You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Mga Pinay Nurses Naaksidente – Isa Patay

Image Source: http://alkharjnet.net

February 22, 2013, Bandang alas-singko ng hapon – Isang coaster van na may sakay na mga Filipina at Indian nurses ay naaksidente  sa Delam, Al Kharj, KSA.  Ayon sa naiulat ng Alkharjnet.net ay nabangga muna ang coaster sa isang kotse na pinagmaneho ng dalawang kabataang Saudi bago ito tumama sa isang kahoy at bumaligtad. Ang mga nurses ay nagtratrabaho sa Prince Salman bin Mohammed Baldelm Hospital sa Al Kharj.

Sa labing-siyam (19) na nasaktang pasahero,  anim (6) ang dinala sa Prince Salman Baldelm Hospital at  labing-tatlo (13) ang dinala sa King Khaled Hospital sa Al Kharj.  Apat (4) na Filipina ang may mga fractures.  Isang (1) Pinay naman ang dinala sa ICU pero binawian din ng buhay.

Naireport sa atin ito ilang oras pagkatapos ng aksidente at nakuha natin ang mga pangalan ng may mga fractures at ng isang Filipina na nasawi; at ipinaalam natin kaagad ito sa ating embahada.  Maraming salamat sa ating mga volunteers, Ka Pat Mabanta,  Ka Roland Blanco, Ka Julianito Gregorio at kay Ms. Badette.

Reference:

http://alkharjnet.net