ANAK NG CLIMATE CHANGE – Another Inday and Engineer Love Story

Share this:

CLIMATE CHANGE – Hindi nyo ba naiintindihan na ang biglaang pabago-bago ng klima sa Saudi Arabia ang dahilan? “Alam nyo na sir,  sobrang init ng panahon na bigla na lang lalamig”. Kaya, nakumbinsi ang mga inday na tumakas na lang at sasama sa mga engineer.

May mga engineer din nakumbinsi ni inday at susuungin ang lahat ng hirap at delikado, aakyat ng bakod para iligtas si inday. May inday na napilayan dahil hindi nasalo ni engineer. May engineer na nakulong dahil nahuli at kinasuhan ng trespassing na nakahubad pa.

Pero dahil sa pag-ibig, maraming engineer at inday ang naging matagumpay na ipinaglaban ang kanilang pag-iibigan na dati ay sa cellphone lamang.

Kung magsasama na ay wala nang magawa si inday nang malaman na si engineer ay hindi pala totoong engineer. Tinatakot na ngayon ni engineer na ipapahuli si inday, kaya open arms and legs na lang ang kawawang inday.

Nagkaanak ngayon si inday, si engineer ay sumali sa isang grupo na ang pangalan kung pakinggan ay tunog matapang; sa pag-aakalang makahanap ng kakamping kapwa matatapang, hindi nya alam na pare-pareho pala silang mga duwag, pare-parehong pinoproblema – ang mga inday at ang kanilang mga anak.

Ang mga myembro pala ng grupong tunog matapang na eto ay saksakan ng kaduwagan, at nagkataon na pareho ang pag-iisip. Ang masaklap, marami sa kanilang mga members at kahit officers ay mga takas pa.

Heto na ngayon, at dahil sa takot sa mga kasalanang nagawa, nagyaya pa ng maraming inday na patakasin at irarafle kung sinong kaibigan at kasamahan ang kakalinga.

Dumami ang kanilang mga members at malakas kuno sa embassy at media. Madali daw silang makapagpauwi kaya okay lang kung maraming anak at okay lang kung hindi totoong mag-asawa. May mga inday at engineer na maagang nakarealize sa kamaliang nagawa. Inihatid si inday sa Bahay Kalinga ng POLO sa kondisyon na hindi sasabihin ang totoong katauhan ni engineer; na katulad ni inday ay may asawa din sa pinas.

Tanong ng taga embahada, Nasaan ang tatay nitong bata?
“Umuwi na sa pinas sir”,  ang sagot naman ni inday..
Anong pangalan ng tatay?
“si boy sir..”
Anong apelyedo ni boy?
“ewan ko sir basta taga Bulacan, patay na yata yon..”

Boy ng bulacan, .. yong isa naman ay Lito ng mindanao at patay na rin… Hindi mo masisi si inday dahil mahal na mahal nya si engineer, di bale na kung masisira ang pamilya ni inday sa pinas, di bale nang maghihirap, maprotektahan lamang si engineer.

Bakit naka-tatlong anak pa kayo?
“Kasi sir tumakas po ako dahil gusto akong gahasain ng employer ko”.

Oh no, sa mukha mong yan, gagahasain ka at bakit ka naman nagkaanak ng marami.

Sa employer mo ba yan?
“Kasi sir tinulongan ako ni engineer, siyempre babae lang po tayo at lalaki din sya, nagkagustohan, nagshare ng laway kaya nagkaanak. hehe (sabay pa kyut)” .

Lumapit ba kayo sa embassy?
“Lumapit na kami sir noong isa pa lang ang anak namin”.
Bakit dumami pa ang mga anak nyo?
“Kasi sir ang bagal ng embassy eh.. Alam mo na ang climate change sa Saudi bigla na lang magtag-lamig ngayon. hehe (sabay pa kyut uli)”

Hindi ba kayo naawa sa mga bata?
Sagot ni inday, “naawa kami sir kaya nga heto”, sabay nanawagan “hoy president noynoy maawa naman kayo sa mga anak ko mainit dito sa tent wala kaming pagkain?”.

Bakit ilang taon na ba kayo sa tent?
“Kahapon lang po”.
Nasaan kayo sa mga nakaraang araw?
“Nagtrabaho po kaso may crackdown na kasi”.
Ginawa nyo ang sarili nyo na kaawa-awa?
“Basta dapat tulongan kami ng gobyerno!” Sigaw ni Inday, “Kami ang mga bagong bayani dahil mga OFWs kami, bakit iniwanan kami ng gobyerno sa ganitong problema?”

Bakit gobyerno ba ang dahilan sa problema nyo na yan?
“Basta tulongan kami dahil mga Filipino din kami. WAG NA KAYONG MAGTANONG PA KUNG GUSTO NYONG TUMULONG, TUMULONG KAYO! WAG NANG MAGTANONG!”.  “Nasaan na yong 25 usd na binayad namin sa OWWA?”

Huh, teka ilang taon ka na bang takas?
“Sampung taon na kaming takas kaya maawa na kayo sa amin”.
So kailan ka pa huling nagbayad ng OWWA?
“Sampung taon na pero 25usd din yon at maraming ofws naman ang nagbayad ng OWWA ah”.

Anak ng Climate Change naman o, sa 25 usd na binayad nyo sampung taon na ang nakaraan, 10 thousand saudi riyals ang babayaran ng gobyerno para mapauwi kayo!!!!

“Basta tulongan nyo kami, hindi namin ginusto na magkaganito kami!! Mga bagong bayani kami dahil mga OFWs kami. Kung gusto mong tumulong, tumulong ka wag ka nang magtanong!”

Oo na mga bagong bayani kayo na nagkalat dito sa Saudi at gusto nyo ay gobyerno natin ang magligpit ng mga kalat nyo. Kung totoong naabuso kayo noon, bakit hindi kayo nagreklamo? Bakit kung kailan nyo gustong umuwi ay saka lang kayo magsabi nanaapi kayo, bakit kung kailan magkaanak kayo ng marami, kung kailan may balitang crackdown?  Anong hindi nyo ginusto, ang nabuntis at nagka-anak kayo, ano yan magic?”

“WAG NA KAYONG MAGTANONG PA KUNG GUSTO NYONG TUMULONG, TUMULONG KAYO! WAG NANG MAGTANONG!. MGA BAYANI KAMI! PAUWIIN NYO NA KAMI NGAYON NA!!”..

At heto kayo nagdidikta sa gobyerno na tulongan kayo na wala ng tanong-tanong dahil mga bagong bayani kayo? Hindi nyo ba alam na may mga totoong naapi, lumalaban at sila ang apektado dahil naiwanan ng gobyerno dahil sabay-sabay kayong mga pasaway na nagwawala..

Alam nyo ba na nakakahiya na kayo.. na ang tingin ng mga ibang lahi ay ganyan kahayop ang mga Filipino. Mas marami po ang mga legal at matitino dito, dinadamay nyo sila. Ang kapal ng mga mukha nyo na parang kayo ang mukha ng karamihang OFWs sa Saudi? Ginamit nyo pa ang mga bata na instrumento para kaawaan kayo… pero noong nasa sukdulan kayo ay naisip nyo ba ang magiging problema nila? Nagmamalinis pa kayo ngayon?

“WAG NA KAYONG MAGTANONG PA KUNG GUSTO NYONG TUMULONG, TUMULONG KAYO! WAG NANG MAGTANONG!. MGA BAYANI KAMI! PAUWIIN NYO NA KAMI NGAYON NA!!”..

Climate change sa inyong kagaral! Huwag nyong isisi sa pagbabago ng klima, kayo ang dapat magbago!  Ang tapang-tapang nyo sa harap ng media at embahada pero kung tatanungin kayo kung ano ang pangalan ng employer nyo ay para kayong basang-sisiw na hindi makasagot dahil nanginginig sa takot.

“AH BASTA KUNG GUSTO NYONG TUMULONG, TUMULONG KAYO! WAG NANG MAGTANONG!. MGA BAYANI KAMI! PAUWIIN NYO NA KAMI NGAYON NA!!”..

Pangdagdag

Sa sobrang takot, gusto nilang magsama-sama at magrereklamo kung paghihiwalayin. Mga takot sa sariling anino na ginawang panangga ang mga bata. Ano kaya ang kanilang mga kinatatakutan?

Ang mga totoong Bayani ay hindi mga duwag.

Ang mga totoong naapi at walang kasalanan ay lalaban, hindi palalagpasin ang maraming taon bago sumigaw ng katarungan.

Ang mga totoong matatapang ay lalabanan ang pang-aapi, hindi aatras, hindi susuko, hindi tatakbo at hindi magtatago.

Ang mga totoong matatapang ay ilalagay sa safety ang mga bata bago sasabak sa labanan at huwag silang gagamitin para kaawaan.

Related Articles

Share this: