating mga kababayan napakadali lang pumatay, magchop2x pa ng katawan ng tao. Sa mga sitwasyong ito, isipin naman natin ang pamilya ng mga biktima. Kung hindi nyo ako naintindihan, ipikit ang inyong mga mata at isipin kung ano ang gagawin nyo kung isa sa mahal mo sa buhay ang naging biktima at pinagchop-chop pa ?

Gimboy “TAS” Espiritu

Reactions :

From Enrico Monsanto:

Tsk tsk… fair bang i-conclude may violent streak ang mga Pinoy kaya lagi na lang tayo ang usual suspects?

From Roland Blanco:

Kultura ng Chop-chop?

Who would not forget the cult Tadtad?

Kaya pati ang mga magnanakaw ng sasakyan, hinahati-hati agad ang mga piyesa ng kotse para maitago sa mga pulis at madaling ibenta?

At least, internationally acclaimed at awarded pa ang director ng Kinatay na si Brillante Mendoza….kahit si Tarantino bumilib.

Drum….putol-putol….pangangalunya….politika…..si congressman….kabit…….mga sahog ng lipunan at pelikula sa Pinas ngayon. Tamang-tama sa ikalawang yugto ng Kinatay.

From: Apol K:

Dapat lang naman na sa ganitong kaso ay maparusahan ng na-aayon sa sa batas ng lupain/bansa ang salarin. Pilipino man o ibang lahi, walang dahilan na ilagay mo sa sariling kamay ang kaparusahan ng kapwa mo dahil wala sa kamay mo ang batas kundi nasa sa Gobyerno ng lupain.

Halos lahat ng ganitong kaso hindi lang ang nakapatay ang nakasakit, minsan ang piñatay din ay may malaking pagkakasala na humantong sa patayan at “chop-chop” ang naging katapusan. Pareho pareho minsan silang biktima ang nakakalungkot lang parehos natin silang kababayan na parehos nawalan ng ikabubuhay at yung mga na ka pi-it man din ay maaring ding mamatay ng naaayon sa batas ng bansa. Hwag mo nang ilagay pangalan ko to, thinking out loud lang ako

From Alex Asuncion:

Ang galing na researcher ang Patnubay, lahat ng pangyayaring chop-chop sa Saudi ay naisulat. Sana sinimulan ang kuwento sa unang chop-chop na nangyari sa Pilipinas noong 1970’s nang matagpuan ang katawan ni Lucila Lalu na pinag-putul-putol. Siya ang kauna-unahang Pinay na na-chop-chop at ginawang parang jigsaw puzzle ang katawan, hangga’t mabuo na siya pala si Lucila Lalu. Later on, isinapelikula ang buhay niya na ginampanan naman ni Lucita Soriano. Naging headlines ang kaso ni Lucila Lalu, pagkatapos maging banner stories sa pahayagan si Maggie Dela Riva nang gahasain ng maraming lalaki, na pawang mga anak-mayaman.

Bakit nga ba Pinoy ang laging itinuturo? Kasi wala pang napapabalita dito sa Saudi na ganyang kaso na ibang lahi ang may kagagawan. Pawang Pinoy lang ang mga nahuhuli. May narinig o nabasa na ba kayong Arabo, Indiano, Pakistano, Kano , Koreano, at kung sinu-sino na gumawa ng ganitong krimen? Wala pa, di ba?

From Jun Aguilar :

Tas,

I cant imagine how people can do such gruesome crime, paricularly Filipinos. I began to think deeper after i read your data, its so alarming indeed! Is our colleagues psyche denigrated to that level or something is wrong somewhere? Is this a mere consequence or there is somethin that connects in our moral and spiritual fibers?

I really cant understand these things….sooooooooo sad.

Jun

From Jay Ebora

Halos kahit saan ko pumunta ay may nagtatanong po sa akin kung nabalitaan ko raw yung napabalitang pinatay na pinoy/pinay sa batha at diumano daw ay na chap2x pa. Ito daw po ay natagpuan sa isang basurahan malapit sa opisina ng Skyfreight na di kalayuan sa isang sangay ng FedEx.

Ang unang unang sumagi sa akin ay tanunging ang aking mga kasamahan naka assign sa aming branch na halos malapit na malapit sa kung saan natagpuan ang biktima at sila rin ay pawang kulang sa kaalaman sa identity at nationalidad ng nabangit na biktima. Kasama rin ang ilang kaibigan na nainirahan sa isang gusali malapit sa naturang basurahan. Sila rin ay may mga katanungan at personal na kuro kuro.

Katulad ng iba pang mga pinoy naka balita ng nasabing insidente, sila rin katulad ko ay may hilaw na palagay na “ baka naman doon lang itinapon “ para iligaw ang mga imbestigador tutal marami ng pag kakataon na Pinoy ang mga nasasangkot at nasasakdal oh napapagbintangan.

Oo, maraming pangyayari at napatunayan na may mga pinoy na nakagawa ng ganyan karumal dumal na krimen, ang pumatay at masikmura na putol putolin pa ang kawatan. Subalit, ito na siguro ay isang estado hindi lamang pinoy maging ibang lahi man ang makakagawa nito dala na rin ng sobrang poot at pag kawala sa katinuan…

Ang sa akin lamang, hindi po ito sapul na naturalesa ng isang pinoy na gumawa ng ganyan krimen ..ang una pumasok sa akin isipan ng mapakinggan ko a ng naturang krimen, ito marahil ay isa lamang paraan upang iligaw ang autoridad. Una una bakit pa sa mataong lugar ito Itinapon, maari naman itong ilagak na lamang sa kawalan…sa kalawakan ng buhanginan. Subalit doon pa sa lugar ng mga pinoy na halos walang oras na hindi maraming pinoy na nagpapalipas ng homesick.

Ito po ang mga pawang katanungan na nag lalaro sa aking isipan…it is not easy to conclude though marami na pong insidente na pinoy daw ang gumawa…ang sa akin lamang po…

Nawa’y maging anong lahi man ang naturang biktima…amutan natin ng ating mga Panalangin…
Sa huli ..pag iingat an gating kailangan…

From Paul Ruel

Igan hanggang ngayon pa ba ay wala pang update mula sa embahada natin kung anong lahi ang na chopped? Halos walking distance lang ang tirahan ko sa batha nguni’t hindi matunog o di man lang napagu-usapan ng husto ang nangyari? O baka naman naga-alinlangan ang sinumang lahi magkuwento o pagkuwentuhan ang na chopped na biktima lalo na kapag kaharap ang pinoy dahil bansag sa natin mananap chop! hehehe.

Paul Odien Pruel

From R.A.

hi joseph

i can only be shocked by your earlier posting and the reactions. although i should not be shocked kasi kahit naman dito in the past – remember lucila lalu? and elsewhere – like filipina wives of australians were brutally murdered – nilibing din yong isa sa bahay
nya at i think sinunog pa. nadiscover in the process ng investigation sa kasunod na filipina wife na pinatay din. so hindi naman sa ksa lang. hindi rin lang pinoy ang gumagawa.

i guess merong extreme na tao and includes pinoy na di makayanan ang damdamin kayat nagagawa ito.

siempre, hindi tayo pabor sa pagkuha ng buhay, sa iba man o sa sarili. kung me kasalanan man ang pinatay, me proseso naman na maaring pagdaanan para makamit ang hustisya,gayundin, me proseso rin maaring pagdaanan ang pumatay para makamit ang hustisya.

i think mahirap maunawaan nang buo ang mga ganitong pangyayari kasi di na natin ma-interview yong pinatay. at di rin natin alam kung sinasabi ba lahat lahat ng pumatay.

but i am against stereotyping pinoys and any nationality whatsoever na tends to do this or to do that. sa ksa, seguro kaya me stereotyping e dahil sa dami at konsentrasyon ng mga pinoy dyan. ayaw natin ng stereotyping kasi pinagmumulan ito ng racist propaganda at racist attacks na maaring gamitin ng gobyerno gayundin ng lipunan upang gawan ng dagdag rights violations ang ating mga kababayan. pero that holds for both pinoys at iba pang lahi.

of course, ang mahalaga, bawat kaso ay imbestigahan at pag-aralan mula sa maraming anggulo para matriangulate ang mga kwento at i guess batay don e pag-aralan paano matutulungan ang napatay gayundin ang pumatay kasi pareho rin naman kelangan tulungan ng gobyerno at siempre natin na rin.