You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Patnubay Speaks: Para sa aming mga Nanay

Rhenz Girl- Sa pag gugunita sa araw ng ating mga ina, lubos ang pag papasalamat ko sa buong maykapal na ako ay binigyan nya ng isang napaka buting ilaw ng tahanan, isa sa taong lubos ang pag mamahal sa kanyang pamilya,at kaibigan, ang aking ina na walang sawang tumutulong sa mga nangangailangan, lumaki kame na busog ng pangaral at pangarap ngunit ang buhay na ipinahiram sknya ay maikli sa panahon na sana ay kasama namin sya, sa pag kakasakit at pag kamatay niya sa sakit na cancer ay pinilit nyang lumban hanggang sa huling hininga, sa bawat panahon na hinahanap ko sya ang syang bawat daloy ng luha sa aking mga mata, umaasa , nangangarap sa sandaling makasama ko pa sya ngunit ang Diyos na lumikha ang tanging may alam ng lahat at sa araw ng pag kawala nya hanggang sa panahon na akoy gumugunita, Pag mamahal at pag susumamo sa aking ina ang naging taglay kong lakas, Muli Mahal n Mahal kita nanay, miz na miz na kita.

“just to share , hindi q pa din tanggap na wala ng ermat ko since 1997 ng nwala xa, hindi pa tanggap ng icp at puso ko, kaya araw araw kinakausap ko xa, sana magpakita pa xa” Para sa nanay ko, IKAW ANG Buhay ko, kung bibigyan aq ng pagkakataon bumalik ka ngaun ipag papalit ko ang lahat ng meron ako makasama lang kita kahit mahirap.. Loveu nay..

Jay Ebora – Nanay salamat po sa pag babahagi ng inyong buhay salamat po sa patuloy na pagbibigay ng gabay salamat po sa lahat ng inyong pagmamahal! Happy Mother’s Day, We love you po!!!

 

 

Minda Teves – sasabihin ko” alam mo ba ngayon ay araw ng mga INA..pero para sa akin ay lahat ng araw ay Mother’s Day..alam mo ba kung bakit? kasi pag lasing si Tatay at gusto nya kaming bugbugin ay ikaw na lang ang nagpabugbog, pag gutom kami tinuruan mo kaming maglaro para makalimutan ang oras para isang beses na lang kumain sa isang araw, sinabi mo sa aming 9 na anak mo na huwag makialam sa iba, gamitin ang oras sa mabubuting gawain, mapagbigay, mag aral ng mabuti at higit sa lahat ng isang beses sinabi mo sa aming mga anak mo na kung di dahil sa amin ay matagal mo ng iniwan si Tatay…at lalong lalo na noong sinabi ko sa iyo na ” nahihiya ako maglako ng isda” ang sabi mo sa akin na IKINAHIHIYA LANG PAG IKAW AY NAGNAKAW! tagos hanggang buto yong sinabi mo Nay….at napakagandang pakinggan ng lumaki na ako ng sabihin mo sa aki ng harap harapan na “you’re proud of me” kasi napatira ko kayo sa hindi na bahay kubo kundi sa isa ng bungalow..wherever you are Nay..i know that you’re still proud of me..kasi hindi ako nagnakaw kahit ano…..

ay sorry na carried away ako sa aking emotions…hindi ko lang sasabihin kay Nanay na “Happy Mother’s day” kundi ipapasyal ko siya sa luna park, sasakay kami ng ferris wheel at kakain kami ng cotton candy, tapos i treat ko siya ng 1 week sa Boracay then ipamassage ko siya at ipa parlour at iimibitahan ko lahat ng 14 nyang kapatid para mag kantahan kami at pagkatapos magtatanim na ulit kami ng kamote.hays na missed ko tuloy ang palangga kong nanay!

Editha Valderosa Cetro – Thank you for the Unconditional Love given to us!! No words could express my gratitude and feeling to you!! We love you!!!

 

 

 

Jho Ledesma – To my beloved mama guillerma,

Antagal na ng panahon na huli tayong nagkita,ang bonding natin dalawa sa puno ng mga kalamansi habang namimitas tayo ay walang puknat ang ating kuwentohan,sa tuwing naalala ko un Ma,naiyak ako,it was ever the best m0ment in my so called goddam life.Hindi mo lang alam ganu ako nanabik makasama kayo ni papa,pero wala na kasi siya,ikaw na lang naiwan.Maraming panahon na dumaan,ang bunso mong anak na babae kung saan saan na lang napadpad upang humanap ng kapalaran.Maraming pagsubok ang pinagdaanan,nalagpasan ko ang lahat sa tuwing maalala ko ang mga salita mo,

“Ningning,ayaw paghilak,unsa man ang mga pagsuway sa Ginoo,dili na niya ihatag kung dili nimo kaya,isog baya ta duha,wala’y talawan sa ato kaliwat.”

Naalala ko ikaw palagi,sana ma hintayin mo ako,hanggang sa matupad ko lahat ng mga pangarap ko para sa inyo ng mga kapatid ko.
Mahal na mahal ko ikaw ma,pinalangga kaayo.

Meneses Ching – Happy Mother’s Nay..Nakakamiss although 2001 pa namatay ang inay namin lagi namin syang naaalala …

Areej Amor –  Straight from her eyes while holding her hands i will tell my mom that i love her so much and thank you for everything. Without her Im nothing in this world , she’s the one who completed me as a g0od human being. After that i will gve her a fresh bunches of flowers, a tight hug and a never lasting kiss…happy mothers day Inah ko!!!

Mom, matagal man tayong di nagkasama, pero ni minsan pinadama mo sa akin na malayo ako. You were always there sa lahat ng problema ko. Maraming salamat. I love you so much

Meggie Tiberio –  Hindi ko maalala kung kilan ako naka pag sabi sayo na salamat sa lahat at sa wlang sawang pagiintindi skin at sa pagmamahal na wlang humpay!!.salamat ma,at Mahal na Mahal kita…

 

 

Julianito Gregorio – Sa dami ng nabasa ko dito sa internet na pagbati sa mga Ina sa buong mundo ay taLagang di maikakaiLa na iba ang pagmamahaL na ibinibigay ng mga Ina sa kaniLang mga anak, pero sana kahit di Mother’s day ay ipadama natin sa ating Ina na kung ano ang ginagawa niLang hirap at pagmamahaL mapaLaki Lang tayo ng tama ay ganoon din ang gawin natin sa araw-araw na buhay..huwag nating hintayin pang mawaLa siLa bago natin sambitin ang katagang “I Love You”… mahaLin natin siLa hindi Lang tuwing Mothers day kundi sa bawat segundo, minuto at oras..